Share

Chapter 3

Author: Switspy
last update Last Updated: 2022-06-23 03:36:10

ISA-ISA niyang kinuha ang mga damit na nasa built-in cabinet. Mabilis ang mga kilos niya kahit nanghihina pa siya dahil sa sagutan nila ng asawa.

Gusto niya pa ring makausap ito at itanong ang tungkol sa anak nila. May karapatan naman siguro siyang malaman ang kalagayan ng anak.

Nang masigurong nakuha na niya ang lahat pati na rin ang gamit sa banyo ay inilagay niya ang mga ito sa isang laundry basket. Hindi naman madami ang damit niya.

"Open this f*cking door!" Napapitlag siya ng marinig ang malakas na sigaw ng asawa at ang pagkatok nito na kulang na lang ay sirain ang pintuan.

Nagmamadali siyang lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Muntik pa siyang mahagip ng bigla itong itulak ng asawa.

"Why do you need to lock the door?" bulyaw ng kanyang asawa.

"Im-im sorry hindi ko na-napansin na nai-"

"Bullshit!" putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Nilagpasan siya ng asawa dahilan para magpakawala siya ng isang malalim na hininga.

His really mad at her. Bakit nga kasi?

Nagulat na lang siya ng makitang binalibag ng asawa ang laundry basket na pinaglalagyan ng kanyang mga gamit sa labas ng kwarto.

"Ba-bakit mo naman itinapon. You could asked me to-"

"Get out!" putol nito sa kanya.

Alam niyang kailangan niyang habaan ang pasensya niya pero tama pa ba ang ginagawa ng asawa?

"What? I said get out and cook!" bulyaw nito muli.

Naikuyom na lang niya ang kanyang kamao at tinalikuran na ang asawa.

Pinulot niya ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Gusto niyang maiyak sa trato ng asawa. Mali bang sumama siya rito? Pero wala naman siyang ibang pupuntahan.

"Magluto ka. Wala na si Nanay Marissa kaya walang gagawa ng mga gawain dito kungdi ikaw. Kung dati...I make you the queen of the house, then now, learn to know your place." Pagkasabi no'n ay malakas na ibinagsak ng asawa ang pintuan pasara.

Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Tao lang din naman siya, nasasaktan. Kasalanan niya ba kung wala siyang maalala? Kasalanan niya ba kung hindi niya maalala kung anuman kasalanan sinasabi nito?

Ilang minuto siyang nakasalampak sa sahig at nakatingin lamang sa mga gamit na nakakalat.

She needs to find out! Hindi pwedeng ganito na lang at hayaan niyang itrato siyang parang basahan. Kung may nagawa man siyang kasalanan hindi sapat 'yun para parusahan siya ng ganito.

PATAPOS NA SIYANG magluto na inabot rin nang isang oras. Mabuti na lang talaga at nagpaturo siya kay Nanay Marissa at nakapagtanong sa kung ano ba ang paborito ng asawa. Kaya naging madali sa kanya ang magdesisyon sa kung ano ang lulutuin.

Hindi niya alam, pero parang sanay na sanay ang mga kamay niya sa pagluluto na maging si Nanay Marissa ay nagulat. Sabi nito nagluluto naman daw siya noon lalo na pag nagrequest ang asawa niya.

Pero, handa na daw lahat ng sangkap at isasalang lang. Dahil hindi niya raw gusto ang nagtatagal sa kusina.

Binalewala na lang niya ang bagay na 'yun dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang magpapasakit sa ulo niya. Isa lang ang nais niya sa mga oras na 'yun. Ang masilayan ang sinasabi nilang anak niya.

Sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya napansin ang kanyang asawa na nakasandal sa may hamba ng pintuan habang matiim na nakatitig sa kanya.

"I'm hungry-"

"Ay kabayong buntis!" tili niya ng magulat sa biglang boses na nagsalita.

Dahan-dahan siyang humarap at napakagat labi ng makita ang seryosong mukha ng asawa na nakacross arms habang nakatingin sa kanya.

"What did you say?"

"W*-wala. Tapos na ito, upo ka na. Ihahain ko lang." Mabilis siyang kumuha ng dalawang Plato at inilagay sa lamesa.

"Bakit dalawa?" masungit na tanong ng asawa.

"For you and for me." Ginamit niya pa ang hintuturo upang ituro ang asawa at ang sarili.

Tumaas ang kilay ni Hycent. "And who told you that I want to eat with you? Remove that one. Eat after me." Pagkasabi no'n ay parang hari itong umupo sa trono.

Tipid siyang ngumiti at iniligpit ang isang plato na para sa kanya sana. Sinimulan niyang ihanda ang pagkain ng asawa.

"Ang sabi ni Nanay Marissa, paborito mo raw ang nilagang baboy kaya 'yun ang niluto ko," sabi niya habang inilalapag ang isang may kalakihang mangkok. "Ayan, okey na. Kain ka na. Sana magustuhan mo."

"Where are you going?" tanong nito ng akmang lalabas siya ng kusina.

"Sa kwarto ko. Tawagin mo na lang ako pagkatapos mong kumain."

"Stay."

Naipilig niya ang ulo sa sinabi nito. Gusto niya bang manatili siya upang panoorin niya itong kumain. Ganito ba kasama ugali ng asawa niya.

'Baka naman naging ganyan dahil may ginawa kang kasalanan' tugon ng isip niya.

Dahil ro'n ay umayos siya ng tayo sa gilid ng asawa. Kung tutuusin ay parang hindi naman asawa ang lagay niya. Kung hindi lang nito iginigiit na may malaki siyang kasalanan ay hindi niya hahayaan api-apihin siya ng ganito.

"Stop looking at me!" galit na naman na sita ng asawa niya. Napairap na lang siya.

Saan kaya nito gustong tumingin siya?

Napipikon na talaga siya, eh.

Hindi niya alam pero muli niyang ibinalik ang tingin sa asawa. Mukhang nagustuhan nito ang kanyang niluto dahil nangangalahati na nito ang sinandok.

"Mabuti naman at nagustuhan mo," di niya napigilang isatinig.

Napatigil naman si Hycent ng ilang minuto at muling pinagpatuloy ang pagkain.

"Hycent," mahinang tawag niya dahil mukhang nasa mood na ang asawa.

Muling natigilan si Hycent...Nagtagis ang panga nito at muling dumilim ang mukha.

Gustong niyang pagsisihan ang pagtawag rito dahil bumalik na naman ang masamang ispirito na nakatira sa katawan ng asawa.

Napapitlag siya nang malakas na ibinagsak ni Hycent ang kubyertos sabay tayo.

"Ang pinakaayaw ko ang iniistorbo ako habang kumakain!" Masama siya nitong tinignan kaya napaatras siya lalo na ng makita niya kung paano nito ikinuyom ang mga kamao na tila gusto siyang saktan.

"Sa susunod, ayusin mo magluto. Walang lasa!" Mabilis na naglakad palabas ang asawa niya.

Napakunot naman ang kanyang noo at nalipat ang tingin sa plato nito na halos wala ng laman. Tapos, sasabihin na walang lasa. Ano 'yun joke?

Sa inis niya ay umupo siya sa iniwanan nitong pwesto at nagsimulang kumain sa iniwanan ding plato, gamit din niya ang ginamit nitong kubyertos. Ano naman ngayon? Mag-asawa sila diba?

"Masarap naman, ah!" bulong niya sa sarili habang sumusubo. Nagpatuloy siya sa pagkain. Bawal mag-aksaya ng pagkain at marami ang nagugutom sa panahon ngayon.

Naiwan sa ere ang pagkain isusubo ng magsalubong ang mga mata nila ng asawa na nakatayo na sa dulo ng mesa.

Pero imbes na mahiya ay itinuloy niya ang pagsubo. Nagugutom siya, bakit ba?

Ibinalik niya ang atensyon sa pagkain. Sa kanyang peripheral vision ay nakita niyang nagtungo ang asawa sa refrigerator at kumuha ng dalawang bote ng beer.

Hinihintay lang naman niyang utusan siya nito pero hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin ay wala naman masamang nangyari maliban sa matatalim nitong tingin.

Napabuga siya ng hangin at napahawak sa kanyang dibdib. Bakit pakiramdam niya ay anumang oras ay aatakehin siya sa puso dahil sa asawa.

Bago pa siya maloka ay tinuloy na niya ang pagkain ng masarap niyang luto na nilait lang ng g*go niyang asawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Makasalanang Mukha   Chapter 70 (FINALE)

    "EXPLAINED WHAT HAPPENED?" seryoso ang boses ni Reese habang nakatingin sa dalawang anak. Narito sila ngayon sa sala. Kakauwi lang nila galing sa school ng mga anak. Ipinatawag sila ng teacher dahil raw nakipagsuntukan ang anak na lalaki at ayaw naman magsalita kung ano dahilan. Kaya humingi na lang sila ng pasensya mabuti at nadaan sa mabuting usapan o mas tamang sabihin na empleyado nila ang magulang ng nasuntok ng kanilang anak kaya hindi na pinalaki.Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na lumaking walang disiplina ang anak. "Hira? Do I need to repeat my question?" Baling niya sa anak na panganay. "Didn't tell you to watch your brother?" Tumingin si Hira kay Hans na nanatiling nakayuko bago nito ibinalik ang tingin sa kanya."Mom, it was my fault. Huwag n'yo na po pagalitan si Hans." Nag-angat ng tingin si Hans at tumingin kay Hira. "I'm sorry Hans, sinabi ko naman kasi sayo na hindi siya nararapat sayo. She's a bitch—""Hira!" Napalakas ang boses niya dahil sa lumabas na

  • Makasalanang Mukha   Chapter 69

    MATAPOS ANG ARAW NA pag-propose ni Hycent ay nakahinga rin siya nang maluwang. After niya malaman na anak niya si Hira ay sinimulan na niya planuhin kung paano mag-pro-propose kay Reese. At nang wala siyang maisip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mommy na humingi rin ng tulong sa mommy ni Reese. At hindi naman sila nabigo. Simple lang pero tama sila, Reese definitely like it. Isa 'yun sa mga katangian nito na talagang umagaw ng kanyang pansin. Despite growing in a wealthy family she stayed humble and kind."Hindi ka ba uuwi?" Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Reese. Napalingon siya rito na kakalabas lang ng banyo. Natatakpan ang katawan nito ng roba habang ang buhok ay may towel na nakapulupot. At hindi niya napigilan na hindi mag-init. Ewan niya ba, pero pagdating kay Reese madikit lamang siya rito ay nabubuhay ang katawang lupa niya. "Stop giving me that look na para bang gusto mo akong kainin ng buhay.""Paano kung gusto ko nga?" sagot niya na ikinabilog n

  • Makasalanang Mukha   Chapter 68

    KAPWA may ngiti sa labi sina Reese at Hycent habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Reese. Matapos ang nangyari sa bahay ni Marlon ay panatag na ang loob nilang iwan si Harold. At sigurado naman sila na hindi ito pababayaan ng mga tunay na magulang. Walang humpay ang pasasalamat naman nina Marlon at Pearl sa kanila. "Harold is really a smart kid and a mature one. Nagulat talaga ako kanina sa revelation niya. Alam mo 'yung hindi natin alam paano sasabihin sa kanya pero siya alam na pala ang totoo," pagsisimula ni Reese ng paksa. "Me too. Sobra akong kabado kung paano magpapaalam sa kanya. All along he already knew. Ayoko talaga siyang ipasama pero karapatan niyang makasama ang mga tunay niyang magulang." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahid ng kalungkutan sa boses nito. Hindi niya naman masisisi ito, ilang taon ba nito nakasama si Harold? Isinandal niya ang ulo sa balikat nito saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Wala naman problema kahit isang kamay lang ang gamitin

  • Makasalanang Mukha   Chapter 67

    PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO ay nakalabas na ng hospital si Pearl. Kasalukuyan ito tumuloy sa bahay ni Marlon upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa habang si Harold ay nanatili sa poder ni Hycent. Sa isang linggo rin na 'yun ay mas napadalas ang pagpunta ni Hycent sa bahay nina Reese upang makabonding ang anak niya na si Hira. Hindi pa sila pinayagan na lumabas dahil hindi pa maayos ang sitwasyon lalo na ang tungkol sa kanila ni Pearl. Wala man lumabas na eskandalo pero kasal siya sa mata nang maraming tao. Hindi naman nagbago ang turing niya kay Harold para sa kanya ay anak niya ito. Kung siya ang masusunod mas nanaisin niya manatili sa poder ang bata pero may mga tunay itong magulang na naghihintay. "Are you okay?" Napabalik sa sarili si Hycent sa tanong ni Reese na nasa tabi niya. Sandali niya itong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Patungo sila ngayon sa bahay ni Marlon upang ihatid si Harold na ilang araw nang hinahanap si Pearl. "I'm okay," tipid niyang s

  • Makasalanang Mukha   Chapter 66

    NABIGLA SI Reese nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Mahal."Napangiti na lang siya nang marinig ang boses nito. At kahit hindi ito magsalita ay alam naman niya kung sino lang ang yayakap sa kanya ng ganun. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga braso nito na nakayakap sa kanya. Narito sila sa may rooftop. "Tulog na ba si Hira?" tanong niya. Hindi na kasi humiwalay ang anak nila rito. Kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang gusto na makasama. Magtatampo na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Dalawang taon mahigit ang nasayang sa mga ito. "Oo. Sleeping beauty na ang ating prinsesa." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya."I'm sorry," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Sorry kung hindi ko agad ipinaalam sayo. Natatakot lang kasi ako na baka i-deny mo si Hira. Ni hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Dahil maging sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano ipapakilala," panimula niya saka siya huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba

  • Makasalanang Mukha   Chapter 65

    HINDI NA napakali si Reese habang tinatahak nila ang daan pauwi. Sobra ang kabang nararamdaman niya. "This is it," bulong niya sa sarili. Kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon ay baka matagalan pa 'yun. At baka sa iba pa malaman ni Hycent. Ayaw na niyang itago ang katotohanan rito. Kaya naman kahit natatakot siya ay pinilit niyang pinalakas ang loob upang aminin rito ang pinakaiingatan niyang sikreto."We're here." Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Hycent sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Are you okay, mahal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na mabilis niya naman binawi dahil alam niya na nanlalamig 'yun. "Mahal," masuyo nitong pagtawag sa kanya.Huminga siya nang malalim saka nilingon ang labas ng bintana. Nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Pumikit siya upang pakalmahin muli ang puso niyang nagsisimula na naman lamunin ng kaba. At hindi nakaligtas sa kanya ang matiim na titig ni Hycent na ipina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status