Share

Chapter 39

Penulis: Glad Fortalejo
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-26 19:19:29

Chapter 39:

Ilang araw na hindi siya kinausap ng Amo niya. Mabigat iyon sa kaniyang damdamin dahil sanay na siya sa trato na pinakita ng Amo niya sa kaniya.

Matamlay niyang niligpit ang mga gamit ni Ryllander na nakakalat sa loob ng silid nito. Nagsimula ang pag-iiwas ng Amo niya noong nagdesisyon siyang patawarin si Marky.

Mahirap sa kaniya ang muling maranasan ang malamig na trato ng Amo niya. Nang hapon ay kaniyang inabangan si Ryllander sa mismong silid nito.

Pinadaplis niya ang kaniyang titig sa mga baril na sa tingin niya ay bagong linis ng Amo niya. Umiling siya at bahagyang ngumiti nang bumukas ang pintuan.

“Sir Ryllander?”

Iniwasan siya ng Amo niya. Umupo ito sa kama at nagpakaabala sa paghuhubad ng mga sapaw na saplot nito. Humalukipkip siya sa harap ng Amo niya, subalit ganoon pa rin ang trato ng Amo niya sa kaniya.

“Hindi mo ba talaga ako kakausapin?!”

Sumipol pa si Ryllander. Kaniyang inirapan ang Amo at bigla na lang niya itong hinawakan. Pinihit niya ang Amo upang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 112

    Chapter 112:Sumulyap siya sa orasan na nasa pader ng kaniyang boutique. Hapon na at mayamaya’y uwian na ng kambal. Umunat siya at agad na tumayo. Buong araw rin siyang nakaupo at nagtatahi ng maraming piraso ng mga damit na inorder sa kaniya. Sa awa ng Diyos, kahit na nasa probinsiya nakatirik ang kaniyang boutique ay lumago ang kaniyang maliit at simpleng negosyo. Kinuha niya ang kaniyang bag nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad siyang tumalima upang sagutin ang tawag na natanggap niya. “Hello?”“Hello po. Miss Lila, kukunin po namin ni Mama ang mga damit mamaya. Around 5 PM po.”Pumikit siya. Saglit niyang inilayo ang kaniyang cellphone at bumuga siya ng hangin. Tapos na niyang matahi ang mga damit at kailangan na lamang tupiin ang mga ito at ipasok sa mga packaging nila. “A, sige, sige. Nasa boutique lang ako. Hihintayin ko kayo.”“Maraming salamat po. Isesend ko na lang ang kulang ni Mama na Sampung libo sa account mo.” “Sige. Maraming salamat.”Pagkatapos ng tawag na iy

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 111

    Chapter 111:“Hindi niya talaga ako tatantanan! Hayop na lalaking iyon! Hayop! Hayop pa siya sa hayop!”Bumangon-higa siya nang ilang beses habang pinagpupukpok ng kaniyang kamao ang kaniyang ulo. Hindi na naman siya pinatulog ng nangyari kanina sa paaralan. Ang lakas ng loob ni Ryllander na kausapin siya nang ganoon. Umaandar na naman ang yabang ng lalaki at pinapakita na naman nito na dapat itong katakutan dahil sa yaman at pangalan na mayroon ito. Tumigil siya sa ginagawang pakikipag-away sa sarili nang may mumunting mga katok siyang narinig mula sa labas ng kaniyang silid. Bumaba siya sa kama at agad na tumungo sa pintuan. Nang ito’y kaniyang binuksan ay nakita niya ang mga anak niyang tumingala sa kaniya. “Mommy, hindi kami makatulog ni Dark,” sumbong ni Darvin sa kaniya. “It feels like someone is not allowing us to sleep,” sabi pa nito. “Nang sinubukan naming matulog ni Darvin. We saw a man in our dreams. Ang weird nga po, Mommy, dahil pareho kami ng panaginip ni Darvin.”Pin

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 110

    Chapter 110:Hingal na hingal siyang umahon sa kaniyang higaan. Pumikit siya bago bumuga ng marahas na hangin. Nanaginip siya tungkol sa lalaking walang mukha na noon pa ma’y dumarayo sa kaniyang panaginip. Subalit sa pagkakataon na ito ay hindi na pareho ng ugali nito ang nakita niya sa kaniyang panaginip. Nakasuot ng hood ang lalaki at may dala itong baril. Inangkin ng lalaki ang pagkababae niya. Subalit nang may tumangkang lumapit sa kaniya na isa pang lalaki na may dalang itak ay binaril ito ng lalaking walang mukha. Nang akmang halikan siya ng lalaki ay bigla itong nagkaroon ng mukha. Dahil sa takot ni Lila ay kaniyang niyakap ang sarili. Dinamdam ang sakit ng panaginip niya. Maging ang lalaking marangal na nasa panaginip niya ay naging kampon na rin ng demonyo. Nagawa na nitong hamakin siya, tulad ng ginawa ni Ryllander sa kaniya limang tao ang nakalipas. “H-Hindi puwede,” aniya’t umahon kalaunan. “Bakit naging si Ryllander a-ang lalaki sa panaginip ko?”Bumaba siya upang um

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 109

    Chapter 109:“I asked Aling Lordes and Mang Topeng where you were, Cous. Ang sabi nila ay hindi nila alam. I thought you were unwinding. But you are here, drowning yourself with alcohol.”Sumulyap siya sa kaniyang pinsan. Pilit na ngiti ang ginawa niya at sa halip na bigyan pa ng pansin si Adah ay inabot niya ang baso na puno ng beer at tinungga ito. “You are making it worse, Cous. I thought you moved on from what happened five years ago. You told me that you should focus on your business.”Tanda niya pa ang araw na sinabi niya kay Adah ang bagay na iyon. Dahil sa paglalayon niya na ilaan ang kaniyang atensiyon sa negosyo niya ay binigay niya kay James ang katungkulan bilang pinuno ng Dark Mafia Organization ilang taon ang lumipas nang iniwan siya ni Lila kung saan siya nagmakaawa. “Iyon rin ang akala ko, Adah,” mahinang sabi niya. Kung hindi bumuka ang bibig niya ay hindi siya maintindihan ng pinsan niya dahil sa lakas ng musika sa loob ng nightclub kung saan siya naroon. “But dest

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 108

    Chapter 108:Inisa-isa niyang ayusan ang mga anak niya. Papasok na ang kambal sa bagong bukas na primary school sa probinsiya nila, Kinder na ang dalawa at nais niyang maagang pumasok sa eskuwela ang mga ito nang sa ganoon ay mas lumawak pa ang dunong nila, kahit na sa pagbabasa man lang at pag-sulat. Buo ang tiwala niya sa dunong ng dalawa, sa ayaw at sa gusto niya kasi ay dugo ni Ryllander ang dumadaloy sa mumunting mga ugat ng kambal. Matalino ang ama nila at tiyak na namana nila ang dunong nito.“Mommy, isn’t it daddies are the one that brings their kids to school?” malungkot na tanong ni Darvin.“Oo nga po, Mommy. Iyong pinanood namin na movie, iyong daddy nila ang naghatid sa kanila. Bakit kami, hindi ang daddy namin ang maghahatid sa amin? Bakit ikaw lang po?” Si Darkin na ginulo ang buhok dahil ayaw nito na hatiin sa gitna ang estilo ng kaniyang buhok.Lumuhod siya at marahang pinagtabi ang dalawa hanggang wala nang espasyo ang namamagitan sa kambal. Alam niya na darating ang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 107

    Chapter 107:Limang taon na ang lumipas at akala niya ay hindi na sila magkikita pa ng lalaki. Higit pang nangyari ang iniiwasan niya- ang makita ni Ryllander ang kambal na talaga namang kamukha nito. Ganoon pa rin ay matindi niyang itinanggi ang katotohanan, at kahit ano pa ang mangyari ay kaniyang ikikimkim ang tunay na koneksiyon ng mga anak niya sa lalaking iyon.Niyakap niya ang sarili nang hinalikan ng malamig na hangin ang hubad niyang mga braso. Nasa terasa siya ng kanilang bahay at kaniyang tinanaw ang dilim na mahigpit ang yakap sa paligid. Huminga siya nang malalim.Tikhim mula sa likuran niya ang pumukaw sa kaniyang isipan mula sa malalim na pag-iisip. Lumingon siya at nakita ang kaniyang nanay na humakbang papunta sa kaniya. May iilang hibla ng buhok nito na kulay abo na, subalit ang ganda ng kaniyang ina ay nanatitili pa rin.“Anak, gabi na masyado. Bakit nandito ka pa rin?”“Wala lang, Nanay. Nag-iisip lang ako,” aniya at malungkot na ngiti ang ginawad niya sa kaniiyang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status