Share

Kabanata 38: Hope

Penulis: Quen_Vhea
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-03 23:41:07

Xiana’s POV

Kinabukasan, maaga akong nagising—pero hindi dahil kay Samara. Sa totoo lang, mas mahimbing pa nga ang tulog niya ngayon. Ako lang itong balisa.

Nasa gilid pa rin ng kama ang notebook na iniabot ni Gunter kagabi. Hindi ko na ito isinara matapos basahin ang huling pahina. Para bang sa bawat sulok ng pahinang iyon, naroon pa rin ang mga salitang hindi niya nasabi sa akin noon. Mga salitang huli na ang dating, pero hindi ko rin kayang itapon.

Bumangon ako, kinuha ang notebook, at bumaba papunta sa kusina. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa sala. Habang nagtitimpla ako ng kape, bumalik sa isip ko ang yakap niya—‘yung yakap na hindi nagpilit, pero ramdam mong totoo.

Gusto ko siyang kamuhian. Dapat nga siguro, galit pa rin ako. Pero hindi ko maitanggi… na sa isang parte ng puso ko, may lungkot kapag iniisip kong baka ito na ang huling beses na makita ko siya.

Napaupo ako sa dining table, notebook sa harap ko, kape sa tabi. Binuklat ko ulit ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 40: What!

    Xiana’s POVTatlong araw matapos mahuli si Lazaro, pero hindi pa rin ako mapalagay. Oo, nasa secure facility siya ngayon, binabantayan ng mga tauhan namin—pero kilala ko siya. Hinding-hindi siya susuko nang ganoon lang.Laging may kasunod.Nasa loob ako ng monitoring room ng safehouse. Ilang screens ang nasa harap ko—may CCTV feed mula sa paligid, satellite images, at live intel reports. Sa isang tabi, si Victor, seryoso ang mukha.“Wala pa rin tayong clear connection sa mga kasabwat niya,” sabi niya, pinindot ang tablet. “Clean ang records ng karamihan. Parang mga ghost agents.”Napahigpit ako ng hawak sa kape ko. “Impossible. Walang ‘ghost’ sa mundo namin. Kung may gumagalaw sa dilim, may bakas ‘yan. We just have to dig deeper.”Bumukas ang pinto. Si Gunter, hawak ang phone. Halatang galing sa tawag.“X, we got a problem,” seryoso niyang sabi. “May leak sa loob.”“Anong leak?” agad kong tanong, alerto na.“Yung location natin… nabisto.”Bago pa ako makagalaw, biglang nag-red alert a

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 39: Ambush

    Xiana’s POVSabado ng umaga, maaliwalas ang langit. Nasa park kami ni Samara—ako, siya, at si Gunter. Parang isang normal na araw lang. Gunter was pushing Samara’s swing habang nakaupo ako sa bench, hawak ang iced coffee at tahimik na pinagmamasdan sila.For a moment, I forgot. I forgot the pain. The past. The war behind our smiles.“Higher, Daddy!” sigaw ni Samara, tuwang-tuwa. “Hold tight, bunny girl!” sagot ni Gunter, habang tinutulak pa ulit ang swing. His laugh echoed, soft and rare.Pero isang bagay ang hindi ko kailanman nakakalimutan: ang mga mata ng paligid. Trained pa rin ang instinct ko—paggalaw ng anino, direksyon ng hangin, at bawat pamilyar pero kahina-hinalang presensya.At hindi ako nagkamali.Paglingon ko sa kabilang kalsada, may itim na sasakyan na huminto. Malinis. Tinted windows. Walang plate number.“Gunter!” sigaw ko, tumayo agad. Pero huli na.RATATATAT! Bumukas ang bintana ng sasakyan at sabay-sabay ang putok ng mga baril.“DOWN!” sigaw ni Gunter, tinakpan ag

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 38: Hope

    Xiana’s POVKinabukasan, maaga akong nagising—pero hindi dahil kay Samara. Sa totoo lang, mas mahimbing pa nga ang tulog niya ngayon. Ako lang itong balisa.Nasa gilid pa rin ng kama ang notebook na iniabot ni Gunter kagabi. Hindi ko na ito isinara matapos basahin ang huling pahina. Para bang sa bawat sulok ng pahinang iyon, naroon pa rin ang mga salitang hindi niya nasabi sa akin noon. Mga salitang huli na ang dating, pero hindi ko rin kayang itapon.Bumangon ako, kinuha ang notebook, at bumaba papunta sa kusina. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa sala. Habang nagtitimpla ako ng kape, bumalik sa isip ko ang yakap niya—‘yung yakap na hindi nagpilit, pero ramdam mong totoo.Gusto ko siyang kamuhian. Dapat nga siguro, galit pa rin ako. Pero hindi ko maitanggi… na sa isang parte ng puso ko, may lungkot kapag iniisip kong baka ito na ang huling beses na makita ko siya.Napaupo ako sa dining table, notebook sa harap ko, kape sa tabi. Binuklat ko ulit ang

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 27: Between the Silence

    Xiana’s POVNasa kusina ako, nagtitimpla ng gatas ni Samara nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa orasan—alas-singko pa lang ng hapon. Wala akong inaasahang bisita.Nilapag ko ang bote at marahang tinungo ang pinto. Sumilip muna ako sa maliit na butas. At halos mapaatras ako nang makita kung sino.Si Gunter.Bago pa man ako makapagsara, kumatok siya muli. Hindi malakas, pero sapat para mapahinga ako nang malalim at piliting harapin siya.Pagbukas ko, nakatayo siya roon—bitbit ang stuffed bunny ni Samara at isang maliit na paper bag. “Hi,” mahina niyang bati.“Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong.He looked at me with those soft, apologetic eyes. “I’m not here to take anything from you, Xiana,” he said, handing me the bunny. “She left this in the car last time. I thought she might look for it.”Tinanggap ko iyon kahit na ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa kanya. “Thank you,” maiksi kong sagot.“Can we talk? Just for a minute,” he asked gently.“Walang Samara n

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 26: Stop!

    Xiana’s POV I’m just closing my eyes, feeling his kisses, then bigla kong naalala lahat ng ginawa niya sa akin noon kaya marahan ko siyang tinulak. “What’s wrong, Xiana?” he asked. Hindi ko na siya nasagot dahil nagmamadali akong umalis sa kwarto kung saan kami naghalikan. Pumunta na lang ako sa kabilang kwarto kung saan natutulog ang anak namin. “Is this right?” naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Umupo ako sa tabi ng kama. Tahimik kong pinagmamasdan ang mahinhing paghinga ng anak namin. Walang kamalay-malay sa magulong damdaming nararamdaman ng nanay niya. “Bakit ngayon pa?” bulong ko sa hangin. “Bakit kailangang guluhin mo na naman ang puso ko?” Napapikit ako, pilit pinipigil ang luhang gustong tumulo. Akala ko tapos na ‘to. Akala ko kaya ko na siyang harapin nang walang sakit. Pero bakit ganito? Isang halik lang… isang titig… bumabalik ang lahat. Naramdaman kong bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lingunin para malaman kung sino iyon. Mabigat ang bawat hakbang

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 35: Do you love Me?

    Xiana’s POVAng gabi ay nakabalot ng tahimik na lamig ng isla, ang hangin ay humuhulog mula sa mga bundok at naglalaro sa aking buhok. Nasa maliit na veranda kami, ang malamlam na ilaw ng mga kandila ay nagbigay liwanag sa mga mukha namin. May mga baso ng alak sa mesa, at alam kong mas marami na akong nainom kaysa sa dapat. Ngunit sa gabing ito, hindi ko na kayang pigilin ang lahat ng nararamdaman ko.Si Gunter ay tahimik lang sa tabi ko, hindi kasing lasing gaya ko, ngunit sapat na ang alak para maramdaman ko ang pagkakaroon ng mas malapit na koneksyon. Ang mga mata niyang tumingin sa akin ay may iba't ibang kulay—ang pagkakasabi ng mga salitang hindi nasabi, ang lihim na hinahanap ko sa kanyang mga mata.Bumuntong-hininga ako, ang mga alon ng alak ay nagdudulot ng init sa aking katawan, ngunit mas nangingibabaw ang init na nagmumula sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko natagpuan ang aking sarili sa sitwasyong ito. Hindi ko alam kung bakit ako nagpasya na umupo dito, mag-isa, kasa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status