Share

3

Author: Blueesandy
last update Last Updated: 2023-12-29 15:05:21

“Ano ba masarap lutuin, ah adobo, teka, masarap yon pag matagal bago kinain, bibili din ako ng bacon, hotdogs, tapa na rin, ito, itlog.” Para akong tanga sa supermarket, habang nakatingin sa listahan ko.

Buti na lang sanay ako gumamit ng maps, at mahusay ako sa direction, hindi na ko naligaw papunta dito, isang sakay lang naman ng jeep, nagtagal lang ako bago makarating dahil sa walang kamatayan na traffic.

Tinignan ko ang pushcart ko, ang dami nang laman, kaya ko ba buhatin to? Bahala na, basta napamili ko, sanay naman ako mamalengke, pero grabe, ang mamahal dito, tapos bawal tumawad, kanina pa nangangati bibig ko sabihin na “Ate, bente na lang to?” kaso syempre, ako lang ang mapapahiya. Hay.

Para sa breakfast, may bacon, may hotdogs, may ham, tapa, may egg, sa lunch at dinner, good for five days lang, kumuha akong rekado para sa adobo, sweat and sour, kaya may meatballs ako, beef steak, tokwa’t baboy na rin, kumuha din ako ng ilan sa mga nakita ko na wala na sa bahay, gaya ng mga pang laba, shampoo, hinanap ko na lang yung brand na katuald ng nasa condo, just in case na may certain allergy ang boss ko, hindi magiging problema.

“That would be, twelve thousand, and two hundred seventy eight, would you like to pay in cash?” tanong ng cashier sakin, umiling ako at inabot ang credit card sa kaniya, medyo nagulat siya sandali, bago ngumiti at kinuha ang card na iniabot ko.

Tatlong box, at anim na plastic, buti na lang, magaling mag pack yung bagger kanina, kaya ko dalin lahat to, nilagay ko muna sa pushcart, hanggang sa makalabas ako, kinuha ko ang dalawang box at isinabit sa braso ko ang tig-tatlong plastic. Sa harap ng jeep ako sumakay para wala akong maabala.

Nang makauwi ako, hindi na ko nagsayang ng oras, at inayos ko na ang mga binili ko, nagpahinga muna ako sandali, ang sakit sa braso, ang bigat, grabe.

Naramdaman ko na nag vibrate ang cellphone ko, kaya madali ko itong kinuha at bunuksan, may two messages galing kay tatay, at tatlo galing kay Cris.

‘Magpadala ka ng pera sa katapusan, para naman may pakinabang ka’

‘P*****a ka, wag kang mayabang, kung di dahil samin ng nanay mo, wala ka, kailangan mo sukian yon’

Sa message pa lang ni tatay, naiiyak na ko, parang tinutusok ang dibdib ko sa sakit, masakit nag anito ang mababasa mo galing sa magulang mo, pinipilit mo buhayin, kahit kaya naman nila magtrabaho. Bakit naman ganito? Deserve ko ba to?

Hindi ko na binuksan ang message ni Cris, dahil baka lalo lang ako masaktan, kung ituring nila ako parang hindi nila ako pamilya, panganay ako, pero parang katulong at atm machine ako sa mga mata nila. Hirap.

                                                                        --

“Ayaaan, ang ganda na sa mata.” Inayos ko ang mga gulay sa vegetable stall, nilagay ko sa chiller ang mga process food, ang mga meat nasa freezer, iniwan ko lang ang mga lulutuin ko, dalawang ulam na. beef steak at adobo, masarap kasi yon lalo pag na-stock ng matagal, nanunuot ang lasa.

Hiniwa ko na ang bawang, sibuyas, buti na lang may natirang beef kahapon, at naisipan ko ibabad, nakamarinate na yon sa toyo, calamansi at paminta, inilabas ko na sa ref, ipiprito ko muna yon, tsaka ko lalagyan ng sauce.

“Aray! Aray! S***a! Sandali! Lintek na ilansik!” para kong tanga umiiwas sa ilansik, ang sakit kaya mag prito ng baboy, “Ah pucha! Aray! Ayoko naa!” halos pasigaw na ko, at binitiwan ang takip ng kawali kainis.

Nilagyan ko ng toothpaste mga nailansikan sa akin bago itinuloy ang pagluluto, hindi ko alam kung kelan uuwi ang boss ko, pero ayos na rin na may pagkain sa ref, isa sa mga bilin nung assistant yon, kailangan ko gawin.

Isang oras din ako nagluto. Four barner naman ang kalan kaya hindi naman ako nahirapan, medyo nanibago lang ako, dahil first time ko gamitin, pero kalan pa rin naman yan, lutuan.

Nilinis ko ang pinaglutuan ko, at hinugasan ang mga ginamit ko, inilagay ko na rin sa trash bin para maihabol sa pagkuha ng basura, mabilis lang ako, baka makita nanaman ako ni tita maritess, baka mag umpisa na siya mag chismis, hindi ko na alam paano makakaalis.

Tinignan ko ang wall clock sa sala, grabe, alas otso na pala? Kaya pala pagod na pagod na ang pakiramdam ko, napagpasyahan ko na maligo muna, may sarili naman akong kwarto, kaya ayos lang, may cr din don, parang guest room ang itsura.

“Sarap maligo.” May shower pa, ang sosyal talaga, sa probinsya namin, tabo at timba lang, tapos alasingko ng umaga ka maliligo, para ko binubuhusan ng tubig, tapos dito may heater pa, ang sosyal ng condo na to.

Sinuot ko na ang ternong pajama ko, habang tinutuyo ko ang buhok ko, nilock ko ang pinto, pati na rin ang mga glass window, tumambay ako sandali bago napagpasyahan na matulog, hindi ako nag iwan ng ilaw, saying sa kuryente, at pumasok na ko sa kwarto ko.

Tinignan ko ang cellphone ko, hindi ko alam kung dapat ko ba talagang buksan ang message ni Cris, baka katulad lang din siya ng sinabi ni tatay. Hay. Hayaan na nga.

Tinignan ko ang unang message niya, ‘Ate’ iyon ang una niyang message sakin, kaya kumunot ang noo ko.

‘Sorry samin nila tatay at nanay. Simula bata ka, problema mo talaga kami lahat, nabuntis pa ko.’

Hindi ko napigilan ang pag patak ng mga luha sa mata ko, sana pala, kanina ko pa binasa to, sana Nabawi yung sinabi ni tatay.

‘Sorry, ginastos ko pang tuition ko, hindi ko gusto ang anak ko, ayoko nito, pero nadadamay iba. Sorry, mag iingat ka dyan, sorry sa sinabi ko.’

Napangiti na rin ako dahil don, huminga ako ng malalim at pinatay ang phone ko, tsaka nahiga, may aircon dito, kaya kailangan ko magkumot, ayoko naman magising dahil sa init. Ang lambot ng kama, pero mag isa ko, well, ganito rin naman sa bahay. Pero kailangan ko magtrabaho ng maigi, para sa magiging anak ni Cris.

                                                                                           ---

Naalimpungatan ako nang may marinig na tunog ng bakal na nag tatami, May tao? Tinignan ko ang oras sa stand clock sa gilid ko, alastres pa lang ng umaga, agad na tumambol ang puso ko sa sobrang kaba, may nakapasok sa bahay, hindi naman siguro uuwi ng ganito ang boss ko.

Kinuha ko ang walis sa gilid ng pinto, at dahan dahan itong binuksan, walang ilaw, pero alam ko na may gumagalaw, damang dama ko ang malamig na pawis sa noo ko, second day ko pa lang, pero may magnanakaw na agad, putek, paano pag may kutsilyo to at sinaksak ako?

Bahala na.

Naglakad ako papalapit sa kung saan nanggagaling ang tunog, sa kusina,

1, 2, 3, “Ahhhh!!1 magnanakaawww!” sigaw ko at hinampas ang tao sa harapan ko

“Aray! Aray! Shit!” lalaki?! Lalaki ang magnanakaw?! Shit! Shit!

“Pangalawang araw ko pa lang dito, ikaw ang magpapalayas sa akin sa trabaho kooo!!!” sigaw ko pa rin habang hinahampas sya ng walis! Walanghiya!! “Sa iba ka magnakaw! Wag dito! Pashneaaa!!”

“Wait! Aww! What the fuck! Aww! Stop! God damn it! Light’s on!” sigaw niya, at isang Segundo lang ay lumiwanag ang buong paligid, naiwan sa ere ang hampas na dapat ibibigay ko sa kanya.

Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa akin, nakasuot pa siya ng three-piece suit, pero may dugo ang ilong niya, at may kanin pa sa bibig.

“S-sino k-ka? Sino ka, ha?! Bakit ka nandito?! Bakit ka kumakain dito?! Para sa boss ko yan! Hindi sa’yo! Ha!” lakas loob na sabi ko.

“What the fuck? Of course, I’m eating because I’m hungry, and what the fuck? Of course I’ll be here, this is my house!”

Ha?

Sya daw may ari ng b—agad na nanlaki ang mata ko nang marealized ko ang sinabi niya ngayon lang. shit. Siya ba boss ko?! Putek!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   Special Chapter: 2

    [Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV] Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ko. Maybe it was the way Mama smiled kanina habang tinititigan si Papa. O baka dahil narinig ko silang nagbubulungan kagabi sa balcony—soft voices, quiet laughs, forehead kisses. Parang luma na silang couple na hindi pa rin nagsasawa. Anniversary nila today. Seventeenth. Seventeen years of chaos, healing, and somehow… kilig pa rin. Kaya ngayon, habang nakatali ang buhok ko at may apron akong “Borrowed from Chef Nadine,” I’m standing sa kitchen ng beach house, holding a recipe card that says: Baked Salmon with Honey Glaze. Ambisyosa? Oo. Pero love ko sila eh. “Okay, preheat oven to—wait, paano ba ‘to buksan?” Hinila ko ‘yung oven door. Nawala ‘yung gloves. Nawala ‘yung confidence. Cut to fifteen minutes later: may mantika sa buhok ko, may honey sa sahig, at ang salmon—sunog na. “OH MY GOD.” Nadinig ko ‘yung footsteps. “Elle?” Si Ninong James. Of course. Wala siyang ibang timin

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   Special Chapter: 1

    [Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV]I used to think love was something people outgrew.Yung sobrang holding hands sa kitchen, titigan sa hallway, halik sa noo habang naghuhugas ng pinggan—akala ko, pang-bagong kasal lang ‘yon. Honeymoon stuff. Temporary.But then I look at my parents.And suddenly, I want that kind of love too.“Elle, bring the mango float!” sigaw ni Mama mula sa labas. “Baka matunaw na ‘yan!”I rolled my eyes playfully, tiningnan ‘yung tray na may nakapatong pang sticky note:“Wag mong kainin ang toppings, anak. Nakikita kita. – Mama 😎”“Grabe kayo, Ma,” bulong ko habang natawa, pero kinuha ko pa rin ‘to at lumabas ng lanai. It was late afternoon, the sky golden-pink, and Papa was busy lighting fairy lights habang si Mama, barefoot as usual, nag-aayos ng mga plato.They still act like teenagers.Like they don’t know the world has already hurt them once.And I love that.“Your mom’s gonna outshine the lights again,” Papa muttered, smirking as he glanced at Ma

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   Epilogue

    (Kalix’s POV — High School Flashback) “Tol, ‘yun na yata ‘yung working student na laging napapagalitan sa Bio lab,” sabay tukod ni Marcus sa siko ko habang nakatingin kami sa may hallway sa tapat ng vending machine. I wasn’t really listening. I was staring. She was short—barely reached five-three, maybe. May dala siyang isang stack ng photocopied papers, a half-open backpack, at isang straw ng milk tea na wala nang laman. Her uniform was a little loose, hindi bagong laba, pero maayos. Yung buhok niya naka-bun, messy, but that makes her extr beautiful. May tinta pa ng ballpen sa gilid ng daliri niya. And she was talking to the vending machine. “Isa ka pa. Kasabwat ka rin nila sa buhay ko?” she muttered, giving it one last useless tap before she sighed and turned away. I chuckled. She heard that. Our eyes met—just for a second. Walang kilig. Walang dramatic background music. She just blinked… then walked away. Wala man lang, “Hi, pogi” o “Aren’t you that varsity guy?”

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   108

    “Love, natapon ‘yung juice—”“Sa basahan?” Kalix called out from the kitchen.I peeked over the half-wall, holding the toddler-sized cup like it was a crime weapon. “Yup. Sa rug na handmade. Yung galing sa Ilocos. Na mahal.”He laughed, shook his head, and walked over with a cloth and spray. “A rug is just a rug, Naya. Ikaw at si Elle ang hindi ko kayang palitan.”“Ang drama mo,” I mumbled, though I smiled as I handed him the cup.Ganito na kami ngayon. Simple. Tahimik. Kakaiba sa lahat ng unos na pinagdaanan namin. Parang katahimikang hindi mo akalaing posible… pero napatunayan naming pwedeng abutin.Three years had passed since the last storm.At sa wakas, nasa dulo na kami.Kalix wiped the stain, tousled Elle’s soft hair, and kissed my cheek on his way back to the kitchen.Tahimik ang bahay ngayon. Ang tanong ko noon kung kailan matatapos ang gulo—nasagot na rin, hindi sa ingay ng tagumpay, kundi sa katahimikan ng paghilom.Maya-maya, napansin kong bukas ang studio door niya. Usual

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   107

    Three Years LaterThe ocean breeze always smelled different in the morning—hindi katulad ng maalinsangang amoy ng siyudad. Dito, sa bagong bahay namin ni Kalix, may halong asin, sikat ng araw, at kapayapaan.I stepped barefoot onto the wooden porch, mug of salabat in hand, habang nakasilong sa banig si Kai, our youngest, nakahiga pa sa maliit niyang beanbag with a storybook open on his chest. Tatlong taon pa lang siya, pero para siyang laging nasa sariling mundo—katulad ni Elle noong kaedad niya.“Mommy,” he murmured, half-asleep, “where’s the moon go?”I smiled. “Natutulog din, baby. Para magbigay daan sa araw.”He hummed. “Okay.”From the hammock just a few steps away, naroon si Elle—now eight, mas mahaba na ang buhok niya at mas matalas ang mata. She was sketching with serious focus, hawak ang notebook na galing pa sa first exhibit ko years ago. Kalix had it customized for her, printed with tiny sunflowers at the bottom corner.“Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ko, lumapit ako para

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   106

    [Kalix—1st POV]I didn’t bring bodyguards this time. No convoy. No Renzo lurking nearby.Just me, my breath, and the sound of waves crashing distantly—parang paalala na buhay pa rin ang mundo kahit ilang beses na tayong nadurog sa gitna nito.I walked the short path toward the grave under a dusky sky. The clouds above looked bruised, almost like they, too, carried grief that never quite healed.Leslie Alcantara.Walang katawan. Walang proper goodbye. Just a stone I had made… para kahit papaano, may mahawakan ako. May mapuntahan ako tuwing hindi na sapat ‘yung paghinga.I knelt down slowly, the familiar ache crawling up my chest.“I always said I hated lilies,” I murmured, placing one on the base of the headstone. “Too fragile. Too white. Parang hindi bagay sa ‘yo. You were color, Les. Chaos and warmth and noise.”I stared at the carved letters. My fingertips brushed the name like I was afraid she’d disappear again.“You know, I’ve been running on this stupid idea that if I build enoug

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status