Share

Kabanata 4

Author: Inked Snow
“Oo, sa Blue Bay Villa. Ang pagmamay ari ni Mr. Lynch.”

Tila naiirita ang boses ng lalaking nasa kabilang linya, “Desperado ang Little Princess namin para paliguan siya, at agad ka niyang pinili. Dalian mo na!”

Pagkatapos, binaba na ng lalaki ang phone.

Sumimangot si Luna at tumingin siya kay Neil na nasa harap niya. “Ito ang trabaho na nahanap mo para sa akin?”

Tumango ang bata habang lumapit ito at hinawakan ang kanyang kamay. “Mommy, alam ko po na nandito ka dahil sa isang rason. Mas madali niyo pong malalapitan si Joshua Lynch sa bahay niya kaysa sa opisina, tama po ba?”

Nagbuntong hininga si Luna, alam niya ito. Wala siyang maitatago sa mga maliit na batang ito. Lumuhod siya. “Tama ka, pero…”

“Mommy, ‘wag po kayong mag alala!” tumingin sa kanya si Neil ng may maliwanag na mga mata. “Madali lang alagaan ang Little Princess!”

Ngumiti na lang si Luna, naghilamos, at nagbihis.

“Ah, nasaan si Nellie?” ang tanong niya habang sinusuot ang kanyang sapatos.

Sasalubungin siya ng batang babaeng ito tuwing makakarating siya ng bahay. Bakit hindi niya ginawa ito ngayong araw?

“Ah, busy siya sa panonood ng cartoons! ‘Wag kang mag alala, Mommy, ayos lang si Nellie dahil binabantayan ko siya.”

Walang nang sinabi si Luna habang tumalikod na siya at umalis.

Tama si Neil.

Mas madaling malapitan si Joshua sa pagtatrabaho sa Blue Bay Villa kaysa sa kumpanya.

Hindi niya papalampasin ang pagkakataong ito.

Pero...

Sino ang maliit na prinsesang ito?

Siniyasat niya ng maigi si Joshua bago siya umuwi, ngunit wala siyang nakita tungkol sa taong ito.

Napuno ng mga tanong ang isip ni Luna habang dinala siya ng isang katulong sa Blue Bay Villa.

Anim na taon. Nakabalik na rin siya sa villa na ito.

Malaki at masigla na ang maliit na puno na tinanim niya sa hardin. Pareho pa rin ang lahat ng bagay sa villa.

Ang mga vase at painting na personal niyang pinili ay nakalagay pa rin sa mga lugar nito, walang kahit isang tuldok ng alikabok.

Napuno ng iba’t ibang emosyon ang dibdib ni Luna habang nakatingin siya sa mga ito.

“Little Princess, nandito na po siya!” biglang may mapagkumbaba na boses ng lalaki na nanggaling sa likod niya.

Napatingin sa baba si Luna.

Sa likod niya, tumingin sa kanya ang kanyang anak, may ngiti sa mukha nito habang nakasuot ng pink na pang prinsesa na dress habang hawak ang puting teddy bear sa mga kamay nito.

Neliie?!

Tumingin siya sa maliit na babaeng nasa harap niya, sa sobrang gulat niya ay wala siyang masabi!

Nilagay ni Nellie ang daliri niya sa kanyang labi, sumenyas siya na ‘tahimik lang’.

“Perpekto ang auntie na ‘to.” lumapit habang tumatalon si Nellie. “Hi Auntie, ako si Nellie!”

Kumunot ang mga kilay ni Luna at bumulong siya. “Bakit nandito ka?”

“Ipapaliwanag ko rin po sayo mamaya, Mommy!” hinawakan ni Nellie ang kamay ni Luna. “Auntie, umakyat na tayo, gusto ko ng milk bath!”

Pagkatapos, hinila niya si Luna pataas ng hagdan.

“Bantayan mo ang Little Princess!”

Habang nakatingin sa babae, nagbuntong hininga si Lucas.

Mas mahirap pakisamahan ang Little Princess kaysa sa Daddy niya. Naghirap siya buong hapon at sa wakas nahanap niya na rin ang katulong na nababagay sa panlasa niya.

...

Sa banyo sa loob ng kwarto ng bata, nakahiga si Nellie habang nakanguso siya. “Mommy,” nagreklamo siya, “‘wag na po kayong magalit. Mabait po sa akin si Daddy… hindi niya po ako pinahirapan.”

Malambing niyang ginulo ang buhok ng anak niya. “Kailangan kong tumawag.”

Nakahiga sa dulo ng bathtub si Nellie habang nakatingin siya sa nanay niya na paalis. May mali ba siyang nagawa? Bakit hindi natutuwa si Mommy…?

“Neil.” Habang nakatayo sa balkonahe, mahigpit na hawak ni Luna ang kanyang phone, ginitgit ang kanyang ngipin habang sinabi ang pangalan ng bata. “Ito ang trabahong nahanap mo para sa akin?”

Nagsalita mula sa kabilang linya si Neil na tila humihingi siya ng tawad, “Nakita niyo na po ba si Nellie, Mommy?”

“Bakit gusto mong kilalanin ni Nellie na tatay ang lalaking ‘yun?”

Alam niya na ang panganay niyang anak ay tahimik, ang pangalawa niyang anak ay makulit, at ang bunso niya ay masunurin at cute. Hindi niya inaasahan na palihim na hinanda ni Neil na magkita sina Nellie at Joshua!

“Mommy, mangyayari rin naman po ‘to.” nagbuntong hininga si Neil. “Alam ko po na magagalit kayo, kaya’t hindi ko po sinabi sa inyo. Pero mommy, hindi po ba’t… kamukha talaga siya ni Nellie? Kahit po hindi natin sabihin sa iba, nasa Banyan City po tayo ngayon, at malalaman rin po ng mga tao niya. Malalaman niya rin po sa huli.”

Humigpit ang hawak ni Luna sa kanyang phone.

Kahit na nag aatubili siya na aminin ito, ang katotohanan ay talaga naman magkamukha si Nellie at ang tatay niya, lalo pagdating sa mata niya....

Nang mapansin ni Neil na tumahimik si Luna, nagmadali siyang kumbinsihin ang nanay niya, “Dahil malalaman din naman po nila, mas mabuti na po na tayo na ang mauna. At least ngayon po na magkasama sila ni Nellie, mapipigilan po ang kasal niya sa kabit niya.”

Pumikit si Luna. “Inisip mo na ba kung anong mangyayari kapag hindi niya binalik sa atin si Luna? Pinalaki ko kayo ng mag isa, ayaw kong makita na…”

“‘Wag kayong mag alala, Mommy.” sa kabilang linya ng phone, tumuro ang anim na taong gulang na bata sa kalangitan at pinangako niya, “Kapag gusto niyo pong pauwiin si Nellie, sisiguraduhin ko po na makakauwi siya!”

Tumawa ng mapait si Luna bago niya binaba ang kanyang phone.

Kung sabagay, bata pa si Neil, at hindi niya pa naiintindihan si Joshua. Noong mga lumipas na taon, kaya ni Joshua na dalhin si Luna—isang babae na na gabi gabi niyang kasama sa kama—sa kanyang kamatayan para sa affair niya kay Aura.

Kung sa huli, hindi bibitawan ni Joshua si Nellie… Hindi na ito inisip ni Luna.

Sa mga sandaling ito, hindi niya magagawang ibunyag ang sarili niya o ibigay si Nellie. May mga bagay pa siyang dapat gawin.

Dapat siyang umisip ng plano.

Nagbuntong hininga siya at bumalik na siya sa banyo.

Natapos nang maligo ang Little Princess na kumilos ng mataas at mayabang sa harap ni Joshua. Nagpunas siya ng tuwalya at nasa gitna na siya ng pagbibihis.

Anim na taong gulang pa lang siya, ngunit mature na siya kumilos. Bahagyang kumirot ang puso ni Luna nang makita niya ito.

Tumitig ang maliit na bata kay Luna nung pumasok siya. “Mommy, galit ka po ba sa akin?” balisa niyang tinanong. “Ang sabi po ni Neil… matutulungan daw po kita…”

Habang nakatingin sa basang mga mata ng anak niya, lumambot ang puso ni Luna. Paano niya papagalitan ang anak niya?

Lumapit siya at tinulungan niya magbihis si Nelli bago niya ito niyakap. “Hindi ka sinisisi ni Mommy. Good girl ka. Hindi mo ako pwedeng tawagin na Mommy sa harap ng ibang tao, pero kapag may nangyari, ako ang unang lalapitan mo, okay?”

“Okay po!” yumakap si Nellie sa payat na mga balikat ni Luna. “Anak po ako ni Mommy, forever and ever. Hindi ko po kakalimutan ‘to.”

Niyakap ni Luna ang anak niya habang pinigilan niya ang kanyang mga luha.

“Nellie.”

Matapos ang ilang saglit, may narinig na mababang boses mula sa labas ng pinto. ‘Si Daddy ‘to. Tapos ka na bang maligo?”

Tumingala si Nellie at tumingin siya kay Luna. Tumango si Luna at binitawan siya.

“Tapos na po!” huminga ng malalim ang Little Princess at naglakad na siya patungo sa pinto ng banyo.

Bumukas ang pinto.

Pumasok agad ang matangkad na lalaki at niyakap si Nellie. Mainit ang yakap niya habang sumandal si Nellie sa balikat niya.

Ito ba ang pakiramdam ng mayakap ni Daddy?

Hiniling niya na maranasan rin ito ng dalawang kapatid niya...

Hindi na masama na magkaroon ng Daddy!

“Narinig ko kay Lucas na pumili ka ng katulong mo?” sumimangot si Joshua at tinanong niya ito.

“Opo.” tumango si Nellie at tumuro siya sa direksyon ng banyo. “Nasa loob pa po si auntie, at mabait na mabait po siyang babae! Daddy, dapat niyo po siyang pakisamahan!”

Bahagyang kumunot ang noo ni Luna, na siyang nagkukuskos pa rin ng lababo.

Bakit parang… pinagkakasundo ni Nellie ang nanay niya at si Joshua?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sila ang tagapagtanggol mo Luna
goodnovel comment avatar
NovelAddict
Ayos tong mga anak ni Luna mga genius... secret spy/little secret agent ang peg.........
goodnovel comment avatar
Lalaine Rambo
Ang tatalinong Bata Haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status