Teilen

Chapter 3

last update Veröffentlichungsdatum: 04.06.2026 18:02:25

Nang matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit si Tita, nagpaalam na s'yang umalis. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakita namin ang driver na nag-hihintay na sa sala.

"George, pahatid si Manang Rose sa bahay," utos ni Sir Ethan sa kanyang driver.

"Opo, Sir," ma-galang na sagot nito.

Kinuha ni George ang mga gamit ni Tita bago sila lumabas ng bahay.

Pag-katapos ay humarap sa akin si Tita.

"Arabella, tandaan mo ang mga bilin ko, ha? Mag-iingat ka rito."

Nangilid ang mga luha ko, ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Ayokong isipin ng kumag na 'to na iyakin ako.

"Opo, Tita," sagot ko habang pilit na ngumingiti.

Nagpaalam din siya kay Sir Ethan.

"Aalis na po ako, Sir. Maraming salamat po."

Nginitian lamang siya ni Sir Ethan bilang tugon.

Marunong din pala siyang ngumiti, bulong ko sa sarili ko.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" tanong niya sa akin na may diin sa bawat salita.

Nagulat ako at agad na umiwas ng tingin.

"Ah... e-wala po, Sir," sagot ko habang pilit na nakangiti.

"Ipagluto mo nga ako ng pork adobo. 'Yan ang gusto kong kainin. At isa pa, imi-message ko sa'yo ang mga gusto kong ulam. Huwag kang magluluto ng kahit ano na hindi ko nire-request. Kapag ginawa mo 'yon, ipapaubos ko sa'yo lahat."

Bahagya siyang tumigil bago muling nagsalita.

"At magluto ka lang ng sapat para sa ating dalawa."

Pagkatapos noon ay umupo siya sa sofa at abalang nag-cellphone.

Grabe. Napakasungit talaga.

"Opo, Sir," maikli kong sagot.

Agad akong umalis doon bago pa may masabi akong ikapapahamak ko.

Muntik ko nang makalimutan na boss ko pala siya.

Habang naglalakad papunta sa kusina, napanguso ako.

Maghintay ka lang, Sir Ethan. Balang araw, bibigay ka rin sa alindog ko.

Napailing ako sa sarili kong iniisip at agad na nagsimulang maghanda ng lulutuin.

Inihanda ko ang mga sangkap para sa pork adobo. Hinugasan ko muna ang karne bago ito hiwain at ihanda ang mga rekado. Pagkatapos ay minarinate ko ang karne dahil maaga pa naman at may oras pa bago kumain si Sir Ethan.

Mga dalawampung minuto ko ring ibinabad ang karne upang mas sumarap ang lasa nito. Ngunit bago ang lahat, nagsaing muna ako para sabay na ring maluto ang kanin.

Isinuot ko ang aking earpods at nagpatugtog ng paborito kong mga kanta habang nagluluto. Paminsan-minsan ay napapakanta pa ako habang abala sa paghahanda ng pagkain.

Nakasanayan ko na ring maglinis habang nagluluto kaya malinis at maayos ang kusina habang ginagawa ko ang lahat.

Sa sobrang pagkaabala ko sa pagkanta at pagluluto, hindi ko namalayang may pumasok na pala sa kusina. Kung hindi pa nito binuksan ang refrigerator, malamang ay hindi ko siya mapapansin.

Napalingon ako nang marinig ang tunog ng pagbukas ng refrigerator at bahagya akong nagulat nang makita kung sino ang naroon.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Napalingon ako sa boses ni Sir Ethan. Agad kong tinanggal ang earpods na nakasuksok sa tenga ko bago sumagot.

"Nagluluto po at naglilinis, Sir," sagot ko.

Pinandilatan niya ako ng mata.

"At paki hinaan naman ang boses mo. Rinig hanggang sa kuwarto ko. Hindi ka naman masyadong magaling kumanta."

Lahat ng salitang binitawan niya ay may diin.

"Okay po, Sir. Pasensya na po."

Pagkasabi noon ay tumalikod na siya at muling umalis.

Pagkaalis niya, napasimangot ako.

Talagang sarap niyang batuhin ng sandok.

Kunwari ay ibinato ko ang hawak kong sandok sa direksyon niya, ngunit hindi ko rin itinuloy.

Baka bukas nasa Mindanao na agad ako kapag ginawa ko 'yon.

Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang aking mga gawain.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos din ang pagluluto ko. Kumuha ako ng kutsara at bahagyang tinikman ang adobo.

"Mmm... ang sarap."

Napangiti ako nang malasahan ang luto ko. Malambot ang karne at sakto lang ang timpla ng sabaw.

Inihanda ko na ang kanin, ulam, at maging ang tubig sa hapag-kainan. Nang maayos na ang lahat, nagtungo ako sa kuwarto ni Sir Ethan.

Marahan akong kumatok sa pinto.

"Sir, kumain na po kayo."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay bumaba na ako pabalik sa kusina. Hindi nagtagal ay sumunod din s'ya.

"Ahm, Sir. Lilinisin ko lang po ang sala. Tawagin n'yo na lang po ako kung may iuutos pa kayo."

Bahagya lamang siyang tumango bilang tugon.

Hindi man lang niya ako inaya na kumain.

Mabilaukan ka sana.

Agad kong pinigilan ang sarili kong matawa sa naisip ko at nagtungo na sa sala upang simulan ang paglilinis.

Isinuot ko muli ang aking earpods bago ipinagpatuloy ang paglilinis ng sala.

Habang nagwawalis at nagmamop, napasilip ako sa labas ng bahay. Agad na napunta ang tingin ko sa mga bulaklak sa hardin.

Naku, kawawa naman kayo. Bukas aayusin ko kayo, nakangiti kong sabi sa sarili ko.

Nagpatuloy ako sa pagmamop nang bigla akong may maramdamang tumapik sa aking likuran.

Dahil dalawa lang naman kaming naroon sa bahay, alam ko na agad kung sino iyon.

"Kumain ka na pagkatapos mong maglinis diyan."

Iyon lamang ang sinabi ni Sir Ethan bago muling umakyat sa kanyang kuwarto.

Napangiti ako nang bahagya.

May puso rin pala s'ya.

Pagkatapos kong maglinis ay nagtungo na ako sa kusina.

Napatingin ako sa mangkok na pinaglagyan ko ng adobo at halos mapangiti nang malaki.

Ubos na ubos ang laman nito.

Wow. Ang sarap ko talagang magluto.

Kinuha ko ang kanyang pinagkainan bago naghanda ng sarili kong plato. Naupo ako at nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay biglang tumunog ang aking cellphone. May tumatawag sa Messenger.

Agad kong sinagot ang video call at bumungad ang pamilyar na mukha ni Mama.

"O, Ara. Kumusta naman ka diha?" tanong niya.

"Okay lang po, Ma," nakangiti kong sagot.

"Kumakain po ako ngayon. Kain po tayo."

Mas lalo akong napangiti habang nakikita ang aking pamilya sa kabilang screen. Kahit malayo ako sa kanila, pakiramdam ko ay kasama ko pa rin sila sa bawat sandali.

Bigla namang may sumingit sa usapan namin.

"Hoy, Ate! Wa pa ko kabalos nimo!" galit na sabi ni Lian mula sa kabilang screen.

Napatawa ako sa kanyang reaksyon.

"Sunod na ang balos mo, after five years," natatawa kong sagot.

Mas lalo siyang nagsimangot kaya lalo akong natawa.

Ngunit natigil ang tawanan namin nang may dumungaw sa pintuan ng kusina.

Si Sir Ethan.

"Pagtimpla mo ako ng kape pagkatapos mo riyan. Pakihatid sa study room ko."

Iyon lamang ang sinabi niya bago tumalikod at umalis.

"Ma, hunahon sa nako akong trabaho. Tawag ko unya," sabi ko kay Mama.

"Sige, anak. Mag-ingat ka riyan."

Ngumiti ako bago tuluyang ibaba ang tawag.

Tinapos ko ang pagkain ko at inilagay muna sa lababo ang aking pinagkainan.

Mamaya na ako maghuhugas ng mga plato.

Agad akong nagtimpla ng kape para kay Sir Ethan. Sinunod ko ang itinuro sa akin ni Tita upang masigurong tama ang timpla nito.

Pag-katapos ay inilagay ko 'yon sa isang tray at dinala papunta sa study room ng boss ko.

Pagdating sa harap ng pinto, marahan muna akong kumatok.

"Sir, nandito na po ang kape n'yo," sabi ko habang hawak ang tray.

Tahimik akong naghintay ng kanyang tugon bago pumasok sa loob.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 23

    Sa totoo lang, ni isa sa mga pinag-usapan nila ay wala akong naintindihan.Puro negosyo, shares, investments, at kung anu-ano pang terminong hindi ko naman alam.Kaya pala sinabi niyang maghintay lang ako.Wala rin naman pala akong magagawa rito.Napabuntong-hininga na lamang ako.Bored na bored na talaga ako.Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang natapos ang meeting.Isa-isang nagpaalam ang mga board members at executives bago lumabas ng conference room.Tahimik lamang akong nanatiling nakaupo habang inaayos ni Ethan ang mga dokumentong nakakalat sa mesa.Maya-maya ay may isang boses na nagpahinto sa kanya."Can we talk, Ethan?"Si Myca.Napatingin ako sa kanya.Nakatayo siya sa tapat ng mesa habang nakatingin kay Ethan.Hindi naman ito nag-angat agad ng tingin.Patuloy pa rin siya sa pag-aayos ng mga papeles."Yeah, we can talk."Kalmado niyang sagot.Akala ko ay aalis na ako para mabigyan sila ng pagkakataong mag-usap.Ngunit muling nagsalita si Myca."Privately."Mahina ngun

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 22

    Tahimik kaming naglakad papunta sa conference room.Habang papalapit kami, lalo akong kinakabahan.Mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Ethan sa kamay ko.Parang sinasadya niyang ipakitang malapit kami sa isa't isa.Huminto kami sa tapat ng malaking pinto.Tumikhim muna siya bago ito binuksan.Pagkapasok namin ay agad na napunta sa amin ang atensyon ng lahat ng nasa loob.May mga lalaking nakasuot ng mamahaling suit at may ilang babae ring pormal ang pananamit.Lahat sila ay nakatingin sa amin.Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mesa."Good morning, everyone."Malamig na bati ni Ethan."Good morning, Sir Ethan."Sabay-sabay nilang tugon.Nang mapansin nila ang magkahawak naming kamay, halatang nagulat ang karamihan.May ilan pang nagkatinginan."Please, have a seat."Saad ng isa sa mga executive.Hinila ni Ethan ang upuan para sa akin."Thank you..."Mahina kong bulong.Tahimik lang siyang tumango bago naupo sa tabi ko.Nagsimula na ang meeting.Halos wala ako

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 21

    Nang makarating kami sa isang mataas na building ay agad niyang ipinarada ang sasakyan sa basement parking. Pagkababa namin ay tahimik lang akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami papasok sa lobby, isa-isang bumabati sa kanya ang mga empleyadong nakakasalubong namin. "Good morning, Sir Ethan.""Good morning, Sir." Tumango lamang siya bilang tugon.Gaya ng dati, seryoso ang mukha nito at walang kahit katiting na ngiti. Tahimik akong naglalakad sa tabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong kinakabahan. Maya-maya ay pumasok kami sa elevator. Pinindot niya ang button ng ikaapat na palapag.Tahimik pa rin kaming dalawa.Tanging mahihinang tunog ng elevator at ang paghinga naming dalawa ang maririnig.Habang iniisip ko kung ano ang gagawin namin roon, bigla kong naramdaman ang mainit niyang palad na marahang humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanya. Ngunit nakatingin lang siya sa unahan, na para bang normal lang ang ginawa niya.Hindi man lang siya lumi

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 20

    Pumasok ako sa kwarto ko na inis na inis. Tatay ko ba ’yon o amo ko? Pati pananamit ko kapag lalabas ako ay gusto niyang pakialaman. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Bwesit na bwesit talaga ako sa lalaking ’yon. Aalis na nga lang kami, kailangan ko pang magpalit.Wala naman akong magagawa kundi sundin siya. Baka mamaya, pati paghinga ko ay may ipagbawal pa siya. Muli akong naghanap ng maisusuot sa mga damit na binili namin kahapon. Sa huli ay pumili ako ng mas mahaba at mas maayos na dress. Simple lang ito, ngunit elegante pa rin tingnan. Nang maisuot ko na ay muli akong humarap sa salamin. "Okay na ’to." Mahina kong saad sa sarili.Hindi na rin naman maikli, kaya wala na siyang maipupuna. Inayos ko ang buhok ko at kinuha ang maliit kong bag bago ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala ay nadatnan kong naghihintay pa rin si Ethan. Nakasandal siya sa sofa habang abala sa cellphone. Ngunit nang marinig niya ang mga yabag ko ay agad siyang napatingin

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 19

    Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako. Maaga akong nagising kinabukasan. Bandang alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama. Isa na namang mahabang araw. Agad akong naligo at nagbihis bago sinimulan ang mga gawain ko sa bahay. Tahimik ang buong bahay habang naglilinis ako. Mukhang mahimbing pa ang tulog ni Ethan. Matapos kong linisin ang sala, kusina, at iba pang bahagi ng bahay ay nagtungo naman ako sa paborito kong lugar. Ang garden. Bitbit ang hose at maliit na pandilig, isa-isa kong nilapitan ang mga alaga kong bulaklak. Ngumiti ako nang makita ang mga bagong usbong at mga namumulaklak na rosas. "Wow." Napangiti ako. "Ang gaganda n'yo na ah." Marahan kong diniligan ang mga ito. "At ang tataba n'yo pa." Napahagikgik ako sa sarili kong sinabi. Kung may makakakita talaga sa akin, baka isipin nilang baliw ako. Pero wala akong pakialam. Kahit paano, ang mga bulaklak lang ang matiyagang nak

  • Maid ng Gwapong CEO   CHAPTER 18

    Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Tahimik akong nagliligpit habang si Ethan naman ay tumayo na mula sa kanyang upuan. Mukhang may pupuntahan ito. "Aalis ako." Malamig nitong saad habang inaayos ang suot na relo sa pulsuhan nito. Napatingin naman si Miles sa kanya. "Office?" Tumango lamang si Ethan bilang sagot. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin. "Ara." Napahinto ako sa paghuhugas ng plato. "Po?" "Huwag kayong gagabihin." Madiin nitong saad. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Teka... Pinapayagan niya talaga kami? Ngunit bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na ito. At naglakad palabas ng kusina. Ilang segundo ko pa itong pinanood hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. "Protective." Biglang bulong ni Miles. Napalingon ako sa kanya. "Ano?" Ngumisi ito. "Wala." Natatawang saad nito. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako. Nagpunas ako ng kamay at humarap kay Mile

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 5

    Ngayong araw ang balik ng kumag na iyon.Tapos na ang tatlong araw kong buhay-prinsesa sa bahay niya. Sa loob ng tatlong araw ay napakatahimik ng buhay ko. Walang masungit na boss na bigla-biglang may iuutos at wala ring magrereklamo sa bawat kilos ko.Hay, sana laging ganito na lang.Nakahiga ako

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 4

    Pumasok ka. Bukas 'yan."Iyon lamang ang sabi ni Sir Ethan mula sa loob ng study room. Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang tasa ng kape sa kanyang mesa. Abala siya sa pagbabasa ng ilang dokumento kaya hindi ko na siya ginambala pa.Pagkatapos ay tahimik akong lumabas ng silid at isinara ang p

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 2

    Nakakalula ang bahay ng bago kong boss. Ang laki nito. Habang papasok kami sa loob ay palinga-linga ako sa paligid. Sobrang ganda ng loob. Pagdating namin sa sala ng bahay ay may isang gwapong lalaki roon na nakaupo. Nakatutok siya sa kanyang laptop habang may ginagawa rito. Ng maka rating kami sa

  • Maid ng Gwapong CEO   CHAPTER 1( FIRST TIME IN MANILA)

    Arabella POV. Nagulat ako nang magising dahil sa marahang pagsundot ni Mama gamit ang kanyang paa.“Ara, gumising ka na! Mamayang hapon na ang flight mo papuntang Manila, hindi ba?” sigaw niya.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napangiwi dahil sa antok na bumabalot pa rin sa akin.“Ma

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status