Beranda / Romance / Magda / Kabanata IX

Share

Kabanata IX

Penulis: leightsht8
last update Terakhir Diperbarui: 2022-02-21 08:43:50
Nanliit si Aleyna buong gabi. Ang pinuntahan nila ay talaga naman sumisigaw ng karangyaan kaya’t nasabi niya sa sarili niya na hindi siya nababagay doon. Kinakaawaan niya ang sarili habang iniisip kung gaano ka-sakim sa pera at karangyaan ang taga-kanan ng San Felipe.

Sinagot ni Maximillian lahat ng katanungan niya at bagama’t nagugulumihanan ay pilit niyang initindi ang sitwasyon na kinakaharap niya sa ngayon.

Masarap ang pagkain na nakahain sa mesa nila ngunit wala siyang gana. Naiisip niya’y kumakain siya ngayon ng ganitong mga pagkain ngunit ang ama at kapatid niya ay nasa kanilang tahanan – walang anumang ideya sa pagpapakasal niya sa isang taga-kanang bahagi ng San Felipe.

Nakokonsensya siya pero ito lang ang pinakamabilis na paraan na naiisip niya para sa problemang kanilang kinakaharap.

Patuloy sa pagkain si Maximillian habang sinisilip paminsan-minsan si Aleyna na hindi manlang ginalaw ang pagkain na nasa harapan nila. Pinunasan niya ang kanyang bibig saka tinanong si
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Magda   Kabanata XXXIV

    Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Maximillian, hiningi niya ang tulong ng labinlimang kapitan del barrio upang tulungan siya sa darating na eleksyon. Kinumbinsi niya ang mga ito at inilatag sa kanya ang mga plano niya. Ngunit mahirap kumbinsihin ang mga taong may pinaniniwalaan na. Lalo pa’t nasubukan na nila ang bulok na sistema, gumagana naman iyon para sa kanila, at nabubuhay naman sila doon kahit paano. Takot sila sa pagbabago at sa pamumuno ng ibang taong hindi nila gaanong kakilala. Hindi nila kilala si Maximillian o ang mga Gael sa larangan ng pulitika, mga negosyante ang mga ito, kapitalista, malalaking tao – kaya’t nagtataka sila sa kabutihang ipinapakita nito sa kanila. O baka gaya ng maraming tao ay pangako lamang ang mga iyon at mananatiling mga mabubulaklak na salita. “Baka naman mas masahol ka pa kay Landerlin?” Wika ng isa sa mga lalaki, nagbaling doon ng tingin si Maximillian at saka umiling. “I am a thousand times better than that guy.” Itinikom ni Maximillian a

  • Magda   Kabanata XXXIII

    Payapa ang kalangitan habang pinagmamasadan ito ni Maximillian. Hindi gaya ng mga nakaraang taon sa buhay niya – hindi siya mag-isa sa mga sandaling iyon. Halos isang buwan na ang nakalipas, mula nang maikasal sila ni Aleyna. Hindi niya masabing umaayon ang lahat sa plano dahil kahit maayos naman ang takbo ng relasyon nila ni Aleyna, wala kasi sa plano niya ang mahulog sa babae. Yakap ni Maximillian si Aleyna habang marahang hinahaplos ang balikat niya. Mag-iisang buwan na simula nang maikasal sila, at kahit hindi niya aminin ay nasasanay na siya sa presensya ni Maximilian. Sa bawat araw na dumadaan mula nang magdesisyon si Maximillian na sa iisang silid na sila matulog ay tila ba nagbago ang lahat. Gumigising siyang si Aleyna ang unang nakikita at natutulog na siya ang huling naalala. “Hindi ba malamig dito masyado?” Tanong ni Aleyna, umiling si Maximillian bilang tugon. “Just enough because of your warmth.” Tila ba ibang tao si Maximillian mula ng makilala niya ito sa House of

  • Magda   Kabanata XXXII

    Hindi mapakali si Anastacia sa kinahihigaan niya. Nakailang baling na siya upang makuha ang tamang pwesto sa pagkakahiga pero hindi pa din siya makatulog. Siguro dahil sa panaginip niyang hindi niya maunawaan. Nababahala siya at hindi maiwasang isipin kung ano nga ba ang nais ipahiwatig ng mga panaginip na iyon. Pagod siya sa maghapong trabaho, sa susunod na linggo kasi ay magsisimula na ang konstruksyon ng building ng mga Gael kaya naman inaayos niya na ang lahat ng supply na manggagaling sa kanila, ayaw niyang mapahiya sa mga Gael. Batay sa panaginip niya ay nakasakay siya sa isang pampublikong sasakyan bitbit ang isang bag. Nakaupo siya sa gilid ng bintana, umuulan, at siksikan ang bawat sasakyang nakikita niya – maging ang sinasakyan niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit pero sa panaginip na iyon ay sobrang bigat ng pakiramdam niya – para bang ayaw niyang umalis, hindi niya gusto ang nangyayari, at tila may iniwan siyang hindi niya mawari kung ano o sino. Haban

  • Magda   Kabanata XXXI

    Matapos ang filing of candidacy, opisyal na magkalaban na sa pwesto sa pagka-alkalde sina Maximillian at Kalistro. Kaagad na umuwi si Maximillian matapos resolbahin ang problema niya tungkol kay Wenina.Kausap ni Aleyna ang pamilya niya sa telepono. Nakinig siya sa walang katapusang kwento ni Ali habang gumagawa ito ng proyekto, masaya pa dina ng kapatid niya dahil sa isang araw na bakasyon sa private island na pinuntahan nila. Ganoon din si Belinda, bukod sa walang kapaguran na pagsasalita nito ay nagrereklamo din tungkol sa pagkakaroon ng sarili nilang katulong. Hindi pa din pumapayag si Aleyna dahil nakikita naman niyang kaya ni Belinda ang mga gawaing bahay, halos wala na nga itong gingawa dahil kahit pumapasok sa eskwelahan si Ali ay ito pa din ang nag-aasikaso kay Ruel. Sa loob ng isang Linggo ay ganoon ulit ang routine ni Aleyna, pupunta sa pamilya niya, tutulong kay Manang Sabel, maglilinis ng bahay at aasikasuhin si Maximillian sa tuwing uuwi ito sa bahay. Hindi kagaya noo

  • Magda   Kabanata XXX

    Hindi nakakilos si Aleyna nang paglapatin ni Maximillian ang labi nilang dalawa. Mabagal ang halik nito habang naglalakbay ng bahagya ang kamay sa bandang likuran niya. Napasinghap si Aleyna nang bigla siyang binuhat ni Maximillian at panandaliang naghiwalay ang mga labi nila. “We’re good?” Hindi nakasagot si Aleyna. Kagabi lang nag-aaway sila, kagabi lang ay galit siya. Tapos kaninang umaga nang gumising siya’y gusto niyang ayusin ang nangyari kagabi, hindi naman niya inaasahan sa ganoong paraan makikipag-ayos sa kanya si Maximillian. Hindi na hinintay pa ni Maximillian ang sagot ni Aleyna, hinalikan niya muli sa labi ang asawa at saka marahang naglakad paahon sa pool. Walang karanasan si Aleyna sa ganitong bagay kaya nagpatangay na lamang siya kay Maximillian. Hindi din nagtagal ay nakarating sila sa silid. Ibinaba ni Maximillian sa kama si Aleyna at saka tiningnan ng taimim ang babae. Ramdam ni Aleyna ang malakas na tibok ng puso niya at ang pag-init ng kanyang pisngi. Tila

  • Magda   Kabanata XXIX

    Bago lumapat sa mukha ni Maximillian ang mga kamay ni Aleyna ay napigilan niya ito, “what the hell is your problem?” Sinubukang kuhanin ni Aleyna ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Maximillian pero hindi niya iyon nagawa. “Bitawan mo ako!” Hindi sumunod si Maximillian, sa halip ay hinila niya palabas ng bahay si Aleyna upang makausap ito ng maayos. “What is your problem?!” Kanina lamang ay maayos ang lahat. Nag-eenjoy sila sa payapang isla at nakakapag-usap ng maayos. Hindi gaanong nakihalubilo si Maximillian sa pamilya ni Aleyna ngunit naroroon siya upang asikasuhin sila – isang bagay na hindi niya nagawa sa mismong pamilya niya. “Anong sinasabi mo kay Ali?! Alam kong pinaimbestigahan mo ang pamilya ko kaya anong sinabi mo sa kapatid ko?” Hindi nagpupumilit si Ali kapag tumatanggi sa usapan sina Aleyna at Ruel pero kanina ay nagulat sila dahil nagtaas ito ng boses at pilit na nagtatanong tungkol sa kanilang ina. “Anong sinabi mo sa kanya?!” Hinampas ni Aleyna sa dibdib si

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status