Share

Chapter 5 - Do not open, it will explode

“Maghintay ka lang, darating din ang panahon na matututo akong magluto ngunit sa araw na dumating yun, sigurado akong hindi mo matitikman ang higit na masarap kong luto dahil hiwalay na tayo ng araw na iyon,” bulong ni Steph na nag-eenjoy sa paghihiwa ng mga gulay, binilisan niya ang paghiwa ng gulay na parang isang bihasa na sa paghihiwa hanggang sa hindi inaasahang mahiwa niya ng talim ang kanyang daliri.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya na nag-alarma kay Caspian na kasalukuyang okupado sa pagtanggap ng parcel sa delivery man. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kusina pagkatapos matanggap ang parcel upang alamin ang kalagayan ng asawa. 

"Anong nangyari sa iyo?" Alalang tanong nito habang hinahabol ang hininga, nilingon siya ni Steph at pinakita ang dumudugo nitong hintuturo.

"I cut my finger," sumbong nito na pinipilit palakasin ang loob at hwag umiyak sa harap ng asawa.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status