Yngrid
NASA LANGIT NA BA AKO? Bakit mukhang anghel itong kaharap ko ngayon. Matapos ko kasing alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko ay nagkaroon ako ng pagkakataong malayang tingnan ang mukha niya ng malapitan.
Ang kulay brown niyang mga mata, ang mapulang labi niya. Ang makinis at maputi niyang mukha. Ang aliwalas niya pa ring tingnan kahit nakakunot na ang noo niya sa harapan ko.
Ito na ba ang Amo namin? Bakit kabaligtaran yata ng nai-imagine ko. Akala ko ay mas matanda siya sa akin pero nagkamali ako. Parang magkasing edad lang kami.
Hanggang ngayon ay nakatitig lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Base pa lamang sa titig na ibinigay niya ay pakiramdam ko ay hinihigop niya ang buong kaluluwa ko.
"Sino ka?" Baritonong tanong niya dahilan para makabalik ako sa huwisyo at mabilisang yumuko dahil naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at pagkapahiya sa ginawa ko.
Bakit naman kasi nakipag-titigan ka pa sa kaniya, Yngrid. Amo mo 'yan kaya umayos ka. Baka gusto mong mawalan ng trabaho talaga.
"Look at me, Woman. Sino ka? Pangatlong tanong ko na sa'yo ito? Bakit ka nasa kwarto ko?" Mapanganib niyang tanong kaya huminga muna ako ng malalim at tinapangan ang sarili kong tumitig muli sa mga mata niya.
"Yngrid po, bagong maid po dito. Sorry po, hindi na po mauulit Señorito. Naglinis lang po ako ng kuwarto niyo." Pagsagot ko at nakita ko ang panandaliang pagkamangha sa mga mata niya ng magsalita ako.
Habang ako naman ay kulang na lang ay bumulagta sa sahig dahil sa ibinibigay niyang tingin sa akin ngayon. Ang kaninang pagkamangha na nakikita ko sa mata niya ay biglang nawala ng bumalik ito sa pagiging seryoso.
Akmang magsasalita na sana ang Señorito pero bigla na lamang umeksena si Manang Lordes at sa kaniya naman bumaling ang atensyon ni Señorito na ipinagpasalamat ko naman. Kasi kung hindi, paniguradong sasabog ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Señorito, pasensya ka na kay Yngrid. Bago lang siya dito kaya hindi ko napaalalahanan ang oras niya sa pagpunta at paglabas ng kwarto mo para linisin. Sa susunod ay pagsasabihan ko na siya." Paliwanag ni Manang kaya walang nagawa si Señorito kung hindi ang tumango.
Kaya muli siyang lumingon sa akin kaya saglit kong iniwas ang paningin ko at napakagat-labi dahil sa kahihiyan.
Nang marealize kong nakaharang pala ako sa dadaanan niya ay tipid ko siyang nginitian at patakbo ng tumabi kay Manang. Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko ngayon.
Yngrid, nakita mo lang ang Amo mo ay naging lutang ka na. Trabaho ang ipinunta mo dito, pinapaalala ko lang sa'yo. Alam kong gwapo ang Amo ko pero huwag kang rurupok diyan.
Akala namin ay tuluyan na siyang papasok pero halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Yngrid, pagkatapos mong kumain ay dumiretso ka sa opisina ko may pag-uusapan tayo." Seryosong bilin niya kaya mabilis naman akong tumango. Sa ginawa kong 'yon ay tuluyan ng sumara ang pinto ng kwarto niya.
Nang makita kong sarado na talaga ang kwarto ng Señorito ay mabilis akong kumapit sa braso ni Manang at pumadyak-padyak.
"Manang baka hindi talaga ako tatagal dito. Baka tanggalin na agad ako ni Señorito." Histerikal kong saad kaya hinampas niya ang kamay ko at masamang tumitig sa akin kaya napanguso naman ako.
"Hay nako, Yngrid. Umayos ka ngang bata ka. Hindi naman agad nagtatanggal ang Señorito kahit nagkamali ka. Kakausapin ka lang niya ng masinsinan." Paalala niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag at nagsimula na kaming maglakad pababa.
"Pero Manang, ang gwapo po pala ni Señorito. Para siyang Anghel na bumaba sa lupa kaso masungit." Saad ko kaya tumawa naman si Manang at mahina akong kinurot sa braso.
"Ikaw lang kauna-unahang babae na nagsabi sa kaniya niyan. At alam mo bang ikaw rin ang kauna-unahan na nakapasok sa kwarto niya. Ako kasi lagi ang naglilinis." Pagtatapat niya kaya bigla akong tumigil sa paghakbang at napaawang ang labi ko sa gulat.
"Manang naman! Ikaw po pala ang may kasalanan, eh. Kaya pala ganun na lamang ang reaksyon ng Señorito sa akin dahil ikaw po pala lagi ang naglilinis ng kwarto niya."
"Hayaan mo na, at least nakita mo ng malapitan ang Señorito. Isa na rin 'yan sa mga swerte mo." Pang-aasar niya kaya wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lamang dahil hindi ako mananalo sa kaniya.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nasa harapan ng mga kasamahan ko. Nang ilibot ko ang paningin ko ay ang grupo lamang ni Aubrey ang nag-iingay dahil tapos na rin kaming kumain. Rinig na rinig kong si Señorito ang pinag-uusapan nila kaya nakinig na lang akong mabuti.
"Ang gwapo talaga ni Señorito. Alam mo bang para siyang haring naglalakad sa gitna nating lahat." Kinikilig na saad ni Aubrey kaya lihim naman akong napatango.
Gwapo nga, kaso ang sungit naman. Pero para talaga siyang anghel na may sungay.
"Pero mas maswerte ang nakapasok sa kwarto ni Señorito. Ang alam ko ay naabutan siya sa loob, siguro nakita niya ng malapitan ang mukha ng Amo natin. Ang swerte niya!" Segunda naman ng isa.
Kaya hindi ko na mapigilan ang mapa-ubo. Mabuti na lamang ay hindi ako naging agaw pansin ng umubo ako. Oo nga at swerte ako pero grabeng kahihiyan naman ang naranasan ko kanina. Para akong tangang nakatitig sa guwapo niyang mukha. Kulang na lamang ay tumulo ang laway ko.
"Ikaw 'yon hindi ba?" Gulat akong napatingin sa katabi ko ng magsalita ito. Nang tingnan ko siya ay mahaba ang buhok niya, mapusyaw ang balat at makinis ang mukha. Maganda rin siya.
"Gelene nga pala. Si Yngrid ka 'diba?" Paninigurado niya kaya napatango naman ako at halos mahulog ako sa upuan ng hawakan niya ang dalawa kong braso at ngumiti sa akin.
"Sobrang ganda mo pala sa malapitan. By the way, alam kong ikaw ang pumasok sa kwarto ng Señorito. Anong hitsura ng kwarto niya?" Bakas sa boses niya ang kilig kaya natawa naman ako.
"Ayos naman. Malinis at mabango. At saka organized siyang tao." Pag-amin ko at nakita ko naman lalo pang lumawak ang pagkaka-ngiti niya at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpadyak niya sa ilalim ng lamesa.
"Ang swerte-swerte mo talaga. Alam mo ba-" Naputol na lamang ang sinasabi niya ng marinig namin ang isang boses ng lalaki kaya ng lingonin ko ang mga ito ay sa akin na pala sila nakatitig.
"Ms Dela Fuente, pinapatawag ka ni Señorito sa opisina niya." Seryosong saad ng isa kaya rinig ko ang bulungan nila at wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa dalawang bodyguard.
Pati ba naman dito sa pinagtatrabahuhan ko ay may mga tsismosa pa rin? Grabe na talaga, kailan ba sila mawawala? Kapag pumuti na ang uwak?
"Nandito na po si Ms Dela Fuente, Señorito." Saad ng isang bodyguard sa intercom kaya muling bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko muli ang baritonong boses niya.
"Iwan niyo na kami. Yngrid, pumasok ka na dito." Utos ni Señorito kaya wala na akong nagawa kundi hawakan ang door knob at tuluyan ng pumasok sa loob.
Nang makapasok na ako ay sumalubong ang malalim at seryosong tingin niya sa akin kaya mas lalong dumami ang iniisip ko.
Tatanggalin na ba niya ako? Paalisin niya na ba ako? Paano na ang pangarap ko sa buhay? Siya na lang ang pag-asa ko. Kailangan ko yatang magmakaawa sa kaniya.
"Have a seat, Yngrid. Huwag kang matakot sa akin, hindi kita tatanggalin sa trabaho mo. May mga itatanong lang ako sa'yo."
Nang marinig kong sinabi niya 'yon ay nawala lahat ng pangamba at takot sa dibdib ko. Kaya hindi ko na mapigilan ang ngumiti at tuluyan ng umupo sa harapan niya.
Pinagmamasdan niya lang ang bawat kilos ko at muling tumagal ang pagkakatitig niya sa mukha ko. Kaya nakaramdam na ako ng pagkailang na siguro ay nahalata niya dahil umubo siya at nagsimula ng magsalita.
"You're Yngrid Dela Fuente, right?" Una niyang tanong na tinanguan ko lamang. At nagdire-diretso na siya sa pagsasalita.
"25 years old. Third year ang natapos dahil namatay ang kumupkop sa kaniya. Bakit pumasok ka dito sa akin?" Natigilan ako sa naging tanong niya at huminga ng malalim bago sumagot.
"Gusto ko pong makapagtapos ng pag-aaral para sa pangarap ko po at ni Papa. Kaya pumasok po ako dito sa inyo kasi ikaw na lang ang pag-asa ko, Señorito. Pangako ko na pagbubutihin ko ang trabaho para hindi po masayang ang pinapa-sweldo mo sa akin." Walang pag-aalinlangan kong sagot habang nakikipagtagisan ng titig sa kaniya.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya dahilan para matulala ako. Nakita ko naman ang pagtayo niya at pumunta siya sa harapan ko. Ako naman ay nataranta.
Anong gagawin niya?
"Ano ang pangarap mo, Yngrid?" Pang-uusisa niya at lumunok muna ako bago sumagot.
"Gusto kong maging model, Señorito." Matapos kong sabihin 'yon ay halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at mawalan ako ng hininga ng basta-basta na lamang niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Shemay, ang bango niya. Kumalma ka Yngrid. Amo mo 'yan.
Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa gilid ng upuan ko dahilan para makorner niya ako. Halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ilang pulgada na lang ay magdidikit na rin ang labi naming dalawa.
Inilibot niya ang mata niya sa kabuuan ng mukha ko. Mula sa labi, sa pisngi, sa ilong, at panghuli ay sa mata. Naging malamlam ang mata niya at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.
Ngumiti siya.
"You're beautiful, Yngrid. Your dream suits you well."
Yngrid SABOG AKONG GUMISING NGAYONG UMAGA. Nakatulala lamang ako sa kisame ng kwarto dahil hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango ni Señorito. Masyadong nakakaadik ang amoy niya. Mabilis ko namang sinampal ang sarili ko dahil kung ano-ano ang naiisip ko kay Señorito. Nang tingnan ko ang oras ay napabangon na ako dahil malapit nang magalas-otso, baka malate ako. Kaya malakas kong pinilig ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Kailangan kong mag-focus sa trabaho lalo na at nandito na ang Amo ko. Nang maligo na ako ay mabilis naman akong nagbihis ng uniform ko. Kinuha ko naman ang blower na nakalagay sa drawer ko para patuyuin ang buhok ko. Sosyal din pala kaming mga katulong dito. Lahat kami ay kumpleto sa gamit. Parang hotel na nga itong kwarto namin dahil sa laki at linis nito. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nagtatagal ang mga kasamahan ko dito. Nang makita kong tuyo na ang buhok ko ay pinuyod ko na ito at na
Yngrid PALIHIM NAMAN AKONG NAPALUNOK ng marinig ko ang baritonong boses niya. Saglit ko lang ulit siyang tinapunan ng tingin at napalingon kay Señorito ng marinig ko ang boses niya. Bakit ba napapalibutan ako ng mga gwapo ngayon? Itong isa may asawa at anak na, 'yung isa naman ay Amo ko. Nakakainis na. Lord, talaga po bang sinusubukan mo po ako kung gaano po katatag ang pagiging marupok ko? "Yngrid, dalhin mo muna sa kusina 'yang dala mo. Mag-uusap lang kami ni Sebastian sa opisina. Kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako doon." Habilin niya kaya tumango na lamang ako at unang umalis sa sala. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Manang na nagkakape. Nang makita niya ako ay biglang nagliwanag ang mukha niya. At tinulungan ako sa mga dala ko. "Kumusta naman ang lakad niyong dalawa ni Señorito, Yngrid?" Pang-uusisa ni Manang kaya umupo muna ako bago sumagot. "Ayos lang naman po, Manang. Palangiti at mabait naman po pala ang Señorito. Akala ko po kasi ay forever na siyang mas
Yngrid MALAKAS AKONG NAPAUBO ng maramdaman ko ang paglabas ng napakaraming tubig na nainom ko ng mahulog ako sa pool. Ang kaninang naninikip kong dibdib na nawalan ng hangin ngayon ay naging maluwag na. Miski ang tibok ng puso ko ay bumalik na sa normal. Akala ko ay mamamatay na ako. Mabuti naman at hindi pa. May pangarap pa ako sa buhay. Naririnig ko na rin ang mga nagkakagulong boses pero mas nangingibabaw ang boses ni Señorito. Ramdam ko rin ang mahihina niyang pagtapik sa pisngi ko pero hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko dahil muli na namang bumibigat ang talukap ng mata ko. "Wake up, Yngrid. Wake up. You're safe now." 'Yun na lamang ang huli kong narinig bago nandilim ang lahat. Ramdam ko na rin ang malambot na bagay na pumalibot sa katawan ko pati na rin ang pag-angat ko. "You're safe now." Dugo. Puro dugo ang pumapalibot sa amin ng bumagsak kami sa malamig na tubig ni Papa. Ang kanyang katawan na puro tama ng baril ngayon ay unti-unti ng hinuhugasan ng tubig na lu
Yngrid NATIGILAN AKO sa nakita ko at kumunot ang noo ko. Bakit siya may picture ko? Ma nagawa ba akong mali dito sa mansion? Alam kong sa sarili ko na maayos at responsable ang pagtatrabaho ko dito kahit na minsan ay hindi maganda ang pakikisama sa akin ng mga katrabaho ko. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya at saka nagsalita. “Senorito, ang gandang babae naman po ng tinitingnan niyo,” pagbibiro ko pa kaya gulat siyang napatingin sa akin at mabilis niyang nailapag ang litrato ko sa laptop niya. Kitang-kita ko rin ang pagkataranta niya ng mahuli ko siya sa ginagawa. “What are you doing here? Kanina ka pa ba diyan?” Pagtatanong niya kaya pumunta muna ako sa harapan niya para ilagay ang kape sa tabi ng laptop at sumagot. “Kararating ko lang po,” tipid kong sagot at nginuso ko naman ang picture ko kaya muli siyang napatingin dito. “Bakit mo po pala may litrato ko, Senorito?” Kaya umayos muna siya ng pagkakaupo at humigop ng kape bago sagutin ang katanungan ko. “Ah, ayan. I
Yngrid "TUMIGIL KA NGA DIYAN, GELENE." Bakas sa boses ko ang inis kaya nakasimangot na naman siya. Inirapan niya muna ako bago siya magpatuloy. “Anong tigilan? Iyon talaga ang nakikita ko sa inyong dalawa ni Senyorito. Para talagang may spark,” kinikilig niyang saad kaya napailing na lamang ako. “Nasobrahan ka lang sa lamig ng aircon, Gelene, At saka anong spark? Ano? Kuryente ba kaming dalawa para magkaroon ng spark?” Nakuha ko pang magbiro kaya napasigaw na lamang ako ng kurutin niya ako sa tagiliran. “Yngrid hindi ako nakikipag-biruan sa iyo. Kahit maid ka dito ay bagay na bagay kayo ng Senyorito. Siguro mayaman ka lang talaga pero nagkaroon ka ng amnesia kaya akala mo ay mahirap ka at napadpad dito para magkapera. Pero ang hindi mo alam ay ang Amo mo pala ang tutulong sa iyo na maalala ang lahat dahil mahal niyo pala dati ang isa’t-isa bago ka magka-amnesia.” Malakas akong napatawa dahil sa sinabi niya. Kulang na lamang ay mabitawan ko ang pinggan na hawak ko dahil nanghihina
Yngrid “PARTY? Seryoso ka diyan? Ano namang gagawin ko doon?” Gulat kong tanong kaya kumunot lamang ang noo niya na akala mo ay may nasabi akong mali. “Be my date, Yngrid.” Walang gatol niyang saad kaya umawang naman ang labi ko sa gulat. Date? Sigurado ba ‘tong si Devron? Katulong niya ako. Paano kapag nalaman nilang isa pala akong katulong ibig sabihin masisira ang pangalan niya ng dahil lang sa akin. Hindi yata nag-iisip ‘tong Amo ko. "Nag-iisip ka ba talaga?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya gulat naman siyang napatingin sa akin. "Of course, nag-iisip ako. Anong akala mo sa akin walang utak?" Bakas ang iritasyon sa boses niya kaya napatango naman ako. "Eh 'yun naman pala, eh. Sana bago mo ako tanungin para maging date mo dyan sa party, naisip mo sana na katulong mo ako at Amo kita. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila na isang katulong ang sinama mo? Sa tingin mo natutuwa sila? Hindi, Devron." Saad ko kaya ngumisi lang siya at pinagkrus na rin ang dalawang bras
YngridSINO SI KALISTA? Baka 'yan pala ang partner ni Devron? Pero kung ang Kalista naman ang partner ni Devron, bakit sinama niya pa ako dito? Para gawing alalay nilang dalawa? Sabagay, 'yon naman talaga ang pinasok ko, bakit ako magrereklamo? Habang gulat ang lahat sa pagdating ng babae ay ako naman ay pinagmamasdan ko lamang ang kabuuan niya. Balingkinitan ang katawan, mapusyaw na balat at halata mong galing sa mayamang pamilya. Aaminin kong maganda siya pero mas maganda ako, 'no. Hindi dapat ako naiinggit sa kanya dahil may angkin akong ganda. Pero kahit ganun ay nakaramdam pa rin ako ng inggit ng magkatabi sila lalo.Kitang-kita mo talaga kung gaano sila kabagay sa isa't-isa. Parehong mayaman, parehas mataas ang posisyon at talagang nakukuha nila ang atensyon ng lahat dahil sa angkin nilang ganda at kagwapuhan. Kaya tama lang na hindi lumalim ang atraksyon na nararamdaman mo diyan kay Devron, Yngrid. Sa Kalista na kasama niya ngayon ay bagay na bagay na sila. Ako pa kayang m
Yngrid"Papa, bakit po tayo tatakas?" Puno ng pangamba ang boses ko kaya lumuhod si Papa at ilang beses na lumunok bago magpaliwanag.“Yngrid, napagbintangan kasi si Papa sa hindi naman niya nagawa. Huwag kang mag-alala, may tutulong sa atin. Hindi nila tayo papabayaan.”Pagpapalakas niya ng loob ko dahil sa murang edad ay naranasan ko na ang mga ganitong karahasan. Kahit ipakita ni Papa na matapang siya ay mas nanaig pa rin ang takot sa mga mata niya.Bigla naman niya akong niyakap at mabilis na binuhat ng marinig namin ang sunod-sunod na putok ng baril sa baba. Dahil doon ay nagsimula na akong manginig sa takot, buong lakas inihagis ni Papa pababa ang lubid at mabilis na bumaba habang buhat ako. Pero bago pa kami makaapak sa lupa ay napasigaw na lang ako ng nadaplisan kaming dalawa ni Papa sa balikat ng bala. Dahil isang bata na walang alam ay nagsimula na akong matakot ng makita kong puno ng dugo ang damit ni Papa. Dahil doon ay mabilis niya akong binaba at malakas na itinulak. Si