LOGINPumasok ako sa kwarto ko na inis na inis. Tatay ko ba ’yon o amo ko? Pati pananamit ko kapag lalabas ako ay gusto niyang pakialaman. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Bwesit na bwesit talaga ako sa lalaking ’yon. Aalis na nga lang kami, kailangan ko pang magpalit.Wala naman akong magagawa kundi sundin siya. Baka mamaya, pati paghinga ko ay may ipagbawal pa siya. Muli akong naghanap ng maisusuot sa mga damit na binili namin kahapon. Sa huli ay pumili ako ng mas mahaba at mas maayos na dress. Simple lang ito, ngunit elegante pa rin tingnan. Nang maisuot ko na ay muli akong humarap sa salamin. "Okay na ’to." Mahina kong saad sa sarili.Hindi na rin naman maikli, kaya wala na siyang maipupuna. Inayos ko ang buhok ko at kinuha ang maliit kong bag bago ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala ay nadatnan kong naghihintay pa rin si Ethan. Nakasandal siya sa sofa habang abala sa cellphone. Ngunit nang marinig niya ang mga yabag ko ay agad siyang napatingin
Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako. Maaga akong nagising kinabukasan. Bandang alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama. Isa na namang mahabang araw. Agad akong naligo at nagbihis bago sinimulan ang mga gawain ko sa bahay. Tahimik ang buong bahay habang naglilinis ako. Mukhang mahimbing pa ang tulog ni Ethan. Matapos kong linisin ang sala, kusina, at iba pang bahagi ng bahay ay nagtungo naman ako sa paborito kong lugar. Ang garden. Bitbit ang hose at maliit na pandilig, isa-isa kong nilapitan ang mga alaga kong bulaklak. Ngumiti ako nang makita ang mga bagong usbong at mga namumulaklak na rosas. "Wow." Napangiti ako. "Ang gaganda n'yo na ah." Marahan kong diniligan ang mga ito. "At ang tataba n'yo pa." Napahagikgik ako sa sarili kong sinabi. Kung may makakakita talaga sa akin, baka isipin nilang baliw ako. Pero wala akong pakialam. Kahit paano, ang mga bulaklak lang ang matiyagang nak
Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Tahimik akong nagliligpit habang si Ethan naman ay tumayo na mula sa kanyang upuan. Mukhang may pupuntahan ito. "Aalis ako." Malamig nitong saad habang inaayos ang suot na relo sa pulsuhan nito. Napatingin naman si Miles sa kanya. "Office?" Tumango lamang si Ethan bilang sagot. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin. "Ara." Napahinto ako sa paghuhugas ng plato. "Po?" "Huwag kayong gagabihin." Madiin nitong saad. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Teka... Pinapayagan niya talaga kami? Ngunit bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na ito. At naglakad palabas ng kusina. Ilang segundo ko pa itong pinanood hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. "Protective." Biglang bulong ni Miles. Napalingon ako sa kanya. "Ano?" Ngumisi ito. "Wala." Natatawang saad nito. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako. Nagpunas ako ng kamay at humarap kay Mile
Binabad ko muna ang karne nang muli kong marinig ang pagtunog ng doorbell. Agad akong kinabahan. Shit! Baka bumalik ang daddy niya. Patay tayo nito. Mabilis akong nagtungo sa pintuan upang tingnan kung sino ang nasa labas. Nang silipin ko iyon, agad namang nawala ang kaba ko nang makita si Miles na nakatayo roon. "Hello, Arabella," bati niya na may malapad na ngiti sa labi. Napangiti rin ako at binuksan nang mas maluwang ang pinto. "Halika, pasok ka." Pumasok siya sa loob habang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit parang napakasaya niya ngayong araw. Nang makapasok kami sa loob ng bahay, itinuro ko ang sofa sa sala. "Maupo ka muna. Tatawagin ko lang ang kuya mo," sabi ko. Umiling siya at bahagyang natawa. "Huwag na. Ikaw naman ang pinuntahan ko rito, hindi ang kuya ko," sagot niya habang nakangiti. Napakunot-noo ako bago napangiti. "Ooh, okay. Sandali lang ha? Nagluluto kasi ako." Nagpaalam na sana akong pumunta sa kusina upa
"Ang laki ng kahihiyan nito kapag siya ang pinakasalan mo, Ethan." Galit na galit na saad ng kanyang ama. Mariin ang bawat salitang binitiwan nito. At bawat isa ay tila patalim na tumatama sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.Kasal? Napakurap ako. Sandali... Bakit umabot sa kasal ang usapan? Tahimik akong napalunok. Pakiramdam ko ay lalo akong naliligaw sa nangyayari. Samantalang si Ethan naman ay biglang natawa. Ngunit hindi iyon masayang tawa. Mapait. At puno ng panunumbat."Kahihiyan mo?" Ulit niya. Bahagya siyang napailing. Pagkatapos ay tumingin nang diretso sa kanyang ama. At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang galit sa mga mata n'ya. Hindi iyong karaniwang pagkainis na nakikita ko araw-araw.Mas malalim, Mas mabigat At mas masakit. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo?" Madiin niyang tanong. "Tigilan ninyo ang pakikialam sa buhay ko." Tahimik ang buong sala. Tanging ang malamig niyang boses lamang ang maririnig.At sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay ramdam ko ang
Dinala ako ni Miles sa mesa kung saan naroon ang ilan sa mga kaibigan at kakilala n'ya. Isa-isa niya akong ipinakilala sa kanila. Mabuti na lamang at mababait ang mga ito kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.Matapos ang ilang minutong pakikipagkilala ay sabay kaming naupo sa isang bakanteng mesa. Ngumiti si Miles sa akin bago inilapag ang kanyang baso."Matagal na kayo ni Kuya?" Bigla nitong tanong habang may matamis na ngiti sa labi. Napakurap ako.Muntik pa akong mabulunan sa iniinom kong juice. "Bago lang kami." Ngumiti ako para hindi halatang kinakabahan. Tumango naman s'ya. Ngunit halatang hindi pa siya tapos magtanong. "Ano ba ang nagustuhan mo kay Kuya?" Napatingin ako sa kanya.Kung alam mo lang talaga, Miles. Puro pagpapanggap lang ito. At kung may nagustuhan man ako sa kuya mo, hanggang ngayon hinahanap ko pa rin. Tahimik akong napaisip. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.Dahil sa totoo lang, wala naman talaga kaming relasyon. At halos araw-araw pa nga kaming na
Kung hindi ko lang talaga siya boss, malamang matagal na kaming nagsuntukan nito. Tahimik kong reklamo sa isip habang nakasimangot na nakatingin kay Ethan. Sa totoo lang, araw-araw sinusubok ng lalaking ito ang pasensya ko.Mabuti na lang at kailangan ko ang trabaho.At mas kailangan ko ang isang d
"Alam mo ba, sa bahay nila parang mababaliw na ako." Napatawa si Luke habang nakikinig sa'kin. "Bakit naman?"Huminga muna ako nang malalim bago sumagot."Kasi halos wala akong makausap."Napailing ako. "Kaya nga minsan kinakausap ko na lang ang mga halaman sa garden." Natahimik siya sandali bago t
Bago matapos ang pag-aayos sa akin ay bumalik na si Sir Ethan. May dala siyang pagkain at dalawang paper bag. Tahimik niya iyong inilapag sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi pa naman tapos ang mga staff sa pag-aayos sa akin. Hindi pa nga nila nasisimulan ang makeup ko."Kumain ka muna." Malamig na
"Ba't parang nakakita ka ng multo? Naistorbo pa yata kita sa pagchi-chill mo?"Bahagyang nakataas ang isang kilay ni Sir Ethan habang nakatingin sa akin."A-ah... hindi po, Sir," mabilis kong sagot.Agad akong ngumiti kahit medyo kinakabahan pa rin dahil sa pagkagulat ko.Ngunit nang makaiwas ang t






![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
