Share

Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss
Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss
Author: Glad Fortalejo

Prologue

last update Last Updated: 2024-12-31 20:20:15

Prologue:

Tumingin na lamang sa langit si Lila nang bumalik sa isipan niya ang sinabi ng doktor sa kaniya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa sinapit ng ina niya. May barbecue-han sila at doon nagsimula ang sakit na tuberculosis ng kaniyang ina, at ang masaklap ay lumalala na ito.

“Hija, dugo na ang inuubo ng nanay mo. We can't do anything kun'di ang tanggapin ang masamang mangyayari sa kaniya kung hindi niya maipagpapatuloy ang pag-inom ng mga gamot para sa sakit niya.”

Humingang malalim ang dalaga at umupo ito sa kinalawang na silya sa labas ng ospital. Tumingin siya sa paligid at mga malalabong imahe ng mga taong naglalakad ang kaniyang nakikita dahil sa mga luhang humarang sa kaniyang mga mata.

“Diyos ko? Paano na ito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng maisusustento ko sa pangangailangan ng aking ina.”

Hayskul graduate lamang si Lila kaya hindi na siya umasa pa na matatanggap siya para sa maayos na trabaho. Lalo na at hindi siya bulag sa sistema ng Pilipinas. Kulang na nga lang ay mag-required ang bansang ito ng doctoral degree para sa posisyon ng isang janitor.

Nangamba siya, sapagkat mahirap makatagpo ng matinong trabaho ngayong mga araw na ito.

Isang malalim na buntonghininga na lamang ang kaniyang pinakawalan at inalis niya ang mga luhang sagabal upang maging malinaw ang paligid sa kaniyang paningin.

Tumayo siya matapos tumingin sa de bateryang relo sa kaniyang wrist na pamana pa ng kaniyang namayapang ama. Kung hindi namatay sa pamamasahero ang ama niya ay tiyak siyang may masumbungan na siya ngayon ng mga problema na may roon siya, tiyak na may kasama na siyang harapin ang mga bundok ng paghihirap na nasa harap niya.

Sa edad na bente-singko ay hindi niya naranasan ang buhay ng ibang kabataan. Gugol siya sa pagtulong sa ina dahil dalawa na lamang sila sa buhay. Kahit naman may mga kamag-anak sila ay nahihiya siyang lumapit sa mga ito dahil mata pobre ang mga ito.

Akmang hahakbang siya pabalik sa loob ng ospital nang naagaw ng isang player na nasa lupa ang kaniyang mga mata. Isang malaking bahay ang nasa litrato at may nakasulat na “Urgent Hiring: Maid! ₱20,000.00 salary, free accomodation and necessities”. Yumuko siya upang damputin ito mula sa lupa. Muli niyang binasa ang mga nakasulat sa papel upang matiyak na hindi siya nagkakamali.

“D-Diyos ko? Ito ba ang iyong tugon sa dasal ng aking puso?”

Pinalangoy niya ang kaniyang kanang kamay sa loob ng bag na dala niya at sinubukan itong buksan. Nakahinga siya nang maayos dahil hindi inabutan ng topak ang cellphone niya.

Tinawagan niya ang numero na nasa ibaba ng adbertisment. Mabuti na lang at may agad na sumagot sa kaniyang tawag.

“Hello? This is Callares residence. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?” matinis na tanong ng babaeng tantiya niya ay ka-edad ng kaniyang ina.

Unang pumitik ng kaba ang kaniyang dibdib, hindi batid ni Lila kung ano ang mabuting itugon sa kausap. Para bang nalula siya. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng boses ng isang taga-Maynila.

“H-Hello po. Magandang araw po. Ako po si Adellilah Mantoha p-po.”

“Hija, bakit ka napatawag?”

“Mag-apply p-po sana ako bilang maid. Nakita ko kasi sa player na naghahanap kayo ng maid.”

“You're hired.”

“P-Po?!”

Nagulat siya sa tugon ng kausap. Hindi man lang ba tatanungin nito kung saang lupalop ng daigdig siya nakatira? Nag-duda si Lila kaya naman ay hindi niya maiwasan ang mag-isip nang masama. Baka mamaya ay patibong lang ito at kapag tutungo siya sa Maynila ay kakatayin siya na parang baboy at ibebenta ang kaniyang lamang-loob.

“Ang sabi ko ay tanggap ka na sa trabaho.”

“G-Ganoon na lang po iyon? Tanggap na po ako, agad-agad?”

“Aba! Parang ayaw mo naman na tanggapin ka bilang maid, a.”

Pumikit siya. Bahala na ang Diyos sa kaniya. Hindi naman siguro siya mapapahamak kung manalig lamang siya sa taas. Isang madulas na desisyon ito, subalit ito na lamang ang natitirang opsyon sa kaniya.

“G-Gusto ko po. Kaso nasa probinsiya po ako.”

“Don't worry, hija. Itetext kita mamaya at papadalhan ng pera pang pocket money mo at ako na rin ang bahala magbu-book ng ticket para sa iyo. Dumiretso ka na lang sa airport kapag nakuha mo na ang pera na ipapadala ko. Bukas na bukas ay dapat nasa airport ka na, okay?”

“A-Ang bilis naman po.”

“Hija, kaya nga may urgent sa adbertisment na iyong nabasa sa players na napulot mo. O siya, kailangan ko na itong ibaba nang sa ganoon ay makapaghanda ka na riyan.”

Natapos ang kumbersasyon nila ng kaniyang nakausap at hanggang ngayon ay hindi pa rin napasok sa sistema niya na siya ay tanggap sa trabaho nang ganoon na lamang.

Tumunog ang cellphone niya. Nagpakilala ang nag-text bilang Lordes at hiningian na agad siya ng address, numero at kompletong pangalan. Walang anu-ano’y ni-reply-an niya si Lordes at nilagay roon ang detalyeng hiningi sa kaniya.

“Diyos ko?!”

Halos mabitawan niya ang cellphone niya sa kaniyang nakita. Plakado trentamil ang sinend sa kaniya ni Lordes. Sa takot na baka mawala sa gitna ang pera ay kaniya itong ini-claim sa remittance center sa tapat ng ospital.

Bumalik siya sa ospital na dala ang ngiti. Bukod sa may trabaho na siya ay makakalabas na sa ospital ang nanay niya at may pambili na siya ng mga niresetang gamot sa nanay niya.

-

Nasa sala ang ina niya, nakaupo at nagpapahinga. Katatapos lang nitong uminom ng gamot. Ang pinsan niyang kararating lang ay tulog na.

Nalungkot si Lila nang pagmasdan ang kaniyang ina. Lilisanin niya ang tabi nito dahil hindi niya kayang ibigay ang pangangailangan nito kung mananatili siya sa bahay lang.

Marahang hakbang na tila ba nagpipigil ang ginawa ni Lila patungo sa ina niya. Umupo siya sa tabi nito at yumakap dito. Pumatak sa kaniyang braso ang luha ng kaniyang ina. Alam niya na hindi nito nais na lumayo si Lila, siya na lang ang anak nito at hindi ito sanay na malayo sa tabi ang anak.

“Lila, p-patawarin mo ako. Hindi na nga kita nabigyan ng magandang buhay, naging peruwisyo pa ako sa iyo, anak. Kahit ang pag-aaral mo ay hindi natapos dahil sa aking kakulangan bilang m-magulang mo.”

“Si nanay talaga. Huwag kang malungkot at huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginagawa ko ito para sa ating dalawa. Hayaan mo at kapag nakapag-ipon-ipon ako sa pinagtatrabahuhan ko ay uuwi ako agad.”

“P-Pangako, anak?”

“Pangako ko ho iyon, nanay.”

Kinaumagan ay naghanap ng traysikel na mapapakyaw si Lila. Mabuti na lang at pumayag ang kapitbahay nila na ihatid siya sa airport kahit na umagang-umaga pa. Ngayon kasi ang schedule ng flight niya patungong Maynila. Dumating na rin kanina ang ticket na pinadeliver sa kaniya ni Lordes.

Kabado niyang niyakap ang ina at ang nakababatang pinsan niya.

“Etang, alagaan mo nang mabuti si nanay. Huwag mong hayaan na mahuhuli sa oras ang pag-inom niya ng kaniyang gamot. At ikaw rin, mag-ingat ka at mag-aral nang mabuti.”

Si Etang ang pinsan niya sa panig ng kaniyang ama, at tanging pumayag sa alok niya na samahan ang ina niya habang wala siya, kapalit ay ang pagsusustento sa niya pag-aaral nito.

“Ate, mag-ingat.”

“Anak, tawagan mo ako palagi.”

“Mag-iingat kayo.”

Isang mahigpit na yakap ang katapusan ng mga paalam ng tatlo sa isa't isa. Tutuparin ni Lila ang pangako sa kaniyang ina na uuwi kapag may naipon na siyang pera. Ayaw niya rin na mawalay nang matagal sa ina, kaya ay magtitipid siya at mag-iipon ng maraming pera.

Maingay sa loob ng airport. Pero hindi na iyon alintana ng dalaga sapagkat abala siya sa pag-iisip kung saan siya dadalhin ng desisyon niyang ito.

Habang nasa biyahe ay higit niyang pinagdarasal na sana ay mabait na tao ang kaniyang amo.

Nang makababa siya sa airport sa Maynila ay naghintay siya sa kaniyang sundo. Umupo siya sa flower box sa labas ng airport. Ang sinabi ni Lordes sa text message nito sa kaniya ay ipapasundo raw siya sa drayber upang hindi na siya maligaw pa.

Habang naghihintay ay bumili siya ng kapeng tig-limang piso na sa styro-cup nilagay. Nilagay niya sa tabi ng kanang paa niya ang cup pagkatapos niyang sumimsim mula rito.

Tumingala siya nang tumigil sa tapat ng kinauupuan niya ang isang lalaking kayumanggi ang balat subalit makinis ito, matangkad at macho ang katawan. Nakasuot ito ng shades kaya naman ay mas umangat ang kaguwapuhan nito sa mga lalaking nakikita ni Lila na dumadaan dito kanina pa.

Kumapa ang lalaki sa kaniyang bulsa at mayamaya pa ay pinasok na niya ang kamay niya rito. Nakita niya na kumuha ng tatlong piso ang lalaki at hinulog nito sa kaniyang kape.

Nanlaki ang mga mata ni Lila. Nagtitipid siya kaya iyon ang kape na binili niya, pero sinayang lang ito ng lalaki at nilagyan ng tatlong piso.

“Hoy! Bakit mo tinapunan ng tatlong piso ang kape ko?! Nangangasim na nga ang sikmura ko, tapos sinayang mo ang kape ko?!”

“Eh? Aren't you a beggar?!”

Kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay nakakaintindi siya ng salitang Ingles. Sayang ang kaguwapuhan ng lalaki dahil bastos ang ugali nito.

“Aba’y talaga namang bastos ka!” aniya at tumayo. Hanggang balikat lamang siya ng lalaki pero hindi ibig-sabihin na hahayaan na lang niya ang lalaki na maliitin siya. “Sa ganda kong ito? Beggar ang tingin mo sa akin?”

“Tsss! Pretty my ass.”

Dumiretso ang lalaki at hindi na siya pinansin nito. Bumalik sa kaniya ang lalaki at inaral nito ang mukha ni Lila.

“Are you Adellilah Mantoha?”

“Yes! Ako nga! Bakit—” Napahawak siya sa kaniyang bibig. Ito na siguro ang drayber na sinabi ni Lordes na susundo sa kaniya. “Hays! Ang feeling mo kanina! Maka-asta ka ay parang boss ka. Ikaw lang naman pala ang driver ng mga Callares.” Lumingon siya sa dalawang bagahe na dala niya. “Ito ang mga gamit ko dalhin mo dahil pagod ako at gutom na rin.”

“What?!”

“Mister Drayber, bilisan mo na. Umalis na tayo rito.”

Hindi na nagsalita ang lalaki pero bakas sa mukha nito na naiinis siya kay Lila.

Nang nasa sasakyan na sila ay umupo siya sa tabi ng upuang pang drayber. Nahihilo kasi siya kapag sa likuran siya nakaupo at hindi niya makita ang unahan ng daan.

Dahil sa pagod ay nakatulog siya. Kung hindi pa tinulak ng drayber ang ulo niya ay hindi siya nagising.

Halos malula siya nang sumilip siya sa labas. Nakita niya ang dambuhalang gate, at sa loob nito ay may dambuhalang bahay na para bang sa mga teleserye niya lang nakikita. Maganda, magara, at prestihiyuso.

“Wow! Ang gara naman ng amo natin— Nasa’n na iyon?”

Bumaba siya at agad na humawak sa sasakyan. Tinapon ng drayber ang mga bagahe niya sa tabi niya. Tiningnan niya ito sa mukha at inirapan.

“Isusumbong kita sa amo natin!”

“Do your worse.”

“Tse! Feeling!”

Pinindot niya ang doorbell. Bumukas ang gate at pinapasok siya ng guard. Mayamaya ay tumungo sa kaniyang direksyon ang isang babae na sa tingin niya ay ang siyang kaniyang nakausap at nag-text sa kaniya.

“Lila?”

“Opo. Ako nga po, Aling Lordes.”

“Mabuti at nakapaghintay ka. Pasensiya ka na, ha? Hindi available ang mga drayber kanina kaya natagalan bago ka nasundo.”

“Ha? Nasundo naman ako ng drayber, ah. Medyo masungit nga lang,” aniya na medyo nahihiya pa sa kausap.

“Lila, sinong drayber ang tinutukoy mo?”

Inalala niya ang mukha ng lalaki at ang pisikal na anyo nito. “Hmm. Iyong moreno, matangkad, macho, makapal ang mga kilay, at Inglesiro. Guwapo siya, ah. Pero mukhang may saltik. Tinapunan ba naman ng tatlong piso ang kape ko. Ang suplado! Kapag nagkita kami ng boss natin ay isusumbong ko siya. Pero bawi naman, sinigawan ko siya at inutusan na bitbitin mga gamit ko—”

“Dios Mio, Lila! Hindi drayber iyon. Si Sir Ryllander iyon! Patay kang bata ka! Bakit mo inutusan ang amo mo?”

Nanatiling naka-awang ang kaniyang bibig at halos kapusin ng hininga si Lila.

Mariin niyang pinikit ang mga mata niya. Namumula siya sa hiya dahil sa ginawa niya.

“Diyos ko?!”

“Lila, siya ang nagprisenta na sunduin ka dahil walang bakanteng drayber. Ikaw talagang bata ka.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 110

    Chapter 110:Hingal na hingal siyang umahon sa kaniyang higaan. Pumikit siya bago bumuga ng marahas na hangin. Nanaginip siya tungkol sa lalaking walang mukha na noon pa ma’y dumarayo sa kaniyang panaginip. Subalit sa pagkakataon na ito ay hindi na pareho ng ugali nito ang nakita niya sa kaniyang panaginip. Nakasuot ng hood ang lalaki at may dala itong baril. Inangkin ng lalaki ang pagkababae niya. Subalit nang may tumangkang lumapit sa kaniya na isa pang lalaki na may dalang itak ay binaril ito ng lalaking walang mukha. Nang akmang halikan siya ng lalaki ay bigla itong nagkaroon ng mukha. Dahil sa takot ni Lila ay kaniyang niyakap ang sarili. Dinamdam ang sakit ng panaginip niya. Maging ang lalaking marangal na nasa panaginip niya ay naging kampon na rin ng demonyo. Nagawa na nitong hamakin siya, tulad ng ginawa ni Ryllander sa kaniya limang tao ang nakalipas. “H-Hindi puwede,” aniya’t umahon kalaunan. “Bakit naging si Ryllander a-ang lalaki sa panaginip ko?”Bumaba siya upang um

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 109

    Chapter 109:“I asked Aling Lordes and Mang Topeng where you were, Cous. Ang sabi nila ay hindi nila alam. I thought you were unwinding. But you are here, drowning yourself with alcohol.”Sumulyap siya sa kaniyang pinsan. Pilit na ngiti ang ginawa niya at sa halip na bigyan pa ng pansin si Adah ay inabot niya ang baso na puno ng beer at tinungga ito. “You are making it worse, Cous. I thought you moved on from what happened five years ago. You told me that you should focus on your business.”Tanda niya pa ang araw na sinabi niya kay Adah ang bagay na iyon. Dahil sa paglalayon niya na ilaan ang kaniyang atensiyon sa negosyo niya ay binigay niya kay James ang katungkulan bilang pinuno ng Dark Mafia Organization ilang taon ang lumipas nang iniwan siya ni Lila kung saan siya nagmakaawa. “Iyon rin ang akala ko, Adah,” mahinang sabi niya. Kung hindi bumuka ang bibig niya ay hindi siya maintindihan ng pinsan niya dahil sa lakas ng musika sa loob ng nightclub kung saan siya naroon. “But dest

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 108

    Chapter 108:Inisa-isa niyang ayusan ang mga anak niya. Papasok na ang kambal sa bagong bukas na primary school sa probinsiya nila, Kinder na ang dalawa at nais niyang maagang pumasok sa eskuwela ang mga ito nang sa ganoon ay mas lumawak pa ang dunong nila, kahit na sa pagbabasa man lang at pag-sulat. Buo ang tiwala niya sa dunong ng dalawa, sa ayaw at sa gusto niya kasi ay dugo ni Ryllander ang dumadaloy sa mumunting mga ugat ng kambal. Matalino ang ama nila at tiyak na namana nila ang dunong nito.“Mommy, isn’t it daddies are the one that brings their kids to school?” malungkot na tanong ni Darvin.“Oo nga po, Mommy. Iyong pinanood namin na movie, iyong daddy nila ang naghatid sa kanila. Bakit kami, hindi ang daddy namin ang maghahatid sa amin? Bakit ikaw lang po?” Si Darkin na ginulo ang buhok dahil ayaw nito na hatiin sa gitna ang estilo ng kaniyang buhok.Lumuhod siya at marahang pinagtabi ang dalawa hanggang wala nang espasyo ang namamagitan sa kambal. Alam niya na darating ang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 107

    Chapter 107:Limang taon na ang lumipas at akala niya ay hindi na sila magkikita pa ng lalaki. Higit pang nangyari ang iniiwasan niya- ang makita ni Ryllander ang kambal na talaga namang kamukha nito. Ganoon pa rin ay matindi niyang itinanggi ang katotohanan, at kahit ano pa ang mangyari ay kaniyang ikikimkim ang tunay na koneksiyon ng mga anak niya sa lalaking iyon.Niyakap niya ang sarili nang hinalikan ng malamig na hangin ang hubad niyang mga braso. Nasa terasa siya ng kanilang bahay at kaniyang tinanaw ang dilim na mahigpit ang yakap sa paligid. Huminga siya nang malalim.Tikhim mula sa likuran niya ang pumukaw sa kaniyang isipan mula sa malalim na pag-iisip. Lumingon siya at nakita ang kaniyang nanay na humakbang papunta sa kaniya. May iilang hibla ng buhok nito na kulay abo na, subalit ang ganda ng kaniyang ina ay nanatitili pa rin.“Anak, gabi na masyado. Bakit nandito ka pa rin?”“Wala lang, Nanay. Nag-iisip lang ako,” aniya at malungkot na ngiti ang ginawad niya sa kaniiyang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 106

    Chapter 106:“What flavor do you want, guys?” tanong niya sa dalawa.“Ube!”Malapad siyang ngumiti sa dalawa. Naging komportable sa kaniya ang mga bata. Maging siya ay ganoon din sa kanila. Para bang matagal na niyang kilala ang mga ito. At tila ay may isang kuwerdas ng koneksiyon na mayroon silang tatlo. Ngayon lang siya muling sumaya sa araw ng kaniyang kaarawan. At dahil ito sa dalawang bata na para bang mga anak niya.“Alright. Hintayin niyo ako rito, a. I will buy ice cream for us,” aniya.Tango lamang ang ganti ng dalawang bata sa kaniya.Tumungo siya sa counter at agad na nag-order at nagbayad. Sa parlor na ito kasi ay kailangan mong bayaran ang inorder bago mo ito makukuha. Nakangiti na tumitingin sa kaniya ang babae. Nahuhuli niya rin ito na sumisilip sa likuran niya. Tinitingnan kasi nito ang mga batang kasama niya.“Dalawang medium tub ng ube ice cream, at isang large noon,” aniya.“Limang daan, Sir.”Kumuha siya ng pera sa kaniyang pitaka at agad itong binigay sa babae. Hi

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 105

    Chapter 105:Kahit na hindi madali ay kinaya ni Lila na palakihin ang mga anak niya. Hindi naging hadlang ang pagiging solong magulang niya sa dalawa upang matugunan ang pangangailangan nila. Nakakapagod bilang isang ina, lalo na at kambal ang kaniyang inaalagaan. Gayunpaman ay napansin niyang mas naging matatag siya bilang isang indibidwal. Maraming gabi na hindi siya makatulog, ilang taon niya ring napabayaan ang sarili, subalit walang siyang pinagsisisihan. Sa tuwing nakikita niyang lumalaki ang mga anak niya ay mas nagpupursige pa siya upang maging isang matatag at sapat na magulang sa mga anak niya.Abril Kinse. Limang taon na ang nakalipas nang iniluwal niya ang dalawa. Noon ay dinuduyan niya lamang ang mga ito. Subalit ngayon ay naging kaaway niya na ang dalawa sa iilang mga pagkakataon. Mabuti na lamang at nakaalalay sa kaniya ang Nanay niya at ang pinsan niyang si Etang na ngayon ay nakatapos na sa pag-aaral. Midwifery ang kinuha ni Etang, kaya ay sa loob ng dalawang taon niy

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 104

    Chapter 104:Pinahid niya ang kaniyang mga luha habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplano. Mapuputing ulap ang kaniyang nakikita, mabuti na lamang at maganda ang panahon ngayon. Taliwas sa damdamin niyang daig pa ang masamang panahon.“Ano na ang iyong gagawin ngayon, Lila? Sinabi mo na kay Ryllander na hindi sa kaniya ang batang nasa sinapupunan mo. And I think he believed on your words.”“Totoy, buo na ang pasya ko na itatago sa kaniya hanggang sa wakas ang anak ko. Hindi ko siya kayang patawarin dahil lamang ay magkasama kayo na iligtas ako.” Suminghot siya at agad na tumingin kay Totoy. “Hindi ko masikmura ang mukha niya sa panahon na ito. Gusto ko na nga lang magkaroon ng amnesia upang tuluyan kong malimutan ang detalye ng buhay ko kung saan ay nasulat doon ang kaniyang pangalan. Ni hindi ako natuwa sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Sa halip ay naaawa ako sa sarili ko, sapagkat ang taong iyon pa ang isa sa mga nagligtas sa akin.”“Ginawa niya iyon dahil mahal ka niya. Al

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 103

    Chapter 103: Bahagyang ngiti ang pinakawalan niya sa langit. Maya’t maya ay naglaho ang ngiting iyon dahil naawa siya sa kaniyang sarili at nanliit na para bang hindi na siya nakikita pa ni Lila. Nabigo siyang pigilan ang pagpatak ng luha niya. Suminghot na lamang siya at inabot ang lata ng beer na nasa tabi niya sa ibabaw ng upuang bakal sa park dito sa ospital. Ilang ikot na lamang ng galamay ng orasan ay sasapit na ang gabi. Subalit nanatili ang liwanag kung saan siya nakaupo marahil ay maraming ilaw ang nakalambitin sa bawat poste na nakatayo sa park. Nakapikit niyang tinungga ang lata at agad na inubos ang laman nito. Nang kaniyang binuksan ang mga mata niya ay nakita niya si Totoy. “Ano ang sabi niya?” tanong niya sa lalaki at kaniyang tinapon ang lata sa basurahan. “Ayaw ka niyang kausapin.” “Ang tanga ko, ano? Alam ko naman na hindi niya ako kakausapin, e. But I keep on bothering her. Hindi na siguro niya ako mapapatawad, Totoy.” Tumingala siya sa mukha ng lalaki. “Alam mo

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 102

    Chapter 102:Hinang-hina siya. Sinubukan niyang ahunin ang kaniyang ulo subalit pakiramdam niya ay ang bigat na nito. Ang kaniyang katawan ay puno ng sugat na naging dahilan ng walang-tigil na pagmamanhid ng kaniyang laman. Muli siyang sinipa ni Celine. Kaya ay tumingala siya sa babae at muling nag-makaawa.“H-Huwag mo nang patagalin pa ang lahat, Celine. P-Patayin mo na lamang ako. Hindi ko na kaya pa…”Yumuko si Celine upang maabot ang kaniyang buhok. Inahon siya ng babae at pinilit siyang makatayo. Inangat nito ang kaniyang ulo at ilang beses na inalog-alog pa.“Tingnan mo siya ngayon, Lila! Tingnan mo ang lalaking sinabi mong walang pakialam sa iyo! He is weak and has no power to save you! But still, he is here, trying to save you.” wika nito. “Nakita mo na? Pumunta siya rito! You lied to me! Ang sinabi mo sa akin ay hindi ka niya pupuntahan, hindi ka na niya hahanapin pa, at wala na siyang pakialam sa iyo! Pero isang tawag ko lang sa kaniya at sabing hawak kita ay sumuko na siya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status