Share

Three

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-07-01 09:35:11

AMBER

Hindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay naging mas abala na ang buong mansyon. Kung kanina ay may kanya-kanyang gawain lamang ang mga kasambahay, ngayon ay tila sabay-sabay silang kumikilos. Ang iba ay naghahanda ng mga plato at kubyertos sa napakahabang dining table. Habang ang ilan naman ay abala sa pagluluto at paglalagay ng iba't ibang putahe sa malalaking serving plates.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang maingat na ginagawa ang ipinagagawa sa akin ni ate Joan. Kanina lamang ako dumating sa mansyong ito ngunit pakiramdam ko ay napakarami ko nang nakita sa loob ng isang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasok ako sa bahay ng isang napakayamang pamilya.

"Amber."

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni ate Joan.

"Yes, po?"

"Ilagay mo na itong mga baso sa dining room. Mag-iingat ka dahil imported ang mga iyan. Kapag may nabasag ka, isang buwan mong sahod ang katapat."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ha? Isang buwan po? Grabe naman!”

Mabilis tumango si ate Joan.

"Hindi ako nagbibiro. Ganoon kamahal iyan.”

Agad akong napalunok bago marahang tinanggap ang tray na puno ng mga kristal na baso.

"Si-Sige po..."

Napabuntong-hininga ako nang makaalis siya.

"Grabe naman...isang baso lang katumbas na agad ng isang buwan kong paghihirap? Hindi yata baso ang mga ito. Baka gawa ito sa ginto," bulong ko sa sarili dahilan upang mapahagikgik si Lisa na nasa tabi ko.

"Huwag kang masyadong maraming sinasabi. Baka marinig ka."

"Nakakatakot naman kasi ang presyo. Hindi kapani-paniwala.’

"Mas matakot ka kapag si Madam Gina ang nakaharap mo."

Napakamot na lamang ako sa ulo bago maingat na naglakad papunta sa dining room.

Halos mapasinghap na naman ako nang makita ang napakalaking hapag-kainan. Mahigit sampung tao yata ang maaaring kumain nang sabay-sabay roon. Ang makintab na mesa ay napapalibutan ng mamahaling upuan habang sa gitna nito ay nakahanda na ang iba't ibang klaseng pagkain. May steak, baked salmon, roasted chicken, iba't ibang pasta, salad at mga pagkaing hindi ko pa man lang naririnig ang pangalan.

Sa probinsiya, malaking handaan na para sa amin ang may pritong isda at gulay sa hapag. Dito, pakiramdam ko ay araw-araw na yata silang may piyesta.

Maingat kong inayos ang mga baso bago ako lumapit muli sa kusina.

"Amber."

Lumingon ako kay ate Joan.

"Kapag bumaba na ang pamilya, tayong mga kasambahay ang magse-serve. Huwag kang magsasalita maliban na lang kung may itatanong sila sa iyo. Huwag ka ring basta titingin sa kanila."

Napakurap ako.

"Bakit po?"

"Dahil hindi mo trabaho ang titigan ang mga amo."

Agad akong tumango.

"Opo."

Ngunit kahit sinabi niya iyon ay hindi ko maiwasang maalala ang lalaking nakita ko kanina sa hardin.

Young Master Haven.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko ang mukha niya. Kahit seryoso siya at halos walang emosyon ang ekspresyon, parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

"Ano ba itong iniisip mo, Amber? Nandito ka para magtrabaho, hindi para humanga sa isang guwapo,” saway ko sa sarili.

Napailing ako bago itinuloy ang pag-aayos ng mga pagkain.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang bumukas ang pinto ng dining room. Isa-isang pumasok ang mga miyembro ng pamilya. Nauna ang isang matandang babae na elegante ang pananamit at halatang may awtoridad sa buong bahay. Hindi na kailangan pang sabihin kung sino siya.

Si Madam Gina.

Kasunod niya ang isang babaeng nasa limampung taong gulang na napakaayos ng bihis at seryoso rin ang mukha.

Marahil ay si Madam Grace.

Sunod namang pumasok ang isang lalaking may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito ng simpleng polo ngunit kitang-kita pa rin ang pagiging elegante nito. At pagkatapos nilang tatlo...

Siya.

Si Haven.

Hindi ko alam kung bakit tila bumagal ang oras nang makita ko siyang muling pumasok sa silid.

Simple lamang ang suot niyang itim na long sleeves na nakatiklop hanggang siko ngunit tila mas lalo pa siyang gumuwapo sa simpleng ayos na iyon. Diretso siyang naglakad patungo sa kanyang upuan ng hindi man lamang lumilingon sa paligid.

"Amber."

Napapitlag ako nang marinig ang mahinang bulong ni Lisa.

"Huwag kang tumitig."

Agad kong ibinaling ang tingin ko sa hawak kong serving plate.

"Nakatitig ba ako?"

"Oo. Kanina ka pa nakatingin kay sir Haven. Lagot ka talaga kapag nahili kang nakatitig.”

"Sorry, hindi ko sinasadya.”

"Kontrolin mo sarili mo."

Hindi ko napigilang mapangiwi. Tumikhim si ate Joan bilang hudyat na magsimula na kaming magsilbi. Isa-isa naming inilapag ang mga pagkain sa mesa. Tahimik lamang ang buong pamilya habang kumakain. Walang nagsasalita. Ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang tunog ng kubyertos na tumatama sa mga plato.

Habang naglalagay ako ng juice sa baso ni Madam Grace ay hindi ko na naman napigilan ang sariling mapatingin kay Haven. Tahimik siyang kumakain. Napakaingat ng bawat galaw niya. Maging ang paraan ng paghawak niya sa kubyertos ay napakaelegante. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara siya sa mga lalaking kilala ko sa probinsiya.

"Ang layo talaga..."

Hindi ko namalayang nasabi ko pala iyon ng mahina.

"Ano?" bulong ni Lisa.

"Wala."

Mayamaya pa ay muli akong napatingin kay Haven.

"Ewan ko ba. Bakit parang artista ang dating niya? Hindi naman siya ngumingiti pero ang guwapo pa rin,” sabi ko sa isipan.

Napailing na lang akonat tinuon ang tingin sa ibang direksyon. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay muli na naman akong napasulyap. Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang palihim na tiningnan habang nagseserve kami.

Paminsan-minsan ay napapaisip pa ako kung totoo bang tao siya o baka mannequin lang na binigyan ng buhay dahil halos wala talaga itong emosyon.

"Siguro kapag ngumiti ito, hihinto ang mundo," natatawa kong sabi sa isip.

Sa pagkakataong iyon ay biglang nagsalita si Madam Gina.

"Haven."

"Yes, Grandma?"

"Bukas ay samahan mo ako sa shareholders meeting."

"I already cleared my schedule."

"Good."

Muli na namang natahimik ang buong hapag.

Ipinagpatuloy ko ang pagse-serve ngunit hindi ko napansin na habang inilalagay ko ang isang mangkok ng soup ay muli na naman akong napatitig kay Haven.

Sa pagkakataong ito… bigla siyang nag-angat ng ulo.

Halos mapatalon ako sa gulat nang muntik nang magtagpo ang aming mga mata. Mabilis akong yumuko at kunwari ay inaayos ang kutsara sa mesa.

"Diyos ko... muntik na,” sigaw ko sa isipan.

Ramdam kong umiinit ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung bakit parang lutang ako ngayon. Ang alam ko lang, ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganoon kaguwapo. At sa bawat minutong lumilipas, mas lalo akong nahihiyang isipin na baka nahahalata na ng lahat ang panay kong pagsulyap sa kanya.

Hindi ko alam na ang gabing iyon ay simula pa lamang ng isang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid for the Boss (SPG)   185

    HAVEN PAGKATAPOS KUMAIN, NAISIPAN kong magtungo sa study room. Kapag naroon ako, pakiramdam ko payapa ang mundo ko. Bumuntong-hininga ako nang maalala na naman ang matamis na ngiti ni Amber. Binuksan ko ang drawer sa table ko at saka tiningnan ang matamis na ngiti ni Amber sa kanyang resumé. Naalala ko pa noong tinanong ko ang head maid kung sino ang bagong kasambahay no'n. At nang ibigay niya ang resumé ni Amber, hindi ko alam kung bakit napangiti ako no'ng makita ko ang picture niya sa resumé. Siguro, sa picture pa lang, halatang pasaway na siya. "Haven..." Nagsalubong agad ang kilay ko nang makitang pumasok si daddy nang wala man lang katok-katok. Agad lumipat ang tingin niya sa hawak kong resumé at saka matalim na tiningnan ako. "At talagang tinitingnan mo pa iyan? Hindi na natin siya kasambahay pa dito kaya mabuti pang itapon mo na lang iyan." Asar akong natawa sa sinabi niya. "Pati ba naman ito, pinakikialaman mo pa? Nasunod ko na ang matagal mong gusto di ba? Tapos

  • Maid for the Boss (SPG)   184

    MARGAHATINGGABI NA at wala pa rin si Haven. Ilang beses na akong napatingin sa orasan dahil kanina pa ako naghihintay na umuwi siya, pero mukhang may inaasikaso pa rin siya sa labas. Dahil wala naman akong ibang ginagawa at nagsisimula na akong mainip, kinuha ko ang cellphone ko at naupo sa kama habang nag-i-scroll sa social media.Ilang minuto lang ang lumipas nang mapahinto ako sa isang post na ginawa ng isang empleyado ng Villamor Global Holdings. May picture siyang kasama ang ilang empleyado sa loob ng kumpanya at dahil naka-tag ang Villamor Global Holdings, napatingin ako nang mabuti sa larawan.Pero bigla akong natigilan nang makita ko kung sino ang nasa isang bahagi ng picture.Si Jefferson.At katabi niya si Amber.“What the héck?”Lumapit ako sa screen ng cellphone ko habang mas maingat na tinitingnan ang larawan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging interesado, pero habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, unti-unti kong napansin ang isang bagay na hindi ko napansi

  • Maid for the Boss (SPG)   183

    MARGA MAY KAILANGAN akong ayusin na tungkol sa partnership ng Del Monte Group at Villamor Global Holdings kaya nagpunta ako sa Villamor. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari sa mga current projects namin. Dahil ilang beses na rin akong nakakarinig kay Haven tungkol sa mga meeting niya rito. Pero hindi naman niya ako sinasabihan kung ano talaga ang pinag-uusapan nila. Pagdating ko sa floor kung saan naroon ang office ni Jefferson, nagtanong muna ako sa isang empleyado kung naroon siya. Sinabi nitong nasa office si Jefferson kaya nagpasalamat ako at naglakad papunta sa p***o. Kumatok ako nang tatlong beses bago ako humawak sa doorknob at dahan-dahang binuksan iyon. Pero bago pa ako tuluyang pumasok, narinig kong may kausap si Jefferson kaya napahinto ako sa may pintuan. “Sir Jefferson, matagal na rin po iyon. Siguro dapat na talaga nating tanggapin na may mga bagay na hindi na natin mababago,” narinig kong sabi ng matandang isang babae. Hindi ko agad nakilala ang boses. Aya

  • Maid for the Boss (SPG)   182

    JEFFERSON Nasa office ako habang nakatingin sa isang lumang litrato na nakapatong sa mesa ko. Matagal ko na itong itinatago sa drawer. Pero nitong mga nakaraang araw ay madalas ko na naman itong tinitingnan dahil hindi ko maiwasang maalala si Elena. Magkatabi kami sa litrato at parehong nakangiti. Bata pa kami noon at wala kaming ibang iniisip kundi ang mga oras na magkasama kami. Kaya kahit simpleng pagkain lang o pag-uusap sa labas ng bahay ay sapat na para maging masaya kami. Naalala ko kung paano niya ako hinihintay kapag galing ako sa trabaho. At kung paano niya ako kinakausap kapag pagod ako. Hindi ko kailangang bumili ng mamahaling bagay para mapasaya siya. Dahil kaunting oras ko lang ay sapat na para makita ko siyang ngumiti. Napangiti ako habang nakatingin sa litrato. “Ang tagal na pala nito,” mahina kong sabi bago muling inilapag ang litrato sa mesa. May kumatok sa p***o kaya napatingin ako roon. “Sir Jefferson?” Pumasok si Virginia na may dalang folder. Matagal na si

  • Maid for the Boss (SPG)   181

    ELENAKATATAPOS KO LANG maglinis ng buong bahay kaya nagpunta muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos kong timplahan, dinala ko ang tasa sa labas at naupo sa maliit na upuan sa harap ng bahay habang nagpapahinga sandali.Napatingin ako sa kalsada habang iniinom ang kape ko. Bigla kong naalala si Amber at napangiti dahil kahit malayo siya ngayon, masaya ako na maayos na ang trabaho niya at unti-unti na siyang nagkakaroon ng sariling buhay sa Manila.Pero habang nakaupo ako roon, hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari sa akin noon kasama si Jefferson.Mahal na mahal ko siya noon at mahal din niya ako. Kahit magkaiba ang buhay namin at mayaman ang pamilya niya, hindi iyon naging dahilan para pigilan namin ang sarili namin na mahalin ang isa't isa.Naalala ko pa kung paano niya ako sinusundo noon at kung paano niya ako dinadalhan ng mga pagkain kapag alam niyang wala akong oras para magluto. Madalas din kaming mag-usap tungkol sa mga plano namin sa buhay. At sinabi pa

  • Maid for the Boss (SPG)   180

    MARGA Pagkasakay ko sa sasakyan ko, hindi ko agad pinaandar. Nanatili muna akong nakaupo habang iniisip ang mga sinabi ni Haven dahil hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na sa harapan ko mismo ay sinabi niyang mahal niya si Amber at mas gusto niya itong makasama kaysa sa akin. “Talagang pinagmamalaki pa niya sa akin na mahal niya si Amber. Asawa niya ako pero wala talaga akong halaga sa kanya! Argh!” iinis kong sabi habang nakatingin sa harapan. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagmaneho pauwi. Habang nasa daan ako, nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. At nakita kong si Kevin ang nag-message. Kevin: [Nakauwi ka na ba? Huwag kang mag-alala, nandito lang ako.] Napairap ako habang binabasa iyon. “Bakit ba hindi niya ako kayang tigilan?” inis kong sabi bago ko ibinaba ang cellphone sa tabi ko. Hindi ko na siya sinagot dahil ayoko nang pahabain pa ang usapan namin. Sapat nang alam kong sinusundan niya ako. At ayokong bigyan siya ng dahilan para isipin niyang gust

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status