Share

Kabanata XXX

Hindi nakakilos si Aleyna nang paglapatin ni Maximillian ang labi nilang dalawa. Mabagal ang halik nito habang naglalakbay ng bahagya ang kamay sa bandang likuran niya. Napasinghap si Aleyna nang bigla siyang binuhat ni Maximillian at panandaliang naghiwalay ang mga labi nila.

“We’re good?” Hindi nakasagot si Aleyna. Kagabi lang nag-aaway sila, kagabi lang ay galit siya. Tapos kaninang umaga nang gumising siya’y gusto niyang ayusin ang nangyari kagabi, hindi naman niya inaasahan sa ganoong paraan makikipag-ayos sa kanya si Maximillian.

Hindi na hinintay pa ni Maximillian ang sagot ni Aleyna, hinalikan niya muli sa labi ang asawa at saka marahang naglakad paahon sa pool.

Walang karanasan si Aleyna sa ganitong bagay kaya nagpatangay na lamang siya kay Maximillian. Hindi din nagtagal ay nakarating sila sa silid. Ibinaba ni Maximillian sa kama si Aleyna at saka tiningnan ng taimim ang babae.

Ramdam ni Aleyna ang malakas na tibok ng puso niya at ang pag-init ng kanyang pisngi. Tila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status