Share

Chapter 29

Eana Beatrix

“You sure you’ll be okay here?” wika ni Juancho matapos namin makapasok sa opisina ng shop ni Vera.

“Ang kulit mo, sinabi ko nang ayos lang ako rito. Sige na, pwede ka nang umalis,” pagtataboy ko sa kaniya.

Natawa ako sa nakasimangot nitong mukha. Kanina pa siya ganito mula sa bahay at maihatid namin ang dalawa sa eskwelahan hanggang ngayon, hindi pa rin nababago.

“Ano bang problema mo?” kunyaring sabi ko.

“Tss. I told you, ayokong pumunta roon, it’s just a meeting, babe. Kaya na nila iyon.”

“Juancho, ‘di ba nga sabi mo isa ka sa mga stockholders? Edi um-attend ka ng monthly meeting, sigurado akong hinihintay ka na ng Daddy mo at ng pinsan mo.”

Sa huli, labag man sa kaniyang loob na iwan ako wala naman siyang nagawa kundi sundin ako.

Napabuntong-hininga siya ng lumapit sa akin at kapagkunway yumakap sa akin. Humalik siya ng tatlong beses sa aking noo na naging dahilan upang mapapikit ako na m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status