Share

Chapter 10

Eana Beatrix

Ilang oras na nakaalis ang lalaking nagngangalang Juancho. Iyong lalaking naglahad na gusto niya raw ako.

Nahihibang ba siya? Bukod sa kaniyang pangalan ay wala na akong ibang alam tungkol sa kaniya. Binibiro lang naman niya siguro ako 'di ba?

Kung gusto niya talaga ako, bakit ngayon lang siya ulit nagpakita? Hindi ba dapat kinabukasan din niya ako hinanap? Teka nga, bakit parang ang assuming ko naman yata sa parte na iyon?

At ang ngiti na naman na iniwan niya sa akin kanina! Parang gusto ko siyang hilahin pabalik at pangitiin na lang siya magdamag! Hay nako, 'bat parang ako naman yata itong nababaliw?!

Napailing na lang ako at lumabas na sa banyo. Nadatnan kong nagbibilang si Mama ng mga pera na kinita namin kaninang hapon sa pagtinda.

Ang dalawang bata naman ay nasa sala at kasalukuyang kumakain ng turon at lumpia na ibinukod ni Mama para may meryenda kami.

Tuluyan akong umupo sa tabi niya para mat

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status