Xiana’s POV
Flashback
"Kuya, may bobo ako," sabi ko habang umiiyak at tinatawag si Kuya. Naglalaro na naman siya kasama si Gunter. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong tawagin siyang 'Kuya' rin. Siguro kasi gusto ko siya.
Habang ginagamot ni Kuya ang sugat ko, lumapit si Gunter sa amin, hawak ang bola.
"Xiana, okay ka lang?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya at tumayo. Nilahad naman niya ang kamay niya upang alalayan ako sa pagtayo.
Habang pinapagpagan niya ang dress ko, napangiti na lang ako at saka sinabi ang mga katagang hindi ko makakalimutan hanggang sa tumanda ako.
"Gunter, I want to marry you when I grow up. Hehehehe," sabi ko habang nakabungisngis matapos itong sabihin.
"NO!" sigaw niya sabay tulak sa akin, tapos biglang tumakbo papunta sa mommy niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila, pero itinuro niya ako.
Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at pinapag ulit ang damit ko.
End of Flashback
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Napatitig ako sa kawalan at biglang naalala ang panaginip ko kanina.
Napangiti ako—sino ang mag-aakalang nasabi ko pala iyon noong tatlong taong gulang pa lang ako? At least, matutupad ang pangarap kong mapangasawa si Gunter.
"Anak, are you awake already?" tanong ni Mom habang nakadungaw siya sa pintuan.
"Good morning, Mom," sagot ko. Lumapit naman siya sa akin at naupo sa kama ko.
"Bakit mo kasi ininom yung poppers, baby? Para sa amin ‘yon ng daddy mo," sabi niya sa akin, kaya napangiwi ako.
‘What the hell, seryoso? Gumaganon sila, karindi!’sabi ko na lang sa isip ko.
"Hahahaha! I know what you're thinking, Xiana. Gano'n lang talaga kami ng Dad mo. Eh ikaw, may nangyari ba sa inyo ni Gunter?" tanong niya sa akin.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang ginawa kong paghalik kay Gunter.
Hindi ko maiwasang mamula nang maisip ko iyon. Binigyan naman ako ni Mom ng nakakalokong ngiti.
"N-Nothing, Mom. W-Walang nangyari, okay," nauutal kong sabi sa kanya. Hindi ko man lang siya magawang tingnan sa mata habang namumula pa rin ako.
"If you say so, anak. Anyway, breakfast is ready. Bumaba ka na, we'll wait for you," sabi niya sa akin.
Tumango lang ako bago siya umalis sa kwarto ko. Muli akong napatingin mag-isa sa pintuan, iniisip kung lalabas ba ako o hindi.
Napabuntong-hininga ako at pinilig ang ulo ko, pilit na inaalis ang mga iniisip ko tungkol kay Gunter.
"Ugh, Xiana, anong ginagawa mo sa sarili mo?" bulong ko sa sarili ko bago bumangon mula sa kama.
Kailangan ko nang bumaba bago pa ako sunduin ulit ni Mom at mapansin niyang ang tagal ko sa kwarto. Kahit paano, gusto kong maiwasan sila, lalo na si Gunter sana naman wala siya at umalis na.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba patungo sa dining area. Naabutan ko si Dad na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape, at si Mom naman ay abala sa paghahanda ng pagkain.
"Good morning, anak!" bati ni Dad nang mapansin akong pababa ng hagdan.
"Good morning, Dad," sagot ko bago naupo sa upuang nakalaan para sa akin.
"Akala ko hindi ka na bababa, buti naman at nagising ka na," sabi ni Mom habang inilalapag ang isang plato ng pancakes sa harapan ko. Palinga linga naman ako hinahanap ko si Gunter baka biglang dumating.
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapansin ang makahulugang tingin sa akin ni Mom. Sigurado akong may iniisip na naman siyang kalokohan.
"Hinahanap mo siya nuh?" tanong niya bigla, dahilan para muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko.
"M-Mom! Ano ba 'yan? Hindi ko kaya siya hinahanap!" sagot ko agad, pero naramdaman kong namumula na naman ako.
"Talaga lang, ha? Eh bakit namumula ka?" nakangising sagot ni Mom.
Si Dad naman ay tiningnan lang ako sandali at nagkibit-balikat bago muling bumalik sa pagbabasa ng dyaryo. Mukhang wala siyang balak makisali sa usapan namin ni Mom.
"Mom, please, tama na ‘yan. Hindi talaga," sabi ko habang iniiwas ang tingin.
Ngunit bago pa ako tuluyang makaiwas, biglang tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong kinuha at tiningnan ang screen.
Isang message mula kay Gunter.
Napalunok ako at agad na binuksan ang mensahe
"Meet me later. We need to talk." sabi ni ni Gunter
Agad akong kinabahan sa binasa ko.
"We need to talk?" Bakit parang seryoso?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalo akong kakabahan.
"Sorry, I’m busy right now, Gunter," I replied to his message.
Pinatay ko na ang cellphone ko bago pa siya makapag-reply ulit. Kinakabahan ako dahil sa kanya.
Matapos ang breakfast namin nagpaalam ako sa kanila para pumonta sa firm, I have a urgent client sabi ng secretary ko sa akin. Criminal case raw sabi ni Jone Montes ang secretary ko, sino nanaman kaya ito baka fake nanaman nakakainis.
“Goodmornig mo Atty. Asher,” bati sa akin ng guard ng nasa tapat na ako ng pintoan, ngiiti naman ako sa kanya.
“Goodmorning rin mo Mang Ben,” sabi ko sa kanya, binigay ko naman ang susi ng sasakyan ko sa assistant ko si Rover Grump.
Pagpasok ko sa opisina, sinalubong ako ni Milisa. Kita ko sa mukha niya ang bahagyang pag-aalala.
“BestFriend, dumating na ang mga dokumento tungkol sa kaso ni Mr. Kim,” sabi niya habang inaabot sa akin ang isang folder.
Agad ko itong kinuha at binuksan.
"Criminal case ito, tama?" tanong ko habang mabilis na binabasa ang mga dokumento.
“Oo, best. Ayon sa mga ebidensyang hawak natin, si Mr. Kim ay inakusahan ng fraud at money laundering. Malakas ang ebidensya laban sa kanya, pero may duda ako sa ilang detalye,” paliwanag ni Milisa.
Napaisip ako. Si Mr. Kim ay isang kilalang negosyante. Kung may anomalya ngang ginawa siya, siguradong malaki ito.
“Ano ang sinasabi ng prosecutor?” tanong ko.
"For now, they are insisting on keeping him in custody while the investigation continues. A hearing is scheduled in three days for the bail hearing." sagot niya.
Napatango ako. Alam kong magiging mahirap ito, pero hindi ako papayag na basta-basta na lang madiin si Mr. Kim nang walang sapat na ebidensya.
"Ano ang plano natin, bes?" tanong ni Milisa.
"Kailangang makausap ko si Mr. Kim mismo. Gusto kong marinig ang panig niya. Pumunta tayo sa kulungan mamayang hapon," sagot ko.
Tumango siya at agad na inayos ang schedule.
Habang nag-uusap kami, biglang nag-ring ang phone ko. Hindi ko na sana sasagutin, pero nang makita ko ang pangalan ni Gunter sa screen, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Excuse me, Milisa," sabi ko bago ko kinuha ang tawag at tumalikod saglit.
"Xiana, bakit mo pinatay ang phone mo kanina?" malamig ang boses niya sa kabilang linya.
Napalunok ako.
"I was busy, Gunter. May urgent case ako," sagot ko, pilit na nagpapakalma.
Xiana’s POVTatlong araw matapos mahuli si Lazaro, pero hindi pa rin ako mapalagay. Oo, nasa secure facility siya ngayon, binabantayan ng mga tauhan namin—pero kilala ko siya. Hinding-hindi siya susuko nang ganoon lang.Laging may kasunod.Nasa loob ako ng monitoring room ng safehouse. Ilang screens ang nasa harap ko—may CCTV feed mula sa paligid, satellite images, at live intel reports. Sa isang tabi, si Victor, seryoso ang mukha.“Wala pa rin tayong clear connection sa mga kasabwat niya,” sabi niya, pinindot ang tablet. “Clean ang records ng karamihan. Parang mga ghost agents.”Napahigpit ako ng hawak sa kape ko. “Impossible. Walang ‘ghost’ sa mundo namin. Kung may gumagalaw sa dilim, may bakas ‘yan. We just have to dig deeper.”Bumukas ang pinto. Si Gunter, hawak ang phone. Halatang galing sa tawag.“X, we got a problem,” seryoso niyang sabi. “May leak sa loob.”“Anong leak?” agad kong tanong, alerto na.“Yung location natin… nabisto.”Bago pa ako makagalaw, biglang nag-red alert a
Xiana’s POVSabado ng umaga, maaliwalas ang langit. Nasa park kami ni Samara—ako, siya, at si Gunter. Parang isang normal na araw lang. Gunter was pushing Samara’s swing habang nakaupo ako sa bench, hawak ang iced coffee at tahimik na pinagmamasdan sila.For a moment, I forgot. I forgot the pain. The past. The war behind our smiles.“Higher, Daddy!” sigaw ni Samara, tuwang-tuwa. “Hold tight, bunny girl!” sagot ni Gunter, habang tinutulak pa ulit ang swing. His laugh echoed, soft and rare.Pero isang bagay ang hindi ko kailanman nakakalimutan: ang mga mata ng paligid. Trained pa rin ang instinct ko—paggalaw ng anino, direksyon ng hangin, at bawat pamilyar pero kahina-hinalang presensya.At hindi ako nagkamali.Paglingon ko sa kabilang kalsada, may itim na sasakyan na huminto. Malinis. Tinted windows. Walang plate number.“Gunter!” sigaw ko, tumayo agad. Pero huli na.RATATATAT! Bumukas ang bintana ng sasakyan at sabay-sabay ang putok ng mga baril.“DOWN!” sigaw ni Gunter, tinakpan ag
Xiana’s POVKinabukasan, maaga akong nagising—pero hindi dahil kay Samara. Sa totoo lang, mas mahimbing pa nga ang tulog niya ngayon. Ako lang itong balisa.Nasa gilid pa rin ng kama ang notebook na iniabot ni Gunter kagabi. Hindi ko na ito isinara matapos basahin ang huling pahina. Para bang sa bawat sulok ng pahinang iyon, naroon pa rin ang mga salitang hindi niya nasabi sa akin noon. Mga salitang huli na ang dating, pero hindi ko rin kayang itapon.Bumangon ako, kinuha ang notebook, at bumaba papunta sa kusina. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang tik-tak ng wall clock sa sala. Habang nagtitimpla ako ng kape, bumalik sa isip ko ang yakap niya—‘yung yakap na hindi nagpilit, pero ramdam mong totoo.Gusto ko siyang kamuhian. Dapat nga siguro, galit pa rin ako. Pero hindi ko maitanggi… na sa isang parte ng puso ko, may lungkot kapag iniisip kong baka ito na ang huling beses na makita ko siya.Napaupo ako sa dining table, notebook sa harap ko, kape sa tabi. Binuklat ko ulit ang
Xiana’s POVNasa kusina ako, nagtitimpla ng gatas ni Samara nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa orasan—alas-singko pa lang ng hapon. Wala akong inaasahang bisita.Nilapag ko ang bote at marahang tinungo ang pinto. Sumilip muna ako sa maliit na butas. At halos mapaatras ako nang makita kung sino.Si Gunter.Bago pa man ako makapagsara, kumatok siya muli. Hindi malakas, pero sapat para mapahinga ako nang malalim at piliting harapin siya.Pagbukas ko, nakatayo siya roon—bitbit ang stuffed bunny ni Samara at isang maliit na paper bag. “Hi,” mahina niyang bati.“Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong.He looked at me with those soft, apologetic eyes. “I’m not here to take anything from you, Xiana,” he said, handing me the bunny. “She left this in the car last time. I thought she might look for it.”Tinanggap ko iyon kahit na ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa kanya. “Thank you,” maiksi kong sagot.“Can we talk? Just for a minute,” he asked gently.“Walang Samara n
Xiana’s POV I’m just closing my eyes, feeling his kisses, then bigla kong naalala lahat ng ginawa niya sa akin noon kaya marahan ko siyang tinulak. “What’s wrong, Xiana?” he asked. Hindi ko na siya nasagot dahil nagmamadali akong umalis sa kwarto kung saan kami naghalikan. Pumunta na lang ako sa kabilang kwarto kung saan natutulog ang anak namin. “Is this right?” naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Umupo ako sa tabi ng kama. Tahimik kong pinagmamasdan ang mahinhing paghinga ng anak namin. Walang kamalay-malay sa magulong damdaming nararamdaman ng nanay niya. “Bakit ngayon pa?” bulong ko sa hangin. “Bakit kailangang guluhin mo na naman ang puso ko?” Napapikit ako, pilit pinipigil ang luhang gustong tumulo. Akala ko tapos na ‘to. Akala ko kaya ko na siyang harapin nang walang sakit. Pero bakit ganito? Isang halik lang… isang titig… bumabalik ang lahat. Naramdaman kong bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lingunin para malaman kung sino iyon. Mabigat ang bawat hakbang
Xiana’s POVAng gabi ay nakabalot ng tahimik na lamig ng isla, ang hangin ay humuhulog mula sa mga bundok at naglalaro sa aking buhok. Nasa maliit na veranda kami, ang malamlam na ilaw ng mga kandila ay nagbigay liwanag sa mga mukha namin. May mga baso ng alak sa mesa, at alam kong mas marami na akong nainom kaysa sa dapat. Ngunit sa gabing ito, hindi ko na kayang pigilin ang lahat ng nararamdaman ko.Si Gunter ay tahimik lang sa tabi ko, hindi kasing lasing gaya ko, ngunit sapat na ang alak para maramdaman ko ang pagkakaroon ng mas malapit na koneksyon. Ang mga mata niyang tumingin sa akin ay may iba't ibang kulay—ang pagkakasabi ng mga salitang hindi nasabi, ang lihim na hinahanap ko sa kanyang mga mata.Bumuntong-hininga ako, ang mga alon ng alak ay nagdudulot ng init sa aking katawan, ngunit mas nangingibabaw ang init na nagmumula sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko natagpuan ang aking sarili sa sitwasyong ito. Hindi ko alam kung bakit ako nagpasya na umupo dito, mag-isa, kasa