Chapter 141:Dumating ang kaniyang Nanay. Umakbay ito sa kaniya at pilit siya nitong pinatatahimik.“Anak, hindi kita tinuruan nang ganitong asal. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”“Nanay, kayo na ang hinahamakn ng babaeng ito. Huwad siyang kaibigan! Huwad siyang tao na kailangan na pagbutihin ang pagbabantay ng kaniyang kilos dahil baka mamaya ay isa-isa na tayong pinugutan nito!”“Anak!”Hinawakan niya sa magkabilang braso si Abionna. “Mabait ako, Abionna! Pero kinakalimutan ko ang kabaitan ko kapag pamilya ko na ang agrabyado!” aniya. “Lila, maniwala ka s-sa akin! Hindi ko magagawa ang lahat ng iyan!” “Babe, mag-usap tayong lahat nang mahinahon. May mga bata tayong kasama,” paalala ni Ryllander sa kaniya.Nakita niya ang mga anak niya na nakatingin sa kaniya at halos manginig na habang nakikita siya ng mga ito na nagagalit. “Hindi na ito ang panahon ng paghinahon, Ryllander! Kailan natin aasikasuhin ang bagay na ito? Kung isa na sa atin ang nakalamay? Hindi ako papayag na mangyari
Chapter 140:Naharangan ng mga luha ang kaniyang mga mata, naging dahilan upang lumabo ang mukha ni Celine. Subalit ay kaniyang sinikap ang lahat upang maibigay sa babaeng nagbabahagi ng karanasan ang kaniyang tainga. “Nangyari sa akin ang mga bagay na ito sa loob ng kulungan, Lila. Ang pilat na gawa ng plantsa ay noong nasa basement kami kung saan pinapahanda sa amin ang mga kurtina na gagamitin sa isang event na gagawin doon sa presohan. I-I was bullied. Hinawakan ng iba ang mga kamay ko upang hindi ako makagalaw habang ang mayor nila ay paulit-ulit na pinalapat sa mukha ko ang mainit na plantsa. Damang-dama ko ang sakit nito, ang init na halos sunugin pati ang kaluluwa ko.” Walang tigil ang pagluha ni Celine. Siya nama’y ganoon din. Naawa siya sa babae at hindi na halos kaya pang marinig ang kuwento nito. “H-Hindi lang ito ang ginawa nila sa akin. P-Pinakain nila ako ng mga insekto, nilunod sa kubetang puno ng dumi, a-at tinatakan ng mga pilat gamit ang matatalas na bagay na pos
Chapter 139:Minamaneho niya ngayon ang kaniyang Mercedes-Maybach S650 patungo sa orphanage na sinabi ni Ryllander kung saan naroroon si Celine. Sa totoo ay hindi niya lubos maisip na kaya ni Celine na gawin ang bagay na iyon sapagkat sa orphanage ito tumutuloy. Subalit tulad ng sabi nila’y hindi mo malalaman kung ano ang kakahayan ng isang tao. Lalo na at nakayanang gawin ni Celine ang lahat ng kahayupan nito noon, higit limang taon ang lumipas.Maaga siyang umalis at hindi na siya nagpaalam pa sa fiancé niya. Sa panahon na ito ay pati si Ryllander ay hindi niya gustong isangkot. Ayaw niya rin na mabuksan ang usapin tungkol sa taong nagbabanta sa kaniya, sapagkat malakas ang kutob niya na may masamang balak pa rin si Abionna sa mga taong pinoprotektahan niya. At ito namang si Ryllander ay pilit na pinagtanggol si Abionna.Ilang oras ang biniyahe niya patungo sa Patterson Home for the Orphans. Pinarada niya sa labas ang kaniyang sasakyan. Agad naman siyang pinapasok ng guwardiya nang
Chapter 138:“Babe?”Buong araw ay hindi siya lumabas sa kanilang silid. Ni hindi man lang siya sinundan ng lalaki kanina nang umakyat siyang muli. Ngayon lang pumasok sa silid si Ryllander. Hindi niya ito kinibo, sa katunayan ay sinubukan niyang ipukol ang atensiyon sa pagbabasa.Sa halip na sumagot ay tumalikod siya sa lalaki. Tumabi ito sa kaniya kaya ay tiniklop niya ang librong binabasa niya at nilagay ito sa desk malapit sa kama. Naalala niya ang pagsigaw ng lalaki sa kaniya kanina. Hindi lamang siya nabigla, higit sa damdamin na iyon ay nasaktan siya. Pakiramdam niya ay bumalik ang unang tingin ng lalaki sa kaniya noong bagong salta pa lamang siya sa Maynila. Isang maid lamang na sinisigaw-sigawan.Naramdaman niya ang malaking kamay ni Ryllander na binalot ang kaniyang hubad na braso. Yumuko pa ang lalaki at hinalikan ang likod ng ulo niya. Pumikit siya at hinayaan ang mga mata niyang lumuha. “Babe, hindi ko sinasadya. Pasensiya ka na.”“Hindi ko kailangan ng sorry mo, Ryllan
Chapter 137:Nakakatayo-balahibong tawa ng babae mula sa kabilang linya ang narinig ni Lila. Nanginginig ang kamay niyang may hawak ng cellphone niya. Siya lang ang nasa silid ngayon dahil nasa baba na ang lahat para sa kanilang hapunan. “Hayop ka! Pati ang Nanay at pinsan ko ay dinamay mo pa! Akala ko ba ay sa akin ka galit?! Kung ganoon ay bakit mo dinadamay ang mga tao na walang kasalanan sa iyo?! Ako lang ang target mo hindi ba?!”“Lila, bakit ganiyan ka kung magreact? Kasisimula ko pa lang. Sa katunayan ay introduction pa lang iyan. Hindi pa iyon ang totoong simula ng aking paghihimagsik laban sa iyo? At saka tama ka nga naman na ikaw ang target ko, but I will make sure that you will feel the pain I bring in every inch of your body and every branch of your veins.”“Ano ba ang kasalanan ko sa iyo?! Ni hindi nga kita kita kilalang hayop ka! Ni hindi ko alam kung ikaw ay may anino o ilang sungay ang mayroon ka!”“You are so scared, Lila. I can feel it. Well, that is absolutely what
Chapter 136:Umupo at mamaya ay tatayo na naman siya. Nasa labas ang mga bata at naglalaro kasama ang mga kasambahay habang sila ni Ryllander naman ay nasa sala. “Babe, hindi nila ma-trace kung kanino naka-rehistro ang numero na tumawag sa iyo. But I will not stop. Tumawag na ako kay James. Gagawin daw nila ni Mrs. Han ang lahat para matulungan tayo.”“Ryllander, masama ang kutob ko. Sa t-tingin ko ay hindi malayo sa paligid natin ang taong nagbanta sa akin. B-Baka nga ay—”Tumayo ang lalaki at hinawakan nito ang kamay ni Lila. Tumitig ito sa kaniyang mga mata, sinasabi na hindi iyon mangyayari dahil bantay-sarado ang mansion.“Babe, naiintindihan ko ang worries na mayroon ka ngayon, pero huwag kang mag-isip nang ganiyan. Hindi makakabuti sa iyo iyan. Apparently, we have guards and they will surely keep their eyes roam around.”“Ryllander, mas hindi makakabuti sa akin kapag hindi ko agad nalaman kung sino ang tao sa likod ng pagbabanta sa akin. May hinala ako na hindi niya ako direts