Share

Kabanata 3: A Kiss

Author: Quen_Vhea
last update Last Updated: 2025-02-06 22:13:18

Xiana’s POV

“Kuya, nasaan sila?” tanong ko kay Kuya.

Buti na lang at walang nasaktan. Kung may mangyari kay Mommy, hindi talaga ako magdadalawang-isip na patayin sila.

“Nasa basement ng Headquarters. Si Gio ang bahalang humawak sa kanila,” seryoso niyang sabi sa akin.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Umalis naman siya nang tumawag si Ate Leonora.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong nakatingin pa rin sa akin si Gunter.

“So, marunong ka palang bumaril,” kalmado niyang sabi sa akin habang hindi pa rin ako tinitingnan.

Tumango lang ako sa kanya. Wala naman akong dapat sabihin—alam ko namang hindi rin siya interesado sa akin.

“Princess, magpahinga ka na,” sabi ni Dad. Ngumiti lang ako at naglakad papunta sa kwarto ko.

Habang paakyat ako, hindi ko napansin na nakasunod na pala sa akin si Gunter. Kaya nang lumingon ako, muntik na akong matumba dahil sa presensya niya.

"G-Gunter, anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sa kanya. Napansin kong nakatingin siya sa mga labi ko, kaya napalunok na lang ako. Lord, huwag naman sana niya akong halikan ulit—baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"I want to kiss you," sabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding pagnanais na halikan ako—o baka naman mali lang ang iniisip ko.

"H-Huh? Huwag mo nga akong pinagti-trip-an, Gunter," kinakabahan kong sabi habang iniiwasan ang tingin niya.

Napaatras ako nang bahagya, pero bago pa ako makalayo, mabilis niyang hinawakan ang aking pulso. Ramdam ko ang init ng kanyang palad, dahilan para lalo akong kabahan.

"Hindi ako nagbibiro, Xiana," mahina ngunit matigas ang tono ng kanyang boses.

Napalunok ako at pilit na hinila ang kamay ko mula sa hawak niya, pero hindi siya bumitaw.

"G-Gunter, ano bang problema mo?" mahina kong tanong, pilit na itinatago ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Dahan-dahan siyang lumapit, at ngayon ay ramdam ko na ang init ng hininga niya sa aking balat.

"Ikaw," sagot niya nang hindi nag-aalinlangan. "Ikaw ang problema ko, Xiana. Bakit hindi kita matanggal sa isip ko?"

Parang bigla akong nawalan ng boses. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung paano ko siya iiwasan.

Bago pa ako makasagot, inilapit niya ang mukha niya sa akin, at sa isang iglap, naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Hinalikan niya ako.

At ang mas ikinabigla ko—hindi ko siya tinulak.

Para akong natulala. Ramdam ko ang init ng kanyang labi sa akin, at kahit gusto kong itulak siya, parang nanigas ang buong katawan ko.

Dahan-dahan siyang kumalas, pero nanatiling malapit ang mukha niya sa akin. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko, parang naghihintay ng reaksyon.

"Ba-Bakit mo 'yun ginawa?" mahina kong tanong, pilit na iniiwas ang tingin ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Sa halip, hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang kanyang daliri, dahilan para mapapikit ako sa kakaibang init na dulot ng simpleng galaw niya.

"Because I wanted to," mahinang sabi niya, may bahagyang pagkapit pa rin sa aking pulso.

Kumakabog ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, sa gulat, o sa isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan.

Napamura ako sa isip. ‘Damn it, Xiana! Hindi ka dapat nadadala sa ganito!’

Nagpumiglas ako mula sa hawak niya, at sa wakas, binitiwan niya ako. Agad akong tumalikod at mabilis na pumasok sa kwarto ko, isinara ang pinto, at sumandal dito, pilit na pinapakalma ang sarili.

Hawak ko pa rin ang labi ko, hindi makapaniwalang hinayaan kong mangyari 'yun.

Napapikit ako at pilit na pinakalma ang magulong isip ko. “Damn it! Bakit ko hinayaang mangyari ‘yon?” nasabi ko nalang bigla.

Napailing ako at mabilis na tinungo ang kama. Inilubog ko ang mukha sa unan, umaasang kahit papaano ay mawawala ang init na naiwan ng halik ni Gunter. Pero kahit anong gawin ko, parang nakatatak pa rin sa isip ko ang nangyari.

Bigla akong bumangon at sinapo ang noo ko. Hindi pwedeng magpatuloy ‘to. Kailangan kong itapon sa utak ko ang mga nangyari ngayong gabi.

Pero paano kung maulit?

Napakagat-labi ako. Kung babalik siya dito ngayon at gawin ulit ‘yon… ipipikit ko na lang ba ulit ang mga mata ko?

Bago pa ako tuluyang malunod sa iniisip ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"Princess, may problema," seryosong boses ni Kuya ang narinig ko.

Agad akong tumayo. “Ano ‘yon?”

“Nakawala ang isa sa kanila.”

Napasinghap ako. “What!” 

“Tama ang narinig mo. At malaki ang posibilidad na papunta na siya diyan.”

Mabilis akong lumapit sa bintana at sinilip ang labas. Tahimik ang paligid, pero may kung anong hindi magandang pakiramdam ang bumalot sa akin.

"Mag-lock ka ng pinto at bintana. I’ll call dad, para alam nila. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi," utos ni Kuya.

Napalunok ako at tumango kahit hindi niya ako nakikita. “Okay.”

Bago pa ako makasagot ng iba, may mahina akong narinig sa labas ng kwarto ko—parang yapak.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.

Dahan-dahan akong lumingon sa pinto. Grabe ang kaba ko dahil huminto ang mga yapak sa mismong tapat ng kwarto ko.

Nang marinig ko ang boses na iyon, binuksan ko kaagad ang pinto. “Xiana, hey,” sabi ni Gunter. “Gunter, pinakaba mo ako. Akala ko nakapasok na ang isa sa nagbabaril dito kanina,” sabi ko sa kanya, habang hawak-hawak ang dibdib ko. Bigla namang bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina.

“What!” gulat na sabi niya, kaya nagmasid-masid siya kung may kakaiba ba sa paligid. Buti na lang at wala. Gosh, nakakapagod pero hindi ako makatulog dahil sa halik na iyon. Lumingon siya sa akin sabay sabing, “Sige, matulog na ako,” tapos siya na ang umalis.

"Okay," sabi ko na lang, at tiyak ako sinara ang pinto ko at humiga. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Dahil ang huling naalala ko lang ay iniisip ko pa rin ang halik na iyon. Kailan kaya ako makakaulit? Sarap pa naman ng lips niya, parang marshmallow.

Landi ko talaga. Well, may karapatan naman ako kasi future wife ako, kahit na arranged marriage lang ang lahat. One-sided nga lang, mahal ko siya, pero hindi niya ako mahal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 40: What!

    Xiana’s POVTatlong araw matapos mahuli si Lazaro, pero hindi pa rin ako mapalagay. Oo, nasa secure facility siya ngayon, binabantayan ng mga tauhan namin—pero kilala ko siya. Hinding-hindi siya susuko nang ganoon lang.Laging may kasunod.Nasa loob ako ng monitoring room ng safehouse. Ilang screens ang nasa harap ko—may CCTV feed mula sa paligid, satellite images, at live intel reports. Sa isang tabi, si Victor, seryoso ang mukha.“Wala pa rin tayong clear connection sa mga kasabwat niya,” sabi niya, pinindot ang tablet. “Clean ang records ng karamihan. Parang mga ghost agents.”Napahigpit ako ng hawak sa kape ko. “Impossible. Walang ‘ghost’ sa mundo namin. Kung may gumagalaw sa dilim, may bakas ‘yan. We just have to dig deeper.”Bumukas ang pinto. Si Gunter, hawak ang phone. Halatang galing sa tawag.“X, we got a problem,” seryoso niyang sabi. “May leak sa loob.”“Anong leak?” agad kong tanong, alerto na.“Yung location natin… nabisto.”Bago pa ako makagalaw, biglang nag-red alert a

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 39: Ambush

    Xiana’s POVSabado ng umaga, maaliwalas ang langit. Nasa park kami ni Samara—ako, siya, at si Gunter. Parang isang normal na araw lang. Gunter was pushing Samara’s swing habang nakaupo ako sa bench, hawak ang iced coffee at tahimik na pinagmamasdan sila.For a moment, I forgot. I forgot the pain. The past. The war behind our smiles.“Higher, Daddy!” sigaw ni Samara, tuwang-tuwa. “Hold tight, bunny girl!” sagot ni Gunter, habang tinutulak pa ulit ang swing. His laugh echoed, soft and rare.Pero isang bagay ang hindi ko kailanman nakakalimutan: ang mga mata ng paligid. Trained pa rin ang instinct ko—paggalaw ng anino, direksyon ng hangin, at bawat pamilyar pero kahina-hinalang presensya.At hindi ako nagkamali.Paglingon ko sa kabilang kalsada, may itim na sasakyan na huminto. Malinis. Tinted windows. Walang plate number.“Gunter!” sigaw ko, tumayo agad. Pero huli na.RATATATAT! Bumukas ang bintana ng sasakyan at sabay-sabay ang putok ng mga baril.“DOWN!” sigaw ni Gunter, tinakpan ag

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 38: Hope

    Xiana’s POVKinabukasan, maaga akong nagising—pero hindi dahil kay Samara. Sa totoo lang, mas mahimbing pa nga ang tulog niya ngayon. Ako lang itong balisa.Nasa gilid pa rin ng kama ang notebook na iniabot ni Gunter kagabi. Hindi ko na ito isinara matapos basahin ang huling pahina. Para bang sa bawat sulok ng pahinang iyon, naroon pa rin ang mga salitang hindi niya nasabi sa akin noon. Mga salitang huli na ang dating, pero hindi ko rin kayang itapon.Bumangon ako, kinuha ang notebook, at bumaba papunta sa kusina. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa sala. Habang nagtitimpla ako ng kape, bumalik sa isip ko ang yakap niya—‘yung yakap na hindi nagpilit, pero ramdam mong totoo.Gusto ko siyang kamuhian. Dapat nga siguro, galit pa rin ako. Pero hindi ko maitanggi… na sa isang parte ng puso ko, may lungkot kapag iniisip kong baka ito na ang huling beses na makita ko siya.Napaupo ako sa dining table, notebook sa harap ko, kape sa tabi. Binuklat ko ulit ang

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 27: Between the Silence

    Xiana’s POVNasa kusina ako, nagtitimpla ng gatas ni Samara nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa orasan—alas-singko pa lang ng hapon. Wala akong inaasahang bisita.Nilapag ko ang bote at marahang tinungo ang pinto. Sumilip muna ako sa maliit na butas. At halos mapaatras ako nang makita kung sino.Si Gunter.Bago pa man ako makapagsara, kumatok siya muli. Hindi malakas, pero sapat para mapahinga ako nang malalim at piliting harapin siya.Pagbukas ko, nakatayo siya roon—bitbit ang stuffed bunny ni Samara at isang maliit na paper bag. “Hi,” mahina niyang bati.“Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong.He looked at me with those soft, apologetic eyes. “I’m not here to take anything from you, Xiana,” he said, handing me the bunny. “She left this in the car last time. I thought she might look for it.”Tinanggap ko iyon kahit na ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa kanya. “Thank you,” maiksi kong sagot.“Can we talk? Just for a minute,” he asked gently.“Walang Samara n

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 26: Stop!

    Xiana’s POV I’m just closing my eyes, feeling his kisses, then bigla kong naalala lahat ng ginawa niya sa akin noon kaya marahan ko siyang tinulak. “What’s wrong, Xiana?” he asked. Hindi ko na siya nasagot dahil nagmamadali akong umalis sa kwarto kung saan kami naghalikan. Pumunta na lang ako sa kabilang kwarto kung saan natutulog ang anak namin. “Is this right?” naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Umupo ako sa tabi ng kama. Tahimik kong pinagmamasdan ang mahinhing paghinga ng anak namin. Walang kamalay-malay sa magulong damdaming nararamdaman ng nanay niya. “Bakit ngayon pa?” bulong ko sa hangin. “Bakit kailangang guluhin mo na naman ang puso ko?” Napapikit ako, pilit pinipigil ang luhang gustong tumulo. Akala ko tapos na ‘to. Akala ko kaya ko na siyang harapin nang walang sakit. Pero bakit ganito? Isang halik lang… isang titig… bumabalik ang lahat. Naramdaman kong bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lingunin para malaman kung sino iyon. Mabigat ang bawat hakbang

  • Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife   Kabanata 35: Do you love Me?

    Xiana’s POVAng gabi ay nakabalot ng tahimik na lamig ng isla, ang hangin ay humuhulog mula sa mga bundok at naglalaro sa aking buhok. Nasa maliit na veranda kami, ang malamlam na ilaw ng mga kandila ay nagbigay liwanag sa mga mukha namin. May mga baso ng alak sa mesa, at alam kong mas marami na akong nainom kaysa sa dapat. Ngunit sa gabing ito, hindi ko na kayang pigilin ang lahat ng nararamdaman ko.Si Gunter ay tahimik lang sa tabi ko, hindi kasing lasing gaya ko, ngunit sapat na ang alak para maramdaman ko ang pagkakaroon ng mas malapit na koneksyon. Ang mga mata niyang tumingin sa akin ay may iba't ibang kulay—ang pagkakasabi ng mga salitang hindi nasabi, ang lihim na hinahanap ko sa kanyang mga mata.Bumuntong-hininga ako, ang mga alon ng alak ay nagdudulot ng init sa aking katawan, ngunit mas nangingibabaw ang init na nagmumula sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko natagpuan ang aking sarili sa sitwasyong ito. Hindi ko alam kung bakit ako nagpasya na umupo dito, mag-isa, kasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status