LOGINPumasok ka. Bukas 'yan."
Iyon lamang ang sabi ni Sir Ethan mula sa loob ng study room. Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang tasa ng kape sa kanyang mesa. Abala siya sa pagbabasa ng ilang dokumento kaya hindi ko na siya ginambala pa. Pagkatapos ay tahimik akong lumabas ng silid at isinara ang pinto. Bumaba na ako papunta sa kusina upang tapusin ang mga natitira kong gawain. Gusto ko nang makapagpahinga kaya agad kong sinimulan ang paghuhugas ng mga pinggan at paglilinis ng kusina. Isinuot ko muli ang aking earpods at nagpatugtog ng musika habang nagtatrabaho. Hindi ko rin napigilang sumayaw-sayaw habang naghuhugas ng mga plato at nagliligpit ng mga gamit. Paminsan-minsan pa nga ay napapakanta ako nang mahina habang masayang ginagawa ang aking trabaho. Nang matapos ako sa lahat ng gawain, napabuntong-hininga ako nang maluwag. "Sa wakas, tapos na rin." Agad akong nagtungo sa aking kuwarto. Pagkapasok ay kumuha ako ng malinis na damit at dumiretso sa banyo. Matapos maligo, nagsuot ako ng pantulog at humiga sa kama. Dahil sa pagod ng buong araw, pakiramdam ko ay lumambot ang buong katawan ko nang mahiga ako sa kama. Isa na namang araw ang natapos, Ara, bulong ko sa sarili bago pumikit. Bandang alas-kuwatro y medya ng madaling-araw nang magising ako. Dahil nakaligo na ako kagabi, naghilamos na lamang ako at nagsipilyo bago nagbihis. Pagkatapos ay lumabas ako ng aking kuwarto at nagtungo sa kusina upang maghanda ng almusal. Habang naglalakad, kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang mga mensahe. May mensahe pala mula kay Sir Ethan. "Magluto ka ng breakfast ko bukas. Eggs, ham, at hotdog. Mag-fried rice ka na rin." Napangiwi ako habang binabasa iyon. Grabe. Tanda-tanda na, mahilig pa rin sa hotdog, reklamo ko sa isip ko. Ngunit agad ko ring ipinagkibit-balikat 'yon. Wala na akong sinayang na oras at nagsimula na akong maghanda ng mga sangkap. Inilabas ko ang mga itlog, ham, at hotdog mula sa refrigerator bago sinimulang ihanda ang fried rice. Alam kong alas-sais ng umaga ay aalis na s'ya ng bahay kaya kailangan kong matapos ang lahat bago pa s'ya bumaba. Habang nag-luluto, hindi ko ma-iwasang mapangiti. Buti na lang marunong akong magluto. Kung hindi, baka matagal na akong napalayas ng masungit na boss na 'yon. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagluluto habang unti-unting sumisikat ang araw sa labas ng bahay. Nang matapos akong magluto, inayos ko na ang lahat sa hapag-kainan. Inilagay ko ang fried rice, itlog, ham, at hotdog bago inihanda ang kanyang inumin. Paglingon ko ay nakita ko si Sir Ethan na pababa na ng hagdan. "Breakfast is ready, Sir," masigla kong sabi habang nakangiti nang malapad. Ngunit tulad ng dati, sumimangot lamang siya bago umupo sa mesa upang kumain. "Mawawala ako nang tatlong araw. May out-of-town business trip ako." Agad akong napatingin sa kanya. "Ikaw na ang bahala rito sa bahay. Mag-grocery ka na rin." Pagkasabi noon ay naglabas siya ng pera at iniabot sa akin. "At bilhin mo lahat ng kailangan dito sa bahay." Tinanggap ko ang perang iniabot niya. Tinatayang nasa dalawampung libong piso 'yon.Pagkatapos ay muli siyang naglabas ng pera at iniabot sa akin. "At ito, dalawang libo. Allowance mo." Bahagya akong nagulat bago agad na ngumiti. "Thank you po, Sir." Tumango lamang s'ya at nagpatuloy sa pagkain. Napatingin ako sa perang hawak ko at hindi ko maiwasang mapangiti. Masungit man siya, may puso rin pala. Ngunit mas lalo akong natuwa sa isa pang dahilan. Tatlong araw s'yang wala. Ibig sabihin... tatlong araw din akong malaya! Walang masungit na boss na uutusan ako. Walang magrereklamo sa pagkanta ko. At higit sa lahat, wala akong kailangang paglutuan ng kung anu-anong gusto niyang ulam. Pilitan kong pinigilan ang paglawak ng aking ngiti. Sa wakas! Tatlong araw na katahimikan. Yumuko ako upang hindi niya makita ang tuwang-tuwa kong ekspresyon habang palihim na ipinagdiriwang ang aking pansamantalang kalayaan. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Nagulat ako nang marinig ang tanong ni Sir Ethan. Muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway. "A-ah... wala po, Sir," mabilis kong sagot habang bahagyang yumuyuko. Ilang segundo n'ya pa akong tinitigan bago muling bumalik sa kanyang pagkain. "Sir, maglilinis lang po ako sa garden," paalam ko. Hindi na ako naghintay ng sagot at agad na lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa hardin at sinimulan ang paglilinis. Una kong tinanggal ang mga tuyong dahon na nakakalat sa paligid. Pagkatapos ay winalis ko ang daanan at inayos ang mga paso na hindi maayos ang pagkakalagay. Nang matapos ako roon, kinuha ko ang pandilig at isa-isang binuhusan ng tubig ang mga bulaklak. Napailing ako habang pinagmamasdan ang ilan sa mga halaman. "Naku, kawawa naman kayo," bulong ko habang maingat na dinidiligan ang mga ito. "Mag-aalaga ng mga bulaklak, tapos hindi naman aalagaan nang maayos." Patuloy akong nagsasalita habang nagdidilig. "Kayo na nga lang ang nagbibigay ng kulay sa garden na 'to, pinapabayaan pa kayo." Napangiti ako nang makita ang ilang usbong na nagsisimula nang mamukadkad. "Huwag kayong mag-alala. Habang nandito ako, aalagaan ko kayo." Parang mga batang kausap ko ang mga halaman habang ipinagpapatuloy ang pagdidilig. Hindi ko namalayang may isang pares ng matang tahimik na nakatingin sa akin mula sa bintana ng bahay, pinagmamasdan ang paraan ng pakikipag-usap ko sa mga bulaklak. ""Kapag kinausap mo ba sila, sasagot sila?" Na gulat pa ako nang marinig ko ang biglaang pagsasalita ni Sir Ethan mula sa aking likuran. "A-ah... n-narinig n'yo po ba, Sir?" nagtataka kong tanong. Kinabahan ako bigla. Naku! Baka narinig n'ya lahat ng pinagsasabi ko kanina. Patay talaga ako nito. Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay sumimangot lamang s'ya. "Aalis na ako. Tandaan mo ang mga bilin ko. Huwag kang magpapapasok ng taong hindi mo kilala." "Opo, Sir," agad kong tugon. "At mamaya, ihahatid ka ni George sa mall. Siya ang sasama sa'yo." Bahagya akong nakahinga nang maluwag. Buti naman. Ngunit hindi pa pala siya tapos magsalita. "Baka kasi maligaw ka. Galing ka sa probinsya, malamang tatanga-tanga ka." Diretso niyang sabi iyon na para bang normal lang mang-insulto ng tao. Napasimangot ako nang bahagya ngunit agad ko rin iyong itinago. Grabe naman 'to. Hambog na nga, masungit pa. Nakakainsulto talaga. Ngunit dahil siya ang boss ko, ngumiti na lamang ako nang pilit. "A-ah... okay po, Sir." Tumango siya bago tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan. Tahimik ko siyang pinanood habang papalayo. Nang makalabas na ang sasakyan sa gate, agad akong napasimangot. "Tatanga-tanga agad?" bulong ko. "Sana ikaw ang maligaw sa business trip mo." Pagkatapos ay napatawa ako sa sarili kong sinabi at ipinagpatuloy ang pagdidilig ng mga bulaklak habang mas magaan ang pakiramdam ngayong wala na ang masungit kong boss sa bahaySa totoo lang, ni isa sa mga pinag-usapan nila ay wala akong naintindihan.Puro negosyo, shares, investments, at kung anu-ano pang terminong hindi ko naman alam.Kaya pala sinabi niyang maghintay lang ako.Wala rin naman pala akong magagawa rito.Napabuntong-hininga na lamang ako.Bored na bored na talaga ako.Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang natapos ang meeting.Isa-isang nagpaalam ang mga board members at executives bago lumabas ng conference room.Tahimik lamang akong nanatiling nakaupo habang inaayos ni Ethan ang mga dokumentong nakakalat sa mesa.Maya-maya ay may isang boses na nagpahinto sa kanya."Can we talk, Ethan?"Si Myca.Napatingin ako sa kanya.Nakatayo siya sa tapat ng mesa habang nakatingin kay Ethan.Hindi naman ito nag-angat agad ng tingin.Patuloy pa rin siya sa pag-aayos ng mga papeles."Yeah, we can talk."Kalmado niyang sagot.Akala ko ay aalis na ako para mabigyan sila ng pagkakataong mag-usap.Ngunit muling nagsalita si Myca."Privately."Mahina ngun
Tahimik kaming naglakad papunta sa conference room.Habang papalapit kami, lalo akong kinakabahan.Mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Ethan sa kamay ko.Parang sinasadya niyang ipakitang malapit kami sa isa't isa.Huminto kami sa tapat ng malaking pinto.Tumikhim muna siya bago ito binuksan.Pagkapasok namin ay agad na napunta sa amin ang atensyon ng lahat ng nasa loob.May mga lalaking nakasuot ng mamahaling suit at may ilang babae ring pormal ang pananamit.Lahat sila ay nakatingin sa amin.Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mesa."Good morning, everyone."Malamig na bati ni Ethan."Good morning, Sir Ethan."Sabay-sabay nilang tugon.Nang mapansin nila ang magkahawak naming kamay, halatang nagulat ang karamihan.May ilan pang nagkatinginan."Please, have a seat."Saad ng isa sa mga executive.Hinila ni Ethan ang upuan para sa akin."Thank you..."Mahina kong bulong.Tahimik lang siyang tumango bago naupo sa tabi ko.Nagsimula na ang meeting.Halos wala ako
Nang makarating kami sa isang mataas na building ay agad niyang ipinarada ang sasakyan sa basement parking. Pagkababa namin ay tahimik lang akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami papasok sa lobby, isa-isang bumabati sa kanya ang mga empleyadong nakakasalubong namin. "Good morning, Sir Ethan.""Good morning, Sir." Tumango lamang siya bilang tugon.Gaya ng dati, seryoso ang mukha nito at walang kahit katiting na ngiti. Tahimik akong naglalakad sa tabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong kinakabahan. Maya-maya ay pumasok kami sa elevator. Pinindot niya ang button ng ikaapat na palapag.Tahimik pa rin kaming dalawa.Tanging mahihinang tunog ng elevator at ang paghinga naming dalawa ang maririnig.Habang iniisip ko kung ano ang gagawin namin roon, bigla kong naramdaman ang mainit niyang palad na marahang humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanya. Ngunit nakatingin lang siya sa unahan, na para bang normal lang ang ginawa niya.Hindi man lang siya lumi
Pumasok ako sa kwarto ko na inis na inis. Tatay ko ba ’yon o amo ko? Pati pananamit ko kapag lalabas ako ay gusto niyang pakialaman. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Bwesit na bwesit talaga ako sa lalaking ’yon. Aalis na nga lang kami, kailangan ko pang magpalit.Wala naman akong magagawa kundi sundin siya. Baka mamaya, pati paghinga ko ay may ipagbawal pa siya. Muli akong naghanap ng maisusuot sa mga damit na binili namin kahapon. Sa huli ay pumili ako ng mas mahaba at mas maayos na dress. Simple lang ito, ngunit elegante pa rin tingnan. Nang maisuot ko na ay muli akong humarap sa salamin. "Okay na ’to." Mahina kong saad sa sarili.Hindi na rin naman maikli, kaya wala na siyang maipupuna. Inayos ko ang buhok ko at kinuha ang maliit kong bag bago ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala ay nadatnan kong naghihintay pa rin si Ethan. Nakasandal siya sa sofa habang abala sa cellphone. Ngunit nang marinig niya ang mga yabag ko ay agad siyang napatingin
Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako. Maaga akong nagising kinabukasan. Bandang alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama. Isa na namang mahabang araw. Agad akong naligo at nagbihis bago sinimulan ang mga gawain ko sa bahay. Tahimik ang buong bahay habang naglilinis ako. Mukhang mahimbing pa ang tulog ni Ethan. Matapos kong linisin ang sala, kusina, at iba pang bahagi ng bahay ay nagtungo naman ako sa paborito kong lugar. Ang garden. Bitbit ang hose at maliit na pandilig, isa-isa kong nilapitan ang mga alaga kong bulaklak. Ngumiti ako nang makita ang mga bagong usbong at mga namumulaklak na rosas. "Wow." Napangiti ako. "Ang gaganda n'yo na ah." Marahan kong diniligan ang mga ito. "At ang tataba n'yo pa." Napahagikgik ako sa sarili kong sinabi. Kung may makakakita talaga sa akin, baka isipin nilang baliw ako. Pero wala akong pakialam. Kahit paano, ang mga bulaklak lang ang matiyagang nak
Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Tahimik akong nagliligpit habang si Ethan naman ay tumayo na mula sa kanyang upuan. Mukhang may pupuntahan ito. "Aalis ako." Malamig nitong saad habang inaayos ang suot na relo sa pulsuhan nito. Napatingin naman si Miles sa kanya. "Office?" Tumango lamang si Ethan bilang sagot. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin. "Ara." Napahinto ako sa paghuhugas ng plato. "Po?" "Huwag kayong gagabihin." Madiin nitong saad. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Teka... Pinapayagan niya talaga kami? Ngunit bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na ito. At naglakad palabas ng kusina. Ilang segundo ko pa itong pinanood hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. "Protective." Biglang bulong ni Miles. Napalingon ako sa kanya. "Ano?" Ngumisi ito. "Wala." Natatawang saad nito. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako. Nagpunas ako ng kamay at humarap kay Mile
Ngayong araw ang balik ng kumag na iyon.Tapos na ang tatlong araw kong buhay-prinsesa sa bahay niya. Sa loob ng tatlong araw ay napakatahimik ng buhay ko. Walang masungit na boss na bigla-biglang may iuutos at wala ring magrereklamo sa bawat kilos ko.Hay, sana laging ganito na lang.Nakahiga ako
Nang matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit si Tita, nagpaalam na s'yang umalis. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakita namin ang driver na nag-hihintay na sa sala."George, pahatid si Manang Rose sa bahay," utos ni Sir Ethan sa kanyang driver."Opo, Sir," ma-galang na sagot nito.Kinuha ni George
Nakakalula ang bahay ng bago kong boss. Ang laki nito. Habang papasok kami sa loob ay palinga-linga ako sa paligid. Sobrang ganda ng loob. Pagdating namin sa sala ng bahay ay may isang gwapong lalaki roon na nakaupo. Nakatutok siya sa kanyang laptop habang may ginagawa rito. Ng maka rating kami sa
Arabella POV. Nagulat ako nang magising dahil sa marahang pagsundot ni Mama gamit ang kanyang paa.“Ara, gumising ka na! Mamayang hapon na ang flight mo papuntang Manila, hindi ba?” sigaw niya.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napangiwi dahil sa antok na bumabalot pa rin sa akin.“Ma







