Share

38 - Him

Kaagad kong inilibot sa paligid ang paningin ko para hanapin si Ariella. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga taong nakakasalubong ko kung may nakita silang batang babae na naka-ballet dress pero wala ‘ni isa sa kanila ang nakapansin man lang dito.

Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdam ko. Natatakot akong mapasakamay ng masasamang tao ang Ariella ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Jusko! Bakit ko ba kasi binitawan ang kamay n’ya?

Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil kagagahan ko. Ang tanga-tanga mo, Tabitha.

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Ariella hanggang sa makarating ako sa pangatlong palapag ng mall. Halos kalahating oras na akong naglilibot pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang bakas n’ya. Habang tumatagal ay mas lalo lang tumitindi ang kabang nararamdaman ko.

Paano kung nakalabas na s’ya ng mall? Paano kung may ibang tao na ang nakakuha sa kanya?

Baka takot na takot na sa mga oras na ‘to si Ariella or baka umiiy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status