LOGIN
Nakatanaw ako sa lalaking matikas na naglalakad sa hallway kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang lalaking pinapangarap ko mula bata pa lang ako pero hindi pwede. Nagtratrabaho na rin siya sa kanilang kumpanya na medyo may pagkalayo ng konti mula sa aking pinagtratrabahuan na banko. Siya na ang humahawak sa iba nilang kumpanya. Lagi ko siyang pinupuntahan dito sa tuwing patapos na ang aking trabaho. Gusto ko siyang laging nakikita kaya dito ako tumatambay sa tuwina.
Hindi ko alam kung hanggang saan at kung hanggang kaylan ako magtitiis para sa kanya. Gusto ko ng lumayo sa kanya at kalimutan ko siya pero hindi ko magawa. Lalo pa akong nahuhumaling sa kanya sa ngayon, para siyang drugs na lagi kong binabalik balikan. I can't believe na humantong kami sa ganitong sitwasyon. Pinsan ko siya for Godsake pero bakit hindi ko magawang iwasan.
Nagsimula itong nararamdaman kong ito noong nasa high school pa lang kaming dalawa. Nasa 4rth year na ako noon pero siya kaka-umpisa niya pa lang ng first year. Ahead ako sa kanya ng apat na taon kaya tinuturing ko siyang nakakabatang kapatid. Walang malisya lagi sa tuwing magkasama kaming matulog at maligo noong una pero nang nagdalaga naman na ako hindi ko na siya sinasabay na maligo dahil nakaka-awkward na.
Ako ang nag guide sa kanya hanggang sa makagraduate ito. Akala ko noong una normal lang ang paghanga ko dito dahil sa magpinsan naman kami pero bakit sa tuwing may nagkakagusto dito nagagalit ako. Pinagbawalan ko siyang lumapit sa mga babae, inaaway ko siya lagi sa tuwing may magbigay ditong mga regalo. Gwapo kasi siya simula't simula pa lang halata ng may lahi siyang banyaga. Matangos ang ilong, maputi at iba ang kulay ng mga mata niya.
He's every girl dream kaya lagi ko siyang inaaway. Selos na selos ako sa tuwina hanggang sa nag aaway na kami. Sobra daw ang higpit ko dito kaya nilayuan ako. Sobrang iyak ko noon kaya simula that time hindi ko na siya inaway pang muli at sinuyo ko siya ng sinuyo hanggang sa magkabati kami. Bumalik ulit kami sa dati at lalo pang naging close to the point na halos gabi gabi na kaming nagtatabi sa pagtulog.
Ganoon ang get up namin hanggang sa maka graduate ako. Siya na lang lagi ang nasa isipan ko, halos hindi na ako tumingin sa ibang lalaki. Sinusundo ko siya sa kanilang paaralan pagkatapos ng klase ko, ganoon lagi ang ginagawa ko sa tuwina. Akala ko ok lang ang lahat pero nagbago noong malaman kong may girlfriend na siya noong nasa fourth year na siya.
Pinakilala niya sa akin ito, halos hindi ako makahinga ng malaman ko ito. Doon ko lang napagtanto na mahal ko na pala siya ng higit pa sa pinsan. Iniyakan ko siya ng malaman ko iyon lalo na sa tuwing umuuwi ako lagi niyang dinadala ang kanyang girlfriend dito sa bahay. Hindi ko nakayanan iyon kaya kinumbinsi ko sila mom and dad na bilhan ako ng condo malapit sa university namin.
Binilhan naman agad ako dahil alam nilang magiging mahirap na ang mga pag aaralan namin this coming sem. Hindi ko sinabi sa kanya na binilhan ako ng condo, halos hindi ko na kasi siya makita at makasama pa ng kami kami lang kaya nagpasya akong kalimutan na lang siya.
Tumira ako sa condo at nag try akong kalimutan siya. Lagi kong inaaya ang aking mga kaibigan na mag bar kami para makalimutan ko lang siya at saka nag concentrate ako sa aking pag aaral. Nasa point na ako noon ng paglimot sa kanya at halos hindi na rin ako umuuwi pa. I even block his number para hindi ko na siya maalala pang muli pero ng pumasok siya sa University where I was studying doon na naman nagulantang ang aking puso.
Akala ko limot ko na siya pero hindi pa pala. Nagulat pa ako ng first day ng school namin pinuntahan niya ako sa room at dinalhan ng bulaklak. Kilig na kilig ang aking mga kaklase napaka gwapo daw niya, hindi nila alam na pinsan ko pala siya. Ipapakilala ko na sana siya pero umiling ito kaya hindi na ako nagsalita pa.
Pinipilit ko siyang iwasan pero lapit naman siya ng lapit sa akin. Ayoko kasing may masabi ang kanyang girlfriend hanggang sa kakaiwas ko sa kanya pinuntahan niya ako sa aking condo at doon may nangyari sa aming dalawa. Naiiyak na ako that time at ayoko na siyang makita pero kinorner niya ako at sinabihang hindi niya kayang mawala ako sa kanya.
Hindi ko na din siya natiis that time kaya pikit mata ko siyang tinanggap. Mahal ko siya mahal na mahal at gagawin ko ang lahat para sa kanya. Tumira siya sa condo ko at halos araw araw may nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko rin siya kayang hindian, namuhay kaming parang mag asawa hanggang sa isang araw nalaman ng aking magulang ang ginagawa namin kaya sapilitan nilang pinalayo siya sa akin.
Umiyak ako ng umiyak pero wala akong magawa. Pinadala nila ito sa ibang bansa upang doon mag aral at ako naman tinapos ko ang aking pag aaral dito. Ngayon isa na akong certified accountant at magkakasama kaming magkakaibigan na nagtratrabaho sa Philippine National Bank dito sa makati.
Pagkaalis ni Aya halos lumabas ang litid ni Cheska sa inis. Salita ito ng salita ng hindi maganda kay Jake (boyfriend ni Aya) ng kung ano ano kulang na lang isumpa ito o kaya'y ipakulam sa bwisit. Ni minsan hindi pa yan humarap sa amin. Binara kasi ito ni Cheska ng minsang inabutang naghihintay kay Aya sa labas. Pinagalitan niya ata si Aya ng malate ito sa pagbaba, nagalit si Cheska at minura ito kaya sila nagkaroon ng alitang dalawa. Simula noon iniiwasang magkita ang dalawa kaya halos liparin si Aya kapag nandiyan na ang impakto."Bwisit na lalaking to, nandito na naman siya ang panira ng samahan natin. Kaylan kaya sila maghihiwalay, ako ang unang matutuwa kapag nangyari yun," ika ni Cheska na halos marinig na ng lahat ang kanyang sinasabi."Tumigil ka ngang impakta ka diyan, hindi ka na nahiya. Maraning tao dito at naririnig ang mga pinagmumura mo," ani ko dito para tumigil na."Bakit ako titigil totoo naman ang aking mga sinasabi, kita mo naman ang hitsura ng ating kaibigan halos
Inabot kami ng hanggang alas diyes ng gabi bago matapos lahat ng aking trabaho at gamit na maiiwan ko dito. Niready ko na lahat ng aking mga dadalhin bukas ayon sa sinabi ni Sir sa akin. Sinamahan ako ng dalawa kong kaibigan na nag ayos at pinag aralan din nila ang mga maiiwan kong trabaho sa kanila. "Damn shit...pagod na pagod ako girl...ano ba naman ang lalaking yun, ura urada naman kasi. Hindi ba pwedeng next monday na lang sana. Mabuti naman sana kung magpapa kain ito diba or ikaw na lang bess tutal ikaw naman ang friend namin," sabi ni Cheska na nakanguso sa akin."Alam mong two weeks pa bago magkatapusan, wala pang sahod gaga..." sagot ko dito."Kahit sa turo turo na lang...gutom na gutom na ako huhuhu," ika ng gaga."Fine...lahat naman tayo gutom pero ikaw lagi kang gutom hindi ko nga alam kung saan mo ba nilalagay ang mga pagkain na kinakain mo. Hindi halatang patay gutom ko sa hitsura mong yan," pambabara ko dito. Humalakhak si Aya sa tabi ko, paano ba naman kasi kahit na lu
Nagtatawanan kaming magkakaibigan at nag aasaran, nawala ang mga dinadala kung iniisip tungkol sa aking trabaho at sa kanya. Pagkatapos naming kumain at pagbalik sa aming mga trabaho, pinatawag ulit ako ni Sir at sinabing iayos ko na ang aking mga gamit para bukas. Kaylangan daw na kapag sinundo ako naayos ko na lahat ng mga ito. Ipasa ko daw ang aking trabaho sa dalawa kong kaibigan at sila na muna ang gagawa ng mga ito for the mean time.Natuwa ako sa nalaman atleast makakaganti ako sa dalawang yun, marami na silang ginagawa tapos dagdagan ko pa o diba ang saya. Akala nila sila lang ang masaya ha! Napakaraming mga sinasabi ni Sir sa akin malapit lapit na akong maasar dito nagtitimpi lang ako. Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili para hindi masagot ito kaya ng matapos siyang magsalita. Tinanong ko kung may kay;angan pa siyang sabihin at kung mayron pa sabihin niya na at ng makaalis na ako agad dito. "Anything else Sir, kung wala na po babalik na ako sa aking trabaho at ng maayos
"Sabagay naiintindihan ka naman namin mahirap nga yan. So, anong plano mo? Ayaw mo bang pumunta doon," ika naman ni Aya."Hindi naman pwedeng hindian mo si Sir at baka masira ka. Alam naman nating lahat ang ugali noon, ayaw na ayaw niyang pinapangunahan siya at nag opposed ka sa mga sinasabi niya..." sabat ni Cheska. Napaisip ako, may point ang sinabi ng gaga. Ayoko din naman na may nakaka away lalo na't Boss ko pa. "Hayyyysssttttt....Bahala na nga...basta trabaho lang yun, siguro naman hindi magtatagal yun ng ilang linggo...." sagot ko sa mga ito."Sana nga trabaho lang...hindi kinikilig....ahhem ahhheeemmm..." ika ni Cheska na kinatawa ni Aya. "Bwisit kayong dalawa....hindi ba pwedeng magkita ang dating nagmamahalan," namumulang sagot ko.Kinapalan ko na ang aking pagmumukha dahil sa inis sa kanila. Alam ko naman na aasarin ako ng mga to, hindi ako titigilan ng mga ito hanggat hindi sila nasasatisfy lalo na ang bruhang si Cheska. Mabusisi ang babaeng to hindi gaya ni Aya na iyakin
"Yeah right!!!!Tell us exactly kung bakit ka pinatawag kanina. Anong bad news ba yang sinasabi mo kanina," sabi ni Cheska. Bumuntong hininga ako bago sumagot dito."I was drag there and Sir Martin said," nag pause ako at nag iisip kung paano ko sasabihin sa kanila ng maayos pero inunahan ako ng gaga kong kaibigan."Na ano...tagal mo namang sumagot...anong kaylangan niya," excited na sabi ni Aya."Baka promotion lang besh ayaw niya lang sabihin," ika naman ng isa kaya sinimangutan ko silang dalawa at walang paligoy ligoy na sumagot sa mga ito."Kinausap niya akong maging assistant daw ni William Dames," walang paligoy ligoy kong sabi na kinalaki ng mata ng dalawa."Damn shit besh," sabi ni Aya na nanlalaki ang mga mata samantalang nasamid naman itong si Cheska sa kanyang narinig."Shit shit shit....for real," ika naman ni Cheska na umuubo.Akala ko malulungkot sila pero sa reaction nila para silang nanalo sa lotto. Tumayo sila at niyakap ako ng mahigpit napasigaw pa silang dalawa kaya
Nakasimangot akong lumabas ng opisina nito at halos wala ako sa aking sarili ng makarating sa aking upuan. Kung hindi pa ako yugyugin ni Aya hindi pa ako matatauhan. Sinamaan ko ito ng tingin ng makita ko siyang paikot ikotin ako habang tinitingnan."Snap out...your spacing out dear. Ano bang nangyari at para kang nawalan ng kaluluwa diyan? Ano bang sinabi ni Boss? Bakit ka pinatawag? Nanduon pa ba si Boss gwapo yung prince charming mo," sabi ni Cheska pagkalapit sa akin."Kaya nga para kang na-engkanto. Tell us what happen. Good news ba or bad news," ika naman ni Aya."Bad news..." maikli kong sabi habang napapabuntong hininga. Hinarap ako agad ni Cheska at sinabing mag explain daw ako ng maayos para malaman nila kung paanong bad news yun."Tell us everything bess...wala ka namang ginawang hindi maganda, sabihin mo sa amin at ng mapuntahan naming dalawa ni Aya ang Boss natin at humingi ng explanation. Hindi pwede yang ginagawa niya," tunguyayaw nito. Hindi man lang inalam yung punot