Share

Chapter 116

last update Last Updated: 2025-06-02 20:29:15

Chapter 116:

“Ilang araw ka nang tulala, Ate! Ano ba ang iniisip mo? Iyong kissing scene niyo ni Sir Ryllander sa garden ni Tiya? Ang romatic ng scene na iyon, Ate! Nakakakilig! Parang sa mga nobela lang nangyayari.”

“Etang, puwede bang huwag mong ipaalala sa akin ang bagay na iyan! Tumatayo ang balahibo ko dahil sa inis! Hayop kasi ang lalaking iyon! Kaya ko naman na bigyan siya ng pera bilang pamasahe ng mga bata! Halik talaga ang gusto!”

“Binigay mo naman! Kahit na hindi ko imutawi iyon, Ate. Alam na alam ko na iyan ang laman ng isip mo. Paano ba kasi ay tiyak akong lumalambot ka na ulit pagdating sa kaniya.”

“Diyos ko! Kung ang yelong inilabas mula sa freezer ay natutunaw. Ako ay hindi yelo! Walang lalambot! At walang matutunaw! Buo ang desisyon kong hindi sasabihin sa kaniya na anak niya ang kambal! Magdusa siya riyan! Kahit na ilang beses pa niyang ipilit ang lahat at gawing basehan ang pagkakahawig niya sa kambal ay mamanatiling “hindi niya anak” ang sagot ko!”

“Paano kung hind
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 117

    Chapter 117:“Kiss niyo si Mommy niyo, Boys. Bilisan niyo nang maihatid ko na kayo sa classroom niyo,” utos ng lalaki sa mga anak niya. Tumakbo papalapit sa kaniya ang mga bata. Yumuko siya upang maabot ng dalawa ang kaniyang magkabilang pisngi. Naamoy niya ang pabango ng lalaki sa dalawa, sa tapang nito’y nadikit ito sa mga bata.“Huwag makikipag-away, Dark, Darv. Ayaw kong may ireklamo si Teacher Pau sa akin tungkol sa inyo. Magpakabait kayo,” aniya. “Yes, Mommy!” sabay na wika ng dalawa at nagsalute pa. Naalala niya na siya ang dapat na maghatid sa mga bata. Tumingin siya sa lalaki.“Ako na ang maghahatid sa mga anak ko, Ryllander.”“Ako na.”“Ako na sabi! Mga anak ko sila,” paninindigan niya. “Si President na lang ho, Mommy,” wika ni Dark na nakangiti pa.Lumapit sa kaniya ang lalaki. Tumikhim ito at seryuso na ngumiti sa kaniya. “This is nonsense to be argued, Lila. Huwag mo rin sana masamain, pero masama kapag palaging nakikita ng mga bata na sinusungitan mo ako. Huwag mong

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 116

    Chapter 116:“Ilang araw ka nang tulala, Ate! Ano ba ang iniisip mo? Iyong kissing scene niyo ni Sir Ryllander sa garden ni Tiya? Ang romatic ng scene na iyon, Ate! Nakakakilig! Parang sa mga nobela lang nangyayari.”“Etang, puwede bang huwag mong ipaalala sa akin ang bagay na iyan! Tumatayo ang balahibo ko dahil sa inis! Hayop kasi ang lalaking iyon! Kaya ko naman na bigyan siya ng pera bilang pamasahe ng mga bata! Halik talaga ang gusto!”“Binigay mo naman! Kahit na hindi ko imutawi iyon, Ate. Alam na alam ko na iyan ang laman ng isip mo. Paano ba kasi ay tiyak akong lumalambot ka na ulit pagdating sa kaniya.”“Diyos ko! Kung ang yelong inilabas mula sa freezer ay natutunaw. Ako ay hindi yelo! Walang lalambot! At walang matutunaw! Buo ang desisyon kong hindi sasabihin sa kaniya na anak niya ang kambal! Magdusa siya riyan! Kahit na ilang beses pa niyang ipilit ang lahat at gawing basehan ang pagkakahawig niya sa kambal ay mamanatiling “hindi niya anak” ang sagot ko!”“Paano kung hind

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 115

    Chapter 115:Magaan niyang hinagis sa ibabaw ng malambot at komportableng sofa, sa malinis at preskong sala ni Adah ang kaniyang katawan. Humiga siya at tinanday ang mga paa sa hand rest ng sofa. “Real quick naman mag-change ng mood mo, Cous. What’s the matter, by the way?” “You can’t believe this, Adah!” Tinakpan niya ng malalapad niyang mga palad ang kaniyang mukha habang iniimahe sa isipan ang paghalik niya kay Lila. “It was so romantic, Adah! Grabe! I can’t believe that I am able to taste her sweet lips again! Damn it! It’s very magical!” “Wait! Ano? H-Hinalikan mo si Lila?! In what way?! I’m sure, pinilit mo naman siya. I’m skeptical about you, Cous! If I know, you forced taking away her virginity. I know that kiss too! Right?!”Pinanlisikan niya ng mga mata ang kaniyang pinsan. “Judgemental ka naman!”“Bakit, hindi ba?” Umirap ang pinsan niya nang nilapag nito ang dalang pitsel na may lamang juice sa ibabaw ng mesa. “Parang ang hirap naman paniwalaan na ibinigay ni Lila nang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 114

    Chapter 114:Lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang baiwang nang umalingawngaw ang yabag ng kaniyang Nanay sa buong sala. Nagkaroon siya ng pagkakataon na tumayo at makatakas mula sa pagkakakulong niya sa mga bisig ng lalaki. Galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mahawakan ng lalaki ang kaniyang baiwang. Masamang titig ang binato niya rito, ngunit ang lalaki ay kumindat pa. “Sir, ipinagtimpla na ho kayo ni Lila ng kape?” “Tapos na, Nanay. Aakyat na ako at ako’y napagod,” paalam niya sa kaniyang ina. Pagkatapos ay inirapan niya si Ryllander. Hindi siya dumiretso sa taas. Nang abala sa pag-uusap ang dalawa ay dumiretso siya sa lilim ng hadganan at doon siya yumuko na para bang isang bayad na espiya. May pagtatampo siya sa kaniyang Nanay. Alam nito na malaki ang kasalanan ni Ryllander sa kaniya, pero pinatuloy pa rin nito ang lalaki sa kanilang tahanan. Hindi niya lubos na masabi ang bagay na iyon sa kaniyang Nanay dahil pareho silang may karapatan na papasukin ang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 113

    Chapter 113:Kinabahan siya nang masilayan niya mula sa loob ng boutique ang ‘di pamilyar na sasakyan. Makintab ito at parang walang sino ang nagmamay-ari ng ganito ka-garang sasakyan sa kanilang probinsiya. Tumigil sa harap ng boutique ang sasakyan. At iyon ang dahilan kung bakit siya tumayo. Lumakas ang tibok ng puso niya nang bumukas ang pintuan ng sasakyan at agad na bumaba si Ryllander. “Anong ginagawa ng lalaking ‘yan dito?!” Animo’y may iba siyang kasama sa loob ng boutique.Bumukas ang kabilang pintuan at ibinaba ng lalaki ang mga anak niya. Una nitong binuhat pababa si Darvin at sunod naman ay si Darkin na. Agad siyang lumabas sa boutique at sinalubong ang tatlo. Galit na titig ang binato niya kay Ryllander. Subalit nakangiti nang malapad ang lalaki sa kaniya. Kung umasta ito ay para bang maayos na silang dalawa. “Thank you, Mister President!” sabay na bati ng dalawa at nag-bow pa. Mayamaya ay tumakbo na papasok ng bahay ang kambal. Naiwan sila ni Ryllander na nakatayo a

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 112

    Chapter 112:Sumulyap siya sa orasan na nasa pader ng kaniyang boutique. Hapon na at mayamaya’y uwian na ng kambal. Umunat siya at agad na tumayo. Buong araw rin siyang nakaupo at nagtatahi ng maraming piraso ng mga damit na inorder sa kaniya. Sa awa ng Diyos, kahit na nasa probinsiya nakatirik ang kaniyang boutique ay lumago ang kaniyang maliit at simpleng negosyo. Kinuha niya ang kaniyang bag nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad siyang tumalima upang sagutin ang tawag na natanggap niya. “Hello?”“Hello po. Miss Lila, kukunin po namin ni Mama ang mga damit mamaya. Around 5 PM po.”Pumikit siya. Saglit niyang inilayo ang kaniyang cellphone at bumuga siya ng hangin. Tapos na niyang matahi ang mga damit at kailangan na lamang tupiin ang mga ito at ipasok sa mga packaging nila. “A, sige, sige. Nasa boutique lang ako. Hihintayin ko kayo.”“Maraming salamat po. Isesend ko na lang ang kulang ni Mama na Sampung libo sa account mo.” “Sige. Maraming salamat.”Pagkatapos ng tawag na iy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status