Share

CHAPTER 5

"Alam mo bes, mag-bar kaya ulit tayo"? Suhestyon ni Joannah habang umiinom ng milktea.

Andito kasi kami sa park at dahil linggo ngayon ay day-off ko.

"Ayoko nga at baka di mo na naman ako siputin," ani ko habang nginunguya ang burger.

Ang sarap talaga ng burger tsaka milktea. Kaya kada araw ng linggo ay tinitreat ko ang aking sarili sa pagkain katulad nito.

"Bes, doon tayo sa FDS Bar," wika pa niya habang kumikinang ang mata.

Ano kaya ang iniimagine ng bruhang 'to?

"Bes, gusto ko makapasok ng high-class na bar at maka-bingwit ng rich hot guy." Para pa siyang kinikilig sa naiisip.

"Ambisyosa ka talaga bes, hindi na tayo makaka-pasok sa bar na 'yon. Eih, hindi ko nga alam na private bar pala 'yon mabuti na lamang at nalingat ko ang bouncer kaya ako nakapasok doon," litanya ko.

"Oo nga, pero may chance pa naman para maka-pasok tayo doon," tila nabuhayan ang kanyang boses sa ideyang pumasok sa isip niya.

"Ano naman?" Tanong ko habang ninanamnam ang sarap ng milktea.

"Iyong tumulong sa'yo," sagot niya.

Bigla ko na naman naalala ang lalaking 'yon.

"Hindi maaari." Taranta kong sagot.

Tila naguluhan naman si Joannah sa reaksyon ko.

"Bes, kailan ko lang naisip na baka pag nag-kita kami balang-araw ay singilin niya ako sa pinang-hotel niya sa'kin," ani ko.

"At pag nag-kataon, ubos ang ipon ko sa mahal ng hotel ma iyon," dagdag ko pa.

Tila hindi naka-imik si Joannah sa sinabi ko. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"Paano pala pag-hindi?" Biglang natanong niya maka-lipas ang ilang segundo.

"Ah siguro pasasalamatan ko nalang ulit siya tsaka ililibre sa cafe," ani ko na parang hindi sigurado.

"Bes, ipakilala mo siya sa'kin kapag nag-kita kayo hah," hiling niya na parang bata.

Napatawa naman ako.

"Hindi pa nga natin sigurado kung mag-kikita ba kami ulit. Kung mag-kita kami ay okay at kapag hindi ay okay lang din."

***

Lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan, nagulat na lamang ako isang hapon nang maparito si Klint sa bahay namin. Nagkataon pa na kakauwi ko lang.

"Pasok ka Klint." Rinig ko pang pinapasok siya ni mama habang ako'y nag-huhugas ng pinggan.

"Monina, andito si Klint," tawag sa'kin ni mama kaya agad kong itinigil ang aking ginagawa.

Napa-buntong hinga ako nang makita si Klint sa sala. Tila walang maayos na tulog ang lalaki at parang stress ito sa kalagayan niya ngayon.

Umupo ako sa harap niya saka ko pina-tigas ang aking mukha. Dumaan si mama mula sa kanilang kwarto saka nagpa-alam sa'min.

"Diyan muna kayo at pupuntahan ko lang ang tatay mo Monina."

Tila hindi man lang alam nila mama na wala na kami ni Klint. Biglang tumahimik ang paligid at wala akong balak kibuin siya.

"Monina, patawarin mo ako. Please, nagka-mali ako. Inakit lang ako ni teacher Viviana kaya ako nadala sa kanya. Kasi naman, busy ka lagi kaya nakakalimutan mo na akong bigyan ng oras," litanya niya.

Nakitaan ko ng pagka-desperado ang kanyang mukha. Sinisi pa ako ng loko kaya siya nagpa-akit. Tingin niya kapani-paniwala siya.

"Your so funny Klint." Peke akong napatawa.

"Really, teacher ka pa naman. Alam mo, pinag-sisihan ko ang lahat at nakilala ko ang isang manlolokong katulad mo. Mabuti na lamang at mababaw lang ang pag-mamahal ko sa iyo at sa ilang araw na naka-lipas ay nag-laho na lamang ito na parang bula," litanya ko ng may hinahon.

Para bang wala na akong paki-alam sa ginawa niya. In other words, naka-moved on na ako at mabilis akong ma-discourage. I should not settle and waste time to those liars like him.

"Please, listen to me. I was a scumbag for hurting you like that. See, I love you that's why I'm here. Please, believe me Monina. Ano ba ang gusto mo at nang mapatawad mo ako." Desperado ang kanyang boses habang matiim niya akong tinitignan.

"Alam mo kung anong gusto ko para mapa-tawad kita?" Tanong ko sa kanya saka binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Agad siyang napatango saka nababanaag ko ang pagsusumamo sa kanyang sistema.

"GET AWAY FROM ME AND I DON'T WANT TO SEE YOUR FACE EVER AGAIN!" Sinigawan ko siya.

"Alam mo Monina, you thought to yourself that you are a worth it and a deserving woman to tame. You're such a b*tch at ang swerte mo na sinusuyo ka pa ng isang katulad ko. And one thing, napaka-kipot mo akala mo naman parang sinong dalagang pilipina," wika niya saka ang kaninang mukha na puno ng pagsusumamo ay napalitan ng inis at pagka-disguto. Nanlilisik pa ang mga mata nito

Akala naman niya matatakot ako sa kanya at talagang acting lang pala ang pagmamakaawa niya kanina. Sh*t ka talaga Klint. Iba pala talaga ang habol niya sa'kin, ang katawan.

"Don't worry, we have mutual feelings kaya umalis ka na at ang pangit mo! You don't deserve my sexy body." Tinaboy ko siya hanggang sa tuluyan na siyang umalis ng bahay.

Tila nabunutan naman ako ng tinik at napabuntong-hinga. Maiistress yata ang beauty ko sa lalaking 'yon at talagang sinasagad niya ang pasensya ko.

Totoo naman, minsan hinihiling niyang may mangyari saming dalawa kaya lang pinangako ko na kapag ikinasal kami ay doon ko lamang ibibigay ang pagka-birhen ko. Akala ko naman ay maayos niyang naiintindihan ang hiling ko pero hindi pala. Nasa loob pala talaga ang kulo. Hindi pa kami umabot ng isang taon ay heto siya't tumaas ang sungay, nag-hanap ng ibang butas na papasukan.

Kainis na lalaking 'yon, mabuti na lamang at nalaman ko kaagad ang ugali. May mga bagay talaga na hindi mo aakalaing mangyayari sa'yo. I was very nice to him, I acted as a real girlfriend. I mean, ginawa ko naman ang trabaho ng isang nobya though I can't give him my whole time, I have my personal duties to fullfill and I know he has priorities too. I respected him with that, that he's a teacher.

i didn't asked anything including his whole time. Kapag kusa siyang nag-bibigay ay tinatanggap ko naman iyon except sa mga mamahaling bagay. What I can't give to him is my whole, my body. I can't give him s*x, maybe that's the reason why he finds me boring. He was bored in our relationship maybe.

'Yang ganyang klasi ng lalaki ay di dapat pag-aksayahan ng oras at pagmamahal.

Sa haba ng inisip ko ay di ko namalayang natapos ko ang aking hugasin saka tinungo ang kwarto upang mag-pahingi at kalimutan ang stress.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status