Share

Chapter 1

Penulis: Glad Fortalejo
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-01 01:05:20

Chapter 1:

Nakatulala pa rin ang dalaga, iniisip ang isang malaking katangahan na kaniyang ginawa kanina lamang. Tinrato ba naman niyang utusan ang amo niya? Kararating pa lamang niya, pero palpak na agad siya.

Nakikinig siya kay Lordes na nagpapaliwanag sa kaniya ng mga patakaran sa mansiyon. Pinilit niyang kumilos na para bang walang ilang na naramdaman sa kaniyang katawan, kahit na ang totoo ay humihiling na lang siya sa lupa na sana lamunin siya nito nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman pa ang kahihiyan na siya naman ang mismong nag-dulot sa sarili.

“Ikaw ang siyang ma-aasign sa paghahatid ng pagkain ni Sir Ryllander sa kaniyang silid dahil hindi naman iyon bumababa sa tuwing oras ng pagkain niya. Ang umagahan niya ay bandang 7 AM, at ang hapunan niya ay 8 PM naman. Huwag mo nang problemahin ang kaniyang tanghalian dahil madalas ay sa opisina na siya kumakain, iyon nga lang ay dapat ihahanda mo ang baon niya kasabay ng umagahan niya.”

Tumango siya at patuloy lamang sa pakikinig kay Lordes. Nilalagay niya sa pokus ang isipan niyang iniimahe ang mukha ng amo niya. Kaya sinungitan siya nito kanina nang makarating na sila sa mansiyon ay dahil sa inasal niya.

Hindi niya masisisi ang sarili niya. Ang baba kasi ng tingin ng amo niya sa kaniya kanina, kaya ay nagalit siya at sinabat ito. Pero kung batid niya na ang lalaking nag-lagay ng tatlong piso sa kape niya ay ang amo niya ay pasasalamatan pa niya ito at hindi pagagalitan.

“Bilang personal maid ni Sir Ryllander, panatilihin mong malinis ang kaniyang silid. Metikuluso siya. Alam niya ang posisyon ng mga gamit niya at ayaw niyang binabago kung paano niya inayos ang mga ito. Ikaw na rin ang maglalaba ng mga damit niya.”

“Bareta po ba ang gamit?”

“Lila, powder with fabcon ang gagamitin mo sa paglalaba ng mga damit niya. Mahigpit pala na pinagbabawal ni Sir na gamitan ng washing machine ang kaniyang mga brief, hand wash lang dapat at sa araw dapat patuyuin.”

“H-Ha?!”

“Oo, Lila. Ikaw ang mag-lalaba ng kaniyang underwears. Huwag ka nang maarte, hindi naman masama na gawin mo iyon, lalo na at parte ito ng iyong trabaho. Isa pa ay nasa iyo na iyon kung tutulong ka sa amin sa ibang gawaing-bahay, basta ay atupagin mo ang sentro ng trabaho mo, at ito ay pagsilbihan si Sir Ryllandern nang maayos.”

Huminga siya nang malalim. Tama si Lordes. Walang masama sa pag-lalaba ng mga brief ni Ryllander. Amo niya ito at siya ang naatasan na pagsilbihan ang lalaki dahil siya ang personal maid nito.

“Lahat ng ipapagawa niya sa iyo ay gawin mo sa saktong oras at huwag mo siyang bibiguin. Nakakatakot magalit si Sir.”

Nabahag ang buntot niya sa winika ni Lordes. Hindi puwedeng kukupad-kupad siya sa trabaho, at baka matiris siya ng Amo niya, lalo na at hindi pa mabuti ang pinakita niyang asal sa lalaki noong una silang nag-kita.

“Aling Lordes, hindi kaya ako puwedeng makipag-palit ng trabaho sa ibang maids na kasama natin dito? Parang nakakatakot naman pumalpak sa Amo natin.”

“May tiwala ako na kaya mong gampanan ang trabahong naka-laan sa iyo, Lila. Mukha ka namang masipag at madaling makakuha ng mga instructions. O siya, dalhin mo ang mga gamit mo sa iyong silid. Tulungan na rin kita at mukhang mabigat ang iyong mga dala.”

“Aking silid?”

“Oo, Lila. May sariling silid ang personal maid ni Sir Ryllander. Nasa tabi ito ng kaniyang kuwarto, kaya ay dapat kontrolin mo ang lakas ng iyong boses kapag nasa kabila siya. Baka magugulat ka na lang at pasasabugan ka niya ng granada.”

“S-Seryuso?”

“Of course not! Biro lamang iyon, Lila. Kanina ka pa kasi hindi mapakali at para bang lahat ng aking sinasabi sa iyo ay kinasisindakan mo.”

Lumunok siya. Hindi maalis sa isipan niya ang mga baka sakali na mayroon siya. Baka sakaling magiging mabait sa kaniya ang Amo niya. Baka sakaling hindi naman ganoon ka-istrikto at ka-suplado si Ryllander. Pero ang kaniyang puso ay panay ang pagtibok sa kaba na baka sakaling kabaliktaran ng iniisip niya ang mangyari.

Kung minsan ay tumitigil siya sa pag-hakbang pataas, tungo sa sinabing silid niya ni Lordes. Mataas ang hagdan na ito at umikot-ikot pa ito bago maabot ang ikalawang palapag ng mansiyon. Medyo mabigat ang mga gamit niya, mabuti na lang dahil ang isang bagahe ay si Lordes na ang nagmabuting-loob na dalhin ito.

“Ang laki pala ng mansiyon ni Sir Ryllander, ano?”

“Oo, naman. Minsan kapag nag-gegeneral cleaning kami rito ay umaaabit kami ng tatlong araw bago matapos. Partida ay wala pang masyadong pahinga iyon, maliban sa pagkain.”

“Ahm. Malayo pa ba tayo?” tanong niya habang hila-hila ang bagahe niya.

“Sa dulo ang room mo, Lila. At sa tabi nito ang kay Sir.”

Sumunod na lamang siya kay Lordes patungo sa dulo ng nilalakaran nilang corridor. Maganda ang disenyo ng bahay, para itong bahay ng isang maharlika sa ibayong bayan. Hindi nakakabagot ang kulay gintong-dilaw na pinta sa buong pader ng mansion, at ang mga hamba sa mga pintuan ay kulay pilak naman. Mayroong magagandang paintings na naka-bitay sa pader na siyang nagbibigay kahulugan at linang na ang nakatira sa mansiyon na ito ay hindi mababaw kun'di malalim na tao.

“Lila, nandito na tayo.”

Kinuha ni Lordes ang susi sa bulsa ng yunipormeng suot nito at binuksan ang pintuan. Tinulak nito ang pinto at una itong pumasok. Sumunod si Lila at agad na tumingin sa baba, taas, kanan, at kaliwa ang kaniyang mga mata.

Malaki ang silid na ito. Dahilan upang maalala niya ang ina niyang mataas ang pangarap, subalit pinutol iyon ng sakit nito. Kaya nagsusumikap sa maliit na negosyo ang ina niya ay upang makapag-aral siyang muli at makapagpagawa sila ng malaking bahay kahit na silang dalawa lang ang titira roon. Subalit ang lahat ng naipon nito ay napunta lamang sa mahabang pagpapagamot at araw-araw na gastusin nilang mag-ina.

Malungkot siyang umupo sa kamang malambot at lihim na inalis ang kaniyang mga luha. Kararating lamang niya sa mansiyon subalit nangungulila na siya agad sa kaniyang ina. Para bang minu-minuto ay hinahanap niya ang boses ng kaniyang ina na tatawag sa kaniya at tatanungin kung ano ang ginagawa niya.

“Pasensiya ka na sa hitsura ng silid. Kaunting ayos lang naman ang gagawin mo rito. Iyong huli kasing personal maid ni Sir Ryllander ay burara at hindi marunong umayos ng mga gamit, kaya na-kick out sa mansiyon.” Tinuro nito ang aparador na kulay kayumanggi na nasa tabi ng bintana. “Bakante iyan. Diyan mo ilagay ang mga gamit mo. Ako ay bababa na at marami pa akong aasikasusin sa baba.” Sa relo na suot naman ito nakatingin. “Mayroon ka pang apat na oras na magpahinga o mag-ayos ng mga gamit mo, bago darating si Sir Ryllander.”

“Okay lang, Aling Lordes. Malaki ito at madali lamang linisin. Huwag kang mag-alala sa akin at gawin mo na ang trabaho mo sa baba.”

Ngiti ang tugon ng ginang sa kaniya.

Nang siya ay naiwang mag-isa ay pinili niyang humiga muna at yakapin ang unan sa tabi niya. Lumuha na naman ang mga mata niya. Tatawagan sana niya ang ina subalit pinigilan niya ang sarili. Bukas na lang siya tatawag, magpapadala na lang siya ng mensahe sa ina na nakarating siya nang ligtas sa mansiyon ng Amo niya upang maibsan ang pag-alala nito sa kaniya.

Bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata hanggang sa hindi niya na napigilan na siya’y mahimbing na nakatulog. Kung hindi pa siya nakarinig ng malakas na pagkatok mula sa likod ng pinto ay hindi niya minulat ang kaniyang mga mata.

“Nanay?” wika niya, subalit biglang umahon ang katawan niya nang mapagtanto na wala na nga pala siya sa kanilang bahay kun'di siya ay nasa mansiyon ng kaniyang Amo. “Diyos ko!” nag-alalang sambit niya at nag-atubiling tumakbo sa pinto upang hilahin ito at buksan ang pintuan.

Bumungad sa kaniya ang mukha ng Amo niya. Nakakunot ang noo nito, nanlilisik ang mga mata, at ang mga panga ay umiigting. Galit itong umirap kay Lila.

“S-Sir? M-Magandang gabi po.”

“I'm glad that you're awake now, Miss Maid! Well, I just want to remind you that you are here to work and not to sleep.” Umiling ito. “Ano ba namang maid itong nakuha ni Lordes? Bakit ba kasi isang probinsiyana pa ang hi-nire niya?”

Wala na siyang oras upang damhin ang pagmamaliit ng Amo niya sa kaniya, at sa kaniyang pinanggalingan. Wala siya sa sariling pamamahay kaya ay tinanggap niya ng buo na mali ang ginawa niyang pag-tulog nang mahimbing at sobra sa apat na oras.

“P-Pasensiya na po, Sir. Napagod kasi ako sa biyahe kanina kaya ay nakatulog ako. H-Hindi ko talaga sinasadya na hindi mabantayan ang oras,” aniya, sinsirong humingi ng tawad sa Amo niya.

Umismid ang lalaki at nanatili itong tumitig sa kaniya na may galit. Yumuko siya. Tinatagan ang loob at pinaalala sa sarili na kailangan niyang mag-tiis sa lugar na ito para sa kaniyang inang may sakit.

“I don't care about your fucking excuses or what happened before you went to your fucking dreamland, Miss Maid. Ang akin lang ay umayos ka at itatak sa mo sa utak mo na hindi mo ito bahay at hindi ikaw ang Amo rito.”

“Pasensiya na po talaga, Sir. Pasensiya na rin sa inasta ko kaninang umaga.”

“Now, I suggest you to look into the mirror. Tingnan na lang natin kung makikipag-argue ka pa sa akin kung tawagin kitang “mukhang beggar”, because you really look like one.”

“A-Ano po ang iuutos niyo sa akin, Sir?” tanong niya upang ilihis ang pag-uusap nila ng Amo niya.

“Isang basket na ang brief ko na hindi nalabhan. I want them washed and ironed. Huwag kang gumamit ng dryer. Bukas mo ibilad sa araw, okay? Basta labhan mo lang ngayon!”

Tinulak niya sa isa't isa ang kaniyang mga labi. Iniwasan na mahuli ng amo niya na siya ay naiilang sa inutos nito.

“Hey! Are you even listening to me?!”

“O-Opo. Gagawin ko po ang utos niyo. Itatali ko po muna ang aking buhok, at tutungo na ako sa inyong silid upang kunin ang mga underwear niyo.”

“Better,” wika nito bago umalis.

Napasandal na lamang siya sa hamba at humawak sa kaniyang batok upang marahan itong masahihin. Ganito siguro ang mga taga-siyudad, walang nararamdaman na ilang sa mga kasambahay nila. Nagpapahiwatig ito ng malaking pagkakaiba ng mga tao sa siyudad at sa probinsiya nila. Doon kasi ay nakakahiyang labhan ang underwear mo sa harapan ng ibang tao, lalo na kung uutusan mo pa ang iba na gawin ito para sa iyo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 144

    Chapter 144:Napaluha na lang siya habang nakatingin sa ibaba ng mansion niya. Naalala niya ang hitsura ng building ng organisasyong ilang dekada nang inalagaan ng pamilya niya. Ipinagkatiwala niya ito kay James na akala niya’y siyang magpapatuloy ng pag-aalaga na ginawa ng pamilya niya sa organisasyon. Nagkamali siya ng taong pinagkakatiwalaan. Nagkamali siya sa kung sino ang kaniyang pinahintulutang mamuno. Ngayon ay nagdadalamhati ang puso niya. Hindi lamang para sa organisasyon, kun’di para sa pagkakaibigan nila ni James na nasira na lang nang ganoon lamang kabilis. Tila ay pagkurap lamang kabilis ang pangyayari. Parang kailan lamang ay magkaibigan sila, subalit ngayon ay hindi na. Nagsindi ng hidwaan si James, at siya’y nahihirapan sa sitwasyon na ito.Napasunod ang kaniyang sulyap sa balikat niya na dinapuan ng kamay ni Lila. Ang mamahabang daliri ng babae ang kaniyang pinagmasdan, kay sarap hawakan, at kay sarap damhin ng alay nitong init sa kaniyang balikat. Napatagal ang kan

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 143

    Chapter 143:“Daddy?!”Nilingon niya ang mga anak niyang sabay siyang tinawag. Tumakbo papalapit sa kaniya ang mga bata at agad na kinapa ang baril na nasa kaniyang baiwang. Ito ay ang kaniyang Smith and Wesson Model 19. “Darv, ang ganda ng baril ni Daddy!”“Daddy, can we have guns too?”Yumuko siya at hinawakan ang mga pisngi ng dalawa. “Boys, guns are dangerous. Apparently, you have your toys. Iyon ang guns na puwede sa inyo.”“But your gun is way better than our toys, Daddy!”“Oo nga po. Gusto namin iyong totoong gun at hindi iyong mga toys lang.”Kung hindi lamang sa problema na kinahaharap nila ngayon ay hindi niya na iisipin pa na balikan ang buhay na ito. Hindi niya labis maisip na makikita siya ng mga anak niya na may dala-dalang baril na siyang kagigiliwan ng mga ito. Kailanman ay hindi magiging magandang buhay ang matatamo ng mga taong nasa mundong minsan niyang ginagalawan at ngayon ay babalikan. Nais niyang maging magandang ihemplo sa mga anak niya, subalit sa pagkakatao

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 142

    Chapter 142:Nakasandal sa sulok ng madilim na silid, balisa ang isipan, at hindi man lang alam kung ano ang susunod na gagawin. Puno ang puso niya ng mabibigat na katanungan. Sinubukan niyang huminga nang malalim upang mawala ang bigat na nararamdaman, pero napagtanto ni Lila na mas bumigat pa ang kalooban niya. Dalawang tao ang kaniyang pinagbintangan. Naging masama siya kay Abionna at Selena. Hindi niya sinubukang alamin ang kuwento ng dalawa bago niya husgahan ang mga ito. Hindi na siya balanse ngayon, mas nagiging mabigat na ang kaniyang emosyon kaysa kaniyang intelektuwal na kapasidad. Tunog ng binuksang pintuan ang umalingawngaw sa madilim na silid, kasunod nito ay ang tunog ng pagtuplok sa switch ng ilaw. Naging maliwanag ang buong silid, subalit puno naman ng kadiliman ang kaniyang kalooban, hindi dahil siya ay masama, kun’di ay hindi na niya mahagilap ang ilaw na siyang magbubunyag sa katotohanan sa likod ng pagbabanta sa kaniya. Lumapit sa kaniya ang fiancé niya. “Babe?”

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 141

    Chapter 141:Dumating ang kaniyang Nanay. Umakbay ito sa kaniya at pilit siya nitong pinatatahimik.“Anak, hindi kita tinuruan nang ganitong asal. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”“Nanay, kayo na ang hinahamakn ng babaeng ito. Huwad siyang kaibigan! Huwad siyang tao na kailangan na pagbutihin ang pagbabantay ng kaniyang kilos dahil baka mamaya ay isa-isa na tayong pinugutan nito!”“Anak!”Hinawakan niya sa magkabilang braso si Abionna. “Mabait ako, Abionna! Pero kinakalimutan ko ang kabaitan ko kapag pamilya ko na ang agrabyado!” aniya. “Lila, maniwala ka s-sa akin! Hindi ko magagawa ang lahat ng iyan!” “Babe, mag-usap tayong lahat nang mahinahon. May mga bata tayong kasama,” paalala ni Ryllander sa kaniya.Nakita niya ang mga anak niya na nakatingin sa kaniya at halos manginig na habang nakikita siya ng mga ito na nagagalit. “Hindi na ito ang panahon ng paghinahon, Ryllander! Kailan natin aasikasuhin ang bagay na ito? Kung isa na sa atin ang nakalamay? Hindi ako papayag na mangyari

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 140

    Chapter 140:Naharangan ng mga luha ang kaniyang mga mata, naging dahilan upang lumabo ang mukha ni Celine. Subalit ay kaniyang sinikap ang lahat upang maibigay sa babaeng nagbabahagi ng karanasan ang kaniyang tainga. “Nangyari sa akin ang mga bagay na ito sa loob ng kulungan, Lila. Ang pilat na gawa ng plantsa ay noong nasa basement kami kung saan pinapahanda sa amin ang mga kurtina na gagamitin sa isang event na gagawin doon sa presohan. I-I was bullied. Hinawakan ng iba ang mga kamay ko upang hindi ako makagalaw habang ang mayor nila ay paulit-ulit na pinalapat sa mukha ko ang mainit na plantsa. Damang-dama ko ang sakit nito, ang init na halos sunugin pati ang kaluluwa ko.” Walang tigil ang pagluha ni Celine. Siya nama’y ganoon din. Naawa siya sa babae at hindi na halos kaya pang marinig ang kuwento nito. “H-Hindi lang ito ang ginawa nila sa akin. P-Pinakain nila ako ng mga insekto, nilunod sa kubetang puno ng dumi, a-at tinatakan ng mga pilat gamit ang matatalas na bagay na pos

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 139

    Chapter 139:Minamaneho niya ngayon ang kaniyang Mercedes-Maybach S650 patungo sa orphanage na sinabi ni Ryllander kung saan naroroon si Celine. Sa totoo ay hindi niya lubos maisip na kaya ni Celine na gawin ang bagay na iyon sapagkat sa orphanage ito tumutuloy. Subalit tulad ng sabi nila’y hindi mo malalaman kung ano ang kakahayan ng isang tao. Lalo na at nakayanang gawin ni Celine ang lahat ng kahayupan nito noon, higit limang taon ang lumipas.Maaga siyang umalis at hindi na siya nagpaalam pa sa fiancé niya. Sa panahon na ito ay pati si Ryllander ay hindi niya gustong isangkot. Ayaw niya rin na mabuksan ang usapin tungkol sa taong nagbabanta sa kaniya, sapagkat malakas ang kutob niya na may masamang balak pa rin si Abionna sa mga taong pinoprotektahan niya. At ito namang si Ryllander ay pilit na pinagtanggol si Abionna.Ilang oras ang biniyahe niya patungo sa Patterson Home for the Orphans. Pinarada niya sa labas ang kaniyang sasakyan. Agad naman siyang pinapasok ng guwardiya nang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status