Xiana’s POV
“A-ano ba Gunter,” nauutal na sabi ko sa kanya, hindi parin ako maka move on sa ginawa niyang paghalik sa akin kanina sa ilalim ng treehouse. Ngayon naman ay hinihila niya ako pabalik sa loob ng bahay namin.
“Bitiwan mo ako! Ang desisyon ko ay final na, ayaw kong magpakasal sa 'yo,” sabi ko sa kanya. Napahinto naman siya at lumingon sa akin, bakas sa mukha niya na malapit na siyang mairita. Malakas kong hinila ang kamay ko, at sa wakas, nakawala rin ako sa kanya.
“You responded to my kiss, Xiana, and that’s final. Wala ka nang magagawa kundi sumunod sa gusto ng mga magulang mo,” sabi ni Gunter sa akin habang patuloy niyang hinihila ang kamay ko. Gusto kong kumawala, pero malas ko dahil napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin.
“Why don’t you marry Analize, Gunter? Hindi ba siya ang kasintahan mo! Huwag mo akong idamay sa gulong ito. Ayaw ko pang magpakasal at matali sa 'yo,” sabi ko sa kanya, dahilan upang mapatigil siya.
“Yeah, she is… pero matagal na kaming hiwalay,” malumanay niyang sabi sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya ngayon. Siguro ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Analize.
Ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad. Hindi na ako umangal dahil alam kong, ayaw ko man o hindi, mangyayari pa rin ang kasalang iyon.
‘Gusto kita, Gunter, kaya masaya ako na ikakasal tayo. Sana ikaw rin, kahit kaunting saya, mayroon,’ sabi ko sa aking isipan habang tinatahak namin ang daan patungo sa hapag, kung saan naroon sina Kuya at ang aking mga magulang.
“Anak, Xiana, I’m sorry. Hindi ko nasabi sa'yo nang mas maaga. Matagal na ang kasunduang ito na ginawa namin ni Jostavo Jones, ang ama ni Gunter. I’m sorry, princess,” malungkot na sabi sa akin ni Dad. Lumapit na lang ako sa kanya at niyakap siya.
“It’s okay, Dad. Nag-usap na rin kami ni Gunter tungkol doon, at pumapayag na po ako,” sabi ko sa kanya at ngumiti. Hindi naman halata sa ngiti ko na sobrang saya ko. Napatingin na lang ako kay Gunter, na kasalukuyang kausap si Kuya.
“Alagaan mo yang kapatid ko, Jones, kung hindi, alam mo na ang mangyayari,” sabi ni Kuya kay Gunter. Alam ko naman na kahit nag-aaway kami ni Kuya minsan, may care pa rin siya.
“Xiana, congrats sa nalalapit na kasal mo,” malambing na sabi ni Ate Leonora sa akin at niyakap ako. Sila lang ni Kuya ang nandoon ngayon, wala ang kambal at ang nag-iisa nilang prinsesa.
“Thank you, Ate. Bakit hindi ninyo sinama ang mga pamangkin ko?” sabi ko sa kanya at may pa-simangot pa. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Siyempre, close ako sa mga pamangkin ko kaya gusto ko silang andito.
“Nagpa-iwan kasi, gusto daw bantayan ang baby girl nila, hahaha. Alam mo naman yung dalawa na ‘yon, hindi maiwan-iwan ang kapatid na babae,” sabi ni Ate Leonora sa akin. Habang nag-uusap kami, nararamdaman ko na may nakatingin sa akin, kaya nilingon ko iyon.
Nakita ko si Gunter na nakatingin sa akin, kaya napaiwas ako agad dahil sa mga titig niya na iyon, natutunaw ako. May nakakalokong ngiti si Ate nang mapansin niya na namumula ang pisngi ko. “Alam mo, ganyan ako sa kuya mo noon,” sabi pa niya sa akin.
“Nako, Ate, mainit lang talaga,” pagsisinungaling ko pa sa kanya. Tumawa naman siya, alam niya siguro na nagsisinungaling ako. “Hay nako, Xiana, tatagal, mawawala rin ‘yan, at magiging totoo ka sa nararamdaman mo sa kanya,” sabi niya pa sa akin bago siya umalis dahil may tumatawag sa kanya.
Natapos na ang kwentuhan at dinner, nandito ako ngayon sa labas, nakaupo lang sa bench sa harap ng bahay. Dito rin pala natulog si Gunter sa bahay, sanay na ako. Parang anak na rin nila si Gunter, kaya ganon.
Habang nakatingin ako sa mga ulap, may umupo sa gilid ko. Paglingon ko, si Mom pala. "Hey, princess, bakit hindi ka pa natutulog?" malambing niyang sabi sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at yumakap.
"Nothing, Mom. Hindi lang ako makatulog. Alam mo naman ako, pag marami akong iniisip, hindi makatulog," sabi ko sa kanya, habang hinahaplos niya lang ang buhok ko. "Are you okay, anak? Hindi ka ba napipilitan sa kasal ninyo ni Gunter?" aniya sa akin.
"Mom, naguguluhan ako ngayon. May part sa akin na nagustuhan ko, pero may part din na hindi. Siguro dahil matagal ko na siyang gusto, kaya I'm happy," sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Alam ko na yan, anak, matagal na. The way you look at him, yun yung look na binibigay ko sa dad mo noon hanggang ngayon. Ang baby ko, dalaga na," sabi niya habang kinikiliti ako sa tagiliran. Wala akong magawa kundi tumawa ng tumawa dahil sa ginagawa niya.
Hindi nagtagal ang pag-uusap namin ni Mom at umakyat na siya sa taas dahil inaatake naraw siya, kaya naiwan nanaman akong mag-isa sa labas. "Kaya mo 'to, Xiana. Paano, pat'long isa kang Secret Agent slash Assassin, hindi ba?" sabi ko na lang.
May bulalakaw na dumaan kaya pumikit ako para humiling. Hindi ko man lang napansin na may tumabi na pala sa akin habang umuupo. Nagulat na lang ako dahil pagmulat ng mata ko, nasa harap ko na si Gunter. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.
Napa-angat ako ng tingin at nagulat sa sobrang lapit ni Gunter. Ang mga mata niya, malalim, parang may gustong sabihin pero hindi na lang niya sinasabi. "Gunter," nahihirapan kong nasabi, "B-bakit mo ako nilapitan?"
Tinutok niya ang mga mata sa akin, hindi bumibitaw. "Xiana," sabi niya, malalim ang boses, "huwag mong gawing mahirap ang lahat. Alam ko ang nararamdaman mo."
Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, ngunit sa kabila ng kalituhan, may nararamdaman akong hindi ko maintindihan.
Magsasalita na sana si Gunter nang may biglang nagpapotok ng baril. Pagtingin ko, isang sniper iyon na nasa katapat na bahay lang. “G-Gunter, ano ba? Bitawan mo nga ako, kaya ko ang sarili ko,” sabi ko sa kanya.
Nagising si Dad at Mom dahil sa putok na iyon. Sunod-sunod na ang putok sa labas, kaya kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Milisa Suan para mag-request ng backup. Samantalang si Dad naman ay sinisiguradong ligtas si Mom.
Tinawagan ko naman si Kuya, at ilang ring lang ay sumagot agad ito. "Kuya, may mga kalaban na umaatake dito sa bahay. Nagre-request ng backup ASAP," sabi ko. Umakyat naman ako sa taas para kunin ang Fedorov Avtomat kong baril.
Nagulat pa nga si Gunter nang makita akong hawak ang baril, siguro nakakalimutan niya na anak ako ng Mafia Big Boss. Nagpalitan kami ng putok sa kalaban, at hindi nagtagal, dumating na rin ang backup namin.
Xiana’s POVTatlong araw matapos mahuli si Lazaro, pero hindi pa rin ako mapalagay. Oo, nasa secure facility siya ngayon, binabantayan ng mga tauhan namin—pero kilala ko siya. Hinding-hindi siya susuko nang ganoon lang.Laging may kasunod.Nasa loob ako ng monitoring room ng safehouse. Ilang screens ang nasa harap ko—may CCTV feed mula sa paligid, satellite images, at live intel reports. Sa isang tabi, si Victor, seryoso ang mukha.“Wala pa rin tayong clear connection sa mga kasabwat niya,” sabi niya, pinindot ang tablet. “Clean ang records ng karamihan. Parang mga ghost agents.”Napahigpit ako ng hawak sa kape ko. “Impossible. Walang ‘ghost’ sa mundo namin. Kung may gumagalaw sa dilim, may bakas ‘yan. We just have to dig deeper.”Bumukas ang pinto. Si Gunter, hawak ang phone. Halatang galing sa tawag.“X, we got a problem,” seryoso niyang sabi. “May leak sa loob.”“Anong leak?” agad kong tanong, alerto na.“Yung location natin… nabisto.”Bago pa ako makagalaw, biglang nag-red alert a
Xiana’s POVSabado ng umaga, maaliwalas ang langit. Nasa park kami ni Samara—ako, siya, at si Gunter. Parang isang normal na araw lang. Gunter was pushing Samara’s swing habang nakaupo ako sa bench, hawak ang iced coffee at tahimik na pinagmamasdan sila.For a moment, I forgot. I forgot the pain. The past. The war behind our smiles.“Higher, Daddy!” sigaw ni Samara, tuwang-tuwa. “Hold tight, bunny girl!” sagot ni Gunter, habang tinutulak pa ulit ang swing. His laugh echoed, soft and rare.Pero isang bagay ang hindi ko kailanman nakakalimutan: ang mga mata ng paligid. Trained pa rin ang instinct ko—paggalaw ng anino, direksyon ng hangin, at bawat pamilyar pero kahina-hinalang presensya.At hindi ako nagkamali.Paglingon ko sa kabilang kalsada, may itim na sasakyan na huminto. Malinis. Tinted windows. Walang plate number.“Gunter!” sigaw ko, tumayo agad. Pero huli na.RATATATAT! Bumukas ang bintana ng sasakyan at sabay-sabay ang putok ng mga baril.“DOWN!” sigaw ni Gunter, tinakpan ag
Xiana’s POVKinabukasan, maaga akong nagising—pero hindi dahil kay Samara. Sa totoo lang, mas mahimbing pa nga ang tulog niya ngayon. Ako lang itong balisa.Nasa gilid pa rin ng kama ang notebook na iniabot ni Gunter kagabi. Hindi ko na ito isinara matapos basahin ang huling pahina. Para bang sa bawat sulok ng pahinang iyon, naroon pa rin ang mga salitang hindi niya nasabi sa akin noon. Mga salitang huli na ang dating, pero hindi ko rin kayang itapon.Bumangon ako, kinuha ang notebook, at bumaba papunta sa kusina. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa sala. Habang nagtitimpla ako ng kape, bumalik sa isip ko ang yakap niya—‘yung yakap na hindi nagpilit, pero ramdam mong totoo.Gusto ko siyang kamuhian. Dapat nga siguro, galit pa rin ako. Pero hindi ko maitanggi… na sa isang parte ng puso ko, may lungkot kapag iniisip kong baka ito na ang huling beses na makita ko siya.Napaupo ako sa dining table, notebook sa harap ko, kape sa tabi. Binuklat ko ulit ang
Xiana’s POVNasa kusina ako, nagtitimpla ng gatas ni Samara nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa orasan—alas-singko pa lang ng hapon. Wala akong inaasahang bisita.Nilapag ko ang bote at marahang tinungo ang pinto. Sumilip muna ako sa maliit na butas. At halos mapaatras ako nang makita kung sino.Si Gunter.Bago pa man ako makapagsara, kumatok siya muli. Hindi malakas, pero sapat para mapahinga ako nang malalim at piliting harapin siya.Pagbukas ko, nakatayo siya roon—bitbit ang stuffed bunny ni Samara at isang maliit na paper bag. “Hi,” mahina niyang bati.“Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong.He looked at me with those soft, apologetic eyes. “I’m not here to take anything from you, Xiana,” he said, handing me the bunny. “She left this in the car last time. I thought she might look for it.”Tinanggap ko iyon kahit na ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa kanya. “Thank you,” maiksi kong sagot.“Can we talk? Just for a minute,” he asked gently.“Walang Samara n
Xiana’s POV I’m just closing my eyes, feeling his kisses, then bigla kong naalala lahat ng ginawa niya sa akin noon kaya marahan ko siyang tinulak. “What’s wrong, Xiana?” he asked. Hindi ko na siya nasagot dahil nagmamadali akong umalis sa kwarto kung saan kami naghalikan. Pumunta na lang ako sa kabilang kwarto kung saan natutulog ang anak namin. “Is this right?” naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Umupo ako sa tabi ng kama. Tahimik kong pinagmamasdan ang mahinhing paghinga ng anak namin. Walang kamalay-malay sa magulong damdaming nararamdaman ng nanay niya. “Bakit ngayon pa?” bulong ko sa hangin. “Bakit kailangang guluhin mo na naman ang puso ko?” Napapikit ako, pilit pinipigil ang luhang gustong tumulo. Akala ko tapos na ‘to. Akala ko kaya ko na siyang harapin nang walang sakit. Pero bakit ganito? Isang halik lang… isang titig… bumabalik ang lahat. Naramdaman kong bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lingunin para malaman kung sino iyon. Mabigat ang bawat hakbang
Xiana’s POVAng gabi ay nakabalot ng tahimik na lamig ng isla, ang hangin ay humuhulog mula sa mga bundok at naglalaro sa aking buhok. Nasa maliit na veranda kami, ang malamlam na ilaw ng mga kandila ay nagbigay liwanag sa mga mukha namin. May mga baso ng alak sa mesa, at alam kong mas marami na akong nainom kaysa sa dapat. Ngunit sa gabing ito, hindi ko na kayang pigilin ang lahat ng nararamdaman ko.Si Gunter ay tahimik lang sa tabi ko, hindi kasing lasing gaya ko, ngunit sapat na ang alak para maramdaman ko ang pagkakaroon ng mas malapit na koneksyon. Ang mga mata niyang tumingin sa akin ay may iba't ibang kulay—ang pagkakasabi ng mga salitang hindi nasabi, ang lihim na hinahanap ko sa kanyang mga mata.Bumuntong-hininga ako, ang mga alon ng alak ay nagdudulot ng init sa aking katawan, ngunit mas nangingibabaw ang init na nagmumula sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko natagpuan ang aking sarili sa sitwasyong ito. Hindi ko alam kung bakit ako nagpasya na umupo dito, mag-isa, kasa