ログインNgayong araw ang balik ng kumag na iyon.
Tapos na ang tatlong araw kong buhay-prinsesa sa bahay niya. Sa loob ng tatlong araw ay napakatahimik ng buhay ko. Walang masungit na boss na bigla-biglang may iuutos at wala ring magrereklamo sa bawat kilos ko. Hay, sana laging ganito na lang. Nakahiga ako sa sofa habang nagpapahinga. Katatapos ko lang maglinis ng buong bahay nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at nakita ang mensahe mula kay Sir Ethan. "Magluto ka ng sinigang na baboy mamayang hapunan." Napasimangot agad ako. Ma-high blood ka sana kakakain ng baboy. Siyempre, sa isip ko lang iyon sinabi. Dahil hapon na rin naman, agad kong inilabas ang karne mula sa refrigerator at ibinabad muna ito upang lumambot. Pagkatapos ay inayos ko ang kusina at inihanda ang lahat ng sangkap na gagamitin ko sa pagluluto ng sinigang. Habang isa-isang hinuhugasan ang mga gulay, hindi ko maiwasang magreklamo sa isip ko. Ito na naman ang mga nakakapagod na araw ko. Kapag kasama ko talaga ang kumag na 'yon, palagi na lang akong naiinis. Napabuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ang paghahanda. Kahit gaano pa ako magreklamo, wala rin naman akong magagawa. Boss ko pa rin s'ya at kailangan kong sundin ang mga utos niya. Pero balang araw, makakapagtapos din ako ng pag-aaral at hindi na kita magiging boss, Sir Ethan, pagmamatigas ko sa sarili habang hinihiwa ang mga gulay para sa hapunan. Isinalang ko na ang karne para sa sinigang nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Sumilip ako mula sa kusina at nakita si Sir Ethan na kararating lamang. Tahimik siyang umupo sa sofa kaya bumalik na ako sa aking ginagawa. Hindi pa man ako nakakatagal sa kusina ay narinig ko na ang kanyang boses. "Arabella!" Agad kong hinugasan ang aking mga kamay at pinunasan ang mga ito bago nagtungo sa sala. "Po, Sir?" magalang kong tugon. Nang magkaharap kami, siya ay nakaupo sa sofa habang ako naman ay nakatayo sa kanyang harapan. "Sabi ni Manang Rose, gusto mo raw mag-aral?" Bahagyang lumiwanag ang aking mukha. "Opo, Sir," mabilis kong sagot. Tahimik niya akong tiningnan bago muling nagsalita. "Papayagan kitang mag-enroll next month. Sasagutin ko ang lahat ng gastusin mo sa pag-aaral." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ha? Tama ba ang narinig ko? Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sobrang gulat. Ngunit ilang sandali lamang ay muling nagsalita si Sir Ethan. "Pero..." Agad akong kinabahan. Tiningnan niya ako nang diretso habang seryoso ang kanyang mukha. "Ako ang pipili ng paaralan mo. At huwag mong kakalimutan ang mga obligasyon mo rito sa bahay at sa akin." Napakurap ako. Teka lang... May obligasyon ba ako sa kanya bukod sa pagiging katulong niya? Sigurado akong nagtataka ang ekspresyon ng mukha ko dahil bahagyang tumaas ang kanyang kilay. "Ano?" Mabilis akong umiling. "W-wala po, Sir." Pero sa isip ko ay hindi pa rin mawala ang tanong. Anong obligasyon sa kanya ang sinasabi niya? Hindi naman siguro ako pipirma ng kontrata para maging alipin habambuhay, 'di ba? Pilit kong pinigilan ang sarili kong mapasimangot habang nakatingin sa seryoso niyang mukha. Nagulat ako nang bigla siyang muling magsalita. "Ara, bukas ng tanghali maghanda ka. Dadalhin kita sa mall." Lalong nagtataka ang mukha ko sa mga sinasabi niya. "Para saan po, Sir?" nagtataka kong tanong. Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay tumingin lamang siya sa direksyon ng kusina. "Bumalik ka na sa kusina. Baka may mangyari pa sa niluluto mo." Tumango na lamang ako. "Opo, Sir." Kahit na litong-lito ako sa kanyang mga sinasabi, wala naman akong magagawa kundi sundin siya at huwag nang magreklamo. Habang naglalakad pabalik sa kusina, hindi ko maiwasang isipin ang sinabi niya kanina tungkol sa pag-aaral ko. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko na kailangang gumastos para sa pag-aaral ko. Siya na ang sasagot sa lahat. Kung ganoon, mas malaki ang maiipon kong pera. Makakatulong pa ako kina Mama at Papa, pati na rin sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Sa pag-iisip pa lamang noon ay gumaan na ang pakiramdam ko. Matapos maluto ang sinigang ay inihanda ko na ang hapunan. Maingat kong inayos ang mga pagkain sa mesa bago nagtungo sa sala. "A-ahm... Sir, handa na po ang pagkain n'yo." Hindi siya nagsalita. Tahimik lamang siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa kusina upang kumain. Pinanood ko siya habang papalapit sa mesa. Hindi talaga ito madaldal. Minsan iniisip ko kung napapagod ba siyang magsalita. Napailing na lamang ako bago bumalik sa kusina upang ipagpatuloy ang aking mga gawain habang si Sir Ethan ay tahimik na kumakain ng hapunang inihanda ko. Nang matapos kumain si Sir Ethan ay agad siyang tumayo at umalis ng kusina nang walang kahit isang salita. Napabuntong-hininga na lamang ako. Mapapanis talaga ang laway ko rito kapag lagi ko siyang kasama. Parang multo kung umasta. Kakausapin ka lang kapag may gusto siya o kaya naman ay may iuutos. Minsan nga, kahit nasa iisang bahay lang kami, minemensahe pa niya ako imbes na tawagin. Ang tamad talagang magsalita. Nang makaalis siya ay saka naman ako kumain. Pagkatapos ay nilinis ko ang kusina at inayos ang lahat bago nagtungo sa aking kuwarto. Excited na rin ako para sa susunod na buwan. Makakapag-enroll na rin ako. Napangiti ako sa isip na iyon. Ngunit bigla na lamang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at nakita ang mensahe mula kay Sir Ethan. "Magdala ka ng beer dito sa sala. At yelo." Napakunot-noo ako. Huh? Bakit iinom siya? Broken-hearted ba? Lumabas ako ng Kwarto at Agad akong nagtungo sa kusina at kumuha ng ilang bote ng beer kasama ang isang lalagyan ng yelo. Nang makarating ako sa sala ay nagulat ako nang makitang may kasama pala si Sir Ethan. Isang lalaki na mukhang kaedad niya ang nakaupo sa katapat niyang sofa. Nang makita ako ng lalaki ay agad itong ngumiti. "Ethan, ang ganda naman ng katulong mo." Halos mabitawan ko ang tray na hawak ko sa narinig. "Tumigil ka nga, Liam," malamig na sagot ni Sir Ethan. Pagkatapos ay tiningnan niya ako. Hindi naman masama ang tingin niya, ngunit sapat iyon para maintindihan kong wala na akong dapat gawin doon. Tahimik kong inilapag ang beer at yelo sa mesa. "Sir, nandito na po ang beer n'yo." Tumango lamang siya bilang tugon. Agad na akong tumalikod at bumalik sa kusina. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ng kaibigan n'ya. Ganda? Napailing ako at bahagyang napangiti. Kahit papaano, may isang tao ring marunong makakita ng kagandahan ko sa bahay na 'to. Hindi tulad ng isang masungit na amo na parang allergic sa papuri.Sa totoo lang, ni isa sa mga pinag-usapan nila ay wala akong naintindihan.Puro negosyo, shares, investments, at kung anu-ano pang terminong hindi ko naman alam.Kaya pala sinabi niyang maghintay lang ako.Wala rin naman pala akong magagawa rito.Napabuntong-hininga na lamang ako.Bored na bored na talaga ako.Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang natapos ang meeting.Isa-isang nagpaalam ang mga board members at executives bago lumabas ng conference room.Tahimik lamang akong nanatiling nakaupo habang inaayos ni Ethan ang mga dokumentong nakakalat sa mesa.Maya-maya ay may isang boses na nagpahinto sa kanya."Can we talk, Ethan?"Si Myca.Napatingin ako sa kanya.Nakatayo siya sa tapat ng mesa habang nakatingin kay Ethan.Hindi naman ito nag-angat agad ng tingin.Patuloy pa rin siya sa pag-aayos ng mga papeles."Yeah, we can talk."Kalmado niyang sagot.Akala ko ay aalis na ako para mabigyan sila ng pagkakataong mag-usap.Ngunit muling nagsalita si Myca."Privately."Mahina ngun
Tahimik kaming naglakad papunta sa conference room.Habang papalapit kami, lalo akong kinakabahan.Mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Ethan sa kamay ko.Parang sinasadya niyang ipakitang malapit kami sa isa't isa.Huminto kami sa tapat ng malaking pinto.Tumikhim muna siya bago ito binuksan.Pagkapasok namin ay agad na napunta sa amin ang atensyon ng lahat ng nasa loob.May mga lalaking nakasuot ng mamahaling suit at may ilang babae ring pormal ang pananamit.Lahat sila ay nakatingin sa amin.Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mesa."Good morning, everyone."Malamig na bati ni Ethan."Good morning, Sir Ethan."Sabay-sabay nilang tugon.Nang mapansin nila ang magkahawak naming kamay, halatang nagulat ang karamihan.May ilan pang nagkatinginan."Please, have a seat."Saad ng isa sa mga executive.Hinila ni Ethan ang upuan para sa akin."Thank you..."Mahina kong bulong.Tahimik lang siyang tumango bago naupo sa tabi ko.Nagsimula na ang meeting.Halos wala ako
Nang makarating kami sa isang mataas na building ay agad niyang ipinarada ang sasakyan sa basement parking. Pagkababa namin ay tahimik lang akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami papasok sa lobby, isa-isang bumabati sa kanya ang mga empleyadong nakakasalubong namin. "Good morning, Sir Ethan.""Good morning, Sir." Tumango lamang siya bilang tugon.Gaya ng dati, seryoso ang mukha nito at walang kahit katiting na ngiti. Tahimik akong naglalakad sa tabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong kinakabahan. Maya-maya ay pumasok kami sa elevator. Pinindot niya ang button ng ikaapat na palapag.Tahimik pa rin kaming dalawa.Tanging mahihinang tunog ng elevator at ang paghinga naming dalawa ang maririnig.Habang iniisip ko kung ano ang gagawin namin roon, bigla kong naramdaman ang mainit niyang palad na marahang humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanya. Ngunit nakatingin lang siya sa unahan, na para bang normal lang ang ginawa niya.Hindi man lang siya lumi
Pumasok ako sa kwarto ko na inis na inis. Tatay ko ba ’yon o amo ko? Pati pananamit ko kapag lalabas ako ay gusto niyang pakialaman. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Bwesit na bwesit talaga ako sa lalaking ’yon. Aalis na nga lang kami, kailangan ko pang magpalit.Wala naman akong magagawa kundi sundin siya. Baka mamaya, pati paghinga ko ay may ipagbawal pa siya. Muli akong naghanap ng maisusuot sa mga damit na binili namin kahapon. Sa huli ay pumili ako ng mas mahaba at mas maayos na dress. Simple lang ito, ngunit elegante pa rin tingnan. Nang maisuot ko na ay muli akong humarap sa salamin. "Okay na ’to." Mahina kong saad sa sarili.Hindi na rin naman maikli, kaya wala na siyang maipupuna. Inayos ko ang buhok ko at kinuha ang maliit kong bag bago ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala ay nadatnan kong naghihintay pa rin si Ethan. Nakasandal siya sa sofa habang abala sa cellphone. Ngunit nang marinig niya ang mga yabag ko ay agad siyang napatingin
Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako. Maaga akong nagising kinabukasan. Bandang alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama. Isa na namang mahabang araw. Agad akong naligo at nagbihis bago sinimulan ang mga gawain ko sa bahay. Tahimik ang buong bahay habang naglilinis ako. Mukhang mahimbing pa ang tulog ni Ethan. Matapos kong linisin ang sala, kusina, at iba pang bahagi ng bahay ay nagtungo naman ako sa paborito kong lugar. Ang garden. Bitbit ang hose at maliit na pandilig, isa-isa kong nilapitan ang mga alaga kong bulaklak. Ngumiti ako nang makita ang mga bagong usbong at mga namumulaklak na rosas. "Wow." Napangiti ako. "Ang gaganda n'yo na ah." Marahan kong diniligan ang mga ito. "At ang tataba n'yo pa." Napahagikgik ako sa sarili kong sinabi. Kung may makakakita talaga sa akin, baka isipin nilang baliw ako. Pero wala akong pakialam. Kahit paano, ang mga bulaklak lang ang matiyagang nak
Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Tahimik akong nagliligpit habang si Ethan naman ay tumayo na mula sa kanyang upuan. Mukhang may pupuntahan ito. "Aalis ako." Malamig nitong saad habang inaayos ang suot na relo sa pulsuhan nito. Napatingin naman si Miles sa kanya. "Office?" Tumango lamang si Ethan bilang sagot. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin. "Ara." Napahinto ako sa paghuhugas ng plato. "Po?" "Huwag kayong gagabihin." Madiin nitong saad. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Teka... Pinapayagan niya talaga kami? Ngunit bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na ito. At naglakad palabas ng kusina. Ilang segundo ko pa itong pinanood hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. "Protective." Biglang bulong ni Miles. Napalingon ako sa kanya. "Ano?" Ngumisi ito. "Wala." Natatawang saad nito. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako. Nagpunas ako ng kamay at humarap kay Mile
Nakakalula ang bahay ng bago kong boss. Ang laki nito. Habang papasok kami sa loob ay palinga-linga ako sa paligid. Sobrang ganda ng loob. Pagdating namin sa sala ng bahay ay may isang gwapong lalaki roon na nakaupo. Nakatutok siya sa kanyang laptop habang may ginagawa rito. Ng maka rating kami sa
Arabella POV. Nagulat ako nang magising dahil sa marahang pagsundot ni Mama gamit ang kanyang paa.“Ara, gumising ka na! Mamayang hapon na ang flight mo papuntang Manila, hindi ba?” sigaw niya.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napangiwi dahil sa antok na bumabalot pa rin sa akin.“Ma
Pumasok ka. Bukas 'yan."Iyon lamang ang sabi ni Sir Ethan mula sa loob ng study room. Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang tasa ng kape sa kanyang mesa. Abala siya sa pagbabasa ng ilang dokumento kaya hindi ko na siya ginambala pa.Pagkatapos ay tahimik akong lumabas ng silid at isinara ang p
Nang matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit si Tita, nagpaalam na s'yang umalis. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakita namin ang driver na nag-hihintay na sa sala."George, pahatid si Manang Rose sa bahay," utos ni Sir Ethan sa kanyang driver."Opo, Sir," ma-galang na sagot nito.Kinuha ni George







