Share

4

Author: Blueesandy
last update Last Updated: 2023-12-29 16:45:55

Sorry talaga boss, hindi ko naman alam na ikaw ang amo ko dito,” hinging paumanhin ko habang nilalagyan ng yelo ang ice pack, halos nakayuko na ko, at hindi ko na makita ang ginagawa ko dahil sa sobrang hiya.

“Weren’t you informed? My god, ano ba laman ng utak mo?” medyo nasaktan ako sa sinabi nya, pero hindi ko na lang pinansin, kasalanan ko naman din kasi, kaya sya nagagalit ngayon, at may malaki pa siyang pasa sa mukha.

“Sorry na po, hindi ko po talaga alam, hindi po ako nasabihan,” hindi ko na alam kung ilang beses na ako nag sorry.

“Whatever, what’s your name?” doon lang ako nakahinga nang maluwag, nag iba na sya ng topic, siguro naman tapos na sya magsalita ngayon.

“Naya Feliciano po, Naya na lang po para maigsi,” sagot ko, kinuha ko ang ice pack sa kanya dahil napansin ko na medyo ubos na ang laman non, kumuha ulit ako sa ice bucket, tsaka inabot sa kanya. Nakaupo lang ako sa sofa, at sya naman sa katapat ko na upuan.

Hindi na masyadong masama ang tingin nya sakin, hindi kagaya kanina. “I’m Kalix Alcantra, I bet you knew about me?” kunot noo akong tumingin sa kanya.

“Uh, hindi po, sorry, galing po ako probinsya, wala po akong masyadong kilala dito sa lungsod, pasensya na po,”

Niluwagan niya ang suot niya na necktie at agresibong sumandal sa kinauupuan nya, walang masyadong bukas na ilaw, pero bukas ang glass door, kaya pumapasok ang malamig na simoy ng hangin, at liwanag na nagmumula sa buwan.

Mukhang galing pa sya ng opisina, kitang kita ko sa mga mata nya ang labis na pagod at inis, siguro nga, marami lang syang trabaho ngayon, halata naman, kasi mayaman sya.

Nakita ko naman na umirap siya, at bumuntong hininga, “What else you don’t know, huh? I certainly instructed the agency that—”

Grabe, ang aga ko gumising kanina, at ilang oras pa lang ang tulog ko, nang magising ako, o baka hindi naman talaga ako nakatulog, dahil namamahay ako, at hindi talaga ako sanay na malambot ang kama at malamig ang kwarto? Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya, unti unti akong nilalamon ng antok ko.

“Are you even listening? Hey, damn it!”

KINABUKASAN, maaga akong nagising, martes pa lang, dahil marami na akong niluto kahapon, kumuha lang ako ng maliit na portion, at nilagay sa microwave, kumuha ako ng hotdog at itlog, tsaka ko dinurog ang bahaw na kanin para isangag.

Tinignan ko ang wall clock na nasa gilid ng glass door, five seventeen na ng umaga, hindi ko alam kung anong oras gumigising ang amo ko, mas okay nang maaga, kesa naman gisingin ako ng sigaw. Hindi ako pwede mawalan agad ng trabaho, kakaumpisa ko pa lang.

Kulang trenta minutos nang matapos ako sa pag luluto, nakarinig ako ng bumukas na pinto, kaya tumingin ako agad. Nakita ko ang boss ko na naka drift short at topless, may nakalagay na airpods sa magkabilang tenga nya, at may bimpo sa balikat nya.

“Good morning, bossing! Kain ka na,” yakag ko sa kanya, mukhang galing sya sap ag eehersisyo, basing basa ang buhok at katawan niya ng pawis, “Nagluto na po ako,”

Bahagya siyang napaatras at tumingin sa akin, sakto naman na natapos na ko sap ag sasandok ng sinangag, kaya nilagay ko na sa mesa.

“Coffee,” rinig ko na sabi nya, ngayon ko lang napansin na malalim ang boses niya, bagay na bagay sa matangkad at magandang katawan n—teka lang, ano ba iniisip ko? Mahalay ka, Naya.

Tumalima naman ako at ipinag gawa sya agad ng kape, pinilit ko maging pamilyar ako sa mga bagay sa loob ng bahay niya, nang sa ganon, hindi ko na kailangan magtanong, baka mamaya resbakan ako nang, diba ikaw ang katulong? Bakit sakin mo tinatanong? line.

“Did you cook this?” napatingin ako sa sa kanya, tinuro nya ang adobo na nasa magandang platito.

“Ah, oo bossing, di masarap?” nag aalangan na tanong ko, kasi baka hindi nya gusto yung timpla, edi babaguhin ko.

“It just, it taste weird, what is this called?” kunot noo pa sya, at tinikman ulit ang sarsa.

“Adobo bossing,” tumango lang sya at kumain. Nang maubos niya ang laman ng plato niya, ay tumayo na siya.

Diretso siyang pumasok sa kwarto niya, kaya naglinis na ko, at hinugasan ang mga ginamitan ko na kasangkapan, walang bente minutos ay lumabas siya ng kwarto niya, na pang-amerikana na siya, pero hindi nya pa lang suot ang suit nya.

“Make sure to clean the house, at huwag na huwag kang pupunta kung saan saan, don’t you dare enter my room, it’s lock anyway,” Tumango ako, at tinuloy lang ang ginagawa ko.

Wala naman akong lilinisin, dahil mukhang wala naman siyang kalat. Nagtataka lang ako, sobrang yaman nya, pero sa condo sya nakatira imbes na sa mansion? Afford naman nya yon

Narinig ko ang kumakalembang na ringtone ng cellphone ko, kaya tinakbo ko agad ang kwarto ko, at sinagot agad ang tawag, “Hello?”

“Hoy, gaga, ano kamusta dyan?” kunot noo na tinignan ang screen nang maliit na cellphone ko para malaman ang pangalan ng tumawag sakin, pero unregistered number ito.

“Sino to?” taking tanong ko.

“Tanga, si Charlotte to, nagtrabaho ka lang sa syudad, hindi mo na ko kilala,” sabi niya na sinundan ng tawa.

“Ah, sorry, hindi nakasave ang number mo,”

“Bagong number ko to, save mo, pag may problema ka dyan sa amo mo, at feeling mo papatayin ka na, tawagan mo ko ha!”

Hindi na ako nakasagot nang bigla niyang patayin ang tawag. Nag simula na akong maglinis, ng kwarto ko, sinunod ko ang work out room, nilagpasan ko ang kwarto ni sir Kalix, at ang huli ko na pinuntahan ay library.

Excited na pumasok ako, hindi na ko nakatapos ng pag aaral, dahil kailangan suportahan ang pamilya ko, dahil wala nang trabaho ang mga magulang ko, at parehas na nila ayaw maghanap, nang madiskubre na kaya ko naman daw pala silang buhayin, bakit pa daw sila magpapakapagod.

Maraming libro dito, karamihan ay fiction, romance, at mga tungkol sa business. Leisure room yata to ng boss ko, bukod sa workout room nya. Tinignan ko ang ilan dito, titignan ko, kung pwede ako makahiram ng libro, dahil wala naman akong pinag kakaabalahan pag tapos na ko sa mga gagawin ko dito sa bahay.

Napatigil ako nang makarinig ng sunod sunod na katok. Kaya agad na hinubad ko ang suot ko na gloves, at tumakbo sa front door. Pag bukas ko, bumungad sakin ang isang balinkinata na babae, muntik ko na syang bigyan ng kumot dahil sa sobrang ikli ng suot niyang red dress, pero hindi ko na ginawa, nang makita ko ang isang dangkal yata ang taas na stiletto.

Tinignan nya ko at tinaasan ng kilay, “Who are you bitch? Where’s Kal baby?”

Kal daw? Si sir Kalix ba? “Ah, wala po sya, nasa trabaho, kanina pa po umaga pumasok, sino po ba sila?”

“What?! And how dare you ask who I am? My god, and who are you, huh? Do I need to repeat myself? Really?”

“Ah, ano, bagong katulong po ako dito,” sagot ko, hindi ko alam kung aalukin ko ba sya pumasok, o huwag, dahil hindi ko naman sya—“Aray, mam, teka,”

Hindi na kailangan, dahil kusa syang pumasok at itinulak ako, prente siyang umupo sa sofa at inalis ang sunglasses na suot niya, “I’m Kalix’s girlfriend,”

Bahagyang nanlaki ang mata ko, at pasimple siyang pinasadahan ng tingin, mga ganitong klase pala ng babae ang gusto ni bossing, hindi ko naman alam.

“Ah, okay mam, sorry, hindi ko po kasi kayo kilala,” hinging paumanhin ko, medyo naiinis ako sa presensya nya.

“Get out,”  biglang sabi nya, kaya napatingin ako sa kanya, umismid naman sya, “What, do you think, I’m stupid enough to be fooled? Alam ko na hindi ka muchacha dito, Kalix never hired a maid, babae ka nya? Lumayas ka dito!”

Nanlaki ang mata ko, “Ho? Hindi ho, katulong talaga ko dito,” pag pupumilit ko, dahil iyon naman ang totoo. Pero pagak lang siyang tumawa,

“I’m giving you one minute to grab any of your things, and get out of this house, bago pa kita ipakaladkad palabas! Ayaw mo naman siguro mapahiya?”

Nag panic naman ako bigla, “Mam, teka, hindi ho, katulong talaga ko dito, galing ako ng probinsya, ilang araw pa lang po ako dito,” pilit na ipinapaliwanag ko ang side ko, pero parang wala siyang naririnig at diretso lang sa pag pindot sa phone nya.

Pucha, hindi ako pwede umalis, saan ako pupulutin nito? Bumalik ako sa kwarto ko at tinawagan si sir Daniel, dahil emergency naman to. Nakailang tawag ako, pero hindi sya sumasagot, tangina, anong gagawin ko ngayon?

Muntik na akong matumba, nang biglang may humampas sa pinto ng kwarto ko, “Ipapakaladkad kita, o lalabas ka ng kusa?”

Ibinulsa ko kaagad ang cellphone ko, tska kinuha ang jacket ko, at lumabas ng kwarto ko, inis na inis na ang mukha niya, at parang anumang oras ay sasampalin nya ko, “Mam, sandali lang po, baka pwede naman po natin pag usapan to,”

“No, there is nothing to talk about, hindi ako papayag na lokohin nanaman ako ni Kalix! Once is enough! Lumayas ka, malandi ka!”

Wala na akong nagawa ng marahas niya akong hinalahin mula sa harap ng kwarto ko, hanggang papalabas ng condo, at tsaka niya isinarado ng malakas ang pinto. Hindi ko mapigilan na maluha, saan na ko pupulutin nito? Wala na akong pera, hindi ko alam paano umuwi.

Putangina na buhay naman to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   Special Chapter: 2

    [Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV] Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ko. Maybe it was the way Mama smiled kanina habang tinititigan si Papa. O baka dahil narinig ko silang nagbubulungan kagabi sa balcony—soft voices, quiet laughs, forehead kisses. Parang luma na silang couple na hindi pa rin nagsasawa. Anniversary nila today. Seventeenth. Seventeen years of chaos, healing, and somehow… kilig pa rin. Kaya ngayon, habang nakatali ang buhok ko at may apron akong “Borrowed from Chef Nadine,” I’m standing sa kitchen ng beach house, holding a recipe card that says: Baked Salmon with Honey Glaze. Ambisyosa? Oo. Pero love ko sila eh. “Okay, preheat oven to—wait, paano ba ‘to buksan?” Hinila ko ‘yung oven door. Nawala ‘yung gloves. Nawala ‘yung confidence. Cut to fifteen minutes later: may mantika sa buhok ko, may honey sa sahig, at ang salmon—sunog na. “OH MY GOD.” Nadinig ko ‘yung footsteps. “Elle?” Si Ninong James. Of course. Wala siyang ibang timin

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   Special Chapter: 1

    [Lecille Zaira Feliciano-Alcantara—1st POV]I used to think love was something people outgrew.Yung sobrang holding hands sa kitchen, titigan sa hallway, halik sa noo habang naghuhugas ng pinggan—akala ko, pang-bagong kasal lang ‘yon. Honeymoon stuff. Temporary.But then I look at my parents.And suddenly, I want that kind of love too.“Elle, bring the mango float!” sigaw ni Mama mula sa labas. “Baka matunaw na ‘yan!”I rolled my eyes playfully, tiningnan ‘yung tray na may nakapatong pang sticky note:“Wag mong kainin ang toppings, anak. Nakikita kita. – Mama 😎”“Grabe kayo, Ma,” bulong ko habang natawa, pero kinuha ko pa rin ‘to at lumabas ng lanai. It was late afternoon, the sky golden-pink, and Papa was busy lighting fairy lights habang si Mama, barefoot as usual, nag-aayos ng mga plato.They still act like teenagers.Like they don’t know the world has already hurt them once.And I love that.“Your mom’s gonna outshine the lights again,” Papa muttered, smirking as he glanced at Ma

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   Epilogue

    (Kalix’s POV — High School Flashback) “Tol, ‘yun na yata ‘yung working student na laging napapagalitan sa Bio lab,” sabay tukod ni Marcus sa siko ko habang nakatingin kami sa may hallway sa tapat ng vending machine. I wasn’t really listening. I was staring. She was short—barely reached five-three, maybe. May dala siyang isang stack ng photocopied papers, a half-open backpack, at isang straw ng milk tea na wala nang laman. Her uniform was a little loose, hindi bagong laba, pero maayos. Yung buhok niya naka-bun, messy, but that makes her extr beautiful. May tinta pa ng ballpen sa gilid ng daliri niya. And she was talking to the vending machine. “Isa ka pa. Kasabwat ka rin nila sa buhay ko?” she muttered, giving it one last useless tap before she sighed and turned away. I chuckled. She heard that. Our eyes met—just for a second. Walang kilig. Walang dramatic background music. She just blinked… then walked away. Wala man lang, “Hi, pogi” o “Aren’t you that varsity guy?”

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   108

    “Love, natapon ‘yung juice—”“Sa basahan?” Kalix called out from the kitchen.I peeked over the half-wall, holding the toddler-sized cup like it was a crime weapon. “Yup. Sa rug na handmade. Yung galing sa Ilocos. Na mahal.”He laughed, shook his head, and walked over with a cloth and spray. “A rug is just a rug, Naya. Ikaw at si Elle ang hindi ko kayang palitan.”“Ang drama mo,” I mumbled, though I smiled as I handed him the cup.Ganito na kami ngayon. Simple. Tahimik. Kakaiba sa lahat ng unos na pinagdaanan namin. Parang katahimikang hindi mo akalaing posible… pero napatunayan naming pwedeng abutin.Three years had passed since the last storm.At sa wakas, nasa dulo na kami.Kalix wiped the stain, tousled Elle’s soft hair, and kissed my cheek on his way back to the kitchen.Tahimik ang bahay ngayon. Ang tanong ko noon kung kailan matatapos ang gulo—nasagot na rin, hindi sa ingay ng tagumpay, kundi sa katahimikan ng paghilom.Maya-maya, napansin kong bukas ang studio door niya. Usual

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   107

    Three Years LaterThe ocean breeze always smelled different in the morning—hindi katulad ng maalinsangang amoy ng siyudad. Dito, sa bagong bahay namin ni Kalix, may halong asin, sikat ng araw, at kapayapaan.I stepped barefoot onto the wooden porch, mug of salabat in hand, habang nakasilong sa banig si Kai, our youngest, nakahiga pa sa maliit niyang beanbag with a storybook open on his chest. Tatlong taon pa lang siya, pero para siyang laging nasa sariling mundo—katulad ni Elle noong kaedad niya.“Mommy,” he murmured, half-asleep, “where’s the moon go?”I smiled. “Natutulog din, baby. Para magbigay daan sa araw.”He hummed. “Okay.”From the hammock just a few steps away, naroon si Elle—now eight, mas mahaba na ang buhok niya at mas matalas ang mata. She was sketching with serious focus, hawak ang notebook na galing pa sa first exhibit ko years ago. Kalix had it customized for her, printed with tiny sunflowers at the bottom corner.“Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ko, lumapit ako para

  • Maid for the Billionaire (Tagalog)   106

    [Kalix—1st POV]I didn’t bring bodyguards this time. No convoy. No Renzo lurking nearby.Just me, my breath, and the sound of waves crashing distantly—parang paalala na buhay pa rin ang mundo kahit ilang beses na tayong nadurog sa gitna nito.I walked the short path toward the grave under a dusky sky. The clouds above looked bruised, almost like they, too, carried grief that never quite healed.Leslie Alcantara.Walang katawan. Walang proper goodbye. Just a stone I had made… para kahit papaano, may mahawakan ako. May mapuntahan ako tuwing hindi na sapat ‘yung paghinga.I knelt down slowly, the familiar ache crawling up my chest.“I always said I hated lilies,” I murmured, placing one on the base of the headstone. “Too fragile. Too white. Parang hindi bagay sa ‘yo. You were color, Les. Chaos and warmth and noise.”I stared at the carved letters. My fingertips brushed the name like I was afraid she’d disappear again.“You know, I’ve been running on this stupid idea that if I build enoug

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status