Share

CHAPTER 55

CHAPTER 55

" Pwede naman kayong tumanggi sa kanila kung hindi niyo naman kaya. Wala pang laman mga sikmura niyo kanina, alak agad ang ininom niyo, " ani Estrella kay Sebastian habang sila'y naglalakad-lakad sa bukiran kasama sina Anna at Javier na may sariling mundo sa kanilang likuran. Naiwan sa bahay nila sina Manang Susan, Manong Cesar at ang dalawa pang kasama nilang kasambahay na piniling hindi muna sumama sa paglilibot nila dahil napasarap ang kwentuhan sa mesa.

Alas kwatro na ng hapon at may lilim na rin ang dinadaanan nila. Masarap at presko ang hangin subalit dahil piyesta ngayon, bawat bahay ay may ingay dahil ang ilan sa mga ito, may mga nagkakantahan na animo'y na sa isang paligsahan. May ilang bata ring naglalaro at nagkalat sa daan. Mga pawisan pero bakas naman sakanila ang kasiyahan.

" Ayos lang, hindi naman ganoon kalakas 'yong alak na pinainom nila kanina, " ani Sebastian saka pasimpleng hinawakan ang kaniyang kamay habang ang mga tingin ay diretso sa daan. " Saan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status