(Gabriel's POV)Her lips crashed against mine, desperate and trembling, yet bold enough to answer the fire that had been eating me alive for weeks. I didn’t even remember who moved first, if it was me pulling her in, or her surrendering to my anger, but the moment her mouth opened under mine, nothing else existed.Her taste..sweet, laced faintly with the sting of wine drove me mad. I devoured her like I’d been starved, my hand tangled in her hair, the other gripping her waist so tightly she gasped into the kiss. That sound… Tangina! i love to hear that soundI pressed her back against the bar counter, the glasses rattling from the force. My lips trailed down, biting into the soft skin of her jaw, her neck, sucking hard enough to leave a mark. She shuddered in my arms, her hands clutching at my shirt na para bang hindi niya alam kung itutulak ako palayo o hihilain niya ako palapit.“Gabriel…” ungol niya, my name breaking on her lips.
(Mariz POV)Alas-diyes na ng gabi nang marinig ko ang tunog ng sasakyan. Kasunod ang pagkaluskos ng gulong sa driveway, at sa ilang sandali, bumukas ang malaking pinto ng mansion.Pumasok si Sir Gabriel. Maluwag ang coat na nakasampay sa balikat, may bahagyang gulo ang buhok, at may bahid ng amoy alak na agad sumalubong sa akin. Hindi siya lasing, pero halata sa bawat galaw niya ang bigat ng iniinom niya.Tumayo ako agad mula sa sofa, pilit na pinapakalma ang sarili. “G-good evening, Sir Gabriel,” bati ko, mahina pero malinaw.Hindi siya sumagot. Hindi man lang tumingin sa akin. Dumiretso siya sa bar area, kinuha ang isang baso, at binuksan ang bote ng alak. Pero imbes na siya mismo ang magbuhos, ibinaba niya iyon sa mesa at humarap sa akin.“Mariz,” tawag niya.Parang nakuryente ako sa tunog ng pangalan ko sa bibig niya. Tumigil ang lahat ng iniisip ko at ang tanging nagawa ko lang ay lumapit. “Yes, sir?”Tini
(Mariz POV)Pagmulat ko ng umaga, naramdaman ko agad ang kakaibang gaan sa paligid. Hindi dahil magaan ang pakiramdam ko. Kundi dahil araw ng sahod. Araw na hinihintay ng lahat dito sa mansion. Sa ganitong araw, parang lahat ay masigla, mas maingay, mas mabilis ang kilos. Ang mga kasamahan ko, abala na agad sa kani-kanilang trabaho, sabay sabay na parang sabik na matapos ang lahat para sa sandaling iabot na ang sobre na puno ng pawis at pagod ng isang buwan.Ako rin, sabik. Hindi lang dahil sa sweldo, kundi dahil iyon ang tanging pagkakataon na kaya kong iparamdam sa sarili kong may halaga rin ang ginagawa ko dito. Na may kapalit kahit paano. Habang inaayos ko ang mga plato sa kusina, naroon na sina Ate Linda at Aling Berta na parehong masigla. “Hay naku, buti na lang sahod ngayon,” sabi ni Ate Linda, sabay buntong-hininga na parang sa wakas makakahinga ng maluwag.“’Yan ang araw na kahit gutom ako buong linggo, sulit naman pag-uwi ko
(Mariz POV)Mabigat ang talukap ng mata ko nang magising ako kinabukasan. Ang totoo, halos wala akong tulog kagabi. Ilang beses akong nagbalik-balik sa eksenang nangyari sa study,, yung malamig na tanong ni Sir Gabriel, yung matalim na titig niya, at yung mga salitang binitiwan kong kahit ako mismo hindi ko alam kung totoo."Bagay ba kami ni Clarisse? Masaya ka ba para sa amin?"Parang may bato sa dibdib ko habang inuulit-ulit iyon sa isip ko. Ang dali-daling sagutin ng oo, pero sa bawat “oo” na pinilit kong bitawan kagabi, pakiramdam ko ay unti-unti akong namamatay.Huminga ako nang malalim at pinilit bumangon. Sa salamin, nakita ko ang namumugto kong mga mata. Agad kong tinapik ang pisngi ko at ngumiti pilit na ngiti, pero kailangang ipakita ko ulit yung masayahin kong mukha. Kailangan kong buuin ng masaya ang panibago kong araw.Pagbaba ko, nadatnan ko si Ate Linda at Aling Berta na abala sa ginagawa nila.“Ayan na p
(Gabriel’s POV) Tahimik ang buong mansion, ngunit sa bawat tawa na naririnig ko mula sa kusina, para akong tinatamaan ng pako sa dibdib. Sa unang tingin, masaya siya. Puno ng ingay, puno ng kalokohan, gaya ng dati. At lahat ng tao sa paligid ay naniniwala. Lahat sila nakikisabay sa halakhak niya, lahat sila natutuwa na bumalik na raw ang “dating Mariz.” Dating Mariz. Pero sa mga mata ko, wala. Hindi ko nakikita ang totoo. Ang nakikita ko ay isang mukha na pilit ngumingiti, at sa tuwing naririnig ko yung pilit na tawa niya, imbes na matuwa ako, lalo akong nagagalit. masyado siyang mahusay magpanggap. Masyado siyang mahusay itago na parang wala lang sa kanya ang lahat. Parang wala lang sa kanya yung nakita niya. Parang wala lang sa kanya na may ibang babae ako. Alam kong nakita niya kami. Nakita ko kung paanong natigilan siya sa may pasilyo
(Mariz POV) Abala kami sa kusina, Naghuhugas ng pinagkainan at naglilinis. Si Ate Linda, si Aling Berta, at kahit si Gisiell ay naroon. Nagkakatuwaan pa kami dahil natapon ko ang konting tubig sa sahig at halos madulas si Gisiell, ayun, bardagulan na naman. Pero biglang bumukas ang pinto, at si Ate Linda ay tinawag ng isang kasambahay mula sa hallway. “Ate Linda, pinapapunta ka ni Sir Gabriel.” Napalingon agad kami. “Ay, bakit daw?” tanong ni Aling Berta. Tinapik ni Ate Lnda sa balikat si Aling Berta at ngumiti samin bago lumabas. Maya-maya, bumalik si Ate Linda, medyo nagtataka. “Si Sir Gabriel, gusto ng kape sa study room. Pero may dagdag siyang bilin.” Napataas ang kilay ni Gisiell. “Ano na naman? Gusto ng imported beans?” nakacrossed arm pa ito. Umiling si Ate Linda. Tumitig siya sa akin. “Ang gusto niyang maghatid n