Nang matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit si Tita, nagpaalam na s'yang umalis. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakita namin ang driver na nag-hihintay na sa sala."George, pahatid si Manang Rose sa bahay," utos ni Sir Ethan sa kanyang driver."Opo, Sir," ma-galang na sagot nito.Kinuha ni George ang mga gamit ni Tita bago sila lumabas ng bahay.Pag-katapos ay humarap sa akin si Tita."Arabella, tandaan mo ang mga bilin ko, ha? Mag-iingat ka rito."Nangilid ang mga luha ko, ngunit pinigilan ko ang sarili ko.Ayokong isipin ng kumag na 'to na iyakin ako."Opo, Tita," sagot ko habang pilit na ngumingiti.Nagpaalam din siya kay Sir Ethan."Aalis na po ako, Sir. Maraming salamat po."Nginitian lamang siya ni Sir Ethan bilang tugon.Marunong din pala siyang ngumiti, bulong ko sa sarili ko."Anong tinitingin-tingin mo riyan?" tanong niya sa akin na may diin sa bawat salita.Nagulat ako at agad na umiwas ng tingin."Ah... e-wala po, Sir," sagot ko habang pilit na nakangiti."Ipagluto mo ng
최신 업데이트 : 2026-06-04 더 보기