LOGINHi everyone! Please read my SPG wet and wild story - SA BISIG NI BYENAN
JEFFERSONHindi ko naman planong umuwi agad pagkatapos kong makausap si Amber. May ilang oras pa bago matapos ang araw at wala rin akong ibang kailangang puntahan. Kaya naisipan kong maglibot muna sa paligid. Matagal na rin mula nang makapaglaan ako ng oras para sa sarili ko nang hindi iniisip ang mga meeting, negosyo at kung anu-ano pang kailangang asikasuhin sa kumpanya. Pero kahit saan ako magpunta, hindi ko maiwasang maalala ang batang babaeng nakilala ko sa restaurant. May kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag, lalo na sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin at kung gaano kabilis akong naging komportable sa presensya niya.Pagsapit ng hapon, bumalik ako sa restaurant dahil naisip kong baka naroon pa si Amber. Pagpasok ko, ilang sandali akong naghanap ng upuan bago ko siya nakita sa may gilid ng restaurant. Abala siyang nag-aayos ng mga gamit at halatang naghahanda nang umuwi. Nang mapansin niya ako, bahagya siyang nagulat bago ngumiti.“Amber, pauwi ka na ba? Kung ganoon, i
AMBERKINABUKASAN, hindi pa rin naman nawawala ang bigat na nararamdaman ko dahil sa nangyari kay Haven, pero ayoko nang buong araw na lang akong nakaupo at iniisip siya. Kaya abala ako sa pagkuha ng mga menu at pag-aayos ng mga mesa nang may pumasok na customer. Agad akong lumapit para kunin ang order niya, pero nang tuluyan ko siyang makita, napahinto ako at napangiti dahil nakilala ko agad ang lalaking tinulungan ko noong araw na isinugod ko siya sa ospital.“Magandang araw po. Ito po ang menu para makapili kayo.”Napangiti rin siya nang makita ako. At ilang segundo niya akong pinagmasdan bago siya tuluyang umupo sa isang mesa.“Amber, ikaw pala. Mabuti at nagkita tayo ulit dahil ilang araw ko nang gustong hanapin ka. Gusto kitang makausap at gusto ko ring bumawi sa ginawa mong pagtulong sa akin noong araw na iyon.”Umiling ako habang inilalagay ko ang menu sa harapan niya.“Hindi na po kailangan. Wala naman po akong ginawa na espesyal, nakita ko lang kayong nangangailangan ng tul
AMBERPagsapit ng gabi, nagdesisyon na akong umuwi. Hindi na rin ako masyadong nakapagtrabaho nang maayos buong araw dahil halos wala akong gana sa kahit ano. Nang matapos ang shift ko, lumapit sa akin si Nico at sinabi niyang ihahatid na niya ako sa apartment. Tumango na lang ako dahil wala rin akong lakas para tumanggi. Kaya sumakay ako sa sasakyan niya at tahimik lang kaming nagbiyahe.Pagdating namin sa apartment, agad akong bumaba at bago ako tuluyang pumasok ay humarap ako sa kaniya.“Salamat, Nico. Hindi mo na sana ako kailangang ihatid pero salamat pa rin. Pagod ka na rin siguro dahil ang dami mo ring ginawa kanina.”“Walang problema iyon, Amber. Mas mabuti nang alam kong nakauwi ka ng maayos kaysa mag-alala ako kung paano ka makakauwi.”Pumasok ako sa apartment at diretso akong naupo sa sofa. Wala akong ganang magpalit ng damit o gumawa ng kahit ano. Ilang segundo pa lang akong nakaupo nang mapansin kong hindi pa rin umaalis si Nico. Nakatayo lang siya malapit sa pinto habang
AMBERMakalipas ang dalawang araw, pinilit ko nang bumalik sa trabaho. Ayoko nang manatili pa sa apartment dahil sa tuwing mag-isa ako roon, hindi ko maiwasang isipin si Haven at ang mga litrato niyang kasama si Marga. Mas mabuti na lang sigurong abalahin ko ang sarili ko kaysa buong araw akong nakahiga. At paulit-ulit na tinitingnan ang cellphone ko para lang umasa na baka bigla siyang tumawag. Kaya maaga akong pumunta sa restaurant at agad akong nagsimulang magtrabaho, kahit ramdam kong wala talaga akong gana sa kahit anong ginagawa ko.Tahimik lang akong naglilinis ng mga mesa, nag-aayos ng mga gamit at tumutulong sa ibang staff kahit ilang beses akong nawawalan ng focus. May mga pagkakataong nakatitig lang ako sa isang ginagawa ko habang wala naman talaga akong iniisip na iba, at kailangan ko pang kalugin ang sarili ko para maituloy ang trabaho. Napansin iyon ni Nico dahil ilang beses niya akong nakitang paulit-ulit na nagliligpit ng parehong gamit na naayos ko na naman kanina.“A
AMBER“Amber, nandito ako. Huwag mo nang piliting pigilan ang sarili mo kung gusto mong umiyak. Pero gusto kong malaman mo na nagulat din ako nang makita ko ang balitang ikinasal na si Haven kay Marga… dahil alam kong ayaw na ayaw niyang mangyari iyon. Ilang beses ko siyang narinig na tutol sa kasal nila ni Marga, kaya hindi ko rin maiwasang isipin na baka pinilit talaga siya ng Daddy niya o baka may ginawa silang paraan para wala siyang ibang pagpipilian,” sambit ni Lisa.Lalong lumakas ang paghikbi ko nang marinig iyon. Ilang beses akong huminga ng malalim pero hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Dahan-dahan kaming umupo sa sofa habang hawak pa rin ni Lisa ang kamay ko, at doon niya napansin ang singsing na nasa daliri ko.“Amber, ano ba talaga ang nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo? At bakit may singsing ka? Alam kong ayaw na ayaw ni Haven sa kasal nila ni Marga, kaya hindi ko rin maintindihan kung paano ito nangyari. Baka may sinabi sa kaniya ang Daddy niya, baka ti
AMBERHalos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko matapos kong makita ang mga litrato ni Haven kasama si Marga. Paulit-ulit kong pinapatay at binubuksan ang screen ng cellphone ko. Umaasang baka mali lang ang nakita ko o baka may ibang paliwanag sa lahat ng iyon. Pero sa bawat pagbukas ko ng screen ay pareho pa rin ang nakikita ko. Si Haven na nakasuot ng wedding suit, si Marga na nakasuot ng wedding gown, at ang malinaw na caption na nagsasabing kasal na sila. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakaupo roon habang umiiyak. Pero pakiramdam ko ay ilang oras na ang lumipas kahit ilang minuto pa lang ang nakalilipas.“Putanginá naman, Haven! Anong kasalanan ko sa iyo?!! Bakit mo ginawa sa akin ito?!” hindi ko napigilang sigaw.Kinuha ko ang singsing na nasa daliri ko at ilang segundo ko iyong tinitigan. Iyon ang singsing na ibinigay niya sa akin sa falls. Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang isuot niya iyon sa daliri ko, habang seryoso niyang tinatanong kung papayag ba akong







