Home / Romance / Mafias' Runway Fiance / MRF 2: Humiliated

Share

MRF 2: Humiliated

last update Last Updated: 2022-08-16 19:23:08

¤Katerina¤

—Three Months Later—

Huminga ng malalim si Katerina habang nakatanaw sa malawak na karagatan. It's been three months since she left their place leaving only a piece of goodbye letter. Nakaramdam siya ng labis na pangungulila sa kanyang mga magulang pero tiniis niya kaysa naman makasal siya sa matandang iyon.

After she left Manila ay dito siya napunta sa isla Dominica sa bandang Visayas. Malayo sa bayan ang lugar kaya naging komportable siya na hindi siya matututon ng kanyang magulang. Payak din ang pamumuhay ng mga taga rito na siya ding inadapt niya.

"Katerina?"

Mula sa pagkakatanaw sa karagatan ay bumaling siya sa pinanggalingan ng tinig. Nakita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan.

Napangiti siya.

"Achilles!" Nakangiting tawag niya sa lalaki.

Achilles was a fisherman on the island. Isang buwan simula ng dumating siya sa isla ay natagpuan niya sa dalampasigan ang lalaki na walang malay matapos humagupit ang isang bagyo. Nang magising ang binata ay wala itong naaalalang kahit ano mula sa nakaraan nito.

Dahil sa suot nitong kwintas na may pendant na Achilles ay yun na lang muna ang pansamantalang ipinangalan niya sa lalaki. Sa kanya din nakatira si Achilles dahil wala naman itong ibang mapupuntahan. In their two months of being together, she felt a strong attraction for the man that she finds hard to control to.

He was very handsome, smokin' hot! Kung sana'y ito na lang ang naging fiance niya ay hinding hindi siya aatras sa kasal at aayain niya pa ito sa lalong madaling panahon.

"Kanina pa kita hinahanap," nakasimangot nitong bungad nang makalapit sa kanya.

"Bakit, may problema ba?"

"Nothing, I just want to see you.."

Napangiti siya. Sa lahat ng mangingisda ay ito lang yata ang inglesero. Sabagay mukha din namang banyaga ang lalaki. He got a pair of electric blue eyes, ito ang unang bumighani sa kanya nang magmulat ng mata ang lalaki.

"Ang pogi ko ano? Pasado na ba ako sa taste mo?" Nakangising tudyo ng binata sa kanya.

Hindi niya namalayan na natagalan na pala siya sa pagtitig sa lalaki. Para itago ang kilig at hiya niyang nararamdaman ay hinampas niya ito sa braso at inirapan sabay tayo.

"Umuwi na tayo Achilles, umandar na naman yang kahanginan mo!"

Achilles is a very cheerful man. Madalas itong nakangiti at nagbibiro. Mabait at matulungin din ang binata na mas lalong nagustuhan niya. Well, hindi lang siya. Maging ang ibang kababaihan doon ay gusto ito.

"Katerina! Dito na tayo mag agahan!"

Sabay silang napalingon ni Achilles dahil sa boses na narinig. Nakatayo si Aling Tasya sa di kalayuan kasama ang ibang mangingisda at kapitbahay.

"Wow mukhang may libreng agahan na naman," nakangising saad ni Achilles.

Napailing na lang siya. Tuwang tuwa talaga ang lalaki kapag may mga salu salong ganito sa isla. Madalas kasi itong gawin ng mga taga rito lalo na kung maraming huling isda.

Naglakad sila palapit sa mga kapitbahay. Present halos ang lahat at masayang kumakain. Boodle fight ang tema ng agahan kaya mas lalong nakakagana.

"Hello everybody! Am I late?"

Lumingon sila sa nagsasalita na animo nasa beauty pageant kung maglakad—si Louella.

"Tamang tama ang dating mo Louella, dumulog ka na dito," aya ni Aling Norma na sa anak.

"Dito na lang po ako nay, tatabi ako kay Achilles," anito at maarteng naglakad sa gawi nila.

Lantaran ang paghahayag ni Louella sa nararamdaman nito kay Achilles na siyang binabalewala ng binata. Panay din ang papansin nito na ikinairita niya pa lalo.

"Wag ka dyan Louella, masisira mo ang view ni Achilles at Katerina," harang ni Mira sa babae.

"Oo nga naman. Halika dito Louella ha," may pagbabanta sa tinig ni Aling Norma.

Nakasimangot namang tumalima ang dalaga at padabog na naupo sa tabi ng ina.

"Dito ka sa tabi ko Katerina," boses ni Rico.

Isa sa mga kapitbahay niya ang lalaki. Anak ito ni Aling Tasya at Mang Ben. Unang mga araw pa lang niya doon ay napansin na niyang may pagtingin sa kanya ang binata na kanya lamang isinantabi.

Gwapo din naman si Rico at may matipunong pangangatawan dahil siguro batak sa pagkarga ng mga huling isda pero wala siyang nararamdamang kakaiba para sa lalaki. Tanging pagiging kaibigan lang.

"Dito na lang ako sa tabi ni Mira, Rico," magalang niyang tanggi.

Hinila din niya si Achilles palapit sa kanya na ngayon ay tahimik na at biglang nagseryoso. Hindi nagtagal ay masaya na silang kumain ng agahan. Napatingin siya kay Achilles na maganang nagkakamay ng pagkain. Naalala niya pa noong unang beses itong nakipagsalo sa kanila.

Nagsimula na sila sa kainan noon nang mapansin ni Katerina na hindi kumibo si Achilles at nakakunot ang noo habang nanonood sa mga kasamahan nilang magana ng sumubo.

"Kain na tayo Achilles," aya niya rito.

"How? Is there no spoon and fork here?" Tanong nito.

"Hmm no, at kakain tayo gaya ng sa kanila. Halika na at mauubusan tayo ng ulam," aya niya ulit at hinila na ito papalapit sa mesa.

Unang subok ni Achilles ay nagkandahulog-hulog pa ang kanin nito. Panay naman ang kanyang hagikgik dahil nakakatuwa itong tingnan habang pinaghihirapang pormahin yung kanin na isusubo sana ng lalaki. Nakaramdam siya ng awa sa binata kaya sinubuan niya ito. Sa una ay nag-atubili pa si Achilles na tanggapin pero kalaunan ay magana na itong kumain.

"Why are you smiling?"

Napalingon siya kay Achilles at naputol ang pagbabalik tanaw niya nang magsalita ito sa kanyang tabi.

"Naalala ko lang noong unang subok mo ng ganito. Nakakatuwa ka kasi noon."

Umiling ang laki saka tipid na ngumiti.

"Ayieee! Anong binubulong bulong ninyong dalawa dyan?" Malakas na tanong ni Mira.

Lahat ng naroon ay napalingon sa gawi nilang dalawa ni Achilles. May mga mapanuksong ngiti din na nakapaskil sa labi ng mga ito.

"Alam niyo, bagay na bagay talaga kayo," tukso ni Mira.

"Mira!" Agad niya naman niyang sinaway ang babae dahil nakaramdam siya ng hiya at pag init ng pisngi.

"Aba syempre, gwapo at maganda. Bagay na bagay talaga," sakay naman ni Mang Ben.

"Naku! Paniguradong magandang lahi talaga ang magiging bunga kapag nagkatuluyan kayo," dagdag pa ni Aling Norma.

Nakaramdam siya ng pagkailang lalo na't titig na titig din si Achilles sa kanya. Pinamulahan siya ng pisngi at pakiramdam niya ay sobrang init ng paligid.

"Tama na yan, nahihiya na si Katerina sa inyo oh," saway ni Mang Alberto sa kanila.

"Tss, ano naman magiging kinabukasan ni Katerina dyan gayong wala ngang maalala yan tsaka nakikitira lang naman yan dahil walang sariling pamamahay at pera," biglang saad ni Rico.

Hindi nagustuhan ni Katerina tabas ng dila ng lalaki ngunit bago paman siya makasagot ay umeksena na si Louella.

"Wala talagang kinabukasan si Katerina dahil ako ang future ni Achilles no," anito at inirapan pa si Rico.

"Tumigil ka nga Louella, nakakahiya kay Katerina yang pinagsasabi mo," saway ni Aling Norma sa anak ngunit sumimangot lang si Louella.

"Bakit ako mahihiya eh hindi naman sila mag-jowa, diba Katerina?" Baling ni Louella sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Kung pwede pa lang angkinin na boyfriend niya si Achilles ay ginawa na niya para magtigil na ang babaeng ito pero parang nakakahiya naman yata yun.

"Tama ka Louella, hindi ko boyfriend si Achilles," may diing bigkas niya.

"Oh diba?" Baling ni Louella sa ina.

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Rico. "Hindi talaga papatulan ni Katerina si Achilles dahil wala naman yang maipagmamalaking kahit ano. Naawa lang naman siya dyan kaya niya pinatira sa bahay niya. Diba Katerina?" Baling ni Rico sa kanya.

Kung hindi lang ito anak ng mag asawang Tasya at Ben ay pinagsabihan na niya ito subalit dahil malaki ang respeto niya sa dalawang matanda dahil sa kabaitan nito ay nagtitimpi siya. Lumingon siya kay Achilles at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagtagis ng bagang ng lalaki.

"Itikom mo yang bibig mo Rico ha! Hindi kita pinalaki para magsalita ng ganyan," saway ni Aling Tasya dito.

Sasagot pa sana si Rico pero naantala ito nang humahangos na dumating ang binatilyong si Empoy sa kinaroroonan nila. Bakas din ang takot sa mga mata ng lalaki.

"M—mang Ben! Nandito sina—," hindi na natapos ang sasabihin ni Empoy ng mula sa likuran nito ay lumitaw ang limang matipunong lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
J.L
Totoo kayang walang maalala si Achilles?...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mafias' Runway Fiance   Special Chapter 2: 16 Years of Marriage

    Kasalukuyang inihahanda ni Katerina ang mga binake niyang cookies nang marinig niya ang malakas na palahaw ng kanyang anak na babae—si Kiara. Kunot noo niya itong pinagmasdan habang patakbong nagtungo sa gawi niya at agad na yumakap. Hilam sa luha ang mga pisngi nito na nakasuot pa ng school uniform galing sa paaralan."Hey, what's wrong baby?" Masuyo niyang tanong sa anak. Kiara Emilia was already thirteen years old and she was her youngest.Nakasimangot itong tumingala sa kanya. Her electric blue eyes really mirrored Damon. "Mommy…Can I transfer into a school without Kuya around?" Humihikbi niyong tanong.Napabuntong hininga siya. Ano na naman kaya ang pinag-awayan ng dalawa? "Baby, anong ginawa ni Kuya sayo? Why are you crying?""Eh kasi…."Hindi natuloy ang iba pa nitong sasabihin ng sumulpot na si Archer sa kusina. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Kiara was glaring at his older brother. Samantalang halos wala namang ekspresyon ang mga mata ni Archer na nakatingin sa ka

  • Mafias' Runway Fiance   Special Chapter 1: Life After Wedding

    Magkahawak kamay silang humarap sa puntod ng daddy ni Damon. Inalalayan siya nitong maupo bago tumabi sa kanya. Medyo nahirapan pa nga sila sa paghahanap sa mga natitira nitong labi but luckily, they found one of the people who kept this secret for so long—isa sa mga matandang tauhan ni Valerian. Ilang gabi ring inatake ng bangungot si Damon kaya naman lagi niya iyong binabantayan sa pagtulog."Hey Dad, look, I got a very gorgeous wife gaya ng pinangako ko sayo noon. Her name is Katerina, Dad," ani ni Damon sa puntod ng ama.Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang lalaki. Habang tumatagal silang nagsama, she began to discover Damon's soft sides. Never did she imagine that this big man was such a cry baby too. This is his first visit since they have known his Dad's grave location. Plano rin ng asawa niya na ilipat ito sa Pilipinas sa tabi ng puntod ng kanyang daddy at ng kanilang anak. Yes, kahit na hindi pa ito buo at dugo pa lang, pinagawan parin nila ng puntod ang bata. Both o

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 90: Epilogue

    Damon was staring at the clear blue sky while listening to calm waves of the sea. He was standing in a beautiful handmade flower arch habang hinihintay ang kanyang mapapangasawa na kasalukuyang naglalakad patungo sa gawi niya. Isinasayaw ng mabining hangin ang mahaba at tuwid nitong buhok habang suot nito ang isang simpleng white wedding dress na ito mismo ang pumili. Like how he saw her for the first time that he was attracted to her, Katerina is glowing gorgeous day by day she was with him.Today they are going to get married again to the island where their love story started—the Isla Dominica.It's been nine months since the incident in Santorini Greece happened. Akala niya ng mga oras na iyon hindi na siya makakaligtas pa sa kamatayan. Luckily, he managed to jump in the near window and broke the glass wall using his body before the full explosion of the whole mansion which injured his left shoulder and leg. Natupok ng bomba ang buong mansion. Valerian died together with a lot of h

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 89: Reclaiming

    Days had pass na maaari na siyang madischarge. Kasalukuyan silang nanonood ni Damon ng palabas nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang humahangos na si Artemio. Tauhan pa rin pala ito ng asawa niya? Akala niya kakampi na ito ni Valerian."Boss, we already found Valerian's whereabouts…"Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ni Damon. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at kita niya ang paggalaw ng panga nito tanda ng matinding galit. Hinawakan niya ang nakayukom nitong kamao. Napabaling naman ang tingin nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa asawa."I know that I can't forbid you from chasing his whereabouts but I'll just gonna ask you one thing.""Anything agapi mou?""Whatever happens, please come back alive to me, Damon… Hihintayin kita."That night, Damon left the Philippines to Greece. Abot-abot ang kanyang kaba habang iniisip ang maaring kahihinatnan ng gagawin ni Damon. Kahit pa dala nito ang sarili nitong tauhan kasama pa ang ibang kaibigan nitong may sarili

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 88: Lost

    "I'm sorry for your lost Mr.Castellanos…"Iyon ang katagang paulit-ulit na naririnig ni Damon sa kanyang isip. Malungkot siyang napahilamos ng mukha. Ika-tatlong araw na mula ng sugurin nila ang hideout na pinagdalhan kay Katerina. Masyado siyang nabigla sa kanyang mga nalaman, everything seems so unreal. From the truth that Valentino isn't the real one to the fact that his mother was alive and was hidden from him all throughout the years.Nakakuha ng kanyang atensyon ang isang cup ng kape na ibinigay sa kanya ni Connor. Speaking of him, ngayon naalala na niya na dati pala silang magkaibigan at magkababata noon. Their father are both close friends too. But the night of the massacre ended everything and to his innocence and Valerian's manipulation, he pointed Mariano Morreti as the suspect.No wonder why Valentino didn't pursue the case and decided to take revenge with his own hands using him and their position, kasi hindi naman siya ang totoo niyang ama at wala namang dapat na bigyan

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 87: Escape

    Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na nilisan ng lalaki ang kanyang silid at tumakbo palabas. Sa pagmamadali nito, nalimutan pa nitong isara ang pintuan. Kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa malakas na tunog ng barilan sa labas, pilit siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya pwedeng manatili doon at hintayin na muling balikan ng mga tauhan ni Valerian. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakabukas ang pintuan. Patakbo siyang nagtungo sa labas habang panay ang kanyang lingon kung may mga bantay bang nagmamasid sa paligid subalit wala siyang makitang kahit na isa. Marahil abala ang mga ito sa pakikibaglaban. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran. "Katerina, hija…" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Camila pala ang naroon. "M—mommy Camila…" "Halika ka na. Sa likod tayo dumaan," anito sabay hila sa kanyang kamay. Nagpatianod siya sa direksyon na pinagdalhan sa kanya ng mommy ni Damon. Tanging dasal niya ng mga oras na iyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status