Share

Chapter1

Author: alyn14
last update Last Updated: 2025-10-13 14:09:48

"Sa wakas biyernes na naman ngayon guys, pwede na naman tayong lumabas mamayang gabi. Ilang linggo din tayong hindi nag bar. Boring na boring na ako lagi na lang trabaho...trabaho...trabaho...kaylangan din nating mag relaks," nakangusong sabi ni Cheska.

"Hindi ako pwede dahil may trabaho ako mamayang gabi. Alam naman ninyong kaylangan kong magtrabaho ng magtrabaho dahil alam niyo na malapit na akong ikasal. Gusto kong tulungan ang aking mapapangasawa sa mga gagastusin namin. Ayoko naman na iasa lahat dito, gusto kong makatulong at may pera din dahil marami akong mga pinsan na darating that time. Alangan naman na hihingi pa ako sa kanya diba," mahabang paliwanag naman ng kaibigan naming napaka bait.

"Alam mo Aya kung hindi ko lang alam na mayaman ang pamilya ng mapapangasawa mo baka masabihan na kitang ikaw yung groom at siya na yung bride to be. Hindi mo naman kaylangang patayin ang iyong sarili dahil lang diyan. Ang yaman yaman nila at si Jake may stable naman ng trabaho kaya bakit kaylangan na pati ikaw mag doble pa ng trabaho para lang makatulong sa kasal na yan," paliwanag ko dito.

"Mahal ko nga siya bess...mararanasan niyo din ito balang araw kapag nahanap na ninyo ang taong mahal niyo," sagot nito kay Cheska habang nakatingin sa aming dalawa.

"I already found my one," wala sa sariling sabi ko.

"Huwag mo nga kaming pinaglolokong imapakta ka. Ikaw na puro trabaho lang ang ginagawa tapos sinasabi mo ngayon na nahanap mo na ang the one mo," sagot ni Cheska sa sinabi ko.

Hindi kasi nila alam ang story namin ni William. Hindi naman ako nag kwento sa kanila noon basta ang alam lang nila pinsan ko si William at close lang kaming dalawa. Lihim lang kasi ang relasyon naming dalawa noon, ayoko namang sabihin sa kanila at natatakot ako na baka hindi nila matanggap ang pinaggagawa ko. Gusto ko nang sabihin sa kanila ngayon ang lihim ko, ngayong mahigit limang taon na ang nakaraan. 

Nakauwi na siya at hindi ko alam kung sakaling mag krus pa ang landas naming dalawa pareho pa rin ba kami ng nararamdaman. Nandito na siya at halos dalawang buwan na siyang naninirahan dito. Patago ko siyang sinusundan at tinititigan. Lalo pa siyang gumwapo ngayon at tumangkad, nagkaroon na rin siya ng matikas na pangangatawan. Napansin kong hindi na siya gaya dati na pala ngiti at lalong hindi na siya nagpupunta sa bahay.

"Hoyyyy bruha ka...kanina pa kami nagsasalita dito tapos ikaw tulala lang diyan. Ano bang iniisip mo at mukhang napakalalim nito," sabi na naman ni Cheska. 

"Kaya nga bess...May problema ka ba, hindi ka mapakali diyan. Tell us hindi naman kami mangangain ni Cheska. Nandito lang kami bess if ever you need us. Ako nga wala akong masabihan dahil nasa probinsiya ang aking mga magulang at lalong hindi ko masabi sa aking mga kapatid dahil puro sila busy at lagi akong kinukutya ng mga yon kaya mahirap nang magsabi sa kanila. Kayo lang ang mga taong nasasabihan ko ng problema. Kayong mga kaibigan ko lang ang kayang umintindi sa akin kaya nagpapasalamat ako lagi dahil nakatagpo ako ng kaibigang gaya ninyo," mahabang paliwanag ni Aya. 

"Sana ganoon ka rin...I know sa expression mo pa lang yan may problema ka ng dinadala. Ilang araw ko ng nahahalata yan hindi lang ako umiimik. There's something on you na hindi mo lang masabi," dagdag pa niya. Napabuntong hininga ako at napaisip na kaylangan ko ng sabihin sa kanila ang problema kong matagal ko ng kinikimkim. Bahala na kung tatanggapin nila ako o hindi sa isip isip ko.

"Ok...If you wanna know my problem come with us tonight sa bar. Sasabihin ko ang matagal ko ng problema na hindi ko masabi sabi sa inyo," seryoso kong pahayag sa mga ito.

"Come with us Aya for the sake of Jam. Let this shit family dine together and let them cook for themselves," mura nito. Napangiti tuloy ako sa kanya, derederetso kung magsalita walang pakealam kung masaktan man ang kaibigan niya o hindi. Nagpapakatanga kasi itong kaibigan naming ito sa lalaking yun na mukhang ginagamit lang naman siya.

"Ok ok...you don't need to insult them duhhh!!!!" nakataas kilay din na sagot nito.

"Great...see you all there at 7 pm," ani ko sa kanila. 

"See you bess... dating gawi...see you also Aya make sure you will come or else...." pabitin nitong pahayag kay Aya saka tinuro at sumenyas na "your dead" kung hindi pumunta. Naiiling ako sa inaakto ng gaga kong kaibigan.

"Sure...magpapaalam ako sa aking trabaho at kay Jake...kung makaasta naman ang gagang to akala naman wala akong isang salita," dakdak din ng isa.

"Hindi nga ba? Lagi lagi na ngang sila ang rason mo, make sure na makakapag paalam ka diyan sa mga biyanan mong hilaw na mas hilaw pa sa mangga," patama na naman ni Cheska kay Aya.

"Oo na nga ang kulit talaga ng impakta...Gotta go Jam, see you tonight and make sure to tell us every detail of your problem. We are here bess, we got your back." Sabi ni Aya ng humarap sa akin hindi niya na pinansin si Cheska na dakdak ng dakdak sa tabi namin. Naantig ako sa sinabi nito kaya I will make sure na masabi ko na ng tuluyan sa kanila para mawala na ang bigat na aking dinadala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter34

    Pagkaalis ni Aya halos lumabas ang litid ni Cheska sa inis. Salita ito ng salita ng hindi maganda kay Jake (boyfriend ni Aya) ng kung ano ano kulang na lang isumpa ito o kaya'y ipakulam sa bwisit. Ni minsan hindi pa yan humarap sa amin. Binara kasi ito ni Cheska ng minsang inabutang naghihintay kay Aya sa labas. Pinagalitan niya ata si Aya ng malate ito sa pagbaba, nagalit si Cheska at minura ito kaya sila nagkaroon ng alitang dalawa. Simula noon iniiwasang magkita ang dalawa kaya halos liparin si Aya kapag nandiyan na ang impakto."Bwisit na lalaking to, nandito na naman siya ang panira ng samahan natin. Kaylan kaya sila maghihiwalay, ako ang unang matutuwa kapag nangyari yun," ika ni Cheska na halos marinig na ng lahat ang kanyang sinasabi."Tumigil ka ngang impakta ka diyan, hindi ka na nahiya. Maraning tao dito at naririnig ang mga pinagmumura mo," ani ko dito para tumigil na."Bakit ako titigil totoo naman ang aking mga sinasabi, kita mo naman ang hitsura ng ating kaibigan halos

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter33

    Inabot kami ng hanggang alas diyes ng gabi bago matapos lahat ng aking trabaho at gamit na maiiwan ko dito. Niready ko na lahat ng aking mga dadalhin bukas ayon sa sinabi ni Sir sa akin. Sinamahan ako ng dalawa kong kaibigan na nag ayos at pinag aralan din nila ang mga maiiwan kong trabaho sa kanila. "Damn shit...pagod na pagod ako girl...ano ba naman ang lalaking yun, ura urada naman kasi. Hindi ba pwedeng next monday na lang sana. Mabuti naman sana kung magpapa kain ito diba or ikaw na lang bess tutal ikaw naman ang friend namin," sabi ni Cheska na nakanguso sa akin."Alam mong two weeks pa bago magkatapusan, wala pang sahod gaga..." sagot ko dito."Kahit sa turo turo na lang...gutom na gutom na ako huhuhu," ika ng gaga."Fine...lahat naman tayo gutom pero ikaw lagi kang gutom hindi ko nga alam kung saan mo ba nilalagay ang mga pagkain na kinakain mo. Hindi halatang patay gutom ko sa hitsura mong yan," pambabara ko dito. Humalakhak si Aya sa tabi ko, paano ba naman kasi kahit na lu

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter32

    Nagtatawanan kaming magkakaibigan at nag aasaran, nawala ang mga dinadala kung iniisip tungkol sa aking trabaho at sa kanya. Pagkatapos naming kumain at pagbalik sa aming mga trabaho, pinatawag ulit ako ni Sir at sinabing iayos ko na ang aking mga gamit para bukas. Kaylangan daw na kapag sinundo ako naayos ko na lahat ng mga ito. Ipasa ko daw ang aking trabaho sa dalawa kong kaibigan at sila na muna ang gagawa ng mga ito for the mean time.Natuwa ako sa nalaman atleast makakaganti ako sa dalawang yun, marami na silang ginagawa tapos dagdagan ko pa o diba ang saya. Akala nila sila lang ang masaya ha! Napakaraming mga sinasabi ni Sir sa akin malapit lapit na akong maasar dito nagtitimpi lang ako. Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili para hindi masagot ito kaya ng matapos siyang magsalita. Tinanong ko kung may kay;angan pa siyang sabihin at kung mayron pa sabihin niya na at ng makaalis na ako agad dito. "Anything else Sir, kung wala na po babalik na ako sa aking trabaho at ng maayos

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter31

    "Sabagay naiintindihan ka naman namin mahirap nga yan. So, anong plano mo? Ayaw mo bang pumunta doon," ika naman ni Aya."Hindi naman pwedeng hindian mo si Sir at baka masira ka. Alam naman nating lahat ang ugali noon, ayaw na ayaw niyang pinapangunahan siya at nag opposed ka sa mga sinasabi niya..." sabat ni Cheska. Napaisip ako, may point ang sinabi ng gaga. Ayoko din naman na may nakaka away lalo na't Boss ko pa. "Hayyyysssttttt....Bahala na nga...basta trabaho lang yun, siguro naman hindi magtatagal yun ng ilang linggo...." sagot ko sa mga ito."Sana nga trabaho lang...hindi kinikilig....ahhem ahhheeemmm..." ika ni Cheska na kinatawa ni Aya. "Bwisit kayong dalawa....hindi ba pwedeng magkita ang dating nagmamahalan," namumulang sagot ko.Kinapalan ko na ang aking pagmumukha dahil sa inis sa kanila. Alam ko naman na aasarin ako ng mga to, hindi ako titigilan ng mga ito hanggat hindi sila nasasatisfy lalo na ang bruhang si Cheska. Mabusisi ang babaeng to hindi gaya ni Aya na iyakin

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter30

    "Yeah right!!!!Tell us exactly kung bakit ka pinatawag kanina. Anong bad news ba yang sinasabi mo kanina," sabi ni Cheska. Bumuntong hininga ako bago sumagot dito."I was drag there and Sir Martin said," nag pause ako at nag iisip kung paano ko sasabihin sa kanila ng maayos pero inunahan ako ng gaga kong kaibigan."Na ano...tagal mo namang sumagot...anong kaylangan niya," excited na sabi ni Aya."Baka promotion lang besh ayaw niya lang sabihin," ika naman ng isa kaya sinimangutan ko silang dalawa at walang paligoy ligoy na sumagot sa mga ito."Kinausap niya akong maging assistant daw ni William Dames," walang paligoy ligoy kong sabi na kinalaki ng mata ng dalawa."Damn shit besh," sabi ni Aya na nanlalaki ang mga mata samantalang nasamid naman itong si Cheska sa kanyang narinig."Shit shit shit....for real," ika naman ni Cheska na umuubo.Akala ko malulungkot sila pero sa reaction nila para silang nanalo sa lotto. Tumayo sila at niyakap ako ng mahigpit napasigaw pa silang dalawa kaya

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter29

    Nakasimangot akong lumabas ng opisina nito at halos wala ako sa aking sarili ng makarating sa aking upuan. Kung hindi pa ako yugyugin ni Aya hindi pa ako matatauhan. Sinamaan ko ito ng tingin ng makita ko siyang paikot ikotin ako habang tinitingnan."Snap out...your spacing out dear. Ano bang nangyari at para kang nawalan ng kaluluwa diyan? Ano bang sinabi ni Boss? Bakit ka pinatawag? Nanduon pa ba si Boss gwapo yung prince charming mo," sabi ni Cheska pagkalapit sa akin."Kaya nga para kang na-engkanto. Tell us what happen. Good news ba or bad news," ika naman ni Aya."Bad news..." maikli kong sabi habang napapabuntong hininga. Hinarap ako agad ni Cheska at sinabing mag explain daw ako ng maayos para malaman nila kung paanong bad news yun."Tell us everything bess...wala ka namang ginawang hindi maganda, sabihin mo sa amin at ng mapuntahan naming dalawa ni Aya ang Boss natin at humingi ng explanation. Hindi pwede yang ginagawa niya," tunguyayaw nito. Hindi man lang inalam yung punot

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status