Share

MRF 14: Back to Reality

¤Katerina¤

Ilang ulit mang pinahid ni Katerina ang naglalandas na luha sa kanyang mga mata ay napapalitan pa rin ng panibago. Wala itong tigil sa pag-agos simula pa kanina nang sunduin siya ni Silvestre. Mapait siyang ngumiti ng muling maalala ang nasaksihan niya kanina. Tapos na ang pagtakas niya at higit sa lahat ay ang kanyang fairytale.

Kumuyom ang kamao niya, hindi pala isang prinsipe si Achilles sa buhay niya kundi isang malaking bangungot. Ang dali niya kasing nagtiwala at bumigay agad sa binata. Naalala niya ang mga sinabi ni Rico, ngayon ay wala na rin siyang mukhang ihaharap sa lalaki dahil sa tama ito sa lahat ng ibinato nitong akusasyon tungkol kay Achilles.

Ngayong umalis na siya ay malamang magsasama na si Louella at Achilles. Nang maisip niya ang bagay na yun ay mas lalo lang siyang nasaktan na para bang pinipira piraso ang puso niya.

"Señorita we are almost there," anunsyo ni Silvestre.

Nag-angat siya ng tingin sa kanilang bodyguard nang mag-abot ito sa kanya ng put
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status