Mag-log inJacobWALA akong nagawa kundi sumunod sa kanila dahil sa pésteng scandal daw na ‘yon. Paano naging scandal ‘yon? Pero kahit na hindi naman explicit scandal ‘yon ay hindi pa rin magandang mapakinggang ng ibang tao at baka isipin nila ay napakamanyak ko.Hanggang sa makarating kami sa Dyosa Club na ‘yon ay hindi talaga maipinta ang mukha ko. Kung hindi lang talaga sila mga kaibigan ng kapatid ko baka talagang binaon ko na sila sa ilalim ng lupa.Matapos ko mag-park ay mabilis pa sila sa kidlat bumaba at tulad dati ay pinagbuksan pa ako ni Sammy. Ang bilis nakalipat ng môkong.“Smile naman diyan, Daddy Jacob.” Tinusok pa ni Sammy ang tagiliran ko pero isang matalim na tingin ang isinukli ko sa kanya. “Sabi ko nga, okay na ‘yan mukha mo,” pang-aasar niya pang sabi.“Burahin niyo na ‘yan,” utos ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Hindi man lang nila ako sinagot at tuloy-tuloy na pumasok. Tingnan mo talaga mga ugali. Katulad ng dati ay patay-sindi ang ilaw. Pero pansin ko na mas mar
Carel RainMABUTI na lang talaga at well train ako noon pa man kaya kahit nagulat ako sa aking nakita ay nagawa ko pa rin sumabay sa bawat galaw ng mga kasama ko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang titig na ‘yon. Titig na nakakapanghina ng mga tuhod.Nang matapos ang aming group performance ay mabilis akong bumalik sa backstage.“Okay ka lang? Infairness, magaling ang pinakita mo,” tanong at puri ni Rowena sa akin na hinawakan pa ako sa braso.“Ayos lang ako.”“Good job, girls. Good job, Rain, hindi halatang ngayon ka lang nagpraktis. Be ready, solo performance, next,” wika ni Mama Irene at pumalakpak pa. Gusto ko siya kausapin na kung pwede ‘wag na lang ako magsolo kaso nakalabas na siya. Nanghihina ako napaupo.Ano ang ginagawa niya rito? Bakit sa dinami-rami ng club ay talaga naman dito pa siya naligaw? Huminga ako nang malalim. Kailangan ko ikalma ang aking sarili at may solo dance pa ako gagawin.Makakaya ko kaya? Pwede bang umatras? Ginulo ko ang buhok ko saka wala sa sariling yumuk
Jacob “WELCOME back, Kuya,” masayang bati ni Clara sa akin na ikinatawa ko lang. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano kina Mommy at Daddy. “Welcome back, iho,” nakangiti ring wika ni Mommy Samara. She is my stepmother, mommy siya ni Clara at magkapatid lang kami sa ama. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring niya akong iba. She love and care for me like a real mom kaya napakaswerte ko talaga. “Thank you po, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka ako lumapit sa aking ama at yumakap din. Dalawang linggo lang ako nawala pero parang ilang taon na kung salubungin nila ako. “Nice to have you back, Jacob. Nasa hardin pa ang anak mo at busy sa paglalaro,” wika ni Daddy. “Hindi namin sinabi na uuwi ka na, kasi sabi mo i-surprise mo siya.” Napalingon ako Kay Clara sa sinabi niya. ‘Yon naman talaga ang plano ko ang umuwi ng walang nakakaalam kaso sira ulo talaga si Anthony, hindi magawang magtago ng sikreto sa asawa. “At huwag ka nang magalit sa asawa ko, mas maha
Carel Rain ANG bilis lumipas ng araw. Isang buwan na mula magtrabaho ako sa club at hindi ko talaga pinagsisihan ‘yon. Sobra akong nag-enjoy at naramdaman ko ang kalayaan. Walang kumokontrol sa kung ano ang dapat kong gawin. “Rain!” Napalingon ako kay Mama Irene nang marinig ko ang pagtawag niya. Kapapasok ko lang sa silid kung saan kami magbibihis. Kalahating oras na lang kasi ay magbubukas na ang club. “Bakit ho?” tanong ko saka ako humarap sa kanya. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa kanyang outfit kaya naman si Nyll ay sobrang tawang-tawa rin. Ako naman ay walang paghuhusga lalo at marunong siya magdala, sira lang talaga ang ulo ni Nyll. “Pwede ba kita makausap?” “Oo naman ho. Tungkol ho ba saan?” Magalang kong tanong. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha na para bang may problema. “Kailangan ko ng isang dancer. Na-injure si Kiana at hindi makakapasok ngayon. Hindi pwedeng kulang sila at darating ang big boss natin. Baka naman pwede ka muna mag-sideline na dancer—” “P
Carel Rain “AYOS KA LANG?”Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Ryder. Siya lang naman ang pumasok.“A-ayos lang ako,” nautal ko pang sagot. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko.“Sigurado ka? Para kang takot na takot, e. Iniisip mo ba ‘yong mga lalaki kanina? Huwag ka mag-alala, ban na mga ‘yon at hindi na makakapasok dito. Gusto mo ihatid kita mamaya para sigurado na hindi ka nila inaabangan sa labas,” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ryder pero ‘yon huling sinabi niya ay parang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.Paano kung inaabangan nga ako ng mga lalaki na ‘yon kanina? ‘Wag naman Sana.'“Huwag mo naman ako takutin.” Nahampas ko pa siya sa braso para lang pakalmahin ang sarili pero kabado bente na ako. Paano kung nakaabang nga sila sa akin? 'Oh my gosh!'“Ihahatid kita mamaya para sigurado. May kailangan ka ba dito? Baka kailangan ka na sa labas? Ako magyosi break lang.” Napatango na lang ako nang lagpasan na niya ako. Ayoko pa sana lumabas kaso baka hinahanap na
Jacob "WHERE are we going?" asar kong tanong sa kambal at kay Kenneth. Basta na lang nila ako sinundo sa bahay at sinabi na may importanteng pupuntahan. "Ewan ko kay Sammy," tugon ni Kenneth. "Bakit ako? Ikaw ang nagyaya, 'di ba?" sagot naman ni Sammy na katabi ni Samuel sa back seat. Ako na nga ang hinila nila tapos ako pa pinagmaneho at kotse ko pa. Para daw tipid sa gas. Mga hayop talaga! Hindi na mahirap malaman kung sino si Sammy at Samuel dahil may pagkakaiba na ang kanilang mga itsura. Samuel has this cherry red highlight on his black hair while Sammy is still black. Kambal kasi sila at dati talagang magkamukha, mabuti na lang talaga dahil ayoko problemahin pa kung sino si ano. "FVcking shut up!" asik ko sa kanila at kanina pa ako naiinis. "Hala, galit na si Daddy Jacob mukhang kulang talaga siya sa vitamin S," sabi ni Sammy at sabay-sabay silang tumawa. Kung hindi lang kotse ko ang gamit namin ay sigurado na kanina ko pa binangga 'to. Nakakairita sila. Humigpit ang hawak







