Share

CHAPTER 6

Maganda ang gising ko ngayon, epekto siguro ng magandang tulog. Lately kasi, wala naman naging masyadong problema kaya hindi sumasakit ang ulo ko. Nabayaran ko na rin kasi ang bill ng kuryente tsaka nabigyan ko na ng pam-project si Zemuel. Kakasweldo ko lang kasi noong nakaraang araw kaya gumagaan 'yong pakiramdam ko.

Syempre hinati ko para sa gastusin sa bahay pati pag-aaral ng mga kapatid ko tsaka 'yong kalahati ay para sa ipon ko.

Masaya na naman ang mga magulang ko malamang kasi hindi na sila gagastos masyado sa bahay.

Bago ako lumabas ng kwarto ay nag-handa muna ako para sa trabaho. Nag-bihis ako ng aking uniform tsaka di ko muna tinanggal 'yong towel sa ulo ko para mabilis ma-tuyo ang buhok ko, wala kasi akong dryer eih wala pa 'yon sa budget ko kaya tiis-tiis muna sa towel. Nasa sala kasi 'yong salamin namin nakalagay kaya mamaya nalang ako magme-make up pagka-tapos kumain.

Nadatnan ko si Shane at Zemuel sa hapag na maganang kumakain.

"Goodmorning sa pinaka-magandang ate sa balat ng lupa," bati sa kin ni Zemeul pero may nanunuksong ngisi.

"Goodmorning sa'yo Zemeul," bati ko din sa kanya saka umupo.

Pinag-kuha naman ako ni Shane ng plato at kutsara tsaka ginawan niya rin ako ng kape.

"Alam ko na pag ganyanang linya eih, hihingi ka na naman ng 100 sa'kin." Pinandilatan ko siya.

"Paano mo nalaman ate?" Tanong pa nito habang tumatawa ng mahina.

"Ginagawa mo kaya 'yan minsan, akala mo ah!"

Nag-sandok na ako ng kanin at ulam. Bigla tuloy akong natakam sa sunny side up egg at hotdog. 

"Tahimik ka yata Shane?" Baling ko sa isa kong kapatid na tahimik lang na kumakain.

Pareho naman 'tong ma-kwela ang dalawa kaya lang minsan talaga pag may problema itong si Shane ay 'di talaga umiimik at kailangan munang tanungin.

"Ah kasi ate, masakit 'yong puson ko. Gusto ko sanang umabsent kaso may long quizz kami. Ayaw ko naman maka-ligtaan 'yon," wika niya sa malungkot na boses.

"Umabsent ka na lang kaya?" Alalang tanong ko.

"Sayang naman ate, long quizz 'yon tsaka nag-aral ako kagabi kaya sayang naman kung hindi ako aattend ng klase," wika ni Shane.

Napansin ko nga, mukhang siyang puyat, ito kasing si Shane, top 1 lagi every grading kaya gusto niya panatilihin ang rank niya sa abot ng kanyang makakaya. Kaya nga todo support ako eih tsaka proud na proud talaga ako sa dalawa dahil masisipag at hindi ako binibigo. Sulit din talaga ang hirap lalo't may magandang bunga.

"Uminom ka ng gamot para naman maibsan 'yang sakit sa puson mo tsaka may extrang pads ako sa kwarto baka kasi ubos na sa'yo." Uminom ako ng tubig nang matapos akong kumain.

Tumango naman siya saka nalukot ang mukha. Mabuti na lamang pag-dinadatnan ako ay hindi sumasakit ang puson ko kaya naaawa ako sa kalagayan ni Shane tuwing may buwanang dalaw siya. Mana talaga siya kay mama eih.

Kinuha ko ang aking pitaka sa bag saka humugot ng two hundred. Isa kong binigay ang one hundred kay Zemeul, napapalakpak pa talaga sa tuwa.

"Ngayon lang yan hah, alam niyo naman na may pinag-iiponan si ate," wikang paalala ko sa dalawa.

"Opo ate, salamat talaga. Ang ganda tsaka ang bait pa. The best!" Nag-thumbs up pa ang lokong Zemuel.

Tumayo si Zemeul saka inayos ang nagusot na uniform. Sinunod ko naman na ibinigay ang one hundred kay Shane.

"In case na di mo na kayanan ang sakit sa puson mo, just call me okay?" Tumango siya saka binigyan ako ng tipid na ngiti.

"Guys, mag-aral kayo ng mabuti. Nandito lang ako lagi kapag nagka-problema kayo. You can count on me," wika ko na parang maiiyak habang kaharap ang dalawa.

Pareho na silang naka-sout ng bag at handa ng umalis.

"Opo ate, mahal na mahal ka namin," ani ni Shane.

"Opo maganda kong ate," ani naman ni Zemeul.

Tila napanatag naman ang loob ko sa sinabi nila, parang may humahaplos sa puso ko nang sabihin nila iyon kaya napangiti ako ng malawak.

"Oh siya umalis na kayo, mag-ingat sa daan." Huling paalala ko.

Kumaway ako nang makalabas na sila ng bahay na ginantihan naman nila. Feeling ko tuloy ako 'yong ina nila. Mabuti na lamang at naiiba sila sa ugali nilang mama. May anak kasi na kapag nakikitang pariwara ang magulang ay magiging bulakbol narin ang anak. Feeling kasi ng mga kabataan na okay lang ang maging pariwara.

***

Habang nag-lalakad papuntang sakayan ng jeep ay nadaanan ko si mama na nag-lalaro ng tong-its.

"Ma, alis na ako." Kumaway ako sa kanya.

"Sige, mag-ingat ka sa daan at trabaho," ani niya na hindi man lang ako nililingon.

Tutok ang kanyang atensyon sa kanyang baraha. Tumigil muna ako saglit.

"Ma, wag mo po kalimutang kumain sa tamang oras at baka magka-sakit ka," paalala ko.

"Oo na, sige na at baka ma-late ka pa."

Humugot ako ng malalim na hininga saka problemadong pinakawalan ito. Mag-babago pa kaya si mama? Kung hindi man niya kayang iwan ang bisyo ay sana naman isipin niya ang kanyang kalusugan. Mahirap na, ang perang pang-puhunan sa sugal ay mababawi mo pa 'yon pero pag-katawan ang bumigay hindi lang pera ang maisusugal kundi pati takbo ng buhay mo. Mahirap magka-sakit.

***

Nakasakay na ako ng jeep. Halos siksikan at karamihan ay mga college students, kita naman sa uniform nila dahil na-susuot ko pa ang uniform na 'yan dati noong nag-aaral pa ako.

Napa-titig ako sa mga estudyante, grabe nakaka-inggit. Hindi ko maiwasan dahil sa lahat ng bagay na hindi ko kina-iinggitan ay ang karangyaan ng iba, mas na-iinggit ako sa mga taong naka-tapos ng pag-aaral. Education is the key to success ika nga pero we should use it in a good way.

"Excuse me miss, may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ng estudyanteng kaharap ko.

Bigla tuloy akong nahiya dahil di ko namalayan napa-titig na pala ako ng matagal.

"Ah, pasensya na kung napa-titig ako. Ang ganda mo kasi sa uniform na suot mo na-totomboy ako eih. By the way, wala kang dumi sa mukha," ani ko saka ngumiti ng pagkahilaw-hilaw.

"Mas maganda ka ate," wika niya saka binigyan ako ng magaan na ngiti.

"Ay 'wag mo ng sabihin dahil natutunaw ang atay ko sa tuwa." Nag-joke pa ako saka tumawa ng mahina kaya napa-tawa na rin siya.

***

Pinara ko ang jeep saka nag-bayad kay manong driver. Sa kabilang kalye pa kasi ang cafe kaya kinailangan kong tumawid. Sinimulan ko na ang pag-lalakad at akmang tatawid ng biglang may humablot ng bag ko.

"Tulong, tulong." Nakikipag-agawan 'yong magnanakaw sakin.

Kinabahan ako dahil ang lakas niya at pati ako'y nadadala sa bawat hila niya. Ang payat ng magnanakaw pero ang lakas niya pa ding makipag-agawan sa'kin at walang-hiya kahit back-pack style na bag ay nagagawa pang nakawin akala ko pa naman mga sling bag lang ang nahahablot.

Abot-abot na ang pawis ko at wala man lang tumulong nang biglang may dumating na isang lalaki. Bigla niya itong sinuntok kaya napuruhan ang magnanakaw, sinuntok niya ito sa mukha, sa braso at sa tiyan saka ito tinadyakan ng paulit-ulit.

Nanunuod lang ako sa tabi habang pinupunasan ang pawis sa noo ko gamit ang panyo mula sa bag. Mahigpit ko rin hawak ang bag ngayon, ka-muntikan na talaga tsaka andito lahat ng gamit at pera ko dahil hindi ko magawa-gawang iwan sa bahay dahil walang kasiguraduhan doon.

Kundi dahil sa taong tumulong sa'kin ay baka tuluyan ng nanakaw ang bag ko. Itim lahat ng suot nito, naka-itim na leather jacket tsaka itim na pantalon pati sapatos. Naka-cap ito kaya hindi ko ma-klaro ang mukha pero ang pa-bango niya ay nanunuot sa ilong ko kahit may distansya kami ay naaamoy ko parin iyon. Para bang humahalimuyak ang kanyang pabango sa boung paligid.

Tila parang pamilyar sa'kin ang amoy niya na para bang naamoy ko na iyon ng kay tagal. Iyong kaba ko ay tila napaya dahil lang sa kanyang pabango. Bakit ko ito nararamdaman?

"Paki-alamero," sigaw ng magnanakaw saka tumakbo ng makakuha ng tiyempo.

Lalapitan ko na sana ang lalaki upang magpa-salamat ng biglang may tumwag sa'kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status