Share

Four

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-07-01 09:45:47

AMBER

DALAWANG araw ang lumipas ganoon pa rin ang nangyayari. Kapag kumakain sila, bawal kaning tumingin. Pero minsan, nahihirapan akong gawin iyon.

"Lisa, bakit ba bawal silang tingnan? Ano ba ang mangyayari sa kanila kapag tiningnan sila habang kumakain?" hindi ko napigilang tanong.

"Hindi ko rin alam eh. Siguro maiilang sila? Hindi ko talaga alam pero sinusunod ko na lang. Alam mo naman ang mayayaman, may kanya-kanya silang rules. Minsan ang weird pa nga. Pero mas mainam na sumunod ka na lang."

"Oo tama ka. Medyo weird nga sila pero grabe sobrang yaman ng pamilya nila. Tapos para silang mga robot. Parang ayaw ngumiti ng isa sa kanila."

"Hayaan mo na sila. Basta ang mga tanong mo, sa sarili mo lang itanong. Basta ang payo ko sa iyo, sundin mo lang ang lahat ng rules dito," wika niya bago ako kinindatan.

Bumuga na lang ako ng hangin bago tumango.

Katulad na lang ngayong araw. Matapos ang hapunan ay isa-isang tumayo ang mga miyembro ng pamilya mula sa kanilang mga upuan. Walang imik silang lumabas ng dining room na tila sanay na sanay na sa ganoong klaseng katahimikan. Wala man lamang nagbiro o nagkwentuhan habang naglalakad palabas. Si Madam Gina ang naunang umalis, kasunod si Sir Eduardo at Madam Grace. Huling lumabas si Young Master Haven na hindi man lang lumingon sa paligid. Diretso lamang ang lakad nito hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin naming mga kasambahay.

“Ganito ba talaga ang mayayaman? Masyadong tahimik at napakaingat ng galaw,” mahina kong bulong sa sarili.

Nang makalabas ang pamilya ay saka pa lamang nagsimulang gumalaw ang lahat. Agad na nilapitan ng mga kasambahay ang mahabang hapag upang isa-isang alisin ang mga pinagkainan. Kanya-kanya silang bitbit ng mga plato, mangkok at serving trays habang si ate Joan naman ay nagbibigay ng mga utos kung sino ang magliligpit sa dining room at kung sino ang maghuhugas sa kusina.

"Lisa, ikaw at si Maribel ang bahala sa dining room. Siguraduhin ninyong malinis ang mesa bago kayo umakyat. Amber, ikaw muna ang bahala sa kusina. Hugasan mo na ang mga plato at mga ginamit sa paghahanda ng hapunan. Kapag may kailangan ka, tawagin mo na lang ang isa sa amin."

"Opo," sabay-sabay naming tugon.

Hindi ko naman ininda ang dami ng gawain. Simula pa lamang nang magkasakit si mama ay nasanay na akong gumawa ng halos lahat ng gawaing bahay. Kaya kahit napakaraming hugasin ay hindi ako nabahala. Isinuot ko lamang ang apron at sinimulan nang isa-isang ayusin ang mga plato sa lababo.

“Para kina mama…gagawin ko ang lahat,” sabi ko sa sarili sabay ngiti.

Habang umaagos ang tubig mula sa gripo ay hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang nangyari kanina sa dining room. Ilang beses kong pinagsabihan ang sarili na huwag tumingin kay Haven, ngunit sa tuwing mapapadaan siya sa gilid ng paningin ko ay parang kusa na lamang naaakit ang mga mata kong sumulyap sa kanya. Mabuti na lamang at hindi ako napagalitan ni ate Joan. Kung nagkataon ay baka unang araw ko pa lamang ay napahiya na ako.

Napailing ako habang maingat na pinupunasan ang isang kristal na baso.

"Ano ba naman ba itong isip ko? Parang baliw! Bakit ginugulo ng guwapong mukha ni sir Haven ang isipan ko? Nakakainis! Baka sa kaiisip ko sa kanya, matanggal pa ako sa trabaho!” suway ko sa sarili.

Natawa ako sa sarili kong sinabi bago muling ipinagpatuloy ang paghuhugas. Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. Marami na rin naman akong nakitang guwapong lalaki sa telebisyon at social media, pero iba ang pakiramdam kapag kaharap mo mismo ang isang taong halos perpekto ang itsura. Pakiramdam ko tuloy ay para akong probinsyanang unang beses nakakita ng artista.

Habang abala ako sa pagpupunas ng kitchen counter ay hindi ko napansing tuluyan nang nagsiakyatan ang ibang kasambahay. Unti-unting naging tahimik ang buong kusina hanggang sa ang tanging maririnig na lamang ay ang lagaslas ng tubig at ang mahihinang tunog ng mga kubyertos na pinagpapatong-patong ko sa lalagyan.

Nang matapos ko ang paghuhugas ay huminga ako nang malalim at iniunat ang likod. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding at napansing medyo gabi na rin pala. Naisip kong baka tulog na sina mama at Noah sa mga oras na iyon. Siguro ay nag-aalala na rin ang dalawa kung kumusta ang unang araw ko sa trabaho. Balak ko sanang tawagan sila mamaya bago ako matulog upang sabihin na maayos naman ang naging pagdating ko sa mansyon.

Ngunit bago ko pa man maalis ang apron na suot ko ay may narinig akong mahinang yabag na papalapit sa kusina.

Akala ko noong una ay isa lamang iyon kina Lisa o ate Joan kaya hindi ko na gaanong pinansin. Ipinagpatuloy ko lamang ang pagpupunas sa countertop hanggang sa maramdaman kong may taong huminto sa may pintuan.

"May kailangan po ba kayo?" tanong ko habang nakatalikod pa rin.

Walang sumagot sa tanong ko. Dahil doon ay napakunot ang noo ko at dahan-dahan akong lumingon. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakatayo roon.

Si Young Master Haven.

Nakatayo lamang siya sa may pintuan habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Katulad kanina ay seryoso pa rin ang kanyang mukha at hindi mababakas kung ano ang kanyang iniisip. Hindi ko tuloy malaman kung bakit siya bumaba ng kusina sa ganoong oras.

Mabilis akong napayuko bilang paggalang.

"Go-Good evening po, Young Master."

Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin kaya lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagbati o may mali na naman ba akong nagawa sa unang araw ko pa lamang. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya tuluyang nagsalita.

"Ikaw ang bagong kasambahay, tama?”

"Opo…ako nga po, young master.”

"Amber Reyes."

Nagulat ako nang banggitin niya ang buong pangalan ko.

"O-Opo.”

"Lisa recommended you."

"Opo."

Hindi ko na alam ang idadagdag ko pa dahil tila isang salita lamang ang lumalabas sa bibig ko sa tuwing kakausapin niya ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla akong kinakabahan. Marahil ay dahil unang beses ko siyang makausap ng ganito kalapit. Sa malapitan ay mas lalo ko pang napansin ang malinaw niyang mga mata at ang matangos niyang ilong. Kahit walang emosyon ang kanyang mukha ay hindi pa rin maikakailang napakaguwapo niya.

Pinilit kong ibaling ang tingin sa hawak kong bimpo dahil nahihiya na naman akong mahuli siyang tinitingnan.

Napansin ko ring hindi pa rin siya umaalis. Sa halip ay nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ko na para bang may gusto pa siyang sabihin. Dahil sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang mabilis na tibok ng sarili kong puso. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya muling nagsalita. Direkta siyang nakatingin sa akin habang kalmado ang kanyang boses.

"Bakit panay ang tingin mo sa akin kanina?”

Nanlaki ang mga mata ko at parang gusto ko na lang maglaho sa mga oras na iyon.

“Pa-Pasensya na po talaga, young master. Hindi ko na po uulitin. Sorry po talaga,” nanginginig ang boses kong sabi sabay yuko.

Mas lumapit pa siya sa akin at nanuot sa ilong ko ang pabango niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang laylayan ng uniform ko.

“Siguraduhin mo lang na hindi na mauulit ang ginagawa mong pagtitig sa akin. Dahil kung mangyayari pa iyon… ako mismo ang kakaladkad sa iyo palabas ng mansyon.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid for the Boss (SPG)   Seven

    AMBER MABILIS akong tumayo dahil naiilang na ako sa t1te ni Haven na sumusundot sa puson ko. Ngunit dahil nagkalat pa rin doon ang juice at hindi ko pa rin nalalampaso, muntik na naman akong masubsob at napahawak na naman ako sa pagitan ng kanyang hita. “Ay jusmiyo ang laki!” bulalas ko sabay layo kay Haven. Nakangiwi siya habang hawak-hawak ang kanyang pagkalalak1. At ako naman ay nanlalaki ang mga mata mabilis na tumayo at nakatingin sa kanya. “Nakakaloka ka naman, sir! Bakit ang lumaki bigla? Parang noong una ko iyang hinawakan, hindi naman ganiyan kalaki! Pero ngayon…bakit parang biglang naging sawa! Ganyan ba talaga iyan? Lumalaki na lang bigla?” Mabagal siyang tumango at tila ba nasasaktan pa rin. Siguro masyado ko na namang napisat ang alaga niya kaya masakit para sa kanya iyon. “Nababaliw ka na ba talaga? Bakit ganyan ang mga tanong mo? Bakit, ngayon ka lang ba nakahawak ng ganito? At hindi mo alam na talagang lumalaki ito?” Tila nag-init ang pisngi ko at saka mabagal

  • Maid for the Boss (SPG)   Six

    AMBER SUMUNOD NA ARAW, abala ako sa paglalampaso nang biglang may bumuhos na juice sa harapan ko. Pagtingin ko, nakangising nakatingin sa akin si Haven. Kung saan ang isang basong juice na hawak niya ay tinapon niya sa kalalampaso ko lang na sahig. “Sir? Ano naman po ang nakain niyo at parang nawala kayo sa sariling pag-iisip?” Biglang sumama ang mukha niya at saka matalim ako ang tiningnan. “Ang lakas din ng loob mong magsalita ng ganiyan sa akin? Sino ka ba sa inaakala mo?” galit ang boses niyang sabi. “Sir, sa pagkakatanda ko po nasa edad trenta na po kayo. At iyong ginawa niyo po ngayon ay hindi gawain ng isang trenta anyos na lalaki. Matatanggap ko pa kung isang bata ang gumawa niyan. Pero bakit naisipan mong ibuhos ang juice na iyan? Sa katatapos ko pang lampasuhin na sahig? Ano po iyan, sir? Trip niyo lang o tamang baliw-baliwan lang po kayo?” mahinahon kong sabi habang nakakunot ang noo ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga na para bang galit na galit na siya sa

  • Maid for the Boss (SPG)   Five

    AMBER Dalawang araw ang lumipas matapos sabihin sa akin sir Haven na kapag tinitigan ko pa siya ulit, kakaladkarin na niya ako palabas ng mansyon. Ano bang problema niya? Parang sobra naman siyang makapagsalita eh wala naman akong ginagawang masama. Parang tinitingnan ko lang siya dahil humahanga ako sa kagwapuhan niya pero grabe ang ugali! Abala ako ng araw na iyon sa pagdidilig ng halaman. Ni hindi ko nga napansin na may tao na pala sa likuran ko dahil seryoso ako sa ginagawa ko. “Huwag mong masyadong lunurin iyang mga halaman.” Sa labis nagulat ko ay napasigaw at napatalon. Sa hindi inaasahang sandali ay na-out of balance ako. Kung kaya naman para hindi tuluyang lumagapak ang mukha ko lupa, napahawak ako sa lalaking nasa harapan ko. Ngunit hindi ko inaasahang ibang bahagi ng katawan niya ang mahahawakan ko. “Putang1na!” Hindi nga nasubsob ang mukha ko sa lupa dahil naitukod ko agad ang siko ko. At mabilis akong tumayo. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya na

  • Maid for the Boss (SPG)   Four

    AMBER DALAWANG araw ang lumipas ganoon pa rin ang nangyayari. Kapag kumakain sila, bawal kaning tumingin. Pero minsan, nahihirapan akong gawin iyon."Lisa, bakit ba bawal silang tingnan? Ano ba ang mangyayari sa kanila kapag tiningnan sila habang kumakain?" hindi ko napigilang tanong."Hindi ko rin alam eh. Siguro maiilang sila? Hindi ko talaga alam pero sinusunod ko na lang. Alam mo naman ang mayayaman, may kanya-kanya silang rules. Minsan ang weird pa nga. Pero mas mainam na sumunod ka na lang.""Oo tama ka. Medyo weird nga sila pero grabe sobrang yaman ng pamilya nila. Tapos para silang mga robot. Parang ayaw ngumiti ng isa sa kanila.""Hayaan mo na sila. Basta ang mga tanong mo, sa sarili mo lang itanong. Basta ang payo ko sa iyo, sundin mo lang ang lahat ng rules dito," wika niya bago ako kinindatan.Bumuga na lang ako ng hangin bago tumango. Katulad na lang ngayong araw. Matapos ang hapunan ay isa-isang tumayo ang mga miyembro ng pamilya mula sa kanilang mga upuan. Walang imi

  • Maid for the Boss (SPG)   Three

    AMBERHindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay naging mas abala na ang buong mansyon. Kung kanina ay may kanya-kanyang gawain lamang ang mga kasambahay, ngayon ay tila sabay-sabay silang kumikilos. Ang iba ay naghahanda ng mga plato at kubyertos sa napakahabang dining table. Habang ang ilan naman ay abala sa pagluluto at paglalagay ng iba't ibang putahe sa malalaking serving plates.Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang maingat na ginagawa ang ipinagagawa sa akin ni ate Joan. Kanina lamang ako dumating sa mansyong ito ngunit pakiramdam ko ay napakarami ko nang nakita sa loob ng isang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasok ako sa bahay ng isang napakayamang pamilya."Amber."Napapitlag ako nang marinig ang boses ni ate Joan."Yes, po?""Ilagay mo na itong mga baso sa dining room. Mag-iingat ka dahil imported ang mga iyan. Kapag may nabasag ka, isang buwan mong sahod ang katapat."Nanlaki ang mga mata ko."Ha? Isang buwan po? Grabe naman!”Mabili

  • Maid for the Boss (SPG)   Two

    AMBER "Ano? Tara na?" wika ni Lisa habang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Napatingin muna ako kina mama at Noah bago tuluyang lumabas ng bahay. Kagabi pa kami nag-iyakan tatlo at nagyayakapan. Tuloy-tuloy na akong naglakad at hindi na sila nilingon pa. Baka kasi kapag ginawa ko iyon, hindi na ako makaalis. "Nga pala...papayuhan na kita. Kapag pinagalitan ka, huwag kang iiyak at susuko. Pagkapasok sa tainga mo, ilabas mo agad sa kabila. Kagaya nga ng sinabi ko, medyo masama ang ugali ng mga iyon. Pero nagtitiis na lang kami dahil malaki ang sahod," wika ni Lisa habang nasa traysikel kami. "Oo sige. Ako pa ba? Kailangan ko talagang tibayan ang loob ko para sa kanila. Gusto kong gumaling si mama at mabili ang mga pangangailangan nila." ILANG oras din ang inabot ng byahe namin bago kami nakarating sa Maynila. Halos lumuwa ang mata ko sa laki ng bahay na nasa harapan ko. Parang hindi nga ito bahay. Para itong mansyon. Nakakalula sa laki at ganda. "Hoy, ano ka na? Kanina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status