Share

MRF 13: Shattered

¤Katerina¤

Kanina pa nakaalis ang kanyang kausap subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang tumayo ng kanyang mga paa. Nanghihina siya sa naging usapan nila ni Silvestre.

Sa takot niyang baka pwersahin siya ng kanilang bodyguard na pauwiin ay nag-atubili siyang sumama at makipag-usap dito subalit mahinahon ito at nag-suhestyon na kung gusto niya ay sa mataong lugar sila mag-usap na pinaunlakan naman niya.

"You need to go home right away Señorita," panimula ng lalaki.

Umiling naman siya. "I can't Silvestre, ayoko pang umuwi. Hindi pa sa ngayon at kung pipilitin mo ako ay ganun pa rin ang magiging desisyon ko," matigas niyang tugon.

Pinagmasdan lamang siya ng lalaki na parang may gustong sabihin na hindi maisatinig. Silvestre is a fine man. Halos hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Maayos ang pagkakasuklay ng itim nitong buhok at kasing itim ng gabi ang mga mata. Hindi nga niya matumbok kung bakit naging bodyguard nila ang lalaki gayong hindi naman naglalayo ang kakisigan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status