Share

Kabanata XXVIII

Sa ganoong posisyon nadatnan nina Ali, Ruel, at Belinda sina Maximillian at Aleyna. “Hoy! Hindi sa kusina ginagawa iyan!” Sigaw ni Belinda na siyang ikinainit ng mukha ni Aleyna. Tinulak niya si Maximillian saka kaagad na tumayo.

“She lost her balance.” Pagpapaliwanag ni Maximillian habang hindi makatingin ng diretso kay Aleyna, maging siya ay nabigla dahil sa nangyari.

“Sus! Huwag na kayong magdahilan. Ang mga kabataan talaga!” Naghilamos si Aleyna. Kinukuha niya ang tingin ng ama niya pero umiiwas ito.

Matapos nilang magtanghalian at makapagpahinga ng kaunti ay kaagad na nagbihis si Belinda at Ali. Hindi ganoon kataas ang sikat ng araw kaya naman kahit alas-dos ng tanghali ay hindi ganoon kainit.

Tahimik lamang si Ruel habang pinagmamasdan ang pamilya niya. Naiwan sa loob ng bahay si Maximillian dahil mayroon itong kausap sa telepono. Nilapitan ni Aleyna si Ruel, “pa?” Sila lamang ang nandoon sa tahimik na isla, banayad ang hangin, at talaga namang damang-dama ang kapayapaan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status