Share

Kabanata 5

Author: Inked Snow
Sumimangot si Joshua at pinalabas niya si Nellie. “Lucas, dalhan mo siya ng dessert.”

Nung sumara ang pinto, pumasok siya sa banyo.

Kahit na sinabi niya na pwedeng pumili ng katulong si Nellie, isang bata pa lang siya—ang kakayahan niyang humusga ng mga tao ay hindi kasing talim ng matatanda. Sadyang umuwi ang nag aalalang Joshua para tingnan ito.

Sa loob ng banyo, natapos na maglinis ng lababo si Luna at tumalikod siya, napansin niya na may dalawang puting tuwalya sa rack. Tumalikod siya at binuksan niya ang aparador at nakita niya ang isang pink towel na nakasabit.

Mahilig sa pink si Nellie.

Puno ng singaw at hamog ang banyo, kumilos siya ng pamilyar sa banyo habang busy siya.

Naramdaman ni Joshua na parang nananaginip siya dahil sa hugis at mga kilos ni Luna.

“Lulu…” sinabi ito ni Joshua at agad na napahinto si Luna.

Sa mga sandaling ito, tumalikod si Luna at tumingin siya kay Joshua ng nakangiti. “Hello po, Mr. Lynch.”

Bumalik sa katotohanan ang isip ni Joshua nang makita niya ang mukha ng babae.

“Ikaw?”

Ang babae sa department store kagabi.

Bahagyang ngumiti si Luna. “Hello po, ako po si Luna.”

Kumunot ang noo niya at tumitig siya kay Luna ng naghihinala. “Anong pangalan mo?”

“Ako po si Luna.”

“Ano? Luna?” lumiit ang mga mata ni Joshua.

Matapos ang ilang saglit, napunta ang kamay niya sa leeg ni Luna at tinulak niya ito sa malamig na pader ng banyo. “Sinasabi mo ba na ang apelyido mo ay Gibson, at ikaw si Luna Gibson?”

Tumingin siya ng malupit, malamig ang kanyang boses. “Sadya mo akong binangga kagabi para kausapin ako, at hindi lang ikaw ang yaya ng anak ko ngayong araw, pero ginamit mo rin ang pangalan ng asawa ko? Isang taong tulad mo?”

Hindi makapagsalita si Luna dahil sa higpit ng pagsakal ni Joshua sa leeg niya.

Nahirapan si Luna, ngunit sa loob, nanunuya siya.

Naalala pa rin ni Joshua na siya si Luna Gibson.

Inisip ni Luna na nakalimutan na siya ni Joshua pagkatapos mamuhay nito kasama si Aura nitong mga nakalipas na taon!

“Daddy!” bumukas ang pinto ng banyo at mabilis na lumapit si Nellie. Kumapit siya at hinila ang binti ni Joshua. “Bitawan mo po siya! Nasasaktan na po siya! Kapag nasaktan po siya, masasaktan din po ako!”

Mahina ang katawan ng batang babae, ngunit puno ng galit at pag aalala ang boses niya.

Huminto si Joshua bago niya binitawan si Luna.

Nang makahinga na si Luna, bumagsak siya sa sahig habang hawak niya ang kanyang leeg at umubo.

“Ayos lang po ba kayo?” mabilis na lumapit si Nellie at balisa niyang hinawakan ang dibdib ni Luna. “Malala po ba? Kukuha ako ng doctor!”

Pagkatapos, tumalikod si Nellie at tumingin siya ng galit kay Joshua. “Kumuha ka ng doctor!”

Tumulo ang malamig na pawis ni Lucas, na siyang nakatayo sa tabi.

Sa Banyan City, parang isang Diyos na si Joshua Lynch. Kahit ang karamihan sa mga nakatatanda sa pamilya Lynch ay hindi nagsasalita sa kanya ng ganito, ngunit ginamit ng maliit na babaeng ito ang pagkakakilanlan niya bilang anak ni Joshua para kausapin niya ito na para bang isang katulong o alipin.

Bahagyang sumimangot si Joshua, tumalikod siya at tumingin siya kay Lucas. “Kumuha ka ng doctor.”

Tahimik na nabigla si Lucas.

“Hindi na po kailangan.”

Huminga ng malalim si Luna bago siya tumayo. “Hindi po ako mahina para kumuha ng doctor dahil lang dito.”

Pagkatapos, lumingon siya at tumingin kay Joshua. “Mr. Lynch, ang pangalan ko po ay Luna. Lu—na. Pasensya na po at pareho kami ng pangalan ng ex-wife niyo, pero wala na po akong magagawa dito.

“Para naman po sa nangyari sa department store, aksidente ko lang po talaga kayong nabangga. Para naman po sa pagkuha niyo sa akin bilang katulong…”

Tumingin siya ng mahinahon kay Joshua. “Gusto ko lang po ng trabaho na kung saan magaling ako, at nagkataon lang po na napili po ako ng Little Princess. Wala po akong ibang intensyon. Sana po ay hindi niyo na pag isipan ng masyado.”

Pagkatapos nito, yumuko siya at nagsalita siya ng mahinay, “Akala ko ba bumaba ka para kumuha ng dessert?”

Pagkatapos sabihin ito, kumunot ang mukha ng batang babae. “Masyado pong matamis ang mga dessert dito. Ayaw ko po sila.”

“Gusto mo ba ng cookes?”

“Opo!”

“Magb-bake ako para sayo.”

“Okay po!”

Hinawakan ng Little Princess ang kamay ni Luna at hinila niya ito ng mayabang.

Nang makaratin na sila sa pinto, tumalikod si Nellie at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Daddy, kapag kinanti niyo po ulit si Auntie… Hindi lang po ako lalayas, irereport ko rin po kayo sa pulis sa pagiging bayolente at mapang abuso!”

Sumimangot si Joshua habang nakatingin siya sa direksyon ng dalawang babae—isang matanda at isang bata—habang naglalakad sila palabas ng kwarto.

“Ibigay mo ang lahat ng meron tayo kay Luna.”

“Opo, Sir.” kabadong tumango si Lucas, ngunit tinawag siya ni Joshua bago pa siya makaalis.

“Ang itsura ko ba kanina…” napahinto siya. “Iisipin ba ni Nellie na masama akong tao?”

Natutuwa at nalilito si Joshua dahil sa anak niya na lumitaw mula sa langit. Natutuwa siya na malaman na buhay pa si Luna at may anak siya, ngunit nalilito pa rin siya...

Hindi niya alam kung paano siya kikilos kasama ang isang batang babae.

Ang gusto niya lang malaman ay ang tunay na pagkakakilanlan ng babaeng ‘yun, ngunit nakalimutan niyang mabigay ang mabuting impresyon kay Nellie.

“Medyo, oo…” pinunasan ni Lucas ang pawis sa kanyang noo. “Pinili ng Little Princess ang katulong na ‘yun. At nakikita ko na natutuwa siya kay Luna…”

Kumunot lalo ang mga noo ni Joshua. Galit siyang tumayo at bumaba ng hagdan.

Sa maliit na restaurant sa baba, tahimik na nakaupo ang batang babaeng nakasuot ng pink princess dress habang nakatitig siya sa direksyon ng kusina.

“Anong tinitingnan mo?”

“Sa cookies ko po.” dinilaan ni Nellie ang mga labi niya, matamis at malambing ang boses niya. “Ang sabi po ni auntie, kailangan pa daw po maluto ang cookies sa oven ng lagpas thirty minutes bago po namin pwede ilabas ‘yun.”

Nung binanggit ng anak niya si Luna, sinuri ni Joshua ang paligid. “Nasaan siya?”

“Sino?”

Tumagilid ang ulo ni Nellie at tumingin siya kay Joshua gamit ang malaki niyang mga mata. “Tinutukoy niyo po ba si Auntie?”

Sa cute na ekspresyon niya, hindi napigilan ni Joshua na himasin ang ulo niya.

“Oo, siya.”

“Si auntie po, siya ay…”

Tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi bago siya suminghot at umiyak, “Wala na po si Auntie!”

Tumulo ang mga luha niya na para bang binuksan ang gripo. “Sinabi niya na ayaw daw ni Daddy sa kanya, kahit na kailangan niya po talaga ang trabahong ‘to, ayaw niya pong mabuhay na pinaghihinalaan at pinapahiya. Kaya’t umuwi na po siya! Uhu, uhu, uhu, uhu!”

Pumikit si Joshua.

Ang babaeng ‘yun… umalis lang ng ganun?

Yumuko siya habang nakatingin ng tahimik kay Nellie, tinanong niya, “Gusto mo ba siyang bumalik?”

“Opo!”

Suminghot ang babae. “Mali daw ang pagka intindi niyo sa kanya, at kung hindi daw humingi ng tawad sa kanya si Daddy, hindi na daw po siya babalik.”

Pagkatapos, tinikom niya ang kanyang bibig. “Kahit na gusto ni Nellie si Auntie, mas importante ang pride ni Daddy.”

“Daddy, pwede mo po akong paglutuan ng tanghalian ngayon. Ayaw ko pong kumain ng pagkain na ginawa ng mga katulong. Gusto ko lang po kumain ng mga pagkain na gawa ng mga taong gusto ko. Sa bahay na ‘to, ikaw lang po ang gusto ko, Daddy.”

Pumintig ang ugat sa noo ni Joshua.

Gusto niya na personal na magluto si Joshua para sa kanya?

“Daddy, sobrang gwapo at talino mo po. Madali lang po para sayo na paglutuan po ako, hindi po ba?”

Pumikit ang batang babae at tumingin ng seryoso kay Joshua.

Napahinto si Joshua, nirolyo niya ang kanyang manggas at pumunta siya sa kusina matapos lamang ang mahabang sandali,

Habang nakahiga siya sa mesa, palihim na nilabas ni Nellie ang kanyang phone at kinuhanan niya ng litrato ang lalaking nakatayo sa kusina, sinend niya ito kay Luna.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana magkausap na kayo Luna at Joshua para malaman nyo yong totoong nangyari nuon at mapanagot si Aura
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status