Abangan ang biggest revelation next chapter na tiyak kong ikakagulat niyo. Antabayanan niyo rin ang mga susunod kong update dahil may isang character po ang magbabalik. Sino kaya 'yon? Comment niyo kung sino sa tingin niyo ang character na tinutukoy ko.
ALAS-NUEBE ng umaga nang mailipat sa pediatric ward si Paris. Based on the tests conducted on the patient, she was diagnosed with dengue. Ayon sa pedia na sumuri sa bata, bumababa na ang platelet count nito kaya kailangan itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon.Ngunit sumalubong sa kanila ang malaking problema. Naubusan na ng type O ang ospital na siyang kailangan ng bata. Gustuhin man ni Mabelle na magdonate ay hindi siya pinayagan dahil ultimo siya ay masama rin ang pakiramdam.Sinubukan niyang kontakin si Jhazz at nangako itong bibisitahin si Paris. Batid ni Belle na willing mag-donate ang dalawa dahil sa pagmamahal nito sa kanyang anak, hindi siya sigurado sa blood type ng mga ito kaya wala rin iyong kasiguraduhan.Ang tanging natitirang pag-asa na lang ni Mabelle ay si Earnest. Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang lalaki dahil ito mismo ang kusang nag-volunteer na mag-donate ng dugo. Lumabas ito saglit upang kausapin ang nurse-in-charge para sa gagawing blood tr
MATAGUMPAY na nasalinan ng dugo si Paris sa tulong ni Navi. Kasalukuyan na lang mino-monitor ang kondisyon ng bata upang masiguro hindi magkakaroon ng komplikasyon.Umuwi muna ang dalawang katulong matapos ang maikli nilang pag-uusap. Nagpasalamat si Mabelle sa pagdalaw ng mga ito sa kanyang anak. Malaking bagay na para sa kanya ang empathy na binigay nila upang mas lalong mapagaan ang kanyang pasanin.Habang si Earnest naman, well, bigla na lang itong nawala sa eksena. Hindi na niya ito hinanap pa gayong wala siya sa mood para kausapin ito.Papalubog na ang araw. Pabalik na sa ospital si Mabelle matapos niyang bumili ng kanilang makakain. Dala-dala niya ang dalawang supot na may lamang kanin at ulam. Binili niya ito para sa kanila ni Navi gayong kanina pa ito nandito at baka nagugutom na ito.Samantala, hindi niya problema si Paris dahil may pagkain namang binibigay ang ospital para sa pasyente. Hiling niya, maging maayos na ang kalagayan ng bata upang manumbalik na ang ngiti sa mga l
MABILIS ang naging recovery ni Paris. Sa nakalipas na ilang araw, nagagawa na nitong ngumiti at makakain nang maayos. Nae-enjoy na rin nito ang mga laruang binili ni Navi para sa kanya. Heto nga't halos mapuno kama nito sa dami ng stuffed toys at dolls na nasa ibabaw niyon."Nagustuhan mo ba ang mga biniling toys ni Daddy sa 'yo?" tanong ni Mabelle na hindi mapugto ang ngiti sa labi dahil sa tuwa."Opo, mommy ko! Thank you po, Daddy! I love you!" Paris said joyfully as her eyes shifted to her father.Navi smiled tenderly as he touched her daughter's forehead. "Always for you, baby ko. I love you, too.""Pero Navi, 'di ba sobrang dami nitong mga laruan na binigay mo kay Paris? Iniisip ko tuloy kung paano namin maiuuwi ito," pagsingit na wika ni Mabelle."Bakit po hindi na lang natin i-share sa dalawang kasama ko sa room 'yong ibang toys ko? Para naman po maging happy sila at mabilis silang gumaling. 'Di ba po, Daddy?" suhesyon ni Paris na pinaboran naman ni Navi."I think that's a good
Author's note: This chapter shows a flashback scene. Karugtong ito ng eksena matapos hiwalayan ni Navi si Mabelle pitong taon ang nakakaraan.~.~MORE THAN SEVEN YEARS AGO..."MA, I'M SORRY-" Natigilan si Mabelle nang bastang padampiin ni Belinda ang palad nito sa pisngi ng anak, at sa lakas niyon ay napasalampak ito sa sahig.Kumukulo ang dugo niya sa galit. She was peacefully enjoying her morning coffee when her daughter Mabelle came by, telling her that Navi wanted to end their marriage. Ipinagtapat din nito ang tungkol sa pakikipagsiping niya sa isang estranghero na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.Ngayon, daig pa ng ginang ang binuhusan ng mainit na kape. Wala sa kanyang plano ang maghiwalay ang dalawa!"Inggrata! Paano mo nagawang lapastanganin ang sarili mong ina, Mabelle Celestine? Binigay ko ang lahat sa 'yo simula noong isinilang kita hanggang sa mag-asawa ka pero anong ginawa mo? Nakipagtalik ka sa hindi mo asawa kung kaya't nasira ang tiwala ng anak ni Victoria sa
PRESENT TIMEHINDI maalis ang tingin ni Mabelle sa pobreng ginang na muntik na nilang madigrasya. Makalipas ang higit sa pitong taon, muli silang nagkita ng kanyang inang si Belinda de Guzman.Sa katunayan ay muntik na niyang hindi makilala ito dahil sa laki ng pinagbago ng ginang. Ang noo'y mayaman at sopistikadang si Belinda ay mistula nang pulubi dahil sa marumi nitong kasuotan at magulong buhok. Madungis din ang kanyang mukha at medyo uminim din ito dahil na rin siguro sa matinding sikat ng araw.Halata rin sa mukha ng ginang ang matinding lungkot at stress. Belle had no idea what happened to her mother after seven years but one thing's for sure: she went through a lot as much as she did."Ilang taon kong tinis na wala ka sa tabi ko. Sa wakas, nagkita rin tayo, anak," naluluhang sambit ni Belinda sa kanya.Unti-unting nabura ang pagkagulat sa mukha ni Mabelle. Hindi siya kumibo sa mensahe ng ginang, bagkus, basta niya lang itong tinulungan na makatayo.Sakto namang napansin ni Bel
MATULIN ang paglipas ng isang linggo. Unti-unti na ring nakaka-adjust si Mabelle sa bagong buhay niya kasama ang mag-ama Navi at Paris, at syempre, ang inang si Belinda. Dahil wala masyadong magawa sa bahay at para na rin makatulong sa kanyang ina ay nagboluntaryo si Mabelle na sumama kay Belinda sa palengke upang may katuwang ito sa pagtitinda.Kilala si Belinda sa public market bilang meat vendor at madalas itong dayuhin ng mga mamimili. Sa katunayan, mas dumami ang customer nila ngayon lalo pa't marami ang nabibighani sa taglay na kagandahan ni Mabelle."Alam mo, ngayon lang ako naubusan ng manok ng ganito kaaga. Madalas, inaabot ako ng gabi sa pagtitinda pero ngayon, alas kwatro pa lang ng hapon ay wala nang laman ng pwesto ko. Iba talaga kapag ganda ang puhunan natin sa negosyo, anak. Napakaswerte ko talaga sa 'yo," puri ng kanyang ina na ngayon ay abala sa pagliligpit ng kanilang mga gamit doon.Gumuhit ang ngiti sa labi ni Belle habang busy sa paglilinis ng lababo. Hanggang nga
MALUNGKOT na nagmamaneho ng sasakyan si Siren pauwi sa mansyon ng mga Reinhart. Alas-otso na ng gabi at kasalukuyan niyang binabaybay ang madilim na zigzag road.Galing siya sa bahay ng kanyang kaibigang modelo at naisipan niyang tumambay roon maghapon. Though, nakatulong ang pagbisita niya sa kaibigan upang pansamantalang makalimutan ang kanyang mga problema, that doesn't change the fact that Navi left her and her life is still miserable without him.Maikukumpara siya sa kadilang unti-unting nauupos. She was devastated. She couldn't accept that her plan didn't work. Idagdag pa ang problema niya sa lalaking nakabuntis sa kanya. He keeps sending blackmail letters to her almost every day. Kung pwede lang mag-hire ng taong papatay sa taong 'yon ay ginawa niya na...Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa dashboard. Sinikap niyang ikonekta ang telepono sa Bluetooth receiver saka niya sinagot ang tawag."How's my daughter?" She rolled her eyes as s
NALULULANG pinagmasdan ni Mabelle ang mamahaling mga alahas na naka-display sa malaking estante ng isang jewelry shop. Hindi niya alam kung alin ang pipiliin dahil bawat kwintas, bracelet at singsing na nakalagay roon ay gawa sa mataas na uri ng ginto at diyamante. She wanted the best to impress her husband's family. Mamaya lang ay magkakaroon ng family dinner sa mansyon na tinutuluyan nilang mag-asawa.Not only her mother was invited, but her husband's parents as well. Kailangan niya maging presentable sa harap ng mga ito. After all, para rin iyon sa ikagaganda ng image ng kanyang pamilya.A set of platinum sapphire jewelry caught most of her attention. Mabelle stared at those precious stones with her mouth wide open, admiring the delicate dreamy blue diamonds around each pendant.She was confident to make a purchase. However, a sudden phone call interrupted her peaceful moment. Iritang kinuha niya ang cellphone mula sa shoulder bag at nang mabasa niya ang pangalan ng asawa sa screen