LOGIN
Arabella POV.
Nagulat ako nang magising dahil sa marahang pagsundot ni Mama gamit ang kanyang paa. “Ara, gumising ka na! Mamayang hapon na ang flight mo papuntang Manila, hindi ba?” sigaw niya. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napangiwi dahil sa antok na bumabalot pa rin sa akin. “Mamasukan ka lang bilang kasambahay sa Manila, kung makatulog ka naman akala mo wala kang lakad. Baka mauna pang magising ang magiging amo mo kaysa sa'yo,” dagdag pa niya. “Mama naman!” reklamo ko habang inuunat ang aking katawan. Tuluyan akong bumangon mula sa higaan. “Maligo ka na. Maya-maya lang ay darating na ang tita mo,” saad niya bago lumabas ng aking silid. “Opo, Ma,” sagot ko. Nang maisara niya ang pinto, napabuntong-hininga ako. Tumayo ako at nagtungo sa banyo upang maligo. Kagabi pa lamang ay nakapag-impake na ako ng aking mga gamit. Maayos nang nakalagay ang aking mga damit sa lumang maletang dadalhin ko sa aking pag-alis. Ilang oras na lamang at tuluyan ko nang iiwan ang Mindanao. Dala ko ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral habang nagtatrabaho bilang kasambahay sa Maynila. Hindi man madali ang landas na tatahakin ko, handa akong magsakripisyo para sa kinabukasang matagal ko nang pinapangarap. Napatingin ako sa aking maleta at muling napabuntong-hininga. Excited akong maranasan ang bagong buhay na naghihintay sa akin sa Maynila, ngunit hindi ko rin maikakaila ang kaba na unti-unting sumisikip sa aking dibdib. Sa unang pagkakataon, lalayo ako sa aking pamilya at sa lugar na aking kinalakihan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Hindi ko alam kung magiging mabait ba ang magiging amo ko o kung kakayanin ko ang mga pagsubok na haharapin ko. Ngunit isang bagay ang sigurado. Gagawin ko ang lahat upang matupad ang aking mga pangarap. Kaya kahit may takot at pangamba sa aking puso, pinili kong ngumiti. Ito ang simula ng panibagong kabanata ng aking buhay, at handa akong harapin ang anumang kapalarang naghihintay sa akin sa Maynila. Matapos kong maligo, isinuot ko ang aking simpleng damit—isang fitted jeans at crop top, kasama ang hindi na gaanong bagong pares ng sapatos. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang aking mahabang buhok na maayos na bumabagsak sa aking likod. Alam kong hindi ako iyong tipong napapalingon ang lahat dahil sa ganda. Hindi rin ako gaanong katangkaran. Ngunit bumabawi naman ang aking maitim at makapal na buhok na madalas ay pinupuri ng iba.. Humarap ako sa salamin at marahang ngumiti. “Ang ganda mo talaga, self,” bulong ko sa sarili. Ngunit bigla akong napangiwi nang may malakas na bumatok sa ulo ko. “Magising ka na, Ate!” natatawang sabi ng isang pamilyar na boses. Agad akong lumingon at nakita ang nakababata kong kapatid na si Lian. Binatukan ko rin siya pabalik. “Ate mo 'ko.” Napahawak siya sa ulo niya at akmang gaganti, ngunit agad ko siyang pinangdilatan ng mata kaya napaatras siya. Hindi nagtagal ay dumating na si Tita. Kinuha ko ang aking maleta at backpack habang nakasabit naman sa aking braso ang jacket ko. Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko sina Mama na naghihintay na sa labas. “Ba't ba ang tagal mo?” sigaw agad ni Mama. Napasimangot ako. “Aalis na nga ako, sinisigawan mo pa ako.” Narinig ko naman si Mama na kausap si Tita. “O, Rose, ikaw na ang bahala sa pamangkin mo roon.” Kasabay no'n ay isinasakay na sa tricycle ang mga dala naming gamit. “Oo, Ate. Ako na ang bahala sa kanya,” sagot ni Tita. “Tara na, Ara. Malayo pa ang airport,” saad niya. “Opo, Tita.” Lumapit muna ako kina Mama. “Ma, aalis na po ako. Ingat kayo rito.” Mahigpit ko silang niyakap isa-isa. Wala si Papa nang umalis ako dahil maaga itong pumasok sa trabaho. “Ikaw ang mag-ingat doon. Huwag kang pasaway kay Tita mo, Ara,” bilin ni Mama. “Opo, Ma.” Nginitian ko sila bago ko niyakap ang mga kapatid ko. Huling lumapit sa akin si Lian. Niyakap ko siya nang mahigpit, ngunit nang makawala siya ay mabilis ko siyang binatukan sa ulo bago ako patakbong sumakay sa tricycle. “Ate!” Agad siyang napasigaw habang hinihimas ang ulo niya. “Tara na po, Manong!” natatawa kong sabi. Hindi ko mapigilang matawa habang pinagmamasdan ang nakasimangot na mukha ni Lian na tila gustong-gusto akong habulin. Kahit may lungkot sa pag-alis ko, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kakulitan ng kapatid ko. Nang makarating kami sa Maynila, agad naming kinuha ang aming mga maleta bago lumabas ng airport. Ayon kay Tita, naghihintay na raw sa labas ang driver na susundo sa amin. Paglabas ko pa lamang ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Ganito pala ang Maynila. Matataas na gusali, naglalakihang billboard, at napakaraming sasakyan sa kalsada. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting kaba sa unang pagkakataon kong pagtapak sa lungsod na ito. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang driver. Agad nitong kinuha at isinakay sa sasakyan ang lahat ng aming maleta bago kami pinasakay. "Manang Rose, diretso po tayo sa bahay ni Sir Ethan," saad ng driver. "Okay, George," sagot naman ni Tita. Pagkasakay namin ay bahagyang katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Abala ako sa pagmamasid sa mga tanawin sa labas ng bintana nang biglang magsalita si George. "Kumain na po ba kayo?" tanong niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada. "Hindi pa nga eh," sagot ni Tita. . "Idadaan ko muna kayo sa Jollibee. Magda-drive-thru na lang tayo. Iyon din kasi ang bilin ni Sir Ethan," sabi niya. Sandali siyang tumahimik bago muling nagsalita. "Pero huwag n'yo pong kakainin dito sa sasakyan niya. Nagagalit po kasi si Sir kapag may kumakain sa loob ng kotse niya. Doon na lang po kayo kumain sa kwartong tutuluyan n'yo ngayong gabi." "Opo," sagot ni Tita. Tahimik naman akong nakinig sa kanilang usapan habang patuloy na nakatanaw sa bintana. Habang binabagtas namin ang mga kalsada ng Maynila ay hindi ko mapigilang mamangha sa paligid. Kung saan-saan napupunta ang tingin ko dahil sa dami ng nakikita kong bago. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang Jollibee drive-thru. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit saan talaga ako mapunta, Jollibee pa rin ang una kong makikita. Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay muli kaming bumiyahe patungo sa bahay ni Sir Ethan. Habang papalapit kami sa aming destinasyon ay lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang magiging amo ko. Ang alam ko lang, ngayong gabi ay tuluyan nang magsisimula ang bago kong buhay sa Maynila.Sa totoo lang, ni isa sa mga pinag-usapan nila ay wala akong naintindihan.Puro negosyo, shares, investments, at kung anu-ano pang terminong hindi ko naman alam.Kaya pala sinabi niyang maghintay lang ako.Wala rin naman pala akong magagawa rito.Napabuntong-hininga na lamang ako.Bored na bored na talaga ako.Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang natapos ang meeting.Isa-isang nagpaalam ang mga board members at executives bago lumabas ng conference room.Tahimik lamang akong nanatiling nakaupo habang inaayos ni Ethan ang mga dokumentong nakakalat sa mesa.Maya-maya ay may isang boses na nagpahinto sa kanya."Can we talk, Ethan?"Si Myca.Napatingin ako sa kanya.Nakatayo siya sa tapat ng mesa habang nakatingin kay Ethan.Hindi naman ito nag-angat agad ng tingin.Patuloy pa rin siya sa pag-aayos ng mga papeles."Yeah, we can talk."Kalmado niyang sagot.Akala ko ay aalis na ako para mabigyan sila ng pagkakataong mag-usap.Ngunit muling nagsalita si Myca."Privately."Mahina ngun
Tahimik kaming naglakad papunta sa conference room.Habang papalapit kami, lalo akong kinakabahan.Mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Ethan sa kamay ko.Parang sinasadya niyang ipakitang malapit kami sa isa't isa.Huminto kami sa tapat ng malaking pinto.Tumikhim muna siya bago ito binuksan.Pagkapasok namin ay agad na napunta sa amin ang atensyon ng lahat ng nasa loob.May mga lalaking nakasuot ng mamahaling suit at may ilang babae ring pormal ang pananamit.Lahat sila ay nakatingin sa amin.Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mesa."Good morning, everyone."Malamig na bati ni Ethan."Good morning, Sir Ethan."Sabay-sabay nilang tugon.Nang mapansin nila ang magkahawak naming kamay, halatang nagulat ang karamihan.May ilan pang nagkatinginan."Please, have a seat."Saad ng isa sa mga executive.Hinila ni Ethan ang upuan para sa akin."Thank you..."Mahina kong bulong.Tahimik lang siyang tumango bago naupo sa tabi ko.Nagsimula na ang meeting.Halos wala ako
Nang makarating kami sa isang mataas na building ay agad niyang ipinarada ang sasakyan sa basement parking. Pagkababa namin ay tahimik lang akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami papasok sa lobby, isa-isang bumabati sa kanya ang mga empleyadong nakakasalubong namin. "Good morning, Sir Ethan.""Good morning, Sir." Tumango lamang siya bilang tugon.Gaya ng dati, seryoso ang mukha nito at walang kahit katiting na ngiti. Tahimik akong naglalakad sa tabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong kinakabahan. Maya-maya ay pumasok kami sa elevator. Pinindot niya ang button ng ikaapat na palapag.Tahimik pa rin kaming dalawa.Tanging mahihinang tunog ng elevator at ang paghinga naming dalawa ang maririnig.Habang iniisip ko kung ano ang gagawin namin roon, bigla kong naramdaman ang mainit niyang palad na marahang humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanya. Ngunit nakatingin lang siya sa unahan, na para bang normal lang ang ginawa niya.Hindi man lang siya lumi
Pumasok ako sa kwarto ko na inis na inis. Tatay ko ba ’yon o amo ko? Pati pananamit ko kapag lalabas ako ay gusto niyang pakialaman. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Bwesit na bwesit talaga ako sa lalaking ’yon. Aalis na nga lang kami, kailangan ko pang magpalit.Wala naman akong magagawa kundi sundin siya. Baka mamaya, pati paghinga ko ay may ipagbawal pa siya. Muli akong naghanap ng maisusuot sa mga damit na binili namin kahapon. Sa huli ay pumili ako ng mas mahaba at mas maayos na dress. Simple lang ito, ngunit elegante pa rin tingnan. Nang maisuot ko na ay muli akong humarap sa salamin. "Okay na ’to." Mahina kong saad sa sarili.Hindi na rin naman maikli, kaya wala na siyang maipupuna. Inayos ko ang buhok ko at kinuha ang maliit kong bag bago ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala ay nadatnan kong naghihintay pa rin si Ethan. Nakasandal siya sa sofa habang abala sa cellphone. Ngunit nang marinig niya ang mga yabag ko ay agad siyang napatingin
Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako. Maaga akong nagising kinabukasan. Bandang alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama. Isa na namang mahabang araw. Agad akong naligo at nagbihis bago sinimulan ang mga gawain ko sa bahay. Tahimik ang buong bahay habang naglilinis ako. Mukhang mahimbing pa ang tulog ni Ethan. Matapos kong linisin ang sala, kusina, at iba pang bahagi ng bahay ay nagtungo naman ako sa paborito kong lugar. Ang garden. Bitbit ang hose at maliit na pandilig, isa-isa kong nilapitan ang mga alaga kong bulaklak. Ngumiti ako nang makita ang mga bagong usbong at mga namumulaklak na rosas. "Wow." Napangiti ako. "Ang gaganda n'yo na ah." Marahan kong diniligan ang mga ito. "At ang tataba n'yo pa." Napahagikgik ako sa sarili kong sinabi. Kung may makakakita talaga sa akin, baka isipin nilang baliw ako. Pero wala akong pakialam. Kahit paano, ang mga bulaklak lang ang matiyagang nak
Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Tahimik akong nagliligpit habang si Ethan naman ay tumayo na mula sa kanyang upuan. Mukhang may pupuntahan ito. "Aalis ako." Malamig nitong saad habang inaayos ang suot na relo sa pulsuhan nito. Napatingin naman si Miles sa kanya. "Office?" Tumango lamang si Ethan bilang sagot. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin. "Ara." Napahinto ako sa paghuhugas ng plato. "Po?" "Huwag kayong gagabihin." Madiin nitong saad. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Teka... Pinapayagan niya talaga kami? Ngunit bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na ito. At naglakad palabas ng kusina. Ilang segundo ko pa itong pinanood hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. "Protective." Biglang bulong ni Miles. Napalingon ako sa kanya. "Ano?" Ngumisi ito. "Wala." Natatawang saad nito. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako. Nagpunas ako ng kamay at humarap kay Mile
Ngayong araw ang balik ng kumag na iyon.Tapos na ang tatlong araw kong buhay-prinsesa sa bahay niya. Sa loob ng tatlong araw ay napakatahimik ng buhay ko. Walang masungit na boss na bigla-biglang may iuutos at wala ring magrereklamo sa bawat kilos ko.Hay, sana laging ganito na lang.Nakahiga ako
Pumasok ka. Bukas 'yan."Iyon lamang ang sabi ni Sir Ethan mula sa loob ng study room. Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang tasa ng kape sa kanyang mesa. Abala siya sa pagbabasa ng ilang dokumento kaya hindi ko na siya ginambala pa.Pagkatapos ay tahimik akong lumabas ng silid at isinara ang p
Nang matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit si Tita, nagpaalam na s'yang umalis. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakita namin ang driver na nag-hihintay na sa sala."George, pahatid si Manang Rose sa bahay," utos ni Sir Ethan sa kanyang driver."Opo, Sir," ma-galang na sagot nito.Kinuha ni George
Nakakalula ang bahay ng bago kong boss. Ang laki nito. Habang papasok kami sa loob ay palinga-linga ako sa paligid. Sobrang ganda ng loob. Pagdating namin sa sala ng bahay ay may isang gwapong lalaki roon na nakaupo. Nakatutok siya sa kanyang laptop habang may ginagawa rito. Ng maka rating kami sa







