Nag-browse ulit si Luna sa balita. Habang binabasa niya ang mga iyon, mas lalo siyang nasasakal.Hindi lang pangalan ni Gwen ang binanggit sa balita, kundi may voice recording pa nya.Pinindot niya ang voice recording gamit ang nanginginig na mga kamay.Sa sandaling iyon, umalingawngaw sa buong silid ang mahinahon at walang emosyong boses ni Gwen. âTama, ako ang nag-expose sa kanila. Handa akong pasanin ang legal na pananagutan para sa mga larawang ito na aking na-publish. Kung may hindi nararapat na pag-iibigan sina Luna at Joshua, magdaraos ako ng press conference bukas at ipapaliwanag ang lahat sa lahat nang malinaw.âBukas, alas nuwebe ng umaga, sa maliit na auditorium malapit sa Ocean Ray High School ng Sea City, magdaraos ako ng maliit na press conference. Tinatanggap ko ang lahat ng mga kaibigan na nag-aalala tungkol sa pakikialam ni Luna sa kasal ni Joshua na dumalo. Sasagutin ko lahat ng tanong ninyo."Doon natapos ang recording.Napabuntong-hininga si Luna habang hawak
Marahil ay napagtanto na medyo hindi maganda ang kapaligiran, hindi man lang umimik si Lucas. Inilapag niya ang tanghalian sa coffee table at mabilis na umalis.Muling sumara ang pinto.Inangat ni Luna ang ulo at ini-scan ang pagkain sa mesa.Ito ay pagkain na karaniwan niyang gusto, ngunit wala siyang mood para sa pagkain sa sandaling iyon.Naku, siya ay sobrang gutom. Maaaring nagdurusa ang kanyang damdamin, ngunit hindi nito napigilan ang kanyang gutom.Huminga ng malalim si Luna at bumangon sa sofa. Pumunta siya sa coffee table at umupo para kumuha ng pagkain.Ang bango ng mga ulam ang gumising sa gana ni Luna, at agad niyang kinuha ang kanyang mga kagamitan sa kubyertos at kumain ng gutom.Sa kalagitnaan, sa wakas ay hindi na siya gaanong gutom.Kasabay nito, bigla niyang naalala na wala ring pagkain si Joshua na katabi niya.Kinagat niya ang kanyang mga labi at walang malay na ibinaling ang kanyang ulo.Matikas na sumandal si Joshua sa sofa. Ang isang kamay ay nasa tabi
Hindi napigilan na mabigla ni Luna sa mga sinabi ni Joshua.Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik na siya sa sarili mula sa mga pangit na alaala.Tumingala si Luna at tumingin kay Joshua. âNasa Sea City tayo, wala sa Banyan City.âEleganteng sumubo ng pagkain si Joshua. Ngumisi siya. âMay mga paraan pa rin ako, kahit na nasa Sea City tayo,â Ang sabi niya.Umiling si Luna.âKung magawa mo man o hindi, paano sa susunod? Aalis din tayo ng Sea City kahit anong mangyari.âHuminga ng malalim si Luna. âHabang nasa Sea City pa rin tayo, pwede ko pa rin siyang kontrahin sa kahit anong sabihin niya, pero kapag umalis tayo at muli nilang nilabas ang isyu, wala na tayong magagawa.âKumunot ang noo ni Joshua. Ang tono niya at malamig habang nangutya siya, âSa tingin mo ba hindi ko kaya harapin ang isang mahinang pamilya na tulad ng mga Larson?âBastaât gusto ni Joshua, kaya niya itong gawin kahit wala na siya sa Sea City.Pwede niyang habang buhay na ipalunok kay Gwen ang tungkol dito.Sye
âMagkakasama ulit kayo ni Uncle Andy.âPagkatapos ay itinabi ni Hailey ang phone at umalis na siya. Sa sandaling umalis siya, nakatanggap ng tawag si Gwen mula kay Alice.âGwennieâŠâ Ang boses ni Alice sa kabilang linya ng phone ay parang umiiyak. âSalamat talaga at tinulungan mo ako! BFF kita!âKinagat ni Gwen ang labi niya. âWalang anumanâŠâSabik na nakipag kwentuhan si Alice kay Gwen bago niya binaba ang phone.âGwennie.âNakahiga si Ben sa kama, at tumingin siya ng naaawa kay Gwen. âBalak mo talaga⊠na ipahiya si Luna sa press conference bukas ng umaga?âPumikit si Gwen. âWala akong choice.âKahit na bestfriend niya si Luna noong high school, wala pa rin silang sapat na kapangyarihan para kontrahin sila Alice.Si Alice ay may suporta ni Hailey, habang si Hailey ay may suporta ng pamilya Walter, na may sapat na kapangyarihan para kontrolin ang buong Sea City.Hindi siya pwedeng awayin.âŠHumiga si Luna sa sofa at nakatulog siya ng hindi niya namamalayan.Makalipas ang ma
Masyadong tamad si Luna para magpatuloy sa kalokohan ni Alice.Tumingin siya sa babaeng sinusubukan siyang asarin. âKung ganun nga, Mrs. Lynch, dapat mo siyang bantayan. Kung hindiâŠâNgumiti si Luna habang lumapit siya kay Alice at bumulong sa tainga nito, âKung hindi, kapag may ibang babae na dumating at inagaw si Mr. Lynch, mawawalan ng saysay ang lahat ng kasinungalingan mo.âTumalikod si Luna at umalis, iniwan niya si Alice na may galit at gulat sa mga mata nito.Nakatayo lang sa lugar si Alice habang pinapanood na umalis si Luna. Mahigpit ang kanyang mga kamao.Naging mas mayabang na si Luna!âŠSa lobby sa baba, nakaupo si Luna sa sofa habang may suot na trench coat at hinihintay na dumating si Theo.Medyo inaantok siya, kayaât pumikit siya para magpahinga ng kaunti sa sofa.âSaan pumunta si boss ngayong araw?ââHindi ko alam. Kahit anong tawag namin sa kanya, âyung assistant niya lang ang sumasagot, pero hindi natin pwede sundan ang mga salita ng assistant mula kay boss
Pagpasok nila ng kwarto, hinugasan ni Theo ang mga prutas at nilagay niya ang mga ito sa harap ni Luna.âAnong plano mong gawin? Kanina lang, habang nasa phone call, mapilit si Ben. Sinabi niya na ginagawa lang nila ito para mabuhay. Hindi nila kakanselahin ang press conference bukas, at pupunta si Gwen tulad ng plano at ikukwento ang istorya mo.âLumingon si Luna para tumingin kay Theo at ngumiti siya. âSinasabi mo ba na kailangan ko rin mag follow-up ng eksplenasyon?âNapahinto si Theo bago siya tumango.âPero, ayaw ko.âNgumiti si Luna at niyakap niya ang mga tuhod niya. Tumingin siya sa malayo. âTheo, pwede bang humingi ng pabor?ââŠSa sumunod na araw.Natuloy ang plano ni Gwen na press conference sa maliit na auditorium na malapit sa Ocean Ray High School.Ang maliit na auditorium ay punong puno ng tao.Nasa maliit na venue ang mga reporter habang patuloy silang kumukuha ng litrato ni Gwen sa entablado.Si Gwen, habang nakaupo sa entablado, ay nakasandal sa upuan at nak
Hindi nahanap ni Theo si Andy.Malamang ay inaasahan na ng pamilya Walter na may mga tao na susubukang itakas si Andy Larson, kayaât dinala nila si Andy sa ibang lugar bago pa ito mangyari.Sa mga sandaling ito, kahit anong gawin nila, huli na sila.Tumingin si Luna kay Gwen na nasa entablado, walang emosyon ang mukha niya.Halata sa mga mata ni Luna na nawalan na siya ng pagasa.Wala siyang karapatan at wala siya sa posisyon para sisihin si Gwen.Kung sabagay, para kay Gwen, isa lang siyang high school best friend na matagal niyang hindi nakita.Gayunpaman, ang taong hostage ng pamilya Walter ay ang tatay niya.Sakim ang lahat ng tao, tulad ni Luna. Ang lahat ng ginagawa niya ay para magamot ang sakit ni Nigel.Habang nalilito si Luna, nagsimula na si Gwen, âMatagal na akong hindi natutuwa kay Luna.âTumingin ng malamig si Gwen sa camera ng mga reporter, at ang tono niya ay pareho sa mga mata niya.âNung nasa Banyan City siya, maraming balita at tsismis na inaakit niya si J
Ngumiti si Gwen sa camera ng reporter. âIto ang katotohanan.âHindi nakumbinsi ang ilan sa mga reporter. âPero, Ms. Gwen, ang mga litrato na nilabas niyo nung nakaraan ay halatang gumagawa ng istorya. Sinabi niyo rin sa lahat na may affair sina Luna at Joshua. Paano niyo ito maipapaliwanag?âHuminga ng malalim si Gwen at tumawa siya, âMasasabi ko lang na tinatakot ako ng isang tao. Para sa kung sino ito, sasabihin ko sa susunod. Hindi ko pa pwedeng sabihin ang katotohanan tungkol dito, dahil may mga bagay pa akong kailangan siguraduhin.âPagkatapos, ngumiti si Gwen at tumayo siya. Yumuko siya sa camera. âPaumanhin sa sinabi ko kahapon. Humihingi rin ako ng paumanhin sa kaibigan ko, si Luna. Mula sa simula pa lang, kinakalaban ko na siya. Lagi ko siyang pinupuntirya, pero wala siyang pakialam, at pinagbigyan niya pa ako at nakipagkaibigan pa siya sa akin. Masaya talaga ako.âNasa entablado si Gwen, ngumiti siya ng maliwanag na tulad ng debut niya dati.âAng rason kayaât pinili ko a
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si âAndie Larsonâ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, âSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.âTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, âOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?âKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. âSinabi ba talaga âyun ni Miss Moore?âTumango si Robyn. âNakasalubong ko rin sa elevator âyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!âHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, âTalaga? Nagkataon nga naman.ââTama ka! Maliit ang mundo natin!â Tumango si Robyn. âHindi lang âyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayâŠâNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. âSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?âTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. âOo.âHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. âDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.ââSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.âLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. âSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?âHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. âO⊠Oo.âBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, âMiss, kilala⊠mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?âSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. âSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.âPagkatapos, tumingin siya kay Luna. âHindi ba, Luna?âNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. âOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.âPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. âKamusta na ang
âUmâŠâNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. âHindi baât sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.ââNakidnap silang pareho, at ang lalaki na âyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking âyun, patay na dapat siya ngayon.ââSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.âPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, âGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.âNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. âAng âkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?âAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
âHindi ko kailangan ng special treatment.â Ngumiti si John kay Tara. âAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.âKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong âpinsanâ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?âHello, Luna.â Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. âAno ang ginagawa mo dito?âNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaât isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. âMiss Moore!âTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. âAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras⊠Ayos lang ba siya ngayon?âKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaât sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, âNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.âPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. âNabalitaan ko na may sakit ka?âTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. âOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.âPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. âSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baât sinabi ko sayo na âwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?âTumawa si John. âMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.âMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
âAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.â Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking âyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. âPero John⊠makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?âNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, âSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. âWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.âPagkatapos, tumingin siya