Share

Chapter 18

"Ano ka ba Lyn? Dapat hindi mo nilalagyan nang dahilan ang mga bagay na iyon! Akala ko pa naman malinaw na ang lahat sa atin." Tumayo si Reyman at imbis na inumin ang juice na tinimpla ko sa kanila ay lumapit ito sa akin at inagaw ang kapeng tinimpla ko. Ininom niya iyon mismo sa harapan ko kaya napanganga akong tinitigan siya.

Gusto ko sanang sabihin na hindi para sa kanya iyon pero hindi ako makapagsalita. Lalo na at matapos inumin iyon ni Reyman ay tumingin ito sa akin at nagsalita.

"Initin mo iyong adobo mamayang lunch okey?"

Npatango-tango ako at nakita kong ngumiti ito sa akin bago tumalikod at lumabas nang kusina.

Totoo ba iyong nakita ko? Ngumiti sa akin si Sir Reyman? Hala! Nananaginip ba ako? Napangiti akong bigla at napansin iyon ni Lyn.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Hugasan mo 'tong mga pinagkainan!" bulyaw nito sa akin. Habang hinuhugasan ko ang mga plato ay hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. First time ko kasing makitang ngumiti si Sir Reyman. Kaya naman isang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status