Share

Chapter 155

last update Last Updated: 2025-09-04 20:44:28

Chapter 155:

Nakaharang ang mga luha sa kaniyang mga mata habang tinahak niya ang daan patungo sa labas ng ER. Naroon ang kaniyang kaibigan na si Totoy, nakaupo ito at nang makita siya ay agad itong tumayo. Sa bigat ng kaniyang dinaramdam ngayon ay hindi niya alam kung ano ang salitang bibigkasin niya.

Agad na niyakap siya ni Totoy at umiyak siya nang todo sa dibdib ng kaibigan.

“Lila, hinihintay ka ng doctor. Kailangan mong pirmahan ang waver.”

Humiwalay siya sa kaniyang kaibigan nang lumakad patungo sa kanilang gawi ang doctor na may dalang papel.

“Ikaw po ba ang kapamilya ng pasyente, Ma’am?”

Tumango siya.

“Pakipirmahan na po ito nang sa ganoon ay maoperahan na agad ang pasyente.”

Nanginginig niyang binasa sa pamamagitan ng kaniyang mga mata ang nakasaad sa papel na kaniyang hawak-hawak. Kapag pipirmahin niya ito ay kahit na ano ang resulta ng operasyon ay walang pananagutan ang mga doctor na magsasagawa ng operasyon. Kung hindi naman niya ito pipirmahin ay mas lalong hahaba ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 155

    Chapter 155:Nakaharang ang mga luha sa kaniyang mga mata habang tinahak niya ang daan patungo sa labas ng ER. Naroon ang kaniyang kaibigan na si Totoy, nakaupo ito at nang makita siya ay agad itong tumayo. Sa bigat ng kaniyang dinaramdam ngayon ay hindi niya alam kung ano ang salitang bibigkasin niya. Agad na niyakap siya ni Totoy at umiyak siya nang todo sa dibdib ng kaibigan. “Lila, hinihintay ka ng doctor. Kailangan mong pirmahan ang waver.”Humiwalay siya sa kaniyang kaibigan nang lumakad patungo sa kanilang gawi ang doctor na may dalang papel.“Ikaw po ba ang kapamilya ng pasyente, Ma’am?”Tumango siya. “Pakipirmahan na po ito nang sa ganoon ay maoperahan na agad ang pasyente.”Nanginginig niyang binasa sa pamamagitan ng kaniyang mga mata ang nakasaad sa papel na kaniyang hawak-hawak. Kapag pipirmahin niya ito ay kahit na ano ang resulta ng operasyon ay walang pananagutan ang mga doctor na magsasagawa ng operasyon. Kung hindi naman niya ito pipirmahin ay mas lalong hahaba ang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 154

    Chapter 154: Mahigpit na pagkapit ang ginawa niya sa rosaryo habang ang imahe ng pamilya niyang pinangakuan niya na babalik siya nang ligtas at buhay ay patuloy sa pagtakbo sa kaniyang isipan. “Bakit, Ryllander? Masakit ba, ha?! Talk, Ryllander! Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin at ako na lang ang magrerelay nito sa pamilya mo. That is how thoughtful I am, Callares!”Mabigat na ang magkabilang talukap ng kaniyang mga mata. Batid niyang malakas ang boses ni James, subalit para bang bulong na lamang ang dating nito sa kaniya. May iba pang winika si James, ngunit pagbuka na lamang ng bibig nito ang nakita niya. Mainit at sariwang dugo ang dumaloy sa sahig kung saan siya nakahiga. Nakikipaglaban sa gitna ng buhay at kamatayan. Halos tuluyan na siyang walang marinig. Nakaramdam ng pamamanhid, bigat, at pagod ang kaniyang katawan. May malakas na tunog ng hinampas na kampana ang narinig niya sa kaniyang isipan.Mayamaya ay nakita niya sa malabong bisyon niya kung paano nabitawan

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 153

    Chapter 153:Walang kaba sa kaniyang puso. Ang nasa isip niya ay kailangan niyang tapusin ang laban na ito. Hindi na niya kailangan pang masindak pa sapagkat nabawi na nila ang mga anak nila mula kay James. Nakaabang na sa labas ang kaniyang mga kasama patungo sa lumang warehouse kung saan nais ni James na magkita sila. Kasama niya si Totoy, sinabihan niya ito na hindi na kailangan pang sumama nito sapagkat ligtas na ang kambal, subalit ayaw paawat ni Totoy. Hindi raw nito maaaring hayaan na pumunta siya roon mag-isa. Hindi na raw siya iba sa lalaki, kaya ay sasamahan siya nito. Kung minsan ay nagsisisi siya sapagkat ang turin niya kay Totoy noon ay isang panganib sa relasyon nila ni Lila. Ngayon ay napagtanto niya na kaibigan lang ng fiancée niya ang lalaki at malayo na sisirain ng lalaki ang relasyon nila ni Lila. Nagpapasalamat siya dahil noong mga panahon na wala siya sa tabi ng mga anak niya at noong mga panahon na kailangan ni Lila ng kasama at katuwang ay naroon si Totoy, tum

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 152

    Chapter 152:Sinabihan siya ni Ryllander na maiwan na lamang, subalit ay hindi siya papayag na hindi niya makita agad ang mga anak niya. Lubos siyang nag-alala sapagkat ngayon lamang nahiwalay sa kaniya nang matagal ang kaniyang mga anak.“Malapit na tayo, Babe,” wika ng kaniyang fiancé. Pinark ni Ryllander ang sasakyan sa likod. At nang bumaba sila sa sasakyan ay tumungo na sila sa daanan na sinabi ni Mrs. Han. Nang pumasok sila ay narinig niya ang munting daing ng mga anak niya. Tumakbo siya patungo sa tunnel at sinilip niya ang mga anak niya. Kumpirmado na naroon sa loob ang mga anak niya. Tinulungan niyang makalabas ang dalawa at inalis niya ang tape sa bibig nila. Inalis niya rin ang mga taling nakapulupot sa mga kamay at mga binti ng mga bata. Kaniyang sinuri ang bawat parte ng katawan ng mga anak niya bago niya niyakap ang mga ito. Pagkukulang sa dalawa ang naramdaman niya kaya ay hindi mabilang na mga butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata niya. “Mga anak, patawarin ni

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 151

    Chapter 151:Malalim na ang gabi. Umakyat na rin sila ng fiancé niya sa kanilang silid, subalit pareho silang hindi makatulog. Naipadala na ni James ang lokasyon kung saan nito ibabalik ang mga anak nila. Gayunpaman ay hindi pa rin maibigay ni Lila ang tiwala niya sa lalaking iyon. Niloko siya nito, at tiyak na may hindi ito magandang balak. Hindi magiging madali ang pagbawi nila ng kanilang mga anak. Natitiyak niya na may kakaiba sa nangyayari. “Babe, magpahinga ka na. Bukas ay makukuha na natin ang mga anak natin. Maibabalik na natin sila sa mansion, at magiging buo na ulit tayo.”“Ryllander, nababahala ako. Kahit na binigay ni James ang lokasyon kung saan mo siya pupuntahan ay hindi maalis sa akin ang pagtataka. Bakit kailangan pa sa tagong lugar? Bakit hindi niya na lang ibalik ang mga bata rito? Hindi ba ay tunay na nakapagtataka at kaduda-duda iyon?” Huminga siya nang malalim. “Marahil ay kaliwaan ang gusto niya, Babe. He definitely wanted us to swap the things we needed from

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 150

    Chapter 150:Nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad siyang umahon sa pagkakaupo at sinagot ito. “Oh, My Old Friend?”“James! Nasaan ang mga anak ko, James?!”Nakakainis na tawa ang binigay ni James. “Ryllander, ano ka ba? Hindi mo ba ako na-miss?! Hindi mo man lang ba ako babatiin nang magandang gabi?”“Hindi kita kaibigan, James! Nang hinamak mo ang organisasyon at nagpanggap kang babae upang takutin ang fiancée ko ay inalis ko na sa isip ko na minsan tayong naging magkaibigan! Lalo na nang kinidnap mo ang mga anak ko! Ang totoong magkaibigan ay hindi nagtatalo ng kapwa kaibigan!”“Oh, relax. Will you? Ako rin naman ay hindi iniisip na ikaw ay kaibigan, Ryllander! Wala naman akong kaibigan na nangingialam sa hindi niya dapat pinakekealaman!”“Alam mo na ang bagay na pinakialaman ko ay mahalaga sa akin at sa ugat ng aming lahi, James! At kung hindi ako nagkakamali ay saksi ka kung paano itinaguyod ng aking Abuelo at Daddy ang organisasyon!”“Ashhh! Shhh! Shhh! Wala akong panahon para

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status