Chapter 105:Kahit na hindi madali ay kinaya ni Lila na palakihin ang mga anak niya. Hindi naging hadlang ang pagiging solong magulang niya sa dalawa upang matugunan ang pangangailangan nila. Nakakapagod bilang isang ina, lalo na at kambal ang kaniyang inaalagaan. Gayunpaman ay napansin niyang mas naging matatag siya bilang isang indibidwal. Maraming gabi na hindi siya makatulog, ilang taon niya ring napabayaan ang sarili, subalit walang siyang pinagsisisihan. Sa tuwing nakikita niyang lumalaki ang mga anak niya ay mas nagpupursige pa siya upang maging isang matatag at sapat na magulang sa mga anak niya.Abril Kinse. Limang taon na ang nakalipas nang iniluwal niya ang dalawa. Noon ay dinuduyan niya lamang ang mga ito. Subalit ngayon ay naging kaaway niya na ang dalawa sa iilang mga pagkakataon. Mabuti na lamang at nakaalalay sa kaniya ang Nanay niya at ang pinsan niyang si Etang na ngayon ay nakatapos na sa pag-aaral. Midwifery ang kinuha ni Etang, kaya ay sa loob ng dalawang taon niy
Chapter 104:Pinahid niya ang kaniyang mga luha habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplano. Mapuputing ulap ang kaniyang nakikita, mabuti na lamang at maganda ang panahon ngayon. Taliwas sa damdamin niyang daig pa ang masamang panahon.“Ano na ang iyong gagawin ngayon, Lila? Sinabi mo na kay Ryllander na hindi sa kaniya ang batang nasa sinapupunan mo. And I think he believed on your words.”“Totoy, buo na ang pasya ko na itatago sa kaniya hanggang sa wakas ang anak ko. Hindi ko siya kayang patawarin dahil lamang ay magkasama kayo na iligtas ako.” Suminghot siya at agad na tumingin kay Totoy. “Hindi ko masikmura ang mukha niya sa panahon na ito. Gusto ko na nga lang magkaroon ng amnesia upang tuluyan kong malimutan ang detalye ng buhay ko kung saan ay nasulat doon ang kaniyang pangalan. Ni hindi ako natuwa sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Sa halip ay naaawa ako sa sarili ko, sapagkat ang taong iyon pa ang isa sa mga nagligtas sa akin.”“Ginawa niya iyon dahil mahal ka niya. Al
Chapter 103: Bahagyang ngiti ang pinakawalan niya sa langit. Maya’t maya ay naglaho ang ngiting iyon dahil naawa siya sa kaniyang sarili at nanliit na para bang hindi na siya nakikita pa ni Lila. Nabigo siyang pigilan ang pagpatak ng luha niya. Suminghot na lamang siya at inabot ang lata ng beer na nasa tabi niya sa ibabaw ng upuang bakal sa park dito sa ospital. Ilang ikot na lamang ng galamay ng orasan ay sasapit na ang gabi. Subalit nanatili ang liwanag kung saan siya nakaupo marahil ay maraming ilaw ang nakalambitin sa bawat poste na nakatayo sa park. Nakapikit niyang tinungga ang lata at agad na inubos ang laman nito. Nang kaniyang binuksan ang mga mata niya ay nakita niya si Totoy. “Ano ang sabi niya?” tanong niya sa lalaki at kaniyang tinapon ang lata sa basurahan. “Ayaw ka niyang kausapin.” “Ang tanga ko, ano? Alam ko naman na hindi niya ako kakausapin, e. But I keep on bothering her. Hindi na siguro niya ako mapapatawad, Totoy.” Tumingala siya sa mukha ng lalaki. “Alam mo
Chapter 102:Hinang-hina siya. Sinubukan niyang ahunin ang kaniyang ulo subalit pakiramdam niya ay ang bigat na nito. Ang kaniyang katawan ay puno ng sugat na naging dahilan ng walang-tigil na pagmamanhid ng kaniyang laman. Muli siyang sinipa ni Celine. Kaya ay tumingala siya sa babae at muling nag-makaawa.“H-Huwag mo nang patagalin pa ang lahat, Celine. P-Patayin mo na lamang ako. Hindi ko na kaya pa…”Yumuko si Celine upang maabot ang kaniyang buhok. Inahon siya ng babae at pinilit siyang makatayo. Inangat nito ang kaniyang ulo at ilang beses na inalog-alog pa.“Tingnan mo siya ngayon, Lila! Tingnan mo ang lalaking sinabi mong walang pakialam sa iyo! He is weak and has no power to save you! But still, he is here, trying to save you.” wika nito. “Nakita mo na? Pumunta siya rito! You lied to me! Ang sinabi mo sa akin ay hindi ka niya pupuntahan, hindi ka na niya hahanapin pa, at wala na siyang pakialam sa iyo! Pero isang tawag ko lang sa kaniya at sabing hawak kita ay sumuko na siya
Chapter 101:Nakapuwesto na ang mga tauhan na kasama niya. Si Totoy ang tumayo bilang command nila. Sana ay mapagtagumpayan nilang iligtas si Lila.Noong nakulong na ang Daddy ni Celine ay akala niya roon na nagtatapos ang ganitong mga eksena. Hindi pa pala. Mas mahirap ngayon dahil hawak ng kaaway niya si Lila. Isang maling hakbang lang na gagawin niya ay mapapahamak nang tuluyan ang babae. Lubos pa siyang nangangamba dahil dala-dala ng babae sa sinapupunan nito ang kanilang anak.Sumagi sa isip niya ang sinabi ni James sa kaniya tungkol sa pagmamahal na mayroon siya para kay Lila at sa anak niya. Sa kaniyang sitwasyon ngayon ay tiyak na iyon ang siyang magiging matibay na kasangkapan na magliligtas sa kaniyang mag-ina.Pagpatak ng alas otso ay nakarating na siya sa lugar na sinabi ni Celine. Madilim ang paligid ng lumang warehouse. Kabado niyang tinahak ang daan papasok. Walang kahit na isang baril na dala si Ryllander dahil isa iyon sa mga bilin ni Celine. Ang tanging mayroon siya
Chapter 100: Nanlisik ang mga mata niyang tumitig sa screen ng kaniyang cellphone. Tumayo siya at agad na sinuot ang kaniyang bullet proof bago ang kaniyang itim na leather jacket. Si Totoy naman ay maiging hinanda ang pistol nito. “Paano mo nadala ang baril na iyan? Hindi ba mahigpit ang security?” “Mahigpit naman. Pero posible ang lahat ng bagay kung malawak ang iyong koneksiyon at may tiwala ang mga tao sa iyo.” “Oo nga naman,” sabi naman ni Nahum. “Nahum, nagdududa ako sa location na sinend ni Celine sa akin. I think that woman is scheming.” “I know, Sir Ryllander. That’s why I am searching more information about the location she gave. Noong tumawag siya sa iyo ay iba ang lokasyon niya. Ang sabi sa info ay ilang kilometro ang layo niya mula sa location na sinend niya sa iyo. She always came prepared, Sir.” “Bakit hindi mo na lang kasi balikan ang ex mong baliw na iyon, Ryllander? Sa tingin ko ay iyon lang naman ang pinuputok ng butsi niya. Gusto ka lang nun makuha ulit,” suh
Chapter 99:Dinala sila ni Nahum sa sala. Inofferan sila ng imbestigador ng maiinom.“Pasensiya na kayo sa bahay ko. Medyo makalat,” wika nito.Tumingin siya sa maliit na piraso ng tela na malapit sa kaniyang sapatos. Lihim niya itong sinipa dahil nagtataka siya kung ano ang bagay na ito.“Shit,” mura niya nang malaman kung ano iyon. Umiling na lamang siya at agad na tinitigan si Nahum bago binalik sa karampot na tela na nasa sahig ang kaniyang sulyap. “Clean your mess,” bulong niya. Kumpyansa naman siya na kayang basahin ni Nahum ang kaniyang mga labi.“Uminom muna kayo ng juice,” sabi ni Nahum. Nang naipatong na nito sa lamesa ang tray kung saan nakaupo ang pitsel at dalawang baso ay pinulot na nito ang tela na kaniyang tinitigan.Lihim na pinasok ni Nahum sa bulsa nito ang t-back at agad itong umalis. Sinundan niya sa kusina ang lalaki. Binuksan nito ang trash bin at tinapon ang tela na hinugot mula sa bulsa nito.“Nakakadiri ka, Nahum. Alam mo naman na parating kami, hindi ba? Ni
Chapter 98:Iisa lamang ang kanilang hangarin at iyon ay ang mailigtas si Lila. Hindi mawala-wala ang pagdududa niya na may relasyon sina Lila at Totoy, at hindi mabura ang katotohanan na alam niyang kaya siyang tapatan nito. Ang selos na mayroon siya sa lalaki ay mahirap ding walain. Subalit kailangan niyang ilagay sa tabi muna ang kahit na anong bagay na makakadulot ng sigalot sa pagitan nila. Sumatutal ay iisa lamang ang nais nilang mangyari at iyon ay ang maisalba si Lila.Nagpaalam sa kaniya si Totoy kanina na maghahanap ng hotel na matutuluyan. Pero inalok niya ito na sa mansion na lamang niya tumuloy ang lalaki. Mabuti na lamang at hindi na nagmatigas pa si Totoy. Kahit na taga-probinsiya ang lalaki ay alam niyang alam nito ang pasikot-sikot dito sa Maynila. Nakatapos ng degree na saklaw ng agham at pagsasaka si Totoy. Batid niya ang ilang detalye sa lalaki dahil saglit siyang naghanap ng impormasyon tungkol sa mga Rosell kanina online.Kaya pala mukhang mamahalin ang lalaki ay
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak