Yngrid
SABOG AKONG GUMISING NGAYONG UMAGA. Nakatulala lamang ako sa kisame ng kwarto dahil hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango ni Señorito. Masyadong nakakaadik ang amoy niya.
Mabilis ko namang sinampal ang sarili ko dahil kung ano-ano ang naiisip ko kay Señorito. Nang tingnan ko ang oras ay napabangon na ako dahil malapit nang magalas-otso, baka malate ako.
Kaya malakas kong pinilig ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Kailangan kong mag-focus sa trabaho lalo na at nandito na ang Amo ko.
Nang maligo na ako ay mabilis naman akong nagbihis ng uniform ko. Kinuha ko naman ang blower na nakalagay sa drawer ko para patuyuin ang buhok ko.
Sosyal din pala kaming mga katulong dito. Lahat kami ay kumpleto sa gamit. Parang hotel na nga itong kwarto namin dahil sa laki at linis nito. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nagtatagal ang mga kasamahan ko dito.
Nang makita kong tuyo na ang buhok ko ay pinuyod ko na ito at naglagay ng kaunting pulbo. Napatigil naman ako dahil bakit kailangan ko pang maglagay nito ay haggard din naman ako dahil sa trabaho.
Kaya malakas akong huminga at nagdesisyon ng lumabas. Paglabas ko ay naabutan ko pa si Gelene kaya tumango ako at tipid siyang nginitian.
"Good morning, Yngrid. Ang fresh, sana all!" Pagpuri niya kaya natawa ako ng mahina at nagulat na lang ako ng ikawit niya ang braso niya sa braso ko.
"Tara na, para masilayan na natin ang Señorito." Bakas sa boses niya ang kilig at saya kaya napangiwi na lamang ako at hinayaan ko na lamang na higitin niya ako.
Pagbaba namin ay naabutan namin sila Manang at Aubrey na naghahanda ng umagahan ni Señorito. Kaya bumati kaming dalawa ni Gelene. Bigla na lang sumama ang tingin sa akin ni Aubrey kaya hindi ko na lang binigyang pansin.
"Good morning po sa inyo." Ako na ang unang bumati kaya nginitian ako ng iba pero si Aubrey inirapan ako at bumalik sa kusina para may kuhanin.
Akmang tutulong na sana ako sa paghahanda pero mahinang hinataw ni Manang ang kamay ko kaya bigla akong napatingin sa kaniya.
"Ano po ang ginawa ko Manang?" Nagtataka kong tanong pero may ibinigay siya sa akin na maliit na gunting at ngumuso sa garden kaya doon naman dumako ang atensyon ko.
"Gupitin mo na lang muna ang mga nagtataasang dahon sa garden, Yngrid. Minsan kasi ay doon tumatambay ang Devron bago mag-umagahan. Nagpapahangin siya minsan doon." Utos ni Manang kaya wala na akong magawa kundi ang sumunod at kinuha sa kanya ang gunting.
Ilang hakbang lamang ang garden kaya rinig ko pa rin kung ano ang nangyayari sa kusina at hapagkainan. Paglabas ko sa garden ay ang malamig na hangin ang tumama sa mukha ko dahilan para mapangiti ako at nagsimula ng gumupit ng mahahabang dahon.
Habang ginugupitan ko ito ay tuluyan na akong nakaupo sa damuhan. Mabuti na lamang ay malinis ito. Busyng-busy ako sa paggugupit at halos masugatan ako ng marinig ko ang baritonong boses ng Señorito sa tabi ko.
"Good morning, Yngrid. Ang busy mo yata? Hindi mo na napansin ang presensiya ko." Bati niya sa akin kaya ng lingonin ko siya ay nakaupo na pala siya sa tabi ko dahilan para pagsabihan ko siya.
"Hala Señorito, tumayo ka po diyan. Baka madumihan ka po." Bakas sa boses ko ang pagkataranta pero natulala na lang ako ng tumawa siya dahilan para sumilip ang ibang katulong at nangunguna doon sila Aubrey.
"It's okay, Yngrid. Sanay na akong umuupo dito. Continue what you are doing." Matatas niyang ingles kaya wala na akong magawa kundi ang makinig sa kanya at ipinagpatuloy ang gagawin ko. Hindi ko na ring maiwasang ngumuso dahil naiilang ako sa titig niya.
Pero napatigil muli ako ng muli na naman siyang natawa ng mahina kaya ibinaba ko ang gunting at hinarap siya. Palihim na lang akong napasinghap ng makita ko ang mukha niya na natatamaan ng sikat ng araw.
Lalo tuloy lumitaw ang kagwapuhan ng Señorito. Mukha na talaga siyang anghel ngayon na mabait, hindi na siya mukhang masungit kasi tumatawa na siya.
"May problema po ba, Señorito? Kanina ka pa po tumatawa. Mukhang hindi po yata maid ang ipinasok ko dito, clown po yata. Tawa ka ng tawa, eh." Hindi ko na mapigilang magbiro at dahil doon ay mas lalong lumakas ang pagtawa niya kaya natulala na naman ako.
Hindi ko akalain ganito kababaw ang kaligayahan ni Señorito. Hindi ko alam kung saan siya natatawa, eh. Sa mukha ko ba o sa biro ko.
"Ang cute mo talaga, Yngrid."
Halos masamid ako sa sarili kong laway sa narinig ko. Ang ibang kasamahan ko ay impit pang humiyaw pero kita mo sa kanila na naiinggit sila sa akin lalong-lalo na si Aubrey. Ako naman ay halos umalis na sa pwesto ko dahil sa mga sinasabi ni Señorito.
Huwag kang rurupok, Yngrid. Amo mo 'yan, amo mo 'yan.
Akmang magsasalita na sana ako pero biglang sumingit si Manang sa amin at may hawak na cellphone sa kamay niya. Bakas sa mukha niya ang pagkataranta at pag-aalala kaya napatingin na sa kaniya si Señorito.
"Bakit po, Manang? May nangyari po ba kay Iris?" Nabigla naman ako ng biglang nagbago ang boses niya. Naging puno ito ng pag-aalala.
Ako naman ay kumunot ang noo dahil sa Iris na sinambit niya? Girlfriend niya kaya 'yon? Maganda rin kaya siya?
"Wala naman Señorito. Tumawag lang siya at nakikisuyo ang kapatid mo na bilhan mo muna raw si Chase ng gatas at diaper. Hindi raw siya makalabas ngayon dahil wala raw magbabantay sa anak niya." Paliwanag ni Manang kaya napatango ang Señorito at napatingin naman ito sa akin.
"Isasama ko po si Yngrid sa pamimili, Manang." Aniya kaya nanlamig naman ako sa narinig ko at muli na naman siyang tumitig sa akin.
"Magbihis ka na. Hihintayin kita sa baba." Pinal niyang saad at basta-basta na lamang umalis sa harapan namin. Nang mawala na siya sa paningin ko ay napatingin naman ako kay Manang na ngayon ay nakangiti na sa akin. Akmang tututol na ako pero umiling siya at nagsalita.
"Sumama ka na, Yngrid. Kailangan rin ni Señorito ng makakasama sa pamimili." Bilin niya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok na rin sa loob.
Pagpasok ko ay bumungad agad si Aubrey na masama na naman ang pagkakatitig kaya hindi ko na lamang pinansin at umakyat na maid quarters.
Kasama ako ni Señorito sa pamimili. Ano kayang mangyayari kapag kaming dalawa lang ang magkasama mamaya?
…
NATAGPUAN ko na lamang ang sarili kong katabi si Señorito na nagtutulak ngayon ng cart. Pagpasok namin sa mall ay pinagtitinginan agad siya kaya lumayo ako ng kaunti.
Pero lagi niya akong hinihigit palapit sa kaniya na akala mo ay isa akong bata at mawawala sa tabi niya. Kaya wala na akong naggawa kundi ang tabihan na siya.
"Si Iris Montecillo, nag-iisa kong kapatid. Dalawa lang kami, ako ang panganay. Siya naman ang prinsesa namin. Ito ang litrato niya. Ang ganda ng prinsesa ko 'no?" Bakas sa boses ni Señorito ang pagmamalaki sabay ipinakita sa akin ang litrato ni Iris.
Mahaba ang buhok. Itim na itim ang kanyang mga mata. Mapula ang labi at ang pisngi niya. Maputi rin siya. Sa litrato pa lamang ay makikita mo na maganda siya paano kaya kapag sa personal ko na siya makita. Baka isang dyosa na ang kaharap ko.
"Parang dyosa po siya, Señorito." Pag-amin ko kaya lalo pang lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko. Pero napatitig naman ako sa lalaking katabi ng Iris. Sino kaya 'to.
"Ah, 'yang katabi naman niya ay asawa niya. Sebastian ang pangalan. Makikita mo rin siya balang araw." Paliwanag niya kaya napatango naman ako at ang sunod niyang pinakita ay ang dalawang matanda na tantiya ko ay nasa mid 50's na pero batang-bata pa rin ang mga itsura at halata mong mahal nila ang isa't-isa.
"Ito naman ang mga magulang ko, Yngrid. Akala mo masungit lang si Papa pero mabait 'yan. Si Mama naman ay madaldal kapag nakaharap mo na." Dugtong niya pa kaya napangiti naman ako.
Nakakatuwa naman ang pamilya ni Señorito. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit kailangan niya pang ipakita sa akin 'yan.
"Ahm… bakit mo po pala sila ipinapakita at ipinapakilala sa akin, Señorito?" Pang-uusisa ko dahilan para matigilan siya.
"Para kapag nagpunta sila sa bahay ay pamilyar ka na sa kanila, Yngrid." Sagot naman niya kaya peke naman akong natawa dahil sa katangahan ko.
Oo nga naman, Yngrid. Minsan kasi umayos ka. Nakakahiya tuloy sa Amo mo. Kung ano-ano kasi iniisip mo.
"By the way, let's go. Bayaran na natin 'to sa counter para madala na sa kapatid ko. Baka bumubuga na ng apoy 'yon dahil sa sobrang tagal ko." Pag-aayaya niya sa akin kaya sumunod na ako.
Matapos naming mamili ay dumiretso uwi na agad kami. Pagbaba ko ng sasakyan ni Señorito ay binitbit ko lamang ang magagaan na pinamili niya dahil siya na raw ang bahala sa iba. Nauna na akong pumasok dahil may kausap siya sa cellphone niya.
Pero napatigil na lang ako sa paghakbang ng makita kong may taong nakaupo sa sofa at ng maramdaman niya ang presensya ko ay bigla na lamang siyang lumingon sa gawi ko.
Shemay, ang gwapo rin. Saglit ko lang siyang pinagmasdan dahil pamilyar siya sa akin. Ang matikas niyang katawan na agaw pansin, ang kulay brown niyang mga mata at ang nakakunot niyang noo na nakadagdag sa kagwapuhan niya.
"Good morning, Sir. Sino ka po?" Ako na ang bumasag ng katahimikan. At tumaas muna ang isang kilay niya bago sumagot sa akin.
"Sebastian Craixon Buenavista."
Happy reading, hopies! Huwag kalilimutang mag-iwan ng komento at votes.
YngridMALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo. Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon. Nang makita kong
YngridWALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya. “Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran. “Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy. “Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus nam
YngridPAREHO kaming natigilan ni Devron sa naging tanong ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya sa kauna-unahang pagkakataon. Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko at mas hinapit pa ang bewang ko para mapalapit sa kanya. “Devron,” paos kong wika pero pinagdikit niya ang noo naming dalawa at marahang hinaplos ang sugat ko sa balikat kung saan ako nadaplisan ng bala kaya lumamlam ang mata ko sa ginawa niya. "Sino ka ba talaga?" Muli kong pagtatanong kaya mariin siyang pumikit. Pakiramdam ko ay natatakot siyang marinig ko ang tunay niyang pagkatao pero hindi ko muna siya huhusgahan. Kailangan kong malaman kung sino ba ang lalaking nagugustuhan. "Dev," malambing kong pagtawag at sa wakas ay binuksan niya na ang mata niya na ngayon ay matapang ng nakatingin sa akin. "Hindi mo magugustuhan kung sino ako, Yngrid," aniya kaya tumango ako at marahang hinaplos ang pisngi niya dahilan para mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa bewang ko. "Handa akong makinig, Devron. Handa
YngridNANLALAMIG na ang katawan simula ng magising ako, ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko dahil ramdam ko ang hapdi nito kapag sinusubukan kong kalagin. Ang mata ko ay nababalot ng kadiliman dahil tinakpan ito, nagsimula na ring manginig ang labi ko sa takot.Nasaan ba ako? Saan ba ako dinala? Anong kailangan nila sa akin?“Pre, gising na yata ‘tong babae ni Devron. Nagalaw na eh!” Sigaw ng kung sino at naramdaman ko ang mabilisang paglapit nila sa akin at basta na lamang tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko at nag-adjust ako sa liwanag. Nang matanggal na ito ay nangilabot ako ng makita ko ang mga mata nila. Mapupula ito na akala mo ay nakahithit sila ng mga ipinagbabawal na gamot. Kayo na ang bahala sa akin, gusto ko pang mabuhay.“Gising na pala ang babae ni Devron, ano kayang magiging reaksyon niya ng malaman niyang kinuha ka namin?” Natatawang saad niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kinauupuan kahit feeli
YngridPUNISHMENT? Teka anong punishment na naman ang matatanggap ko ngayon. Iniwasan at inasar ko na lang siya. Papaalisin niya na ba ako dito? Sisibakin niya na ba ako sa pwesto? Omg, sana pala nag-isip muna ako bago ko gawin ‘yon.“S-sinabi ko na sa’yo kanina ang rason ko,” matapang kong saad kaya nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang umalis sa pwesto niya at binuhat ako at inupo sa ibabaw ng mesa niya. Kahit gusto kong magpumiglas ay hinapit niya ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa. Pucha! Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit niyang katawan dahil magkadikit na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya, ano ba tong ginagawa ni Devron? Nahihibang na ba siya? Paano kung may pumasok sa opisina niya ay abutan kami ng ganito, paniguradong may iba silang iisipin. "Teka, teka kalma Devron. Pwede bang ihiwalay mo ng kaunti itong katawan mo sa akin," natatawang saad ko pero ang totoo ay grabe na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Imbis na sundin niya ang si
YngridMAKALIPAS ang dalawang araw na marinig ko 'yon ay umiwas muna ako kay Devron. Ayokong mas mapalapit sa kanya dahil may magiging asawa na pala siya, ngayon alam ko na kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Kalista. Ayaw niyang may babaeng umaaligid sa mapapangasawa niya. At sa dalawang araw na nakalipas ay hindi naman ako pinapatawag ni Devron kahit na halata niyang iniiwasan ko siya, kapag kasi magsasalubong ang landas naming dalawa ay ako na agad ang umiiwas na pinagtataka na nila Manang lalo na si Gelene. "Yngrid, be. Hindi naman sa nanghihimasok ako, ha. Pansin ko lang nitong nakaraang araw na hindi kayo nagpapansinan ni Señorito, 'diba Personal Maid ka niya? Anyare?" Panguusisa ni Gelene ng minsang nagtagpo ang landas naming dalawa sa kusina. Ako ay naghuhugas ng pinggan habang siya naman ay pinupunasan ang mga ito. "Ah, nagpaalam naman ako na dito naman para matulungan ko kayo at saka hindi ko naman iniiwasan si Señorito, hindi lang talaga nagtatagpo ang landas naming da