YngridWALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya. “Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran. “Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy. “Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus nam
YngridMALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo. Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon. Nang makita kong
Yngrid "Yngrid, takbo!" Rinig kong sigaw ni Papa at basta na lamang hiniklat ang braso ko para makaalis sa lugar na tinatakasan namin ngayon. Kahit puno ng luha ang mga mata ko. Kahit nahihirapan na akong makasagap ng hangin ay pinilit ko pa rin ang sarili kong makasabay sa pagtakbo. Miski ako ay ramdam na ramdam ko na ang pagod ni Papa pero hindi kami puwedeng sumuko. Papatayin nila kami. Ang mga damit namin ay sira-sira na dahil sa mga sumasabit na mga sanga ng puno. Ang paa namin ay puro sugat at putik dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ang itsura namin ay napupuno na ng dugo dahil nadaplisan kami ng bala ng baril. Sampung taon pa lamang ako ay ngayon ko lamang nararanasan ang makipaghabulan kay Kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa amin at hindi masabi sa akin ni Papa dahil bata pa raw ako at hindi ko pa naiintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Nabigla na lamang ako ng bumagsak ang maliit kong katawan sa lupa. Napatingin ako kay Papa na ngayon ay impit na
Yngrid "Magkano ang makukuhang sahod?" Nanlalaking mga mata kong tanong kaya inulit niya muli ang paliwanag sa akin. "25, 000 Pesos sa isang buwan." Pag-uulit niya pa kaya hindi ko maiwasang mapahawak sa bibig ko dahil sobrang laki ng makukuha ko. Shet! Talaga bang maid ang gagawin ko? Baka mamaya ay sindikato na pala ito na nagbebenta ng katawan. Jusko! "Sobrang laki naman, parang nag-trabaho ka na rin sa isang kumpanya. Sigurado ka bang isang buwang sahod 'yan? Ganiyan ba kayaman ang naging amo mo?" Kaya sa tinanong kong 'yon ay muli na namang natawa si Lara at malakas akong hinampas sa braso kaya napangiwi ako. Bakit kailangan may paghampas? Nagtatanong lang naman ako, ah. Ang brutal talaga ng babaeng 'to. "Oo nga. Kaya nga makakapunta na ako ng abroad dahil nakapag-ipon ako sa trabahong 'yon. At saka 'di lang siya basta mayaman, sobrang gwapo pa." Parang bulateng inasinan siya ng sabihin niya kaya napaismid na lang ako. Hindi na importante sa akin kung gwapo ang magiging Amo
Yngrid "Devron Heize Montecillo." Muli kong sambit sa pangalan niya ng makaalis na si Manang Lordes sa kwarto. Napatango pa ako at inayos ko muna ang mga gamit ko. Infairness mabango at maganda ang pangalan. Sa pangalan pa lang ay gwapo na paano kaya kapag nakita ko na ng personal? I mean, nacurious tuloy ako sa mukha ng Amo ko. Totoo kayang gwapo o baka naman sa pangalan lang? Imbis na problemahin kung ano ang mukha ng magiging Amo ko ay pinokus ko na lamang muna ang sarili ko sa pag-aayos ng mga damitan ko. Nang masiguro kong ayos na ay nilagay ko na sa ilalim ng kama ang maleta ko at tumayo. Sinuyod ko pa ang kabuuan ng kwarto ko at natigilan ako ng makita kong may cctv pa lang nakakabit at nakatutok ito sa direksyon ko. Ibig sabihin ay nakikita nila kung ano ang ginagawa ko sa loob at labas ng kwarto. Grabe parang nasa palasyo talaga kami. Miski ang uniform ng mga maid ay talagang elegante. Ang iba kasi ay parang basta-basta na lang. Pero itong uniform ko ay talagang may kumik
Yngrid NASA LANGIT NA BA AKO? Bakit mukhang anghel itong kaharap ko ngayon. Matapos ko kasing alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko ay nagkaroon ako ng pagkakataong malayang tingnan ang mukha niya ng malapitan. Ang kulay brown niyang mga mata, ang mapulang labi niya. Ang makinis at maputi niyang mukha. Ang aliwalas niya pa ring tingnan kahit nakakunot na ang noo niya sa harapan ko. Ito na ba ang Amo namin? Bakit kabaligtaran yata ng nai-imagine ko. Akala ko ay mas matanda siya sa akin pero nagkamali ako. Parang magkasing edad lang kami. Hanggang ngayon ay nakatitig lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Base pa lamang sa titig na ibinigay niya ay pakiramdam ko ay hinihigop niya ang buong kaluluwa ko. "Sino ka?" Baritonong tanong niya dahilan para makabalik ako sa huwisyo at mabilisang yumuko dahil naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at pagkapahiya sa ginawa ko. Bakit naman kasi nakipag-titigan ka pa sa kaniya, Yngrid. Amo mo 'yan kaya umayos ka. Baka gusto mong mawa
Yngrid SABOG AKONG GUMISING NGAYONG UMAGA. Nakatulala lamang ako sa kisame ng kwarto dahil hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango ni Señorito. Masyadong nakakaadik ang amoy niya. Mabilis ko namang sinampal ang sarili ko dahil kung ano-ano ang naiisip ko kay Señorito. Nang tingnan ko ang oras ay napabangon na ako dahil malapit nang magalas-otso, baka malate ako. Kaya malakas kong pinilig ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Kailangan kong mag-focus sa trabaho lalo na at nandito na ang Amo ko. Nang maligo na ako ay mabilis naman akong nagbihis ng uniform ko. Kinuha ko naman ang blower na nakalagay sa drawer ko para patuyuin ang buhok ko. Sosyal din pala kaming mga katulong dito. Lahat kami ay kumpleto sa gamit. Parang hotel na nga itong kwarto namin dahil sa laki at linis nito. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nagtatagal ang mga kasamahan ko dito. Nang makita kong tuyo na ang buhok ko ay pinuyod ko na ito at na
Yngrid PALIHIM NAMAN AKONG NAPALUNOK ng marinig ko ang baritonong boses niya. Saglit ko lang ulit siyang tinapunan ng tingin at napalingon kay Señorito ng marinig ko ang boses niya. Bakit ba napapalibutan ako ng mga gwapo ngayon? Itong isa may asawa at anak na, 'yung isa naman ay Amo ko. Nakakainis na. Lord, talaga po bang sinusubukan mo po ako kung gaano po katatag ang pagiging marupok ko? "Yngrid, dalhin mo muna sa kusina 'yang dala mo. Mag-uusap lang kami ni Sebastian sa opisina. Kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako doon." Habilin niya kaya tumango na lamang ako at unang umalis sa sala. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Manang na nagkakape. Nang makita niya ako ay biglang nagliwanag ang mukha niya. At tinulungan ako sa mga dala ko. "Kumusta naman ang lakad niyong dalawa ni Señorito, Yngrid?" Pang-uusisa ni Manang kaya umupo muna ako bago sumagot. "Ayos lang naman po, Manang. Palangiti at mabait naman po pala ang Señorito. Akala ko po kasi ay forever na siyang mas