Chapter 2:
Mahinang pag-katok sa pinto ng Amo niya ang kaniyang ginawa. Hindi umabot ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang n*******d-pantaas na Amo. Makinis na tunay ang balat nito, matigas ang mga dibdib at ang tiyan nito ay hinelarahan ng maliliit na burol. Kung hindi siya nagkamali sa ginawang pag-bilang ay walo ang mga burol na iyon. Pinagpawisan siya dahil sa kaniyang nakita. “Sir…m-maglalaba na po ako. Kukunin ko na po ang mga labahan niyo.” “Come in,” wika ng amo sa kaniya at pinapasok na siya nito nang tuluyan. Malakas ang pagsarado ng pintuan subalit mas malakas pa roon ang tibok ng puso niya nang makita ang loob ng silid ng kaniyang Amo. Kung ang nasa labas ay mga painting, ang nasa loob naman ay mga baril na nasa loob ng frame. Nanlamig ang kaniyang mga palad at kung magsisinungaling ay dama niya kung paano umudyok na lumabas ang pawis niya sa kaniyang palad dahil sa nakakasindak na armas na nakita. Nangilid ang mga luha niya. Naalala niya ang mga winika ni Lordes kanina, kaya ay lubos ang takot niya habang nakatayo lamang sa gitna ng silid. Ang mga mata ay tinitigan ng isa-isa ang higit isang-daang baril na nasa pader. Sa tabi naman ng pintuan ay nakasabit ang isang itim na jacket na kung susukatin sa kaniyang katawan ay hanggang sa kaniyang binti, mayroon ding tungkod na ang hawakan ay para bang kalahating katawan ng nakabuka ang bibig na dragon, kinilabutan siya nang makita ito, at may sumbrero rin siyang nakita na parang gabing madilim ang kulay. “Miss Maid, gusto ko lang ipaalala sa iyo na lahat ng nakikita mo ay totoong mga baril. They are my collections and you are not allowed to touch any of them. Linisin mo lang ang frame at ang ilalim ng frame, pero hindi ang mga baril ko dahil ako ang gumagawa no’n.” “O-Okay, Sir. Nasaan po p-pala ang mga b-brief mo?” Tumalikod sa kaniya si Ryllander kaya ay nakita niya ang mabakat na puwet ng lalaki sa suot nitong manipis na pang-ibaba. Kaunting inggit ang naramdaman niya habang pinagmasdan ang puwet ng lalaki. Mas may laman pa ang puwet ng lalaki kumpara sa kaniya. Bitbit ng lalaki ang malaking laundry basket at binigay ito sa kaniya. Bumundok ang mga brief ng lalaki sa loob ng basket, kaya ay halos mahalikan na niya ang nakalantad at nakabaliktad na brief ng lalaki. Nakasentro ang kaniyang bibig at ilong sa kung saan nakapuwesto ang pagkalalaki ni Ryllander. Halos paisa-isa lamang ang kaniyang pag-hinga dahil sa kaba at ilang na namayani sa kaniyang isipan. “Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan?!” “P-Patawad po. Saan ko ito lalabhan?” Nakita niya ang pag-gulong ng mga mata ng supladong Amo. Hindi niya naman talaga batid kung saan siya maglalaba sapagkat baguhan pa lang siya sa lugar. Hindi rin naman nila bahay ito, sa likod lang kasi sila naglalaba at poso pa ang gamit nila. E, sa mansiyon na ito na kay laki-laki, tiyak na kahit sinong bago rito ay malilito talaga. Hindi rin kasi siya nasabihan ni Lordes tungkol dito. “Miss Maid, go downstairs and ask Lordes about that.” “S-Sige po.” Tumalikod na siya sa Amo at huminga nang malalim, sinubukang alisin ang takot na dulot ng mga baril na maayos na nakahilera habang nasa loob ng kani-kaniyang frame. Bago pa man siya nakahawak sa siradura ay tumikhim si Ryllander. Tumayo ang maliliit na buhok ni Lila sa batok sapagkat malapit lamang sa kaniya ang Amo niya. “Miss Maid?” Lumingon siya. Nanlaki ang mga mata niya nang dibdib ng Amo niya ang nakita niya. Nararamdaman ng kaniyang mukha ang init na sumungaw sa katawan nito. Umatras siya hanggang sa madikit na sa pinto ang kaniyang likod. “S-Sir? Pakiusap… h’wag po.” “What are you talking about?” Umiling ito. “Nakalimutan ko na may tatlo pa pala akong brief na natapon sa ilalim ng kama. Ito,” wika nito at pinatong sa bundok ng briefs ang tatlong piraso ng kararampot na tela na ginagamit suporta para sa pagkalalaki nito. “Kung ano ang iniisip mo. Get out of my room because you're giving me headache.” Lumabas siya sa silid na bukod sa laundry basket na puno ng mga brief ay dala rin ni Lila ang hiya sa sarili. Kaya lang naman niya nasabi iyon dahil ayaw niyang makuha ng kung sinong lalaki ang kaniyang pagkababae. Konserbatibo siyang pinalaki ng kaniyang ina kaya hindi niya masisisi ang sarili kung ganito siya mag-isip at mag-bigay reaksiyon sa kilos ng ibang tao, lalo na ng mga lalaki. Pinalaki siya ng kaniyang ina na mailap sa mga lalaki. Kahit ang tatay niya ay hindi hinayaan ng ina niya na paliguan siya noong siya ay paslit pa. Mainam daw na mula bata pa lang ay marunong na siyang hindi maging kumpiyansa sa kahit na sino. Malaki ang tulong ng disiplinang natutuhan niya mula sa kaniyang ina. Sa katunayan ay kahit mayroon siyang taglay na ganda at balingkitinan ang kaniyang katawan ay walang lalaki ang humamak na ligawan siya, sapagkat alam ng mga lalaki sa kanila ang ugali niya, lalo na ang ugali na mayroon ang nanay niya. - Likas na para kay Lila ang makipag-laban sa nagbubundok na labahin, pero ngayon lamang siya natagalan ng halos apat na oras dahil sa ilang niya habang nilalabhan ang mga brief ni Ryllander. Isang piraso na lang ang natira at kulay puti pa ito, tapos mayroon itong mantsa. Naninilaw ang gitnang parte ng brief ng Amo niya. “Wala naman sigurong sagingan sa pinagtatrabahuhan ni Sir Ryllander, pero bakit ganito ang mantsa ng kaniyang brief? Ang hirap nitong tanggalin sa puti!” Masinop niyang tinitigan ang brief na nakalantad sa kaniyang harapan. Hindi naman ganoon ka-laki ang katawan ng amo niya, pero matambok ang puwet nito, kaya ay extra large ang brief nito. Umiling siya nang marahas. Bakit ba niya binibigyang pansin ang bagay na iyon? Binalik niya ang atensiyon sa panunubok na alisin ang mantsa mula sa Hanes na brief ng lalaki. Kung minsan ay nilulublob niya nang matagal sa bumubulang tubig ang hawak na brief, umaasa na matanggal agad ang mantsa nito. “Lila? Kumusta ka riyan? Hindi ka pa ba natatapos?” “Hindi pa ho. Pero isa na lang po ang natira, kaso kulay puti ito ay may mantsa pa. Saan ba nagtatrabaho si Sir Ryllander? Bakit may mantsa ang puting brief niya na para bang ayaw nang matangal pa?” “Sa opisina, Lila.” “Ha?! Opisina?! Kung gano’n ay dapat hindi ganito ang mantsa na nakukuha niya. Imposible nga na mamantsahan ang brief niya, hindi naman ito sa labas sinusuot, a.” “Alam mo naman ang mga lalaki, hija. May sariling mantsa ang mga iyan.” Sinundan pa ni Lordes ng tawa ang winika, kaya naman ay napakunot na lamang ng noo si Lila. Hindi niya kasi batid ang pinagsasabi ng ginang. “Tapusin mo na lang iyan at magpahinga ka na. Maaga pa siya bukas dahil may importante raw siyang gagawin sa opisina. Hindi ka puwedeng mag-tulog-mantika at baka ikaw ay mapagalitan na naman ni Sir Ryllander.” “Ano po ang mantsang iyon, Aling Lordes? Saan naman iyon galing?” “Lumalalim na ang gabi, Lila. Hindi dapat pinag-uusapan iyon. Malayo pa naman ang aking asawa,” sabi ng ginang na may pilyang ngiti sa mga labi. “Good night, Lila.” Mas nalito si Lila, kaya ay huminga na lamang siya nang malalim at nagpatuloy sa paglalaba nang hawak na brief ni Ryllander nang iwanan siya ni Lordes. Nang matapos ay inamoy niya isa-isa ang mga brief na kaniyang nilabhan. Nais niyang matiyak na lahat ng nilabhan niya ay malinis at mabango. “‘Yan! Imposible na hindi matuwa ang supladong iyon. Mabango na ang lahat ng brief niya!” Inabot niya ang huling brief na nilabhan niya. Sinuri niya ang bawat parte nito at nilapit sa kaniyang mukha upang amuyin ito. “Amoy bulaklak na sariwa. Parang iyong maliit na hardin ni Nanay ang amoy! Ang bango—” “Fuck! What do you think you are doing, Miss Maid?!” Habang inamoy ang brief ng amo niya ay dumating ito na nanlaki ang mga mata sa nakita. Bumagsak ang dala nitong mga damit na hula ni Lila ay ipapalaba sa kaniya. “Sir? Inamoy ko lang at sinuri. M-Maselan ka raw kasi kaya ay gusto kong matiyak na wala na itong dumi at nawala ang lahat ng bahid ng mantsa sa bawat underwear mo.” Umiling ang lalaki, hindi naniniwala sa kaniyang sinabi. Tumayo si Lila at nilagay sa laundry basket ang inamoy na brief. “Hindi iyon ang nakita ko, Miss Maid! Don't do that again!” “Ang alin? Ang amuyin ang brief mo?!” “Whatever! That's not appropriate,” wika nito. “Hala! Huwag mong isipin na pinagpapantasyahan kita, Sir Ryllander! H-Hindi ako ganoon klase ng babae, a! Mabuti ang pagpapalaki ni Nanay sa akin. Huwag ko akong pag-isipan nang ganoon! Masama iyon,” angil niya. “Kaya ka siguro matagal natapos dahil ginawa mo iyon sa lahat ng brief ko! Well, maybe there are no handsome men in your poor province,” sabi nito. Huminga siya nang malalim. Oo, hindi gaanong guwapo ang mga lalaki sa probinsiya, pero halos lahat naman sila ay mababait at maginoo. “Sabihin mo na kung ano ang gusto mo at iniisip mo kung di ka naman papaawat, Sir Ryllander, pero ipapaalala ko lang sa iyo na hindi ako ganoong klase ng babae. May respeto ako sa sarili ko.” Tumitig siya sa dalang mga damit ng Amo niya. “Iwanan mo na lang diyan ang mga damit na iyan at bukas nang umaga ko na lang po iyan lalabhan.” Nilagpasan niya ang Amo niyang may masamang pag-iisip tungkol sa kaniya. Kinalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pag-pikit, sabay hinga nang malalim. Malinis ang konsensiya niya kaya ay hindi siya dapat maapektuhan sa sinabi ng Amo niyang iyon.Epilogue: Pagpasok pa lang sa entrada ng mansiyon ay agaw pansin na ang kay gandang dinekorasyong sala. Nakasabit hanggang sa malapat sa sahig ang mga kurtinang natitiyak na nabibili sa pinakamahal na pamilihan ng mga tela. Mayroon ding mga fairy lights na nagniningning na animo’y mga palamuti sa langit, walang hanggang pagkukutitap ang ginawa ng mga ito. Ang mga preskong bulaklak na may luntiang mga dahon na nasa ibaba lang ng bunga’y maaliwalas sa mata, lalo na ang mga puting rosas na nagsisimbolo kung ano ang okasyon ngayon— engrandeng pag-iisang dibdib ng nagmamahalang sina Lila at Ryllander. Sa silid kung saan inaayusan si Lila ay pumasok ang kaniyang ina na nakasuot ng isang eleganteng kamiseta. Nakangiti nitong tinungo si Lila kung saan ito nakatayo at nakadungaw sa labas mula sa bintana. Malayo ang tingin niya. Subalit nang marinig niya ang tikhim ng kaniyang Nanay ay lumingon siya rito. Nakangiti man ang ina niya’y pansin niya pa rin ang mga mata nito na para bang nanunubi
Chapter 159:Habang abala siya sa paglilipat ng mga pahina ay umusog sa kaniya si Ryllander. Umakbay ito sa kaniya at hinawakan pa nito ang kaniyang kamay. Ngumiti siya palingon sa lalaki. Nakita niya rin na malapad ang ngiti nito sa kaniya. Mayamaya ay hinalikan siya ni Ryllander sa pisngi, malapit sa kaniyang labi. “Ryllander, baka makita tayo. Nakakahiya. Baka kung ano ang isipin ni Miss L.”“Sa guwapo kong ito, kinakahiya mo ako, Babe? I’m hurt,” wika ng lalaki at kunwa’y bumusangot pa. “Hindi ganoon, Ryllander. Ang akin lang ay baka isipin nila na kahit saan na lang tayo naghaharutan.”Mahinang buhakhak ang pinakawalan ni Ryllander. “Babe, wala na sila roon. This is our thing bilang future legal na mag-asawa.” Huminga ito nang malalim at muling sinentro ang titig sa pahina kung saan tumigil si Lila. “Gusto mo ito?” “A-Ah… mahal masyado. Subukan na lang natin tingnan ang isa pang alok ni Miss L. May dalawa pa naman tayong hindi sinusuri.”“Hindi ko tinatanong kung magkano ang
Chapter 158:Nakatanaw siya sa labas ng coffee shop kung saan siya dinala ni Ryllander. Ni hindi pa nagising ang mga anak nila nang sila ay umalis sa mansion. Nangalahati na ang kape sa kaniyang tasa, maging ang croissant na nasa puting platito ay ganoon din. Pinagmasdan niya ang mukha ni Ryllander. Masaya ang mga mata nito at tunay na maaliwalas ang presensiya na nakilita niya sa lalaki. Para bang nakalunok ito ng happy pill na walang expiration. Madalas ay natatawa siya, lalo na kung kaniyang naguginita ang mga unang pagkakataon na nagkaroon sila ng encounter nitong lalaking hindi niya inaasahan na magiging fiancé niya. Bahagi lang din ng panaginip niya ang pagkakaroon ng kasintahan, subalit ngayon ay nagkakatotoo na nga. Hindi lang iyon sapagkat biniyayaan siya ng kambal na anak. “Bakit mo ako dinala rito?” tanong niya sa lalaki matapos siyang sumimsim ng kape. “Ang sabi mo kanina nang tayo ay papunta rito’y sikat ang coffee shop na ito. Subalit bakit ganoon? Tayo lang ang tao,
Chapter 157:“Ang haba naman ng mukha natin, Sir.”“Aling Lordes, gusto ko na kasing makita si Lila. I miss her so much!”“Bakit hindi mo siya silipin sa kabilang room? Wala naman sigurong masama kung sisilipin mo lang siya, hindi ba? O hindi naman kaya ay mag VC kayo.”“I can’t. I mean, I should not.”“Hmmm.”“Alam ko kasi na hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag nakita ko siya. Kaya nagtitiis ako kahit na mahirap para sa akin na hindi siya makasama.”“Ikaw talaga. Kung sa bagay ay hindi naman kita masisisi. Sa gandang babae ng fiancée mo ay tiyak ako na hindi mo siya matitiis.” Itinali na ng Ginang ang bandeha sa kaniyang likod. “Iyan, tapos na. Kaunti na lang at gagaling nang tuluyan ang mga sugat mo. Kaunting tiis na lang din. O siya, aalis na muna ako. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka.”“I will surely do that. Thank you.”Kinuha niya ang unan sa gilid at ginamit pantakip sa gitna ng kaniyang mga hita. Halos dalawang buwan na at hindi pa gaanong humilom ang mga su
Chapter 156:Habang hinintay niya ang pag-gising ni Ryllander ay nakapatong ang mga bisig niya sa hospital bed, at doon niya pinatong ang kaniyang noo. Dahil sa pagod ay hindi niya nabantayan na tinangay ng antok niya ang kaniyang diwa hanggang siya ay makatulog. Isang kamay ang humawak sa kaniyang ulo at hinaplos-haplos ito. Nang magising siya ay marahan niyang inangat ang kaniyang mukha upang matitigan ang fiancé niya na nakahiga pa rin, subalit sa pagkakataon na ito ay gising na’t nakangiting nakatitig sa kaniya si Ryllander. “R-Ryllander, gising ka na!”“Yes, Babe. Gising na ako,” tugon nito. Huminga siya nang malalim. Hindi niya napigilan ang emosyon niya. Napahagulhol siya at kaniyang hinawakan ang kamay ni Ryllander. “Ryllander, I was so worried that you might not be able to wake up. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa iyo. P-Para rin akong nasa bingit ng kamatayan simula nang binalitaan ako ni Totoy tungkol sa kalagayan mo.” “Hindi ako papayag na mamamatay ako
Chapter 155:Nakaharang ang mga luha sa kaniyang mga mata habang tinahak niya ang daan patungo sa labas ng ER. Naroon ang kaniyang kaibigan na si Totoy, nakaupo ito at nang makita siya ay agad itong tumayo. Sa bigat ng kaniyang dinaramdam ngayon ay hindi niya alam kung ano ang salitang bibigkasin niya. Agad na niyakap siya ni Totoy at umiyak siya nang todo sa dibdib ng kaibigan. “Lila, hinihintay ka ng doctor. Kailangan mong pirmahan ang waver.”Humiwalay siya sa kaniyang kaibigan nang lumakad patungo sa kanilang gawi ang doctor na may dalang papel.“Ikaw po ba ang kapamilya ng pasyente, Ma’am?”Tumango siya. “Pakipirmahan na po ito nang sa ganoon ay maoperahan na agad ang pasyente.”Nanginginig niyang binasa sa pamamagitan ng kaniyang mga mata ang nakasaad sa papel na kaniyang hawak-hawak. Kapag pipirmahin niya ito ay kahit na ano ang resulta ng operasyon ay walang pananagutan ang mga doctor na magsasagawa ng operasyon. Kung hindi naman niya ito pipirmahin ay mas lalong hahaba ang