Share

Chapter 60

SHOCKED was written all over Reese's face. Habang sumusunod sila sa stretcher kung nasaan si Pearl. Hindi nila nakita kung ano ang nangyari dahil naagaw ang atensyon nila sa pagpasok ng kuya niya kasama si Arsen.

Nang marinig nila ang sigaw ni Marlon ay napabalik ang tingin nila rito na hawak-hawak na si Pearl na may tama sa may bandang dibdib nito.

Wala silang sinayang na oras at heto nga isinugod nila kaagad si Pearl sa hospital. Isa lang ang alam niya—sinalo nito ang bala na para kay Hycent.

"Pearl, please, huwag mo akong iiwan. Lumaban ka at pinapangako ko na babawi ako huwag mo lang kami iiwan ng anak natin, please." Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Marlon. Napaangat siya ng tingin at nakita niya ang pagtiim bagang ni Hycent at pagtalim ng tingin nito kay Marlon. Nang lingunin siya nito ay mabilis niyang binawi ang tingin at ibinalik sa kanilang harapan.

"Hanggang dito lang po kayo sa labas," rinig niyang pigil ng isang nurse kay Marlon nang magtangka itong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sarang Hae Park
thank you Miss A sa update.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status